Chapter 10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Frixiah P.O.V

What? Tinanggihan mo ang ino-offer kong friendship sayo?” di-makapaniwalang bulalas ni Jay Vincent.

Oo, dahil ayaw kitang maging kaibigan.” sagot ko pa.

Hindi ko alam pero parang nadismaya ako sa narinig parang may kulang doon pero hindi ko alam kung ano... Sincerity? Loyalty? Urgh! Hindi ko alam.

Tell me. Bakit ayaw mo ako maging kaibigan?” Wala na ang ngiti sa mga mata niya, I could see seriousness in his eyes.

I don’t want it because you’re Jay Vincent Tolabing a.k.a JayVT.”

Kaya nga, Ako si Jay Vincent Tolabing. Ang guwapo, mabait, mayaman, magaling, at sikat na singer. Wala ka nang makikitang five-in-one ngayon.” sabi niya at nakataas ang kaliwang kamay.

Binilang ang mga adjective na sinabi niya imbes na mainis ay natawa ako.

Basta ayoko pa rin.”

“I still don’t get it.”

Ayaw kong maging kaibigan si Jay Vincent dahil alam kong magugulo lang ang buhay ko. Galing na sa bibig niya na sikat siya parang... isang magandang damit sa ukay-ukay na pinagkakaguluhan samantalang nasa isang tabi lang ako at wala man lang tumitingin.

Kuntento na ako sa simpleng buhay kaya bakit gusto pa nitong maging kaibigan ako? Marami naman akong kaibigan na ka-level ko.

Mr. Tolabing, intindihin mo kasi na hindi lahat ng tao ay gusto kang maging kaibigan. Okay?” sabi ko at tinapik-tapik pa ang pisngi niya para naman magising sa katotohanan.

Ang lambot ng pisngi, parang sanggol.

Hinawakan naman ni Jay ang aking kamay na nasa pisngi niya at tiningnan ako, kumabog naman ang  dibdib ko sa ginawa nito.

Kung kanina confusion ang nakikita ko sa mga mata ni Jay Vincent, ngayon ay iba na parang kinikilatis ang pagkatao ko at malulunod sa lalim ng pagkakatitig nito.

“JayVT!? Uhm… Can we have a picture with you?”

Binawi ko agad ang kamay ko nang may narinig na nagsalita. Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ang isang grupo ng mga babae malapit samin.

Hindi mo ba nakikitang nag-uusap kami?!

Narinig kong nagpakawala ng isang buntong-hininga si Jay Vincent at nginitian ang dalawang babae.

Pa-autograph na rin.”

Tumango si Jay at sabay-sabay na nagtilian ang mga babae.

Kung ako ang nasa posisyon niya, sigurado akong may hearing aid na ako kapag forty years old na tanda ko.

Kinuha ni Jay Vincent ang mga gamit na pipirmahan at nagsimula na ring ngumiti sa camera. Totoo nga ang sinabi niya na wala itong makausap nang maayos.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may babaeng humalik sa mga labi ni Jay Vincent. Wala namang ginawa siya kundi ang tumawa.

Aba! maharot ka din pala Jay Vincent.

Gusto kong sabunutan ang babae at mas lalong gusto kona tadyakan si Jay Vincent.

Mga traydor! Pagkatapos akong halikan kanina, ibang babae na naman?

Bakit ba hindi pa ako nasanay?

Jay Vincent... mauna na ako.” paalam ko.

Wait for me, madali lang ito.”

“Huwag na. Pagbigyan mo na lang sila.”



*END Of CHAPTER 10*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro