11. Lovers In Paradise

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


http://www.phr.com.ph/

https://www.preciousshop.com.ph/home/

http://www.booklat.com.ph/



Epilogue

Lumitaw sa paningin ni Jam ang mahabang stretch ng basang buhangin sa ibaba nang ibaba ni Flynn ang altitude ng eroplanong sinasakyan nila. Sa ikalawang pagkakataon, muli niyang nakita ang malaparaisong lugar na iyon ng isla kung saan nag-propose si Flynn sa kanya noon.

Matindi pa ang sikat ng nakakiling na araw. Kaya naman inihanda na niya ang  sunblock. Makakalimutan siguro niya ang pagkain ngunit hindi ang proteksiyon sa kanyang balat.

Katatapos lang ng kanilang kasal ni Flynn. Kahit nakatungkod at mabagal lumakad ay inihatid siya ng daddy niya sa altar. Proud na proud ito habang sumasabay sila sa “wedding march.” Iyak nang iyak ang kanyang ina. Magiging malungkot na raw sa kanila kapag pumisan siya kay Flynn. Nangako naman dito ang kanyang esposo na madalas silang dadalaw roon. At igagawa raw nila ang mga ito ng maraming apo. Natawa tuloy ang nakikinig na lolo at lola niya.

Dumalo rin sa kasal ang mga magulang ni Flynn. Hindi pa nakababalik sa Amerika ang mga ito dahil nauna nang dumalo sa kasal ng panganay nina Flynn na si Kiel noong nakaraang buwan.

Apat na araw silang mananatili sa isla, bago tumulak sa isang buwang honeymoon sa Europe.

Maligayang-maligaya si Jam. Kaya lang may bahagyang lungkot din siya dahil hindi na nagpakita pa sa kanila si Ivy. Hindi na nila sinisisi ito, ngunit marahil, mas makaluluwag dito kung hindi na muna makikita si Flynn. Nauunawaan nilang hindi agad nabubura ang pagmamahal. Kahit pa nga determinado na ang isang tao na alisin iyon sa kanyang sistema.  

Suwabeng nag-landing ang eroplano sa mahabang aplaya. At nang magawa nilang lumabas doon ay agad siyang pinangko ni Flynn. Nakita niya ang isang malaking tent sa malilim na bahagi ng beach. Ngunit hindi siya roon dinala ng asawa. Dinala siya nito sa isang kama na ang bubong lang ay ang mga nakayungyong na dahon mula sa magkakatabing puno ng niyog. The bed was strewn with sweet-smelling flowers. Rosal pala ang pagkarami-raming puting mga bulaklak.

Doon siya nito inihiga. Pakiramdam niya, isa siyang reyna nang mga oras na iyon.

Bumangon din kaagad siya. “Wait, ito ang matrimonial bed natin?” tanong niya kay Flynn. Dahil walang tabing ang kamang iyon.

“Yup,” sagot naman nito na pilyo ang pagkakangiti.

“Eh, bakit walang tabing?”

“Bakit naman natin kailangan ang tabing, eh, dalawa lang tayo rito?”

“Are you sure?”

“Definitely sure. Kanina pa nakaalis ang mga tao na nag-ayos ng honeymoon venue natin.”

“Ah, gano’n ba?” Naging mapang-akit na ang ngiting ibinigay niya sa asawa. Napahalakhak naman ito. Sumaliw sa maharot na hangin ang tawanan nila habang isa-isa nitong inaalis ang kanilang mga suot na damit sa katawan.

“I love you, Jam...” sabi nito bago maghinang ang kanilang mga labi.

Idinaan na lang niya sa gawa ang sagot. Bahala nang maiskandalo ang mga ibon, kulisap at kung ano pang hayop mayroon sa island paradise na iyon.

Basta sila ni Flynn, lilipad sa kaligayahang paulit-ulit nilang pagsasaluhan—mula ngayon, hanggang sa dulo ng kanilang malayang paglalayag sa mundo.

¤

Bitin pa rin ba kayo kung sino talaga ang daddy ni Kyle? Kaya po huwag kayong bibitiw. Humanda na kayong kiligin sa ating latest braveheart na si Gemino.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro