Chapter 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Frixiah P.O.V

Bitbit ko ang aking iPad at parang zombie na naglakad papunta sa living area ng villa, Hindi ko alam kung ilang oras lang ang tulog ko dahil madaling-araw na nang dalawin ako ng antok sumandal ako sa sofa at ipinikit ang mga mata habang hinihintay mag-load ang sinearch ko na picture sa iPad.

Haysssttt… Ang sarap tumambay rito.

Gabi na kami nakarating sa  Ginatilan Cebu Resort at hindi namin nakasabay ang Dragon Teamer dahil may kailangan pa raw tapusin na trabaho.

Okay lang naman iyon sakin pero halatang disappointed si Hazzel, ang kasama kong na nanalo rin sa raffle. Katulad ito ng kapatid ko na fan ng banda pero si Joseph ang gusto ng dalaga na ito.

Gumawa muna ako ng research tungkol sa banda bago pumunta sa Ginatilan Cebu pero nang makilala at makakuwentuhan ko si Hazzel ay parang kulang ang mga nabasa ko dahil parang stalker ang dalaga na alam ang lahat tungkol sa Dragon Teamer.

Kaya imbes na magbasa ay tumingin na lang ako sa iba’t ibang larawan ng banda, Hindi ko pa kasi  kabisado ang mga ito base sa hitsura at nakakahiya naman kung ibang pangalan ang maitawag ko sa mga miyembro nila.

Pagkapasok na pagkapasok sa resort ay namangha agad ako sa mga ilaw na nasa paligid.

Dinaig pa niyon ang mga Christmas lights tuwing Pasko sa bahay namin sa liwanag na dala ng mga ilaw pakiramdam ko ay nasa Hawaii kami dahil sa kagandahan ng lugar napakarelaxing.

At nang makapasok kami sa tutuluyan ay napanganga na lang ako, The place screamed luxury and elegance.

Iyong gugustuhin mong tumira na lang doon, Maagang natulog ang kasama ko,siguro dahil na rin sa pagod kaya mag-isa akong naglibot sa resort. Hindi ko kasi  mapigilan ang mga paa ko at kating-kating lumabas sa villa.

Nang nakaramdam na ako ng pagod bumalik na akosa aming tutuluyan at ilang bese pa nakahikab saka pumikit.

Papunta na ako sa dreamland nang marinig kong may tumatawag sakin.


*End of Chapter 5*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro