6. Paradise

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

6

“Hush, sweetheart...” malambing na bulong ni Flynn kay Jam habang tinutuyo ng magagaan na  halik ang mga luhang hindi niya napigilang gumulong sa kanyang mga pisngi.

Naging napakaingat nito sa pag-angkin sa kanya. Ngunit siguro nga ay natural na reaksiyon ng isang babae ang umiyak kapag naisuko na nito sa isang lalaki ang iniingatang kapurihan.

Kinabig siya ni Flynn. Napabilanggo ang mukha niya sa dibdib nito. “Did you... regret it?” himig-nangangamba na bulong nito.

Iling lang ang itinugon niya rito.

“Are you sure?” hinging kumpirmasyon nito habang ang isang kamay ay marahang humahagod sa buhok niya at likod.

“Yeah... I’m sure.”

Hindi pa ba naman siya sigurado gayong ilang ulit siyang binigyan nito ng pagkakataong umatras sa ginawa nila?

At hindi siya binigla nito. Sa unang pagtatangka nitong pag-isahin ang kanilang mga sarili, nang makita nitong nasasaktan siya ay hindi ito tumuloy. Nag-concentrate ito sa pagpapadama sa kanya ng suyo at lambing sa pamamagitan ng haplos at halik. Muling inihanda siya nito hanggang sa boluntaryo siyang tumulong upang magkaroon ng kaganapan ang sinimulan nila.

“Mahal kita, Jam.”

Napasinghap siya. Hinintay muna nito na nasa huwisyo na sila nang ipahayag nito iyon. Nangilid na naman ang luha sa mga mata niya. Dahil parang bendisyon sa pandinig niya ang paraan ng pagkakasabi nito. Para itong sumusumpa.

“Oh, Flynn... this is too soon. P-pero mahal din kita.”

Lalong nangislap ang mga mata nito. Pinagkiskis nito ang kanilang mga noo. “Jam, sweetheart, you just made me so very happy... Pangako, hindi ka magsisisi na minahal mo rin ako.” Ginawaran siya nito ng matamis at masuyong halik.

ALAS-DIYES na ng umaga nagawang umalis nina Flynn at Jam. Sa daan na sila nag-almusal. Lampas ala-una nang marating nila ang bakuran ng Falcon Aviation School.

Nanlalaki ang mga matang napatingin siya kay Flynn. “Sa inyo ang flying school na ito?”

“Hindi naman sa amin lang. Korporasyon ito,” wika nito, sabay kibit ng mga balikat.

Bakit nga ba hindi niya iyon naisip noon? Pamilyar siya sa Falcon Aviation School. Ilang panahon din siyang tumuntong sa lugar na iyon noon. At nabanggit na sa kanya ni Flynn na piloto ito.

Ngayon, higit kailanman, lalong lumawak ang pagkakaiba ng estado nila.

“Sasakay tayo sa eroplano?”

“Takot ka ba?” Ang nakangiting mukha nito ay nagbibigay ng assurance na wala siyang dapat ikatakot.

“Hindi.”

“Kailangan nating mag-eroplano para maipakita ko sa iyo ang lugar na paborito ko. I’m sure you’ll love it, too.”

Iginiya siya nito sa isang hangar. Isang lalaking naka-overall ang nakita niyang nagsasalansan ng mga gamit sa tool kit na nasa sahig malapit sa eroplano. Nang mabistahan niyang mabuti ang mukha ng lalaki ay napatalikod siya. Kilala niya ito—si Henry.

“Ahm, Flynn, p-pupunta muna ako sandali sa restroom.”

“Okay, sweetheart. Dito na kita hihintayin.”

“S-sige.”

“O, Henry, tapos na bang i-routine check itong BB?” dinig pa niyang tanong ni Flynn sa lalaki bago siya tuluyang makalayo.

Hindi naman siya pumasok talaga sa restroom. Nagkubli lang siya sa tabi niyon. Mula roon ay hinintay niyang makaalis si Henry sa hangar. Umiiwas lang siya na mamukhaan nito.

Nang makita niyang lumayo na si Henry sa hangar ay saka siya bumalik kay Flynn.

Ang Beachcraft Baron ang napili nitong sakyan nila mula sa mga bakanteng eroplano na naroon. “Baka kasi nerbiyosin ka kung ang Cessna lang ang sasakyan natin,” sabi pa nito nang kapwa na sila nasa loob ng cockpit at naghihintay ng air clearance mula sa Manila tower. “And I want you to enjoy this flight as much as we can, sweetheart.”

Ngiti lang ang nakuha niyang itugon dito.

Ilang sandali pa at suwabe nang nag-take off ang kanilang eroplano.

She felt the familiar rush of excitement while soaring to the heights. Naging malikot na ang mga mata niya sa pagtingin ng mga bagay sa kanilang ibaba habang unti-unting lumiliit sa paningin nila ang mga iyon.

Halos beinte minutos din yata ang kanilang itinagal sa himpapawid nang unti-unting bumaba ang kanilang altitude. Hanggang sa mapuna niyang isang napakahabang aplaya ang bababaan nila. At literal niyang nahigit ang hininga nang mapuna ang napakagandang view sa ibaba. It was an island paradise.

“This is it, sweetheart,” nakangiting baling sa kanya ni Flynn, halatang nasisiyahan sa tuwa at pananabik na nakikita nito sa mga mata niya. 

Kung paano sila nag-take off kanina ay ganoon din kaayos silang nag-landing. Masasabi niyang magaling na piloto si Flynn. Para talagang ipinanganak ito para magpalipad ng eroplano. Magkahalong enjoyment at confidence ang makikita dito habang nasa loob ito ng cockpit.

Niyakap kaagad siya nito nang tuluyan nang huminto ang kanilang eroplano. “Oh, sweetheart, you’re simply, marvelous.”

“Why? Wala naman akong ginawa kundi ang maupo dito,” natatawang sabi niya.

“Masarap ka palang copilot. Tahimik at hindi yata marunong matakot.” Dinampian nito ng halik ang tungki ng kanyang ilong.

“This place is like a paradise,” bulalas niya nang makalabas na sila ng cockpit.

“I’m glad you like it. This is our paradise.”

Napabaling siyang bigla rito. “Sa inyo ang islang ito?”

“Sa akin, part of my inheritance from my late grandfather. Pero ngayon ay atin na. Because now we are one, sweetheart.”

“Flynn, hindi—” Naputol na ang ano mang sasabihin pa niya dahil may isinesenyas ito. At nakita niya sa lugar na itinuro nito ang isang canopy na bahagyang itinatago ng mga nakayungyong na dahon ng mabababang puno ng niyog.

Nang marating nila iyon ay tumambad sa kanya ang isang napakagandang table setting. Walang tao sa loob ng canopy ngunit nakahain na ang mga pagkain sa gitna ng bilog na mesa. May ice bucket sa isang panig na kinalalagyan ng isang bote ng champagne. Sa gitna ay may tall vase na may laman na long-stemmed white American roses. May dalawang magkatapat na upuan doon. Iginiya siya ni Flynn na maupo sa isang silya.

“Let’s eat, sweetheart. Alam kong pareho na tayong gutom.”

Habang pinagsasaluhan nila ang masasarap na pagkaing nasa mesa, napapansin niyang panay ang sulyap nito sa kanya. Parang excited ito ngunit ninenerbiyos na hindi mawari.

Nakuha tuloy niyang biruin ito. “Hey, bakit ba panay ang tingin mo na parang gusto mo 'kong gawing dessert?”

Lumuwang ang ngiti nito, naging pilyo na naman. “Puwede?”

Nag-init ang pisngi niya. Wala naman siyang ibang ibig sabihin nang banggitin niya ang salitang “dessert.” Nang mag-react ito ay saka niya naisip ang implikasyon ng sinabi niya.

“That’s one of the thousand reasons I love about you. Your simple innocence, your blush, your smile... I have come to realize that I can no longer live without constantly seeing you in my life.” Nagbuntong-hininga ito.

Siya naman ay nilulunod ng kaligayahan habang nari-realize niya na sa maikling panahon ay katulad din ng sinasabi ni Flynn ang pakiramdam niya para dito.

“I saw my destiny the moment I laid my eyes on you, Jam, sweetheart. Kaya hindi ko magawang magsalita noon. Nabigla ako. Nagulat. Dahil totoo pala ang sinasabi ng ilan. Malalaman mo raw ang taong para sa iyo kapag nakita mo na ito.

“I was unable to process that truth for a short while. Sanay kasi akong nag-e-enjoy lang sa company ng mga babae. I always wanted to have some fun. Now, don’t get me wrong, hindi naman ako playboy at lalong hindi promiscuous. Clean fun ang ibig kong sabihin.

“Masaya lang ako sa atensiyong ibinibigay ng mga babae sa akin. Hindi uso sa akin ang salitang ‘commitment’ pagdating sa relasyon. Pero kapag umuuwi ako sa bahay, kapag mag-isa na lang ako sa kuwarto, may nami-miss ako na hindi ko alam kung ano.

“Until I saw you walking down the foothpath... in your red dress, and your delicate neck showing, like an ivory tower—”

“Oh, Flynn,” she groaned while she was sure her face turned crimson. She remembered how he had rained countless featherlight kisses on her neck earlier that morning.

“Sweetheart, wala kang dapat ikahiya. Alam ko na mabilis ang mga pangyayari sa pagitan natin. Pero sapat naman na siguro ang dalawang buwan. Kung hindi nga lang kita isinasaalang-alang, noong unang linggo pa lang na magkakilala tayo, gusto ko nang sabihin sa iyo na mahal kita. At... at gawin ito,” wika nito, saka iniumang sa harap niya ang isang maliit na black velvet case.

Napasinghap siya. Nagtatanong ang kanyang mga mata na napatitig dito.

“Go on. Open it,” nakangiting utos ni Flynn.

Para pa ring namamalikmata na sinunod ito ni Jam. Isang emerald-cut diamond ang bato ng singsing na nasa loob ng kahita. Biglang nagsikip ang dibdib niya at nag-init ang sulok ng kanyang mga mata.

Sa mabilis na kilos ay lumigid sa tabi niya si Flynn. Iniluhod nito ang isang tuhod sa buhangin. Pagkatapos ay kinuha nito sa kamay niya ang singsing at isinuot iyon sa daliri niya. “Now, Jam San Diego, would you like to marry me and cure the heart of this lovesick man?”

Matatawa sana siya sa ka-corny-han nito kung hindi lang sinsero at tila ninenerbiyos na naman ang hitsura. “I’d love to,” simpleng tugon niya kasabay ang isang matamis na ngiti.

Sukat doon ay mabilis na tumayo ito, hinatak siya at niyakap nang mahigpit. “Thank you, sweetheart.”

Matagal sila sa ganoong ayos, ninanamnam ang kaligayahang saganang ibinuhos sa kanila ng tadhana nang mga oras na iyon. At habang nakakulong siya sa mainit na yakap ng binata, napagtanto niyang dito lang siya liligaya.

“Oh, Flynn, salamat sa pagmamahal mo,” naluluha nang sabi niya. “Hindi ko na inaasahan na may magbibigay pa ng ganito kalaking pagmamahal sa akin. Kapiraso lang ang ipinagdasal ko, langit naman ang ibinigay mo.”

“At kung may uri ng pagmamahal na mas malaki pa sa langit, at kaya kong ibigay iyon, ibibigay kong lahat sa iyo, sweetheart,” anas naman nito sa ibabaw ng ulo niya.

Nang muling maglapat ang kanilang mga labi, sinelyuhan na rin nila ang mga pangako, kaligayahan, at pasasalamat na binuhay sa dibdib niya ng malaparaisong lugar na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro