Chapter 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Jay Vincent P.O.V

"Tama na yang mga kadramahan, For the other lucky winner medyo complicated." nakangiwing deklara ni Ma'am Elyn nung tawagin ang bandang namin Dragon Teamer.

Ipinatawag ko agad ang mga kabanda pagkatapos ang practice dahil malalaman na namin kung sino ang makakasama sa three-day getaway sa Ginatilan Cebu Resort.
Hindi namin alam ng mga ka-banda ko na may raffle palang nagaganap, Nalaman lang yun nang halos mapuno ng messages ang aming social media account ng mga tanong tungkol sa raffle at marami rin ang humihiling na sana ay manalo ang mga sila.

Kinumpirma ko kay Manager, Ang sagot lang nito samin ay alam naman daw niya na papayag kami at makabubuti rin daw iyon sa Banda. Naintindihan ko naman kung bakit pumayag si Ma'am Elyn.

Una, gusto nitong malipat ang atensiyon ng mga reporter imbes sa breakup ng kabanda kong si Joseph mag-focus ang mga ito ay mapupunta sa raffle... Mainit pa rin kasi sa media si Joseph sa breakup na naganap, Tuwing titingnan ko siya parang wala itong pinagdaraanan dahil tuloy pa rin ito sa ginagawa at nakikisakay pa sa lokohan namin.

Pangalawa, para makapagpahinga Kami. Cebu Resort would be a good place for relaxation.

Kailangan pahinga lalo na at sunod-sunod ang mga practice, guestings, at mall shows ng Banda. Nagsisimula na rin kaming mag-record ng bagong album and we were also planning to have a concert. Hindi naman masamang magpahinga nang tatlong araw, Tao rin kami napapagod at kailangang magpahinga.

"Magulo kasi, wrong number daw pero tama naman ang pangalan at ang number. We just need to confirm it."

"Really? Sino naman iyon? Give me the number, baka ang gusto niya kami pa ang mag-usap." bale-walang sabi ko.

Ibinigay ni Elyn ang cell phone sakin. I tapped my fingers on the table while waiting for the other line to answer the call.

"Hi. Is this Miss-" Natigil ako sa pagsasalita dahil nakalimutan kong tanungin kung sino ba ang tinawagan namin.

Tiningnan ko si Ma'am Elyn, Sinenyasan niya naman kung ano ang pangalan ng lucky winner.

"Frixiah Schmidt," pagpapatuloy niya. "I'm JayVT from Dragon Teamer and-Uhm... Are you still there?"

Tiningnan ko ang cell phone dahil biglang hindi na nagsalita ang babae sa kabilang linya, Ang tanging naririnig ko lang ay ang mga kaluskos sa background at mga taong nag-uusap.

["Ha?"]

Napangiti ako, Sa tagal kona sa industriya nakilala kona ang dalawang klase ng fans iyong tumitili kapag kinakausap at iyong natutulala kapag nakikita ako. At base sa reaksiyon ng babae sa kabilang linya, natulala ito sa narinig.

"As what I have said, I'm JayVT from Dragon Teamer and I'm happy to announce-"

["Kung ikaw si Jay, ako si Jaytot bansot! Wala akong oras para patulan iyang raffle at mga kalokohan mo. Pwede ba, kung manloloko kayo, maghanap kayo ng madaling mauto at kung ikaw masaya, pwes ako hindi. Huwag mo akong iistorbuhin dahil marami akong dapat ayusin sa trabaho ko at baka pagbuhulin ko pa kayo ng Tangang kasama ko!"] bulyaw nito at tinapos ang tawag.

"Okay. Binabaan lang niya ako." hindi makapaniwalang sabi ko. "Actually, sinigawan pa nga ako. Huwag ko raw siyang iistorbuhin dahil busy siya sa trabaho."

I didn't expect that reaction from the other line.

Iyon ang unang pagkakataon na sinigawan ako nang magpakilala at ginawang joke ang aking pangalan pero kahit galit ang babae, I found her voice soothing.

Sa tingin ko, tagabundok ang babaeng nanalo sa raffle dahil imposibleng hindi ako nakilala, Halos araw-araw ay palagi kaming makikita sa TV. Trending din sila sa social media, Hindi sa pagmamayabang nagsasabi lang ako ng totoo.

Hindi ko din inaakala na madali kaming magugustuhan ng mga tao dahil hindi kami ang usual na banda na may drummer o guitarist. In other words, puro kami vocals at minsan lang na may boy band na sumikat sa bansa kaya laking pasasalamat kosa fans na sumuporta at patuloy na sumusuporta samin.

May limang miyembro Dragon Teamer pero ako ang pinakamalapit sa fans, Noong mga panahong hindi pa kami masyadong sikat ay nakakasama ko ang mga ito pero hindi na gaya ngayon. We could only communicate with our fans through social media.

During my free time palagi kong kinukamusta ang mga fans sa social media, Gusto kona maramdaman ng mga ito na kahit hindi ko personal na kilala sila ay mahal ko sila.

Ako din ang itinuturing na leader ng banda hindi dahil ako ang pinakamatanda kundi dahil sa aming lima, masasabing ako ang pinakaresponsable hindi ko rin sinasabing iresponsable ang aking mga kabanda pero sa aming lima, ako ang tagasaway kapag sobra na silang mang-asar, Para daw akong tatay kaya minsan ay "Daddy" ang tawag sakin ng aking mga kabanda.

Si Drake Majesterio ang pinakabata samin pero ito rin ang pinaka-flirt, Kada-buwan ay iba't ibang babae ang idine-date nito pero hindi rin naman nagiging girlfriend.

Si Joseph Obermeier naman ang pamisteryoso sa kanila dahil sa aming lima, ito ang mahinhin. Pero kapag inaasar ng mga kabanda ay hindi rin nagpapatalo.

Si Niel Parker ang palaban kahit sa Internet ay sinasagot nito ang mga balitang hindi totoo. Walang pakialam kung sino ang makaaway.

Si Francis Yukirama ang maituturing namimg bunso kahit hindi naman, Wala na itong alam kundi ang kumain.

Napapitlag ako nang maramdamang may tumama sa mukha ko hindi naman masakit pero hindi ko inasahan iyon. Nakita ko na nandidiring pinupunasan ni Joseph ang pisngi niya samantalang tawang-tawa naman ang iba naming kabanda kasama na si Elyn.

Nang dahil sa kakaisip kung bakit hindi ako kilala ng babaeng nakausap sa telepono ay hindi ko na napansin kung anong kaguluhan ginawa ng aking mga kabanda, Kinuha ko ang nilamukos na tissue na nasa harap at binigyan ng what-is-this look Sila.

"Lutang ka kasi. Bro, pangit yata ang boses mo sa cell phone." natatawang sabi ni Niel.

"Oo nga. Palitan ka kaya namin?" pagsang-ayon naman ni Drake.

"Gago! Mas pangit ang boses niyo kaya nga hindi kayo natitiis ng mga ka-date niyo." Ganting asar ko.

"Bawal magmura, may bata rito." saway ni Drake, Ayaw niyang may nagmumura.

"Nasaan ang bata?" tanong ni Francis at tiningnan ang paligid na parang hinahanap ang bata.

"Sa harap mo." sagot naman ni Drake na ang itinutukoy ay ang sarili.

"Bro, may bata pa bang hindi na virg-"

"Tumigil na nga kayo." natatawang saway ko.

"Oh, sabi ni Daddy... tumigil na raw tayo." pang-aalaska ni Niel, ibinato kosa kanya ang nilamukos na tissue paper pero nakailag siya.

"Ano na, Joseph? Tahimik ka na naman. Baka mamaya may nakikita ka na hindi namin nakikita." baling ni Francis kay Joseph.

Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Francis.

Bago kami maging isang banda ay wala akong ideya kung sino ang mga ito, Nagkakilala lang dahil kami ang napili sa libo-libong nag-audition para sa bagong mukha sa music industry.

Hindi lang natupad ang pangarap ko na maging isang singer, nagkaroon din ako ng mga bagong kapatid.



*End Of Chapter 3*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro