A Lovely Bride For Robert

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


“GANITONG-GANITO ang na-imagine ko no’ng huli kitang ayusan, Besille.”
Tiningnan niya sa harap ng malaking salamin ang humahanga at may pagmamalaking tingin ni Eppie. Ito na naman ang kanyang hair and makeup artist.
Suot niya ang isang strapless gown na gawa sa pure white satin, embellished with rhinestones, silver-white beads and pearls. Hawak niya ang mabangong bouquet ng mapuputing rosal na pinagtiyagaang gawin ng kanyang ina.
Hindi pa rin matanggap ng mommy niya na magpapakasal na sila ni Robert. Wala nga lang itong magawa dahil ibinigay na ng daddy niya ang basbas sa kanila.
“Nasa peak form na ang pagkakahulma ng bone structure mo kaya bagay na bagay sa iyo ang bare shoulders.” Pumalatak pa si Eppie. “Manghihinayang sa iyo ang designers. Hindi ka nakapag-model sa kanila bago ka man lang nag-asawa.”
“Hayaan mo, Eppie. Sasabihin ko kay Robert na dagdagan ang tf mo. Gagawin pa kitang president ng fans club ko,” tumatawang biro niya.
Kay lakas ng tawa nito. “Gusto ko ‘yan. I mean, ‘yong dagdagan ang tf ko.”
Sumungaw sa pintuan ang mukha ng kanyang ina. “Aba, Besille, bumaba ka na at kanina pa naiinip ang daddy mo.”
Itinakip muna ni Eppie sa kanyang mukha ang puting gossamer veil bago sila lumabas.

NARINIG kaagad ni Besille ang intro ng kantang Ikaw pagbaba pa lang niya sa sinakyang bridal car. Nang magsimula nang magmartsa ang kanyang entourage, pumailanlang sa lahat ng panig ng simbahan ang boses ng nag-iisang singer na may kakayahang magpakabog ng dibdib niya sa awit man o sa simpleng salita.
Kahit nakakaramdam siya ng kaba, sinikap niyang itulak palayo sa isip ang lahat ng takot. Ilang sandali na lang at ikakasal na sila. Wala nang makahahadlang doon. Wala nang distansiya na maghihiwalay sa kanilang dalawa ng kanyang groom.
Bigay-todo kaagad ang ngiti ni Besille nang matanaw si Robert malapit sa altar. Guwapong-guwapo itong tingnan sa suot na piña barong. Naka-headset na naman ito at maemosyong nakatingin sa kanya habang kumakanta.
Sila na ng kanyang mga magulang ang sumunod na naglakad sa gitna ng isle. Walang kahit katiting na pagkaasiwa siyang nararamdaman. Wala rin siyang pakialam kung ang tingin sa kanya ng mga tao ay humahanga o naghahanap ng pintas sa kanyang ayos. She just glided her way through the isle.
Oo at nanlalamig ang mga kamay niya sa antisipasyon, puno naman ng confidence at pagmamalaki na tinahak niya ang kahabaan ng simbahan habang nakapako ang tingin sa guwapo at simpatiko niyang groom.
Hustong iniabot siya ng kanyang ama kay Robert ay natapos ang pagkanta nito. Ikinawit niya ang kamay sa braso ni Robert habang inaalis naman ng isang kamay nito ang headset at iniabot sa taong hindi na niya inalam kung sino.
Nagdaop ang kanilang mga kamay. Tulad niya ay nanlalamig din ang palad nito. Pinisil nito ang palad niya na parang nakatagpo doon ng lakas. Hinigpitan naman niya ang kapit dito para makaamot ng tatag para sa nararamdaman niyang kaba.
Nagpatuloy ang seremonya ng kasal. Bawat bahagi ay tumatak sa puso at isip ni Besille. Alam niyang ganoon din kay Robert na seryoso sa pakikinig. Kung puwede lang ay hilahin na niya ang mga sandali para matapos na ang kasal. Sa wakas ay narinig niya ang huling pangungusap ng pari. “I now pronounce you man and wife.”
Hindi pa ito tapos magsalita ay itinataas na ni Robert ang kanyang belo. Isang mainit at masuyong halik ang iginawad nito sa kanya. Na agad ding natapos dahil pumunit sa apat na sulok ng simbahan ang malakas na palahaw.
Naglingunan silang lahat sa pinagmumulan ng malakas na iyak. Mommy niya pala ang salarin. Nakasubsob ito sa dibdib ng daddy niya na isip mo namatayan. Ganoon na lang ang pagpipigil nila ni Robert na humagalpak ng tawa. Lalo pa nga at napansin niya na naiiyak na rin ang biyenan niyang babae. Ang magbalae lang yata sa mga taong naroon ang hindi nasiyahan sa pag-iisang dibdib nila ni Robert. Samantalang si Lola Eufemia ay abot-tainga ang ngiti.
Masaya din si Besille na makitang ganoon kasaya ang matanda. Kahit hindi nito sabihin, nararamdaman niya na boto si Lola Eufemia sa kanya para kay Robert. May pagkakataon lang noon na nagselos ito sa ibinibigay na pansin sa kanya ng kanyang groom. Pero mula noon hanggang ngayon, dama niya ang pagmamahal sa kanya ni Lola Eufemia.
Humahakbang na sila ni Robert pababa nang biglang umalingawngaw ang malakas na pagsabog.
“Robert!” sigaw ni Besille.
Napuno ng usok at alikabok ang buong simbahan.
“I’m here, sweetheart. Katabi mo lang ako.”
Nang maging malinaw na sa mga mata niya ang paligid, sila na lang ni Robert ang nakatayo roon. Wala na ang isa man sa mga taong sumaksi sa kanilang kasal…!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro