11. Perfect Honeymoon

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


LUMIPAS pa ang mga buwan, nagpatuloy lang ang buhay para kay Andrea. Isang buhay na nawalan na ng kulay. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na magkikita pa sila ni Quin. Ngunit sa pagdaan ng mga araw natutuhan niyang isantabi na lang. Dahil habang patuloy siyang umaasa, parang lalong nagiging suntok sa buwan na magpakita pa si Quin.

Hanggang isang araw tinawagan siya ni Dondi. Mayroon daw itong sorpresa sa kanya.

“Anong sorpresa?” kulang sa interes na tanong niya sa kaibigan.

“A surprise courtesy of the internet,” enigmatic na sagot lang nito.

Nagduda kaagad si Andrea sa sinabi nito. “Naku, Dondi, baka inilagay mo na naman ang pangalan ko sa mga agency ng mail-order brides, ha? Tigilan mo na ako, please lang. Wala akong panahong makipaglokohan sa mga ganyan.”

“Ang sungit naman nito. I’m sure, matutuwa ka sa surprise ko. Basta mag-wait ka lang, okay?”

Ipinagwalang-bahala lang niya ang sinabi ni Dondi.    

Ilang linggo pagkatapos niyon, isang araw na pumasok siya sa opisina, nagtataka siya kung bakit pinagtitinginan siya ng kanyang mga kaopisina. Na inignora lang niya. Wala namang nabago sa ayos niya. Naka-office uniform pa rin siya. At iyon pa ring paborito niyang barette ang ipinang-ipit niya sa buhok.

Ilang saglit pa at lulong na siya sa pagiging abala sa trabaho. Lampas-alas-dose nang tawagan siya sa intercom ng department head nila. Iwan na raw niya ang kanyang trabaho at mag-lunch break na siya. And that she could take the rest of the day off. “That’s an order,” tila pabiro pang sabi nito. Bago siya makapagtanong ay hinatak na siya ng isa niyang kaopisina. Kumain na raw sila.

Ipinagtaka niya iyon. Sa buong panahon ng paglilingkod niya sa kompanya, noon pa lang siya inutusan ng boss na kumain siya ng tanghalian at umuwi na pagkatapos.

Tatanungin sana niya ang kaopisinang nanghatak sa kanya ngunit hindi pa man sila nakakarating sa elevator ay iniwan na siya nito. Mauna na raw siya sa canteen at susunod na lang ito. May kakausapin pa raw ito sa kabilang department.

Napailing na lang siya. Ang daming kakaiba nang araw na iyon. Na nadagdagan pa nang pumasok siya sa elevator at may iniabot na card ang operator sa kanya. Nagtatakang binuksan niya ang card. Computer-printed iyon. Nakasulat doon na dumiretso raw siya sa basement parking. Pirmado ang card ng boss niya. 

Kung hindi lang babae ang boss niya at may mga anak pa ay mag-iisip na siya nang hindi maganda.  

Pagtuntong pa lang sa basement sa labas ng elevator ay nakakita na siya ng mga nakasabog na petals ng rosas sa pavement na nakalinya. Para iyong isang mahabang pila. Curious na sinundan niya ang linya ng mga rose petals. Nagtapos ang linya sa tapat ng isang kotse. Kotse 'to ni Dondi, ah.

Noon bumukas ang passenger side ng kotse at sumungaw ang ulo ng kaibigan niya. “Ano pa’ng hinihintay mo riyan, Cinderella? Sumakay ka na sa karwahe mo.”

“Dondi, ano na naman bang kalokohan ito?”

“Hindi ito kalokohan. Nagbabayad lang ako ng utang.”

Kunot-noong tiningnan niya ito. “Utang?”

“Saka ko na nga lang ie-explain. Kailangan na nating makaalis dito.” Pinaandar na nga nito ang kotse.

“Kinuntsaba mo pa ang boss ko. Ano bang nakain mo para gawin ito?”

“Mamaya ka na nga magtanong. Baka makalampas tayo.”

“Bakit, saan ba tayo pupunta?”
Hindi siya sinagot nito. Nag-concentrate lang ito sa pagmamaneho. Panay ang sulyap nito sa dakong kanan nila.

Hindi pa sila nagtatagal sa daan ay iniliko na nito ang kotse sa entrance ng isang restaurant. Ilang beses na siyang nakakain sa restaurant na iyon. Nadala na siya roon nina Quin at Salvador sa magkakaibang pagkakataon. “Dito mo ba ako iti-treat?” usisa niya kay Dondi.

“Ako ang iti-treat n’yo. Pero later na 'yon. Sige na, bumaba ka na.” Parang mali yata ang pantukoy na ginamit nito.

Pagbaba niya ay nakakita na naman siya ng nakasabog na rose petals sa sahig. Nakahanay ang mga iyon patungo sa entrance door ng kainan. Fascinated na sinundan niya ang linya. Nang makapasok naman siya roon, sinalubong siya ng isang unipormadong waiter at ng nagpakilalang manager ng kainan. Iginiya siya ng mga ito sa dulo ng linya ng mga rose petals.

Isang enclosed section iyon ng restaurant. Iisa lang ang mesa roon, nasa gitna. Puno na ng mga natatakpang pagkain ang mesa. May dalawang magkatapat na silya roon. Iginala niya ang tingin ngunit walang tao roon maliban sa kanila ng dalawang musikero. Ang isa ay tumutugtog sa grand piano at ang isa naman ay sa saxophone. Ang paligid ng restaurant section ay puno ng naka-arrange na iba’t ibang uri ng mga bulaklak.

Kumakabog ang dibdib niya na hindi niya mawari. Hindi pa siya nagtatagal na nakaupo sa silya nang may mga kamay na tumakip sa mga mata niya.
Lalo siyang kinabahan. Parang maiiyak siya sa pagdagsa ng pag-asa sa dibdib niya. Pag-asa na sa pagdaan ng maraming buwan ay unti-unti nang pumupusyaw. Oh, God! Am I dreaming?

Tumayo siya nang marahan at humakbang palayo sa mesa. Hindi pa rin naaalis ang mga kamay na nakatakip sa kanyang mga mata. Isa man sa kanila ng may-ari ng kamay ay hindi nagsasalita.

“Y-you are close enough to touch...” aniya at maingat na ipinatong ang kanyang mga palad sa mga kamay na nasa mga mata niya. “I can only touch you in my dreams. And they are not close enough...”

“Yeah... I am closer now,” sabi ng tinig na halos pabulong. Ang tinig na gagawin niya ang lahat marinig lang niya muli. “I won’t be hurt anymore by the thousands of miles that separated us before... I’ve been through hell and back.” Sa pagkakataong iyon ay inalis na nito ang mga kamay na nakatakip sa mga mata niya at sa isang mabilis-maingat na kilos ay yakap na siya ni Quin paharap dito. “And I still long for you, Andrea. I still long to be able to stare in your eyes. Those expressive eyes that say you still love me as much as I still love you...”

Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya sa paglukob ng kaligayahan. Pero  dahil labis-labis yata ang kaligayahang iyon kaya hindi na umalpas pa ang mga luha niya.

Sinalubong niya ang bibig nito nang pagpantayin nito ang kanilang mga mukha. And the kiss they shared was like a fusion of a thousand colorful crystals melting into one great light.

“Mahal na mahal kita, Andrea...” wika ni Quin nang magkalas sila. “Ang akala ko noon, hindi totoo ang ganitong klaseng pagmamahal. But then I saw you... fell for you... and everything was never been the same again.”

“Mahal din kita, Quin. Mahal na mahal kita kaya nagawa kong maghintay kahit hopeless nang gawin pa 'yon.”

Dinampian uli nito ng magaang na halik ang mga labi niya. “I’m glad you held on. Ang akala ko, tatanda na ako nang nag-iisa sa buhay. Mabuti na lang, maparaan ang kaibigan mo. Si Dondi ang nag-research sa Internet para makontak ako. Sa kanya ko nalaman na matagal na pala kayong divorced ni Salvador.”

“Kaya pala ang yabang ng asta ng isang 'yon. Malaki pala ang utang-na-loob natin sa kanya.”

Natawa ito. “Sinabi mo. Siya rin ang tumulong sa akin para i-set up ang engagement na 'to.”

Nanlaki ang mga mata ni Andrea. “Engagement na 'to?”

Ikiniskis ni Quin ang noo sa kanyang noo. “Ano pa ba sa akala mo, patatagalin ko pa ito, hmm?” Dumukot ito sa pantalon. Inilabas nito ang isang ring case.

Napangiti si Andrea. “Ang sabi ng Tito Yuan mo, may isang dalagang Intsik na ipinagkasundo ang parents mo sa 'yo,” naalala niya na banggitin. 

“Hindi naman gano’n ka-old-fashioned ang parents ko. Ang magagawa lang nila ay ireto ako sa babaeng 'yon. Pero ako pa din siyempre ang masusunod kung ayaw ko o gusto. Besides, alam nila kung gaano kita kamahal. Kaya malaki ang respeto nila sa feelings ko."

Iniluhod ni Quin ang isang tuhod at iniumang sa kanya ang isang makislap na diamond ring.

Oh, God. This is it!

“Now, wala na talagang hadlang para magpakasal tayo. Will you marry me, Andrea?”

Epilogue

En grande ang garden wedding nina Quin at Andrea na ginanap sa Fort Santiago. Dumalo ang karamihan sa mga kamag-anak at kaibigan ng dalawang pamilya. Pati si Tita Olga at ang mga pinsan niya ay naroon. Umuwi sa Pilipinas ang mga magulang ni Quin at ang kapatid nitong si Queenie para saksihan ang kanilang kasal. Sa iilang araw na nagkasama sila ng mga ito masasabi niya na tanggap siya ng pamilya ni Quin. Marahil ang Tito Yuan lang nito ang hindi sang-ayon na siya ang pakasalan ng pamangkin nito.

“Gano’n talaga. We can’t please everybody,” pagkikibit-balikat na lang ni Quin nang hindi dumalo sa kasal nila ang Tito Yuan nito.

Masaya na ang kanyang lolo. Mabuti na lang daw at naitama na ang pagkakamali nitong ipakasal siya noon sa lalaking hindi niya mahal.

Samantala, si Salvador ay nagpaabot ng pagbati sa kanila sa pamamagitan ng isang card at regalong trip to Boracay Island with three days of free accommodations sa bagong tayong resort doon, ang Boracay Tropics Resort Hotel.

“Hindi na masama ang loob ko sa ex-husband mo sa pag-agaw niya ng mahal ko sa akin,” tatawa-tawang sabi sa kanya ni Quin habang nakatanaw sila mula sa veranda ng cabana suite ng resort.

Natawa rin siya, kontentong humilig sa dibdib nito habang yakap siya nito mula sa likuran. “Dahil ba ganito siya ka-generous?”

“Hindi lang doon.” Hinalik-halikan nito ang ulo niya bago nito ikinalang ang baba sa balikat niya. “Dahil sa kanya, nadiskubre ko kung gaano kaganda ang lugar na ito. This is so perfect for our honeymoon.”

Talagang napakaganda ng view sa paligid nila. Malayo iyon sa foot traffic ng beachfront. Kaya tahimik doon, maraming puno at halaman at malamig ang simoy ng hangin.

Nang magsimulang maglakbay ang mga kamay nito sa kanyang katawan at sabayan iyon ng mga nakakikiliting halik, nagyaya na ito sa kanilang silid. Doon, pinalaya nila ang matagal nang naipon na pananabik sa isa’t isa. Ngunit bago mag-isa ang kanilang mga sarili ay saglit niyang pinigilan si Quin. “I have something to tell you first. At sana, huwag bumaba ang tingin mo kay Salvador.”

“What is it? Sinaktan ka ba niya dati?”

“Hindi. I told you, naging mabuti siyang asawa sa akin. It’s just that... Please, be gentle. I’m still a virgin, Quin.”

Nanlaki ang mga mata nito. “Kaya pala...” Marahang hinaplos ng mga daliri nito ang gilid ng kanyang mukha. “Promise, hindi bababa ang tingin ko sa kanya.” Saka siya maingat na inangkin nito.

“How can I ever thank God enough for you... for this?” anas nito nang tapos na ang daluyong na naipon kanina sa kanilang mga dibdib. Puno ng pagkamangha ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

“Just love me for the rest of our lives, I guess,” nakangiting sagot naman niya.

“I will...” Dinampian nito ng halik ang tungki ng ilong niya. “I’ll love you forever. You can hold on to that, my darling wife.”

¤

Malilito ang puso ni Yessa sa dalawang mahal niya. Sino kaya ang pipiliin niya sa dalawang hero na ito?


http://www.phr.com.ph/

https://www.preciousshop.com.ph/home/

http://www.booklat.com.ph/

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro