4. Hot Topic

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

“Sa 'yo ang yate na 'yan?” tanong ni Reina kay Linus.

Nasa Subic Bay Yacht Club na sila. Dinala siya nito sa pier kung saan nakadaong ang isang forty feet sailboat na may pangalang Agean.

“Oo. Maliit nga lang pero ito ang unang property na nabili ko from my own labor.”

Isang tripulante na nagngangalang “Rante” ang tumulong para makalipat sila sa sailboat. Inalalayan naman siya ni Linus sa pagsakay roon. Ilang saglit pa at inaalis na ng crew ang angkla ng yate. Dinala siya ni Linus sa deck sa ibaba.

“Madalas kami rito noon ni Katrina lalo na kapag summer. Minsan, dito kami nag-i-spend ng weekend. Nakakarating kami sa Palawan, sa Calapan, sa Marinduque.”

Nabawasan ang sayang nadarama niya sa pagbanggit nito sa nobya. Parang may maliit na kurot sa puso niya. Parang naghatid iyon sa kanya sa realidad na ang nobya pa rin nito ay si Katrina at siya ay isang kaibigan lamang.

Dalawa ang cabin ng lower deck. Ang isa ay mas maliit at may double deck na kama. Ang isa naman ay mas malaki at may king-sized bed pa. Kapwa maayos at maganda ang interior ng dalawang cabin. May pagka-avant-garde pa nga ang disenyo at furnishings ng mas malaking silid.

“Si Katrina ang bumili at nagpa-preserve niyan sa ilang natives nang magpunta kami sa Marinduque,” imporma sa kanya ni Linus nang mapuna nitong hinaplos niya ang pangil ng isang baboy-ramo na naka-mount sa isang malaking metal frame. Nakadikit ang frame sa isang panig ng dingding ng malaking cabin. “Minsan talaga, may pagka-weird ang taste ng isang 'yon lalo na sa interior decoration.”

“Gusto mo ba ang pagkakalagay nito rito?” tanong niya na ang tinutukoy ay ang ulo ng baboy-ramo.

Tumingin ito sa dingding at pagkatapos ay pinagalaw ang mga balikat. “I don’t mind it.”

Hindi niang siya nagkomento pa. Mahal nga talaga nito si Katrina. Kahit nararamdaman niya na hindi nito gusto ang interior decoration ng cabin, tinanggap na lang ni Linus. Dahil marahil iyon ang gusto ng nobya nito ay pinagtiisan na lang nito.

Pagkatapos doon dinala naman siya nito sa kitchen. Maliit lang iyon. May cupboards sa ibaba at itaas at may isang malaking refrigerator sa isang tabi.

“Magpalamig muna tayo,” anito. “Pasensiya ka na, pulos nakalata ang juices namin dito. What would you have? Mango? Lychee, Pineapple—”

“Let me,” agaw niya rito. “Ako na lang ang magpe-prepare. Maupo ka na lang diyan at kunwari, isa kang prinsipe ngayong araw na ito na pinagsisilbihan,” pabirong sabi niya, saka ngumiti.

Natatawang pinagalaw lang nito ang mga balikat at isinenyas ng mga kga siya ang bahala.

“What would you have? Er— let me guess. I think it’s lychee, right?”

Bahagyang nanlaki ang mga mata nito. “Paano mo nahulaan na paborito ko 'yon?”

Siya naman ang nagkibit ng mga balikat. Hindi niya alam. Naisip lang niya na hindi ordinaryo ang gusto nito kaya iyon ang sinabi niya.

Naglabas siya ng dalawang latang lychee juice mula sa refrigerator. Nakakita rin siya ng hurno ng cake doon na wala pang bawas. Syrupy ang ibabaw niyon. Ayon kay Linus ay ‘banana tres leche’ ang pangalan niyon na nilagyan ng mango compote.

“Dati, ako lagi ang tagahanda ng pagkain namin ni Katrina. Gustung-gusto n’on na naglalambing sa akin na pagsilbihan ko siya.”

Idinaan lang niya sa ngiti ang kurot na iyon sa puso niya.

Masarap sana ang lasa ng base ng cake. Masarap din ang compote. Ngunit hindi niya gusto ang lasa ng kombinasyon niyon. “Niluto lang ba ang cake ng crew mo?”

“Oo. Magaling magluto ng cake si Rante.”.

Hindi naman siya kokontra doon. Hindi lang yata tugma ang cake at ang mango compote na pinagsama nito.

“Recipe ni Katrina ang cake na ito. Siya ang nagturo nito kay Rante. Paminsan-minsan, lalo na kung alam ni Rante na pupunta ako rito, nagluluto siya ng ganito.”

Muli, hindi na naman siya nagkomento. Kumbinsido na siya kung gaano kamahal ni Linus si Katrina. And, God, how could I compete with that? Saan man yata ako bumaling sa lugar na ito, wala nga si Katrina  parang narito pa rin siya.

“May sinasabi ka ba, Reina?”

“Ha? W-wala, wala.”

“Bigla ka kasing natahimik pero nakita kong bumubuka ang bibig mo. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo lang. Feel free to say so.”

“Naisip ko lang, gaano katagal na kayo ni Katrina?”

“Almost three years.”

“Matagal na rin pala.”

Ngumiti ito. Ngiting parang may lungkot. “Oo nga. Nasa college pa siya nang ligawan ko noon. Nagpaplano na nga kaming pakasal. Kaya lang, 'yon... umalis siya.”

If I can’t beat you, then I’ll join you. Sige, dagdagan mo pa ang mga kurot sa puso ko. Pag-usapan pa natin si Katrina. Pati mga plano n’yong dalawa, sige, i-discuss natin. Sa isip lang naman niya kayang sabihin iyon. Iba ang binigkas ng bibig niya. “Paano kung hindi na siya bumalik?”

“I’m sure babalik siya. Kahit gaano katagal pa siyang mag-stay roon, I’m sure, uuwi rin siya ng Pilipinas.”

“Obviously, you miss her so much. Ano ang tungkol sa kanya na lagi mong naaalala?”

“Well, with Kat, no one can be sure of anything. Minsan, ganito ang gusto niya, pero mayamaya lang, mag-iiba na naman. Medyo magulo ang utak ng babaeng 'yon. Noong kami pa, madalas niya akong guluhin. Madalas niya akong inisin pero kapag alam niyang totoong inis na ako, aamuin naman niya ako. Para siyang bata.”

Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang pantukoy na ginamit nito. “Noong kami pa.” Ibig bang sabihin niyon break na ang dalawa?

Nang mga sandaling iyon, gustong kumawala ng pag-asa sa dibdib ni Reina. Wala na nga bang relasyon ang mga ito? Magkakapag-asa na yata siya kay Linus.

“Ngayon ba, break na kayo?” lakas-loob na tanong niya.

“Parang gano’n na nga. Hindi naging maganda ang paghihiwalay namin noon. Nagalit ako na bigla na lang siyang nag-decide na mangibang-bansa at mag-aral doon. 'Tapos, naghamon siya ng breakup. I dared her. Hindi ko naman akalain na gano’n lang niya ako kadaling igi-give up. I mean, hindi man lang siya nag-try na i-defend ang relasyon namin and talk to me into letting her go for a while. Maiintindihan ko naman siguro siya kung sinubukan niya. Pero hindi nga niya ginawa, so...”

Hinaplos ng awa ang puso niya. Sa kabila ng maraming buwan na rin ang nakalipas mula nang umalis si Katrina ay narito ito at nananatili pa ring nagmamahal sa dalaga. “Baka naman kailangan lang niya ng space. Baka kapag bumalik siya, okay na uli kayo.”

Kibit ng mga balikat ang naging tugon ni Linus.

Nagyaya ito sa itaas ng deck pagkatapos nilang mag-merienda.

Maganda ang view sa labas. Payapa ang dagat kaya patag ang takbo nila. Parang napakalaya ng pakiramdam niya habang humahampas sa mukha niya ang malayang hangin.

Masaya siya na katabi lang si Linus na nakatayo roon. Nakahawak ang kanilang mga kamay sa barandilya ng upper deck. Hindi man sila makapag-usap dahil sa ingay ng motor at lakas ng hangin ay ayos lang sa kanya. Mabuti nga iyon, hindi nila mapag-uusapan si Katrina.

Ngunit habang naroon siya sa tabi ni Linus, hindi mawala sa isip niya na dati ay si Katrina ang nakatayo sa mismong kinatatayuan niya nang mga sandaling iyon.

MAY DALAWANG oras ding naglayag sina Linus at Reina bago sila huminto malapit sa dalampasigan ng isang malaking beach. Sa tingin niya ay isang resort iyon batay na rin sa gusaling nakatayo at mga cottages na nakakalat sa kahabaan ng baybayin.

“Anong lugar ito?” tanong niya kay Linus.

“Batangas. ‘Oro Beach Resort’ ang pangalan nito. Kung gusto mong bumaba tayo sa beach, ilalapag ng crew ang rubber boat para makapunta tayo sa katihan. Kung gusto mo naman, mag-swimming na tayo rito.”

“Kahit ano sa dalawa ang gusto mo, okay lang sa akin.”

Ngumiti ito sa kanya. “Ang gaan mo talagang kasama. I have yet to see you push yourself. Lagi mo na lang ibinibigay sa akin ang choice.”

Ngiti lang at kibit ng mga balikat ang nagawa niyang isagot. Masaya kasi siya. Kahit siguro ang hindi pagpansin sa kanya nito bilang babae ay ayos na sa kanya. Ang mahalaga ay gusto nito ang ilang nakikita sa kanya. Ang mahalaga ay malapit na sa kanya ito kahit papaano.

May baon siyang swimsuit kaya nang magpasya si Linus na maligo na lang sila ay sumang-ayon siya. Ito pa ang nagprisintang maglagay ng sunblock lotion sa lugar na hindi niya kayang abutin.

Nang umabot na ang pag-a-apply nito ng lotion sa ibaba ng kanyang likod, napalayo siyang bigla rito.

“Bakit?”

“Eh, ano kasi... k-kasi may kiliti pala ako do’n.”

Napangisi ito. “Ang akala ko pa naman, hindi ka man lang naaapektuhan sa haplos ko.”

Napamaang siya rito.

“All right, I’m sorry, Reina. Hindi ko dapat ginawa 'yon,” bawi nito. “I admit, na-tempt ako na gawing provocative ang paghaplos sa likod mo.”

Hindi pa rin siya makabawi. Parang mas nabigla siya na inamin nito ang kapangahasan kaysa sa pagkakiliti niya kanina.

“Inaamin kong mali ako ro’n. I’m really sorry. Dapat, naisip ko na hindi ka ganoon klase ng babae. Now, huwag sanang maging dahilan 'yon para magalit ka sa akin o mailang. Ikalulungkot ko 'yon.”

Ngunit nalulungkot na siya. Patunay lang iyon na hindi lang si Katrina ang nakikisalo sa intimacy nito. Marahil ay may iba pang babae. Mga babae for that matter.

Naisuklay nito ang mga daliri sa buhok. “Bust! I shouldn’t have done that. Ang ganda pa naman ng treatment mo sa akin mula pa noong una, 'tapos, ganito pa ang naiganti ko sa 'yo,” parang sising-sisi na sabi nito.

“Kalimutan na lang natin 'yon,” sabi tuloy niya. Ayaw niyang masira ang kanilang pagre-relax. “Nag-sorry ka na, tama na 'yon.”

Saka pa lamang ito parang nakahinga. Naligo na sila.

Habang nakalutang sila sa malinaw na tubig ay hindi ito lumalayo sa kanya. Kahit lumangoy siya palayo, pirming nakasunod ito. Parang natatakot itong makalayo siya.

Hindi siya nag-usisa kung bakit. May kalaliman ang kinalalagyan nila. Natatakot lang marahil ito na pulikatin siya o malunod kaya.

“Siguro, marami ka laging kasama sa yate mo kapag nagse-sailing ka,” aniya habang nagpapahinga sila sa paglangoy. Tanging ang mga paa lamang nila ang gumagalaw sa ilalim ng tubig upang manatili silang nakalutang.

“Oo, minsan.”

“Mga kaibigan mo?”

“Yeah. Sometimes I bring along my friends during summer.”

“Friends, as in girls?”

Tumawa ito. “I admit I was way out of line earlier. Pero, Reina, isa lang ang matitiyak ko sa 'yo. Si Katrina lang ang babaeng naisakay ko rito bukod sa 'yo. Hindi naman ako babaero. At lalong hindi ako manyakis. 'Yong nangyari kanina, na-tempt lang talaga ako. Ang ganda mo kasi. Ang ganda ng hubog ng katawan mo. You got very delectable skin. At hindi naman ako santo, so...”

Nag-init ang mukha niya sa kaprangkahan nito.

Nagkumahog na naman itong magpaliwanag. “Pero hindi na ako gagawa ng kahit anong ikaiilang mo habang narito tayo sa yate. Hindi na ako magte-take advantage. Promise ko 'yan.”

Ngumiti siya. “Naniniwala naman ako.” Sapat na sa kanyang malaman na sa tingin nito physically attractive siya. Kahit may feelings siya rito wala naman siyang balak na akitin ito.

Kapag dumating ang pagkakataon na magkagusto ito sa kanya ay mabuti. Ngunit hindi siya gagawa ng paraan tulad ng pang-aakit dito para lang makuha niya ito.

Importante pa rin ang puso sa kanya.     

May isang oras na silang naglulunoy sa tubig nang yayain siya nitong umahon muna. Dinalhan sila ng Coke in can at pistachio nuts ni Rante sa upper deck.

“Kung a-apply-an ko ba uli ng sunblock lotion ang likod mo, pagtitiwalaan mo pa ako na hindi ko na gagawin 'yong kanina?” walang kaabug-abog na tanong nito nang maubos nila ang kanilang refreshment.    

“Kapag ba hindi ako nakiliti, ibig bang sabihin n’on walang malisya ang pagpapahid mo?”

Saglit na napamaang ito, saka tumawa. “Don’t tell me na hindi pa ginawa 'yon sa 'yo ng naging boyfriend mo? Na hindi pa niya nahawakan ang likod mo?”

Alanganin ang ngiting sumagot si Reina. “Hindi pa nga. Wala naman kasing hahawak. Wala pa naman akong nagiging serious boyfriend.”

Minsan lang kasi siyang sumubok na mag-boyfriend. Noong nasa kolehiyo pa siya. Ngunit nasa getting-to-know period pa lang sila nang malaman kaagad niya na may iba pa pala itong girlfriend bukod sa kanya. Kaya nakipag-break kaagad siya.

“Besides, hindi naman por que boyfriend ko na ang isang lalaki, kailangang magkaroon kaagad kami ng physical intimacy. Sabi ni Mommy sa akin, mali raw 'yon. Dapat daw, mangyari lang 'yon kapag asawa ko na ang boyfriend ko.”

Napapatango si Linud at napapangiti habang nagsasalita siya. Naglagay ito ng lotion sa kamay at pinahiran siya sa kanyang likod nang walang sabi-sabi. Mabilis ang naging kilos nito kaya hindi na niya nakuhang makiliti kahit ang magprotesta. “Hindi na uso ang sinasabi mo. Pero kung mapangangatawanan mo 'yan  mapapahanga mo ako lalo.”

“Ang sabi ro’n sa isang nabasa ko, hindi raw dapat binababaan ang standard ng isang dalaga tungkol sa physical relationship nila ng boyfriend niya. Kasi daw, dapat na manatili na kapana-panabik siya hanggang sa first wedding night nila ng mapapangasawa niya. Wala na raw thrill kapag na-consummate kaagad ang marriage.”

“Maybe.” Iniabot nito sa kanya ang bote ng sunblock lotion.

Napilitan na siyang apply-an ng lotion ang likod nito. Napakalapad ng katawan nito at matigas ang mga kalamnan niyon. Halatang alaga sa gym. Hindi niya masisisi ito kung natukso itong mag-take advantage habang pinapahiran siya ng lotion sa likod. Siya man ay parang nate-tempt din na damhin at pisilin ang matitigas na muscles nito. Minadali rin niya ang pagpapahid dito ng lotion. “Naniniwala ako sa nabasa kong 'yon. Parang gano’n din 'yong sinabi sa akin ni Mommy. Ikaw ba, hindi?”

“Well, sabi ko nga, kung mapangangatawanan mo ang paniniwala mong 'yan, well and good. Pero para sa akin, mas satisfying kapag na-explore na ng isang babae at isang lalaki ang area na 'yon.”

Mali yata na napunta roon ang topic nila. Parang nakadama siya ng hiya.

“Ikaw ba, hindi ka naku-curious?”

Lalo siyang nahiya nang makita ang smug at tila nanunudyong ngiti nito. “Changed topic na nga tayo,” sabi na lang niya.

“Sandali, huwag naman. Ngayon pa nga lang mas nagiging interesting ang topic, eh. Sagutin mo muna ang tanong ko, hindi ka ba na-curious before na malaman at ma-experience ang area na 'yon?”

Napaisip siya. Ang totoo, nakakaramdam lang siya ng curiosity kapag nakakapanood siya ng isang romantic film o nakakakita siya ng pareha na magkayakap at naghahalikan. “Siyempre curious din ako.”

“O, 'kita mo na? Eh, bakit maghihintay ka pa na magkaasawa ka, bago mo ma-experience ang tingling sensations habang ginagawa ng isang couple ang physical element ng isang relasyon?”

“Dahil mas may thrill nga raw kapag naghintay ng right time, which is the first honeymoon night. At saka dahil 'yon ang tama. Ikaw ba, ayaw mong maging tama ang panahon para maranasan ang physical element ng isang relasyon?”

Kay lakas ng naging tawa nito. Tiningnan tuloy niya ito nang masama. “I’m sorry, Reina. Hindi ko naman gustong ma-offend ka sa akin. Kaya lang, maraming beses ko nang naranasan ang sinasabi mong physical element ng isang relasyon. At ang mga nakakapareha ko ay sobrang willing para i-explore 'yon. In fact, mas mahusay pa sa akin ang iba sa kanila. And I tell you the truth, pare-pareho lang ang feeling sa bawat encounter.”

“Yuck!”

Tumawa na naman ito sa kung anong nakitang ekspresyon sa mukha niya.

“Gusto mo ba ang gano’n sa mapapangasawa mo? Gusto mo bang experienced na siya at wala ka nang idi-discover pa sa physical element ng relasyon n’yo?”

Saglit na napaisip ito. “Well... siguro gusto kong maging magaling siya pero gusto kong sa akin siya matuto at hindi sa ibang lalaki.”

Umasim ang mukha niya.

“Bakit?”

“Kahit kailan talaga, may double standard pagdating sa inyong mga lalaki. To put it crudely, gusto n’yo ng mga babaeng magaling sa kama as long as there’s no commitment, bed partners lang sila at hindi asawa. Pero kung asawa n’yo, gusto n’yo, kayo ang nakauna sa kanya. Tama ba ako?”

Tumawa na naman ito. “Eh, gano’n talaga ang kalakaran ng mundo.”

“Which is so disappointing, especially coming from you.”

Pinagalaw lang nito ang mga balikat bilang pambabale-wala sa pagkadisgusto niya. “Pero halimbawang mag-aasawa ka na, gusto mo ba ng isang katulad ko na magaling na bed partner o ng isang first timer na walang alam at hindi marunong magpaligaya ng babae sa kama?”

Nakaka-embarrass ang pinag-uusapan nila ngunit hindi niya magawang tumigil. “Ewan ko. Basta ang alam ko, instinct na sa tao ang bagay na 'yan. hindi na kailangang pag-aralan at kumuha ng experience sa iba. Parang mas dagdag siguro na thrill kung pareho kaming inosente ng partner ko.”

Natawa na naman ito. “Ikaw na lang siguro ang nananatiling inosente. Dahil wala nang inosenteng lalaki sa panahon ngayon. And I can’t believe we are having this kind of conversation. Kung ibang babae lang ang kasama ko ngayon, iba na ang tutuluyan ng usapang ito.”

Para na namang umakyat ang lahat ng dugo sa mukha niya. Lalo tuloy naaliw si Linus. Bumalik na lang siya sa tubig upang maputol na ang topic nila.


....................

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro