1. The Long Wait

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


http://www.phr.com.ph/

https://www.preciousshop.com.ph/home/

http://www.booklat.com.ph/


Mula sa nakalatag na mapa sa coffee table ay itinuon ni Kiel ang paningin sa kanluran ng Hacienda Imperial. Bulubundukin ang bahaging iyon. Ngunit hindi iyon magiging problema sa developer na gagawa ng airstrip. Ang pinakamalaking problema ay kung paano niya mapapapayag ang may-ari.

“I’m sorry, Mr. Falcon, pero may iniingatan kaming wildlife sanctuary sa likod ng bulubunduking 'yan,” sabi ni Jericho Imperial. Ito ang may-ari ng napakalawak na hacienda.

“Call me, ‘Kiel,’ Jericho. Is it all right if I call you ‘Jericho’?”

Napangiti ito at tumango. Siguro ay mas bata lang ito nang ilang taon sa kanya. At isa na itong matagumpay na hacendero. Bukod doon, ito rin ang may-ari ng kilalang Imperial Nature Park.

“Hindi naman namin ilalapit ang airstrip sa parteng iyon. Dito lang sa may bukana ng hacienda at dalawang ektarya lang more or less ang makukuha sa lupang pag-aari mo. Willing naman ang may-ari ng katabing lupa mo na ibenta ang lupa nila sa korporasyon.”

Naudlot ang pagsagot nito nang lumapit doon ang magandang asawa nito, si Divina. “Excuse me, Mr. Falcon. May importante lang akong sasabihin sa asawa ko.”

“Sure, go ahead.” Nasisiyahang pinagmasdan niya ang dalawa habang malambing na nakangiti si Divina kay Jericho. Awtomatikong ikinawit nito ang kamay sa baywang ng babae.

Picture perfect. Kaagad na nakadama siya ng inggit.

“Tumawag si Daddy.” Pati ang pagsasalita nito ay malambing. “Hihiramin daw uli nila si Jeck.”

“Uuwi na naman sila sa Lokuake?”

“Oo. Inauguration bukas ng Lokuake Bistro ni Binny. Nakalimutan mo na ba?”

“Oo nga pala. Pero sana naman, ibalik agad nila si Jeck. Number one spoiler ng apo 'yang daddy mo. I don’t trust him around our son,” tatawa-tawang sabi nito, nasa mga mata ang pagbibiro.

Natawa rin si Divina. “Don’t worry, pagkagaling natin doon bukas, iuuwi na rin natin si Jeck.” Akmang aalis na ito ngunit pinigilan ni Jericho.

“Baby, mamaya mo na lang uli tawagan si Daddy. Gusto ko munang marinig mo ang proposal nitong si Kiel.”

Inulit niya kay Divina ang sinabi niya kanina.

“Well, kung dalawang ektarya lang naman pala ang bibilhin sa atin ng korporasyon, ano’ng problema do'n? Hindi naman natin ginagamit ang lugar na iyon ng hacienda.”

“Pero, baby, maingay ang eroplano. Kahit malayo ang magiging airstrip sa wildlife sanctuary, makakabulabog iyon sa mga hayop.”

Napatangu-tango si Divina. Nakaramdam naman siya ng pagkabigo. Mukhang hindi niya makukuha ang dalawang ektaryang lupa na sakop ng hacienda ng mga ito.

“May alam akong lugar,” wika ni Divina. “Magandang gawing airstrip iyon.”

“Saan?” aniya.

“Sa Lokuake.” Bumaling si Divina sa asawa. “'Yong malawak na kapatagan sa likod ng matataas na dalisdis. Ano sa tingin mo?”

Napangiti si Jericho. “Brilliant!” Binalingan siya nito. “Maganda ang lugar na sinasabi ng asawa ko, Kiel. About fifteen-minute drive lang iyon dito. Malapit din iyon sa highway na papuntang Manila. Kung gusto mo, sasamahan pa kitang inspeksiyunin ang site ngayon.”

Itinago na lang niya ang panlulumo sa dalawa. Nag-plaster siya ng ngiti sa mga labi. “Salamat sa inyong dalawa. But I had already taken so much of your time. I better go.”

“Huwag ka munang umalis, Kiel,” pigil sa kanya ni Jericho. “Seryoso ang offer ko sa iyo. Wala akong gagawin ngayong maghapon. Puwede nating tingnan ang site na sinasabi namin ng misis ko.”

“Thank you so much. But I still have an appointment in about an hour.”

“I’m sorry, Kiel, importante sa amin ng asawa ko ang wildlife sanctuary na iyon. Pasensiya ka na kung hindi ka namin napagbigyan.”

“I understand.”

“Call me if you still want to see the site we’re telling you. Malapit lang naman dito sa Bukal ang Miranda, di ba?” Batid nito na sa Miranda lang siya nakatira. Isang bayan lang ang pagitan nila.

“I’ll do that. Thanks.” Nagpaalam na siya sa mga ito.

LALONG ikinunot ni Kiel ang kanyang noo nang mapansin sa salamin na kapag ginagawa niya ang ganoon ay nahahalata na ang gatla sa kanyang noo. Isang patunay iyon na tumatanda na siya. Dalawang taon nang wala sa kalendaryo ang edad niya.

Inalis na niya ang pagkakakunot ng noo at muling sinuklay ang alun-alon niyang buhok. Eight years. I’ve been waiting for eight years...

Pinigilan niya ang pagsulpot ng lungkot. Kinuha niya ang kahita na naglalaman ng pin ng isang bronze falcon at isinilid iyon sa bulsa ng kanyang pantalon. Muling sinipat niya ang kabuuan sa salamin. Nang matiyak na maayos na ang lahat sa kanya ay lumabas na siya ng silid.

Nasa tuktok pa lang siya ng grand staircase ay natanaw na niya sa labas ang isa sa kambal niyang kapatid, si Flynn. Nagmamadali ito, iniwan sa labas ng gate ang kotseng dala. Natitiyak niyang aalis na naman uli ito.

Pagbaba niya ng hagdan ay siya namang pagpasok nito. Natuwa ito nang makita siya. “Kuya! I found her!” bulalas nito. “After a year, nakita ko uli siya!”

“Sino?” usisa niya kahit may ideya na siya kung sino ang tinutukoy nito. May isang taon na niyang hindi nakikita ang kasiglahan na mababakas sa mukha nito ngayon. At dahil iyon sa isang babaeng parang bulang naglaho na lang at sukat. Ikakasal na sana ang mga ito noon.

“Si Jam, sino pa?”

Pasimpleng tiningnan niya ang oras sa kanyang relong-pambisig. May beinte minutos pa siya. Sampung minuto ang gugugulin niya bago makarating sa kanyang pupuntahan. “Saan mo naman siya nakita? Bakit daw bigla na lang siyang nawala?”

Napakamot ito sa batok. “Hindi ko pa siya nakakausap. Pero nakita ko siya kanina sa labas ng Seven-Eleven malapit sa flying school. Hindi ko nga lang siya naabutan dahil nakasakay na siya kaagad ng taxi. Kaya hindi niya narinig no’ng tawagin ko siya.”

“There you go. Malabo mo na namang makita uli ang babaeng iyon.”

“Hindi, ah. Pumasok ako sa loob ng Seven-Eleven. Nagtanung-tanong ako doon. Madalas palang bumibili doon si Jam sabi n’ong isang salesclerk nila. Ibig sabihin n’on, malapit lang doon ang tinitirhan niya ngayon. At ibig ding sabihin n’on, babalik pa siya doon, Kuya. Puwede ko siyang abangan.”

Tinapik niya ito sa balikat. “Kung malapit lang ang tinitirhan niya roon, dapat naglakad na lamang siya. Hindi sana siya nag-taxi.”

Natigilan si Flynn sa sinabi niya. unti-unting nawala ang excitement sa mukha nito.
“Anyway, sana nga, isa sa mga araw na ito magkita uli kayo at magkausap. Aalis muna ako.” Iniwan na nga niya ito.

Nasa front door na siya nang biglang lumitaw sa driveway ang kotse ng bunso nila, ang kakambal ni Flynn na si Gemino. Napakunot-noo na naman siya nang mapansin ang tila pagmamadali nito kahit nasa loob na ito ng bakuran. Sa pavement na nag-uugnay sa front yard at garahe na sila nagsalubong ng kapatid niya. May mga bitbit itong baby diapers, lata ng infant formula at isang malaking plastic bag na may tatak na Babylandia.

“Don’t tell me na ang mga pinaanak mong kabayo at aso gumagamit na rin ng mga iyan?” pabiro ngunit curious na tanong ni Kiel.

“You’ll never believe this, Kuya,” excited na sabi nito. “May natagpuang baby si Tita Citas sa harap ng bahay natin kanina.”

Hindi siya makapaniwala. “Sanggol? Tao?” paniniyak pa niya.

“Oo. Iniwan ko sila sa kuwarto ni Tita Citas kanina at bumili nga ako ng mga gamit.”

“Eh, bakit hindi ninyo i-t-in-urn over sa mga pulis? Baka mamaya, pain 'yan ng mga sindikato.”

Nagpatuloy na ito sa paghakbang. Napasunod naman siya. “I don’t think so. Alam kong hindi siya pakawala ng sindikato.”

“Paano ka naman nakatiyak?”

“Kuya, sigurado ako doon. Kahit nga pati si Tita Citas.”

“Paano nga kayo nakasiguro? Gemino, baka isangkot lang tayo ng batang 'yan sa gulo.”

“May sulat na kasama ang bata. At 'yong lampin na suot niya, may burda ng isang falcon. Besides, kamukha natin siya. We’ll gonna keep the baby, Kuya.”

“Mas mabuting ikonsulta muna natin ang tungkol dito kina Mama at Papa. Tatawag ako sa kanila.”

“Kuya, I don’t think that’s a good idea.”

Mag-uusisa pa sana siya ngunit pagtingala nila ay nasa landing na sa itaas ng hagdan si Flynn. hawak nito sa dalawang kamay ang isang kumakawag na sanggol. “Ang cute naman ng baby na ito,” ang namamanghang sabi . “Sabi ni Tita Citas, isa raw sa ating tatlo ang ama nito.”

MULING tiningnan ni Ayanna ang oras sa suot niyang relo. Lampas dalawang oras na siyang naghihintay. Beinte minutos bago ang tipanan nila ng taong hinihintay ay naroon na siya. Kaya imposibleng hindi sila magkita kung talagang dumating ito roon.

Nasa clubhouse siya ng Triboa Country Club. Anim na kilometro lang ang layo niyon sa mansiyon ng mga Falcon. Iyon ang nabanggit sa kanya minsan ni Kiel. Hindi nga lang niya alam kung saan sa mga bayan na malapit doon ito nakatira.

Sa likuran ng clubhouse ay makikita ang magandang view ng Triboa Bay. Doon niya inilipat ang tingin. Payapa ang dagat. Masasalamin doon ang asul na langit. Bukod sa dalawang yateng may malaking distansiya sa isa’t isa ay wala nang ibang bangka sa bay area.

Malinis sa kimpal ng ulap ang papawirin. Parang isang pantay na guhit lang ang laot pero sa pangkaraniwan ay makikita kahit sa malapit ang malikot na alon ng dagat.

Sa paglipas ng mga taon ay laging ganoon ang araw na iyon. Tahimik. Payapa. Parang walang nagaganap na problema sa paligid niya. Parang walang mga nakatagong panghihinayang at paghihirap ng loob sa dibdib niya.

At sa loob ng walong taon, minsan man ay hindi siya nauna kay Kiel sa pagpunta sa lugar na iyon. Napapikit siya. Sinikap niyang pigilin ang pagsungaw ng luha sa mga mata. Oh, God, nagsawa na po ba siya sa paghihintay sa akin? Bakit ngayon pa? Kung kailan ngayon ko siya higit na kailangan.

Tumagal pa ang paghihintay niya. Nagtago na ang araw sa dulo ng laot ay nanatili pa rin siya sa paghihintay... Sa walang katapusang paghihintay...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro