6. Remedy

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Maybe our love had too much spring.
That’s why we did not notice the falling of the leaves;

We got used in seeing the bright sun every morning

So when winter came, we did not believe.

The singing of birds became too familiar

We thought the trees will always be green.

We were always flying up there in the sky,

Getting used to soft clouds and bed of roses

That’s why when we fell, we just cried
And started searching for other hiding places...

“Gusto kong marinig. Basahin mo sa akin, please, sweetheart,” pakiusap ni Tim kay Winona nang tahimik lang niyang binasa ang isa sa mga tula na ginawa nito para sa kanya. Naka-compile iyon sa isang leather-bound book. Dalawampung tula na sulat-kamay ang nagawa nito roon. At kanina ngang pagpasok niya sa silid nito ay iniabot nito sa kanya ang libro.

Tatlong araw na ito sa Makati Medical Center. Noong una itong himatayin sa bahay nila dalawang buwan na ang nakararaan ay hindi ito pumayag na magpa-admit sa nasabing ospital. Kahit na anong pakiusap niya ay hindi nito pinakinggan.

Colon cancer ang sakit ni Tim. Ayon dito, may iniinom itong mga gamot na epektibo naman. Ang mga gamot na iyon ang nakita niya sa spare bedroom ng bungalow. Sa katunayan nga raw ay walong taon na itong nakikipaglaban sa sakit na cancer at nananatiling buhay pa rin ito. Kaya hindi ito pumayag na sumailalim sa conventional treatment ng sakit na iyon.

Noon lang niya naisip na kaya pala maingat ito sa mga kinakain ay may cancer ito. Na kaya madalas na isda at sariwang gulay lang ang mga kinakain nito ay para mapanatiling masusustansiya lang ang mga pagkaing papasok sa katawan nito.

Ngunit pagkalipas ng dalawang buwan ay malaki na ang inihina ng katawan nito. Kung hindi pa niya ito iniyakan noong isang araw ay hindi pa ito papayag na magpadala sa ospital.

Ngunit huli na. Nasa final stage na ang sakit nito. Ayon sa mga doktor, kalat na raw ang cancer cells sa colon nito. At nagsisimula nang magkaroon ng mga manifestation ng sakit sa katawan nito.

Gusto niyang sisihin ito kung bakit alam na pala nito na may cancer ito ay hindi pa ito nagpagamot sa pinakamahuhusay na doktor. Ngunit wala nang magagawa ang mga paninisi niya. Ayon sa mga doktor ay milagro na lang ang makapagpapagaling sa kanyang asawa.

Inulit na naman nito ang pakiusap na basahin niya nang malakas ang tula.

“N-nasasaktan ako, mahal ko,” umiiling na sagot niya.

“Pero kailangan mong tiisin. Kailangan mong masanay. It will come about and you have to go through it.”

“Gusto ko pang magkasama tayo nang matagal. G-gusto ko pang makita nating pareho ang magiging mga apo natin dito,” aniya, sabay sapo sa kanyang tiyan. Magtatatlong buwan na ang ipinagbubuntis niya.

“Sweetheart, isipin na lang natin na sa loob ng maikling panahon na magkasama tayo, naging napakaligaya nating dalawa. I’ve been so happy with you. Ngayon lang sumaya nang ganito ang buhay ko... And I’ll have no regrets leaving this world.”

Kusang tumulo ang luha ni Winona. Hinawakan naman ng malayang kamay nito ang palad niya at pinisil-pisil. “A-ayokong mawala ka. Baka h-hindi ko makaya.”

“No, sweetheart, huwag kang ganyan. You are stronger than what you think you are. Kailangan mong maging matatag para sa magiging baby natin. At hindi ka mag-iisa. I’ll see to it na kahit wala na ako, hindi kita pababayaan.”

May kumatok sa pinto at nang pumasok ang taong iyon ay nanlaki ang kanyang mga mata. “K-Kestrel?”

PITONG araw pagkaitan, muling ma-confine si Tim sa ospital. Na-comatose ito. Pagkaraan ng dalawang araw ay binawian ito ng buhay.

Parang mababaliw si Winona. Iyak siya nang iyak. Sa pagpanaw ng pinakamamahal niyang tao, pakiramdam niya ay nag-iisa na siya sa mundo. Kung hindi lang sa pag-alalay sa kanya ni Ate Nora ay baka bumigay na rin pati ang katawan niya. Ang burol at ang iba pang dapat ayusin ay si Kestrel ang umaasikaso.

Pinsang-buo pala ito ni Tim. Ito rin ang taong nagtungo sa Lokuake noong minsan at nakipagtalo kay Tim. Ito rin pala ang narinig niya noong minsan na pinakikiusapan ni Tim sa telepono.

Maraming ibinilin dito ang asawa niya bago ito namatay. Wala siyang alam sa pagpapatakbo ng negosyo. Kaya kay Kestrel naatang ang mga responsibilidad tungkol doon.

Nang mailibing na ang bangkay ni Tim ay bumalik siya sa Lokuake. Ilang oras pa lang siya roon ay dumating naman si Ruby. Ilang araw ding sinamahan at dinamayan siya nito.

“Ano’ng balak mo ngayon?” tanong ni Ruby isang araw bago ito bumalik sa Maynila.

“Gusto kong sabihin sa 'yo na palalakihin ko ang batang ito,” aniya na ang tinutukoy ay ang ipinagbubuntis niya. “Na ipagpapatuloy ko ang pagpapalakad sa mga iniwan ni Tim. P-pero hindi gano’n ang pakiramdam ko ngayon, Ruby. Hindi ang mga kayamanang iniwan sa akin ni Tim ang kailangan ko... ang kailangan namin ng anak ko. Si Tim ang kailangan ko. And honestly, ngayong wala na siya, hindi ko na alam kung paano ko pa bubuuin ang buhay ko.”

“Naiintindihan kita, Winona. Matagal na panahon na walang pamilyang nagmahal at umaruga sa 'yo. I mean, hindi mo naman talaga naramdaman na kapamilya ka nina Tita Guada. At si Tim ang naging savior mo. Siya ang nagbigay ng lahat ng mga nawala sa 'yo at higit pa. Sige lang, magluksa ka kung 'yan ang ikaluluwag ng dibdib mo. Nandito lang ako.”

Yumakap siya sa kanyang kaibigan. Ayaw muna niyang isipin ang bukas. Wala naman si Tim doon.

Anim na buwan na ang ipinagbubuntis ni Winona nang isang araw ay dumating si Kestrel sa Lokuake. Seryoso ito nang kausapin siya.

“Dumating na ang kinatatakutan noon ni Tim, Winona. Naaapektuhan na ng pagkamatay niya ang ilan sa mga negosyo ninyo. May ilan na nag-withdraw na ng shares nila. And there were rumors that others will follow. At dahil administrator lang naman ako, wala akong magawa para pigilan iyon. Kailangan na nating tuparin ang huling habilin ni Tim to reestablish everything.”

“H-huling habilin?”

Kumunot ang noo nito. “Bakit, nakalimutan mo na ba 'yong noong kausapin niya tayong dalawa sa ospital?”

“Magulung-magulo ang isip ko noon. Hindi ko na alam kung ano sa mga sinabi niya ang tinutukoy mo.”

“Pareho tayong tutol sa idea noon, remember? Nag-walk out ka pa nga.”

Hindi siya nakakibo. Inalis na niya sa isip niya ang sinabing iyon ni Tim dahil hindi naman siya pumayag.

“Kailangan na nating magpakasal bago pa bumagsak ang mga negosyong pinaghirapan nilang itayo ng lolo namin at ng ama niya.”

...................

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro