Chapter 24

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Frixiah P.O.V

Wala akong naramdaman nang magdikit ang mga palad namin ni James hindi katulad ng mumunting init kagaya ng nararamdaman ko kay Jay Vincent.

Maybe I now knew the reason why I felt nothing for this guy, It was because I already had Jay Vincent.

Kasabay ng halik ni Jay Vincent noong unang gabi ay tinanggal na nito ang lahat ng sakit at galit sakin hindi lang tinanggal dahil pinalitan din ng pagmamahal.

Pagmamahal na nararamdaman ko kay JayVT. Hindi pala si Jay Vincent ang duwag kundi ako at ayaw ko nang  magpakaduwa ayaw kong dumating ang panahon na tuluyan akong magsisi dahil saking ginawa.

Aray!” sabi ko nang mapasubsob sa dibdib ni James bigla na lang kasing may bumangga sa likod ko.

Sobrang liit ko ba na hindi nila ako makita?

I’m sorry, you’re blocking the way kasi, eh…” maarteng sabi ng babae.

Tiningnan ko naman kung nakaharang nga kami sa daan pero napakunot lang ang aking noo nang makitang nasa isang tabi lang kami at kahit apat na tao ang magkasabay na maglakad ay kakasya roon.

Hindi ka naman siguro balyena na kailangan—”

Naputol ang aking sasabihin nang makita ko si Jay Vincent na katabi ng babae, Nagpalipat-lipat ang aking tingin sakanila.

Wala na ang dating ngiti sa mga mata ni Jay.

He was just looking at Me as if hindi ako kilala, Nalipat ang tingin ko sa babae.

Maganda? Check.

Sexy? Check.

Kutis-artista? Check.

Swak na swak na pinagpalit sakin.

Bakit madali itong makahanap ng ipapalit sakin?

Wala lang ba ako sakanya?

Mukhang mas masakit pa iyon kaysa sa ginawa ng ex ko, ang makitang may mahal nang iba ang lalaking mahal ko.

Nahuli na ba ako?

What are you saying again? Wait… Darling, you still have some lipstick smudge…” sabi ng babae at pinahid ang hinlalaki sa gilid ng mga labi ni Jay Vincent.

Nagkibit-balikat lamang ang tugon.

Gustong ko sabunutan ang babae dahil wala namang dumi sa sulok ng mga labi ni Jay Vincent.

Lipstick smudge? Sige, ipamukha niyo pa na naghalikan kayo.

“Right, wala na...Sige, we need to go now. Sorry for disturbing you.” sabi ng babae na parang mawawala sa tudo ng kapit sa braso ni Jay Vincent.

She’s really pretty.” Pinaningkitan ko ng mga mata si James.

Hiwalay na ba kayo ni Raquel? Kung makatingin ka doon sa babae…”

“Hindi, ah… My bandmates just adore Faith. Ang swerte talaga ng mga ugok na iyon— Are you okay?”

“H-ha?”

“Are you crying? Nagagalit ka ba dahil kami pa ni Raquel?”

Uminit ang sulok ng aking mga mata at Suminghot-singhot para pigilin ang sarili na umiyak.

Hindi! Nakita mo bang tumutulo ang luha ko? Naka-move on na ako. Masaya ako na kayo pa pero huwag mo nang ipamukha sa akin na ang swerte ni JayVT. Huwag mo ring ipagduldulan na maganda iyang Faith na iyan.” Nanlaki naman ang mga mata niya at ngumiti.

Whoa, somebody’s get jealous! Is there something going between the two of you?”

Nakagat ko ang aking ibabang labi at tumungo.

Wala naman, di ba? Walang namamagitan samin ni Jay Vincent dahil hindi ko iyon hinayaang mangyari.

It seems like I just let go of the guy whom I love and everything’s too late. Nakahanap na siya ng iba.” malungkot na sabi ko.

Narinig kong tumawa nang mahina si James at gusto ko siya batukan.

Masaya ba ito na nakikita akong nasasaktan?

Pinaningkitan ko siya ulit ng mga mata. Itinaas naman ni James ang mga kamay na parang humihingi ng paumanhin.

I’m sorry. It’s just that naniwala ka naman sa kanila? Hindi mo ba kilala si Faith Parker? She’s the younger sister of Niel at wala siyang boyfriend. I guess it was just a Act kanina dahil nakita niyang magkasama tayo.”

“Hindi niya b-boyfriend si JayVT?”

“No. Malapit lang talaga siya sa banda.”



~*****•••°°°(✿)°°°•••*****~


Tumalon-talon ako para makita kung saan nakapwesto si Jay Vincent. Nasa ground floor na ako at hindi ko siya makita dahil sa dami ng tao na nakapalibot sa banda.

Mukhang nagsisimula na ang pag-i-interview ng reporters sa grupo dahil sa dami ng microphone at camera.

Bigla akong napangiti nang makita ang likod niya. I was pretty sure na si Jay Vincent ang nagmamay-ari ng malapad na likod.

Basta na lang ako nakisingit  hanggang sa marating ko ang pwesto ng Banda. Wala na akong pakialam kung matapakan ako ng mga ito basta ang importante ay makausap ko si Jay Vincent.

Nagpasalamat din ako kay James at agad na umalis doon para hanapin si Jay Vincent. Hindi ko na  sasayangin pa ang oras, lalo na at nalaman kong wala naman palang namamagitan sa dalawa.

Hindi ako papayag na may ibang babaeng mamahalin si  Jay Vincent.

I would follow what my heart was telling me and would let my feelings lead. Wala na akong pakialam sa iba.

Hindi ko na  iisipin kung ano ang sasabihin ng iba.

What mattered most was the fact that I knew I would be happy if Jay Vincent was mine.






*End of Chapter 24*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro