Chapter 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Frixiah P.O.V

Pumikit muna ako at hinilot ang aking sentido. Gusto kona matulog pero hindi pa ako tapos sa pag-e-edit at pagta-transfer ng pictures at bukas na ang deadline na iyon.

Pero paano ako matatapos nito sa trabaho kung hindi makapag-concentrate dahil sa lakas ng tugtog sa kabilang kwarto?

High school pa lang ay mahilig na  ako na kumuha ng pictures kaya nang mag-college ay nag-take ako ng Fine Arts sa UP,  Masuwerte din ako dahil sinuportahan ng mga magulang ko ang aking course.

Nagsimula akosa pagkuha ng mga litrato sa events gaya ng kasal, debut, hanggang sa may nag-offer na sakin ng malalaking projects commercials at fashion shows.

Nakitaan din ako ng talento, at first I was hesitated at dahil alam  kong hindi basta-basta ang maging photographer sa malalaking event, lalo na at mga kilalang tao ang mga makakatrabaho ko. But after many days of contemplating at pagpipilit  sa akin ni Nina ang nag-offer na ngayon ay naging matalik na  kaibigan kona at pumayag, Pero nagsimula muna ako bilang assistant para mapag-aralan ang galaw ng mga modelo.

Eleven thirty na pero gising na gising pa ang nasa kabilang kwarto. Napabuntong-hininga pa ako at naglakad papunta sa pinto ng kwarto, Kailangan itong pagsabihan dahil siguradong hindi ako matatapos sa trabaho.

Acy, pwede bang pakihinaan ang speaker mo? Hindi ako makapag-concentrate sa trabaho ko.” Bungad kosa nakababatang kapatid kona patalon-talon sa kama at ginawang microphone ang hairbrush niya.

Napailing ako dahil patuloy lang ito sa pagsigaw ng lyrics na akala mo ay nagko-concert. Ang buhay nga naman...  Heto ako at gusto nang matulog pero hindi pwede habang ang kapatid ko, pakanta-kanta lang. Naglakad ako palapit sa speaker at ini-off iyon.

Ate, naman! Hindi mo ba nakikita? Kumakanta ako!”

“Hindi ko lang nakikita, dinig na dinig ko pa. Kanta pala ang ginagawa mo? Akala ko kasi tumutula ka. Aba, baka mamaya sugurin tayo ng mga kapitbahay dahil sa pambubulahaw mo.”

Akala yata ng kapatid konatu ay napakaganda ng boses niya at nagko-concert sa Araneta. Wala ni isa sa amin ang niregaluhan ng mala-songbird na boses at tanggap kona iyon. Hindi man ako biniyayaan ng magandang boses, nagpapasalamat pa rin ako sapagkat nabigyan ako ng talento sa photography.

Pinaikot naman ni Acy ang mga mata niya at pasalampak na umupo sa kama.

Okay lang iyan. Pasalamat nga sila at libre itong ginagawa ko.” sagot niya na ikina-Paltak ko ng daliriNa at namaywang.

Sila pa talaga ang may utang-na-loob saiyo? Libre nga sila, tapos tayo ang gagastos para sa checkup ng eardrums nila. At kwarto pa ba ang tawag mo rito?” tanong ko at napangiwi nang makita ang mga poster na nakadikit sa dingding.

Hindi ganito ang hitsura ng kwarto ni Acy dati, May mga poster na nakadikit sa dingding pero hindi ganoon karami. Hindi kagaya ngayon na kahit saan ako tumingin ay parehong mukha ang nakikita, Hindi ko nga kilala kung sino ang mga tuh.

Hindi. This is Dragon Teamer Sanctuary.” Tawang saad pa niya at itinaas ang dalawang kamay na parang isang kontrabida sa pelikula, na ikina-kunot ng noo ko.

Ate, naman! Principal nga namin, kilala ang Dragon Teamer, tapos ikaw hindi? Tagaibang planeta ka ba? Kung ang ibang bansa, may Backstreet Boys, F4, One direction at BTS, tayo naman ay may Dragon Teamer. Sila ang pinakasikat na boy band ngayon at unti-unti na rin silang nakikilala sa ibang bansa, Di ba, Baby JVT?” baling niya sa picture frame na nasa bedside table. 
Hindi ba, photographer ka? At may malalaki kang project, hindi mo pa ba sila nakita?”

Nagkibit-balikat ako at umupo sa kama. Sa tingin ko, hindi pa ko pa nakikita ang banda na yun o siguro, hindi ko lang talaga kilala kaya hindi pamilyar ang mukha ng mga lalaki. Hindi rin naman ako nagbababad sa TV o radyo kaya wala akong gaanong kilalang mga sikat na tao, Hindi rin ako gaanong active sa social media.

Ang tanging kilala lang ni ko lang ay ang mga nakakatrabaho ko. Mas gusto kong kasama ang camera, laptop o kahit anong gadgets basta pwedeng makakuha ng litrato.

Kinuha ko ang isang unan na may larawan ng limang lalaki. Dumako ang aking tingin sa lalaki sa pinakagitna. Guwapo ang mga lalaki pero may kakaiba pa akong nararamdaman sa lalaking nasa gitna, Hindi nga ko alam kong ano yun.

The guy had a pompadour hairstyle, iyong manipis sa magkabilang gilid habang medyo mahaba naman sa gitna. Dark brown pa ang kulay ng buhok, Hindi singkit ang lalaki pero halos pumikit na ang mga mata dahil sa saya. Para bang ngumingiti rin ang mga mata nito na binagayan ng makakapal na kilay.

Huwag mong masyadong titigan. Baka matunaw.” Pagbibiro pa ni Acy.

Noon ko lang na-realize na tinititigan na pala kona pala ang lalaki, iniwas ko ang aking tingin saka tumikhim.

Ano ba ang nagustuhan mo sa kanila? Wala naman silang ibang ginawa kundi ang kumanta, magpaguwapo, at magparami ng pera. Iniilusyon mo pa na isa sa kanila ang maging boyfriend mo. Huwag mo na iyang hilingin, Sayang lang ang oras mo dahil maghihiwalay din kayo niyan at hindi ko kailangan ng boyfriend na kagaya nila.” sabi ko at humikab kahit nawala na ang aking antok pagkatapos makita ang litrato ng lalaki na yun.

Ate, talent ang tawag dun. Sino ba ang ayaw na maging boyfriend sila? Sila ang dream boy ng bawat babae sa school namin. Tingnan mo nga at ang babait nila, lalo na si JVT. Nagpa-follow at nagme-message sa fans. They really care for their fans hindi kagaya ng ibang mga banda na binabale-wala ang fans nila.” katwiran pa ni Acy.

Bakit, finollow at nag-message na ba sayo yang utot na iyan?”

“Hindi pa dahil marami ang nagme-message sa kanya pero hindi ako titigil hangga’t hindi niya ako napapansin.”

“See? Malay mo, napipilitan lang pala ang mga iyon O kaya, mga assistant nila ang nagre-reply. Alam mo kasi, ginagawa naman nila ang lahat ng gusto ng fans kahit nakakasakit na sila ng ibang tao. Pakitang tao lang nila iyang they care for you na sinasabi mo, Siyempre kailangan nila kayo para sumikat sila. Wala silang ipinagkaiba sa ibang mga banda. They are all the same. Nagkakaiba lang sa pangalan, members, at Theme ng music.”

“Ate, bakit parang galit ka sa kanila? Nakasama mo na ba sila?”

Parang nagising naman ako sa tanong ng kapatid ko, Hindi ko namalayan na nakakuyom na pala ang mga kamay ko, huminga muna ako nang malalim at tumikhim.

Hindi ako galit. Bata ka pa kaya huwag kang magpapaniwala riyan sa mga ipinapakita nila. Kaysa ang banda at love life ang atupagin mo, mag-focus ka sa pag-aaral.”

“Alam mo, dinaig mo pa sina Mama at Papa sa pagsermon sakin. Hindi nga nila pinakikialaman ang mga ginagawa ko basta raw pagbutihan ko ang pag-aaral na ginagawa ko naman atleast dito ako sa banda naloloko. Hindi sa kung ano-anong pagbubulakbol. At, Ate, ayusin mo nga iyang pananamit mo nang magka-love life ka na." sabi nito at inginuso ang suot kong damit.

Sixteen years old pa lang si Acy pero kung sermunan ako ay parang mas matanda pa ito, samantalang twenty-five years old na ako. Malaki na ako nang mabuntis uli si mama at naging maselan na ang pagbubuntis nito dahil sa edad.

Kaya siguro naging spoiled si Acy. Wala naman kaming problema sakanya dahil kahit na makulit ay marunong pa rin itong rumespeto samin, madaldal nga lang. Maganda na hindi nagbubulakbol si Acy pero ayaw ko rin magpakaloko ito nang sobra sa isang banda. Ayaw kong dumating ang panahon na maranasan ng kapatid ko ang mga naranasan ko sa isang komplikadong relasyon.

Tiningnan ko ang aking repleksiyon sa vanity mirror. Wala namang masama sa suot ko maluwag na T-shirt at pajamas. Okay lang naman kahit magulo ang buhok naka-bun dahil gabi na.

Anong gusto mo? Matulog ako nang naka-gown?”

“Hindi lang iyang damit na pantulog ang tinutukoy ko kundi pati na rin iyong pang-araw-araw mo. Paano ka papatulan ng mga model kung ganyan ang hitsura mo? Dinaig mo pa ang teacher namin na forty years old na. Mas bagets pang manamit kaysa sayo, Minsan nga gusto kong i-suggest kina Mama na palitan iyang pangalan mo kaya siguro nagiging boyish ka dahil Frixiah nagiging Frix ang pangalan mo.” Pinandilatan ko naman sa asar niya sakin.

Sinesermunan mo ba ako? Ako na ate mo?”

Kumpara sa nakababatang kapatid ko na parang pupunta sa isang fashion show kung manamit ay kumportable na ako sa sneakers, skinny jeans, at plain T-shirt or blouse. Hindi uso sakin ang salitang pustura. Mas gusto niya ang simple, kumportable at disenteng damit, I was professional in doing her job.

Hindi ko minomolestiya ang mga model at wala akong balak patulan ang mga nakakatrabaho kaya hindi kona kailangang magpaganda.

Naniniwala kase akona kung mahal mo ang isang tao, mamahalin mo siya kahit ano o sino siya. Hindi dahil sa suot niya o kung ano-ano pa.

Hindi naman masyado. Siyempre mahal kita kaya concerned ako at baka masayang ang genes natin kapag hindi ka mag-asawa at dapat katulad ni Baby JVT ang maging boyfriend mo.” nakangiting sagot ni Acy. 
Ate, nagka-boyfriend ka na ba?”

Teka nga, bat napunta sa akin ang usapan? Matulog ka na nga at may pasok ka pa bukas.”

“Hindi pa ako inaantok. Bakit tuwing tinatanong kita, palagi mong iniiba ang usapan natin? Siguro may itinatago ka, nuhhhh?”

Para hindi na ako kulitin pa ng aking kapatid ay tumango na lang ako. Hindi naman sa ayaw kong magkuwento pero sobrang komplikado kung ikukuwento ko rito.

Ayaw ko nang halukayin pa ang nakaraan.

Napapikit ako nang bigla siyang tumili. Hindi nga ako mabibingi sa mga musika niya pero mabibingi naman ako sa tili nito.

Oh, my! Sino ang naging boyfriend mo? Kumusta siya as a boyfriend? Gaano kayo katagal? Bakit wala akong alam? Bakit kayo naghiwalay?”

“Ano ang una kong sasagutin doon? Mahaba ang kuwento, baka umagahin tayo.” natatawang sagot ko.

Then make it short. Sige na.” pangungulit pa ni Acy.

Paano ko nga ba papaikliin ang isang relasyon na umabot sa isa’t kalahating taon?

Nang dahil sa mga tanong ng kapatid ko ay naalala ko kung paano ako iniwan ng Ex-boyfriend kona ngayon…

*End of Chapter 1*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro