9. Who is "she?"

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

May ambon na pumatak sa mukha ni Alexis ngunit hindi siya dumilat. Nang masundan iyon ay nanatili pa rin siyang nakapikit.

“Ano kaya ang sasabihin ng mga tao rito sa Buenavista kapag nakakita sila ng isang lalaki at isang babae na nakahiga sa buhanginan at naghahalikan?”

Natawa siya, sabay dilat. Nakatunghay sa kanya ang nanunuksong mga mata ni Xavier. May hawak itong kabibe na pinaglagyan nito ng tubig-dagat na siyang idinidilig nito sa kanyang mukha.

Kasisikat pa lang ng araw nang magkayayaan sila nitong maligo sa lawa. Nang mga sandaling iyon ay may ilang mamamalakaya nang dumaong sa dalampasigan na paminsan-minsan ay napapalingon sa kanilang dalawa. But she didn’t mind a bit. They could stare for all she cared. Masyado siyang masaya para pansinin pa ang mga ganoong bagay.

“Pagod ka na ba?” tanong sa kanya ni Xavier.

“Hindi pa. Uuwi na ba tayo?”

“Manood muna tayo roon sa mga nangisda.” Tumayo na ito at ibinato sa tubig ang kabibe.

Iniabot niya rito ang mga kamay niya. Nagpabigat naman siya nang hawakan siya nito. He gave her a knowing smile. Hindi yata nakatiis ito. Nang makatayo siya ay dinampian nito ng halik ang bibig niya. Oh, God, it’s wonderful to be in love.

“You’re a tease,” bulong nito bago tuluyang lumayo sa kanya.

“Am I?” kunwari naman ay clueless na tanong niya.

“Bakit kapag nasa loob tayo ng bahay, hindi ka ganyan sa akin?”

“Puntahan na natin 'yong mga bangka.”

Kamuntik na siyang mapatili nang ipalibot nito ang braso sa likod niya at pisilin siya sa baywang.

Tinungo na nila ang isa sa mga bangka. Naabutan nilang naghihimay pa ng mga isda sa lambat ang mga iyon. Nakabalumbon ang lambat sa gitna ng bangka. Parang Christmas tree iyon na ang palawit ay mga isda. Sa ibabaw naman ng takip ng makina ay may nakahandang tatlong tasa ng umuusok na kapeng barako. Langhap niya ang mabangong amoy niyon.

Napansin niya na naroon din ang tinderang si Nelly. “Good morning!” bati nito na kay Xavier lang nakatingin. “Ang aga n’yong maligo, ah.”

Tahimik lamang siya. Nginitian ito ni Xavier. “Oo. Takot sa sunburn itong kasama ko kaya inagahan namin.” 

Si Xavier ang pumili mula sa banyerang pinaghuhulugan ng mga nahihimay. Dalawang mapupulang isda ang kinuha nito. Sa tingin niya ay isang piye ang haba ng bawat isa.

“‘Maya-maya’ ang tawag sa isdang 'yan,” sabi ni Nelly. “Masarap na inihaw 'yan, malasa at malambot ang laman.”

“Talaga?” sabi naman ni Xavier. “Bibilhin ko na pala ito. Magaling kang mag-sales talk, eh.”

Hindi nakaligtas sa kanya ang matamis na ngiti ni Nelly. At nakaramdam siya ng urge na dukitin ang mga mata nito.

“Mukha ngang masarap ihawin ito, sariwang-sariwa. Magkano po ito, Manong?”

Forty pesos daw ang halaga ng isda ayon sa isa sa tatlong lalaking naghihimay sa lambat.

“Forty pesos po ang isa?” tanong niya upang makatiyak.

“Hindi po, Ma’am,” sagot naman ng lalaking nag-abot ng isda kay Xavier na noon ay huminto sa paghihimay at kinuha ang isang tasa ng kape. “Beinte pesos po ang isa. Kuwarenta pesos ang dalawa.”

Napatingin siya kay Xavier. Hindi siya makapaniwala na ganoon lang pala kamura ang isda.

“Mura talaga ang mga isda rito sa Sitio Buenavista,” ani Nelly.

“Magkape po muna kayo,” alok pa sa kanila ng mangingisda.

They declined politely. Binayaran naman ni Xavier ang isda. Hindi na nito kinuha ang sukli.

“Naku, eh, maraming salamat po,” sabi naman ng lalaki, todo ang ngiti kahit bungal ito. “Sana po, maging masaya ang pagha-honeymoon ninyo rito sa lugar namin.”

“Hindi po kami mag-asawa,” maagap na sagot naman dito ni Xavier.

Hindi na nakaimik pa ang pobreng lalaki. Para naman siyang nasaktan. Lalo na at nakita niyang hindi pa rin nawawala ang matamis na ngiti ni Nelly kay Xavier. Kahit hindi sila totoong mag-asawa, hindi na lang sana ito sinagot ni Xavier. Surely those people would speculate. Iisipin ng mga ito na isa siyang kabit o isang mababang uri ng babae.

Nanahimik na siya nang pauwi na sila.  

“Ano’ng iniisip mo?” tanong sa kanya ni Xavier. Malapit na sila sa bahay noon.

“Ayoko ng inihaw.” Okay lang naman sa kanya kahit ihawin iyon o iprito lang. Gusto lang niyang magrebelde sa suhestiyon ni Nelly.

“Okay, sweet 'n sour na lang ang gagawin natin dito.” Nakapasok na sila sa bahay nang muli siyang tanungin nito. “Nagseselos ka ba kay Nelly?”

“May dapat ba akong ipagselos sa kanya?”

Naging mapanudyo ang hitsura nito. Naiinis na naman tuloy siya. Talagang parte na ng sistema nito ang pambubuska. “Eh, kasi, nabubura ang ngiti mo kapag nasa malapit lang siya.”

“Hindi ko lang siya feel. Saka wala naman akong karapatang magselos. Wala naman tayong relasyon.”

Napalis ang ngisi nito. “Anong walang relasyon? Ano’ng tawag mo roon sa nangyari kagabi, panaginip?”

“Ano ba ang nangyari kagabi? Xavier, in my book, a few exchanged kisses cannot be considered as a documentary seal to a relationship.” Isinenyas pa niya ang mga hintuturo at hinlalato sa magkabilang kamay upang bigyan ng emphasis ang salitang “relationship.” 

Daig pa nito ang nakadinig ng pagsabog. Hindi ito nakaimik. Ilang sandaling nakatitig lang ito sa kanya. “Are you telling me na ayaw mong magkaroon tayo ng relasyon?”

“Bakit, gusto mo ba? Ikaw nga itong nag-deny kaagad nang mabanggit n’ong binilihan natin ng isda na maging masaya sana ang honeymoon natin.”

Nanlaki ang mga mata nito. “So, gusto mo rin pala na mag-honeymoon na tayo?” Lumapit pa ito at tinangkang hawakan ang mga kamay niya na naiiwas kaagad niya.

Inis na inis na tinalikuran niya ito. “Ewan ko sa 'yo. Ang hirap mong umintindi! Ang manhid-manhid mo pa!” Nagtuloy na siya sa banyo para makapag-banlaw.

NAIHANDA na ni Alexis ang lahat ng ingredients ng sweet ‘n sour nang pumasok sa kusina si Xavier. Katatapos lang nitong magbanlaw. Medyo basa pa nga ang buhok nito. Walang salitang kinuha nito ang isang kamay niya at iniupo siya sa silya. Pagkatapos ay naupo rin ito sa harap niya.

“Gusto kong sabihin mo sa akin kung bakit ka nasaktan nang sabihin ko ang totoo doon sa lalaking binilhan natin ng isda.” Mahinahon ang tinig nito.
Hindi siya makapagsalita. Hindi rin niya masalubong ang mga tingin nito.

“You can’t deny it, Alexis. Alam kong nasaktan ka. Sa loob ng ilang araw na magkasama tayo rito, may idea na ako sa mga reactions mo sa iba-ibang sitwasyon.”

“Wala ka talagang idea?”

“Wala talaga. Ang naisip ko lang, baka nagselos ka kay Nelly. Pero doon sa sinabi mo kanina, apparently ay parang nagalit ka sa pagsasabi ko ng totoo doon sa mama.”

“Kung ikaw ba ang nasa lugar n’ong mama, hindi mo iisipin na may ‘nangyayari’ sa atin considering the fact that we are alone, that we are on our own in this house?”

Ito naman ang hindi nakasagot.

“At kung malalaman mo na hindi naman pala tayo mag-asawa, hindi mo ba ako pag-iisipan ng hindi maganda, knowing na pumapayag akong tayo lang dalawa rito sa loob ng halos isang linggo?

“Xavier, kung nasa Manila lang tayo at nangyari ito, I wouldn’t give a damn. Pero sa ganito kaliit na lugar, sa ganito kalayong probinsiya, mataas pa ang pagpapahalaga nila sa moralidad. I don’t want to spoil that. And it’s not about me.”

Bumuntong-hininga ito. “Okay, I got it finally.” Kinuha nito ang isang kamay niya at hinalikan. “I’m sorry. Peace?”

Ngumiti na siya at yumakap dito. “I’m sorry, too.”

Nag-kiss and make up na sila.

“I like that, you know,” anito nang magbitiw sila.

“What?”

“'Yong ganitong kapag may misunderstanding tayo, you come out in the open, at pinag-uusapan natin. I’m surprised that I’m comfortable with it. Because normally, I’m not.”

Napangiti na naman siya. “Ako nga rin, eh. Dati, hindi naman mahalaga sa akin ang mga gano’ng bagay. Napunta lang ako rito, nakilala lang kita, well... I don’t know.”

Naging mapanudyo na naman ang ngiti nito. “C’mon, say it.”

“It’s too early to tell.”

“I don’t think so. Nagsimula na rin lang tayong maging totoo sa mga sarili natin, bakit hindi pa natin lubus-lubusin? I mean, I already told you about my feelings for you.”

“Sa mga past relationships ko kasi, nagsisimula at natatapos nang hindi talaga ako nakakaramdam ng totoong panghihinayang. They just come and go. Dumating na ako sa point na nagsawa na ako na lagi na lang gano’n. 'Tapos, na-meet kita. Nakunsumi ako sa 'yo, naintriga, nainis, nagalit, nagtampo, natuwa, kinilig. At sa loob lang iyon ng iilang araw. Kanina ko lang naisip na ayoko nang pumasok sa isang relasyon kung mawawala rin ito.”

Iniumang ni Xavier sa kanya ang mga bisig nito. Kusa naman siyang pumaloob doon. Seryoso ito nang magsalita. “Alexis, hindi ngayon ang panahon para matakot kang pumasok sa isang relasyon. Not with me, honey. You know how I care so much about you. I need you. It’s scary. Dahil hindi ako sanay na makaramdam ng ganito katinding pangangailangan sa isang tao. At nararamdaman kong takot ka rin. But I am taking a step into it. And I hope you do the same. Let’s give it a try, please?”

Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nagdalawang-isip. Buong pusong pumayag siya sa mungkahi nito.

Totoo namang nararamdaman niyang mahal niya ito. Sa maikling panahon na nakilala niya ito ay minahal kaagad niya ito.

“So we’re on now. Tayo na at wala nang bawian pa,” dagdag pa nito.

Pilyang-pilya ang pagkakangiti niya nang tingalain niya ito. “Let’s seal it then.”

Malakas ang tawa nito bago siya siniil ng halik.

“GOOD afternoon, Sir, Ma’am,” bati kina Xavier at Alexis ng unipormadong driver ng humintong limousine sa tapat nila. Palubog na ang araw noon, marahil ay mag-aalas-sais na.

Nilapitan ito ni Xavier. “Si Ymago ba ang nagpapunta sa 'yo rito?”

“Opo, Sir. Ang bilin niya, ihatid ko kayo ni Ma’am sa Lokuake.”

“Bakit?” hindi nakatiis na tanong niya. Para kasing hindi siya makapaniwala na isang limousine pa ang susundo sa kanila.

Si Xavier na ang sumagot. “Ymago’s surprise, remember?”

Saka pa lang niya naalala ang itinawag dito ni Ymago nang nagdaang gabi.

Tumunog ang cell phone ni Xavier. “Ymago. Oo, narito na nga. Saan mo ba kami dadalhin...? I don’t know the place... Okay.” Nagpaalam na ito. Pailing-iling at natatawa si Xavier habang ibinubulsa ang cell phone nito.

“Why?” curious na tanong niya.

“Ymago is playing Cupid, that’s why.”

“Sa ating dalawa?”

“Kanino pa ba? At ang pupuntahan natin ngayon, malamang na kumpirmasyon ng pagma-matchmake niya sa atin. C’mon, let’s just enjoy it.”

Sumakay nga sila sa limousine. Pareho lang sila ni Xavier na naka-flip-flops at walking shorts. Naka-muscle shirt lang ito at siya ay sleeveless cotton blouse lang ang suot.

“Saan ba talaga tayo pupunta? Hindi yata bagay ang suot natin doon.”

“Bahala si Ymago. Hindi naman niya sinabi kung ano 'yong pupuntahan natin.”

Mahigit dalawampung minuto ang nilakbay nila bago huminto ang limousine sa bakuran ng isang mansiyon. Ngunit sa halip na pumasok sila sa loob niyon ay iginiya sila ng driver sa gilid. Binagtas nila ang isang maganda at malawak na hardin hanggang sa makalabas sila sa likurang gate ng mansiyon.

Ilang hakbang pa at nakita nila ang isang napakagandang waterfalls. Walang tao roon. Sa clearing na katapat ng talon ay may nakatayong isang canopied table.

Bongga ang table setting. It was a candlelit dinner set up for two. Puno iyon ng mga pagkain, may chilled wine pa na nakababad sa isang bucket. At langhap niya ang mabangong samyo ng gardenia sa isang flower vase na nasa gitna ng mesa.

Nagpaalam na ang driver sa kanila.

“Si Ymago talaga,” napapailing ngunit nakangiting sabi ni Xavier bago siya iginiya sa mesa.    

Nang makaupo na sila roon ay biglang pumailanlang ang musika mula sa tinutugtog na saxophone ng isang lalaking lumapit sa kanilang mesa. Ngumiti na lang siya kay Xavier.

She was beginning to feel romantic. Sayang at hindi pang-romantic dinner ang mga ayos nila. May alam kaya si Ymago sa nangyayari sa kanila  ni Xavier? “I feel like dancing,” aniya kay Xavier.

“I feel awkward doing it now.”

Hindi niya inaasahan na ganoon ang isasagot nito. Nadismaya man ay pinalampas na lang niya iyon.

Kumain na sila. Mas masarap pa ang pagkain doon kaysa sa mga delicacies ng isang fine-dining restaurant.

“This is a nice treat. Ganito ba talaga ka-generous si Ymago?”

“Actually, hindi,” sagot naman ni Xavier. “As far as I know, he is still a ruthless businessman. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito maliban doon sa sinabi ko sa 'yo kanina.”

“That he’s playing Cupid to us?”

“Yup.”

“Is he romantic?”

“Mas romantic ako sa kanya.”

Natawa siya. Ang tono nito ay parang sa isang nagseselos.

Nang tapos na silang mag-dessert ay inalis nito ang cell phone sa bulsa at inilapag sa mesa. Pagkatapos ay tumayo ito at kinuha ang wine bottle na kaunti lang ang nabawas. “Pick up your wineglass,” utos nito sa kanya.

“Saan tayo pupunta?”

Hinawakan lang siya nito sa kamay bilang tugon. Humakbang ito patungo sa waterfalls.

“Maliligo tayo?”

Lumingon ito sa kanya. His fingers were warm, his eyes amused. Patuloy pa rin sa pagtugtog ang saxophonist. “Gusto mo ba?”

“Wala naman tayong bihisan.”

“We’ll think of something.” Maingat na inakay siya nito sa batuhan. Ito rin ang unang lumusong sa tubig. Napasunod na lamang siya. Nasorpresa siya na maligamgam ang tubig. Masarap sa pakiramdam na mabasa ang kanilang mga paa.
Ipinatong nito sa isang malapad na bato sa pampang ang kanilang wineglasses at sinalinan iyon ng alak. Pagkatapos ay nakipag-toast ito sa kanya. “To us...”

“To us.”

Nang maubos ang laman ng mga baso nila ay pumalaot na ito sa waterfalls, tangay siya. Huminto lang sila nang hanggang dibdib na nito ang tubig. May sinabi ito sa kanya ngunit hindi niya marinig. Maingay ang lagaslas ng talon.

Lumapit pa siya rito. “Ano’ng sinabi mo?” pasigaw na tanong niya.

Yumukod lang ito sa halip na sumagot. Tinikman nito ang mga labi niya. The wine she tasted from his lips was seductively delicious. Nang muli siyang tingnan nito ay parang nag-alsahan ang lahat ng balahibo sa katawan niya. His eyes were earnest. She saw fire in their depths.

Kusa niyang itinaas ang kanyang mga kamay sa leeg nito. She met his searing kisses without any trace of hesitation.

It was heart-meltingly sweet. Ngayon lang niya naranasan ang isang halik na sabay na mapagbigay at mapag-angkin. Tinutunaw niyon ang lahat ng agam-agam niya, threatening to make her pliant and willing to surrender everything to him. May apoy na pinalalaki iyon sa kanyang kaibuturan. Kapwa sila naghahabol ng hininga nang sandaling magbitiw sila.

“It’s time to go back, don’t you think...?” anito sa ibabaw ng kanyang tainga. Napatango na lamang siya. Nang mga sandaling iyon ay wala na siyang pagpapasya para sa sarili. Lango na siya sa luwalhating dulot ng mga halik nito.

Kung nagtaka man ang driver nang makitang basa sina Xavier at Alexis ay hindi na ito nagtanong pa. Binuksan nito ang isang compartment ng limousine at mula roon ay naglabas ng dalawang malalaking tuwalya. Pagkatapos ay bumaba ito at lumigid sa driver’s side.

Panay pa rin ang halik ni Xavier sa kanya habang-daan. She knew he was trying to stoke the fire up. Kung alam lang nito na hindi na kailangan. Kanina pa siya darang.

Pagkasara ng pinto ay pinangko na siya ni Xavier. Itutuloy sana siya nito sa banyo ngunit pinigilan niya. Nagtama ang kanilang mga mata. Sabay silang napangiti at pagkatapos ay natawa. Sa tapat ng kama siya ibinaba nito.

Wala silang inaksayang oras. Tinanggal nila ang mga basang saplot sa katawan. May pagmamadali ang bawat kilos nila hanggang sa mawala ang mga sagabal. He was sowing sweet havoc on her senses. Naihiga na siya ni Xavier nang tumunog ang cell phone nito.

Hindi nito pinansin ang gadget ngunit patuloy sa pag-iingay iyon.

“B-baka importante,” pigil niya sa muling pag-angkin nito sa kanyang mga labi.

Napilitan itong tumigil at maupo sa kama. Frustrated na naisuklay muna nito ang mga daliri sa buhok bago dinampot ang cell phone. “Hello? Sino ito...? Bubbles? What happened?” Napatayo na ito. “Ano’ng nangyari? Bakit— Saan ka ba nagpunta? Wait, calm down... Now, talk... Nasaan ka ngayon?”

Bubbles. Ang tamis ng halik nito kanina ay unti-unting napalitan ng pait sa kanyang bibig. Binalot niya ng kumot ang hubad na katawan. Nangangatal pa rin siya ngunit pinilit niyang bumangon. Pinulot niya ang kanilang mga basang damit. Tahimik na nagtungo siya sa banyo at nag-shower.

Bihis na rin si Xavier nang lumabas siya ng banyo. Nagliligpit na ito ng gamit. Nakalabas na rin ang sports bag na pinaglalagyan nito ng mga damit.

“Babalik na tayo sa Manila?” tanong niya.

“Oo. Somebody needs my help. Kaya kailangan nating bumiyahe. Pasensiya ka na. Emergency kasi.”

“'Yong tumawag kanina?”

“Oo.”

Nagkumahog na rin siyang mag-empake ng kanyang mga damit at gamit. Wala pang dalawampung minuto ay naikarga na nila sa pickup truck ang mga iyon.

“Xavier, who is Bubbles?”

Hindi kaagad nakasagot ito.

“Is she your girlfriend?” Come to think of it, pumayag siyang makipaghalikan dito nang hindi man lang niya naitatanong kung may nobya ba ito o asawa.

“No.”

Lalo siyang nangamba. “A-asawa mo siya?”

“No, no, it’s not like that.” Umabot ang isang kamay nito, kinuha ang kamay niya at hinalikan iyon as if to reassure her.

Lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. Hinila niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito. May pakiramdam siyang hindi niya magugustuhan ang susunod na isasagot nito sa kanya. “So, sino talaga si Bubbles?”

Sumagap muna ito ng hangin bago siya sinagot, “She’s my... m-my bed partner.”

....................

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro