Chapter 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Joy P.O.V

Good morning Sunshine!

Susuot nanaman ako ng maskara sa harap ng mga Pipol (People).

Hinawi ko muna ang kurtina para magkaroon na ng liwanag ang buong kwarto ko.

"Hayssst...."

Malalim ang buntong hininga ko ng makita ang kabuo-an ng kwarto ko.

Nagkalat ang piraso ng parte ng salamin maraming gamit na naka kalat, may mga piraso ng mga papel sa bawat sulok at may sapot rin ng gagamba.

At pagtingin kusa ilalim ng kama ko, Mula sa gilid ng sahig ko..may...

O_O

D-dugo!

"Sh*t"

Napatutop ako ng bibig ko sabay tingin sa pulsohan ko.

May laslas na mababakas dito at nahihilom na.

Kailangan ko ulit magsuot ng mahabang manggas ng damit para di mapansin ni Ate pearly na ginawa kunaman ulit.

Oo tama kayu sa nabasa niyo palaging ko ito Ginagawa at pa ulit-ulit pero ngayon minsan nalang dahil nakakaya ko na minsan kontrolin ang sarili ko.

Si ate pearly lang may alam na may Depression ako, sa murang edad kung ito nakaranas na ako ng depression.

Dahil Lang sa pag prepressure sakin ng mga magulang ko sa mga academics at pagkalinga nila.

Humanap ako ng damit na may manggas sa walk in closet ko sabay suot nito.

Tinignan ko muna ang Reflection ko sa salamin sabay ngiti pero di halata na masaya.

Tinignan ko rin ang kabuoan ko nakapajama ako ng bulaklakin at terno rin sa damit.

Kinuha ko ang suklay sa lagayan ng mga accessories ko at kinuha ko na rin ang pangtali na plain black.

"Hayssst...kailan kaya ako ngingiti ng totoo at walang halo na peke o pilit."

Natapos kuna ang pagtali ng buhok ko, Ponytail ang style yan lang kasi alam ko.

Bumuntong hininga muna ako bago tumingin sa salamin at ngiti, nawala ang ngiti ko ng may Mainit na likido na galing sa mata ko papuntang pisngi.

"Psssh! Traydor na mga luha *sob* Hahahahaa Kaya mo ito Joy."

Pinahid kuna ang mga luha ko gamit ang likod ng mga palad ko.

Sabay labas sa walk in closet papunta sa banyo ng kwarto ko.

Malinis naman ang Banyo ko dito sa loob ng kwarto, may bathub tapos shower syempre.

Tinungo kuna ang sink sabay mumog at hilamos, kinuha ko ang face towel sa holder nito sabay punas kosa mukha.

Lumabas na ako ng banyo saka tumahak na sa pinto ng palabas sa kwarto ko.

Kailangan ko ng magpatulong Kay ate pearly magpalinis ng kwarto.

Anytime kasi baka dumalaw si Joshie at mapagdiskitahan ang kwarto ko.

Kailangan ko ng mag linis ng kwarto.

Pinihit kuna ang door knob sabay labas ng kwarto.

Saka ko tinahak ang daan papunta ng hagdan para bumaba para makapag almusal na at magpapatulong rin ako kay ate pearly na magpalinis ng madumi kung kwarto.

Malapit na ako ng kusina pero huminto muna ako dahil narinig kung nagsasalita si papa may nag uudyok sa akin na wag munang lumapit at makinig.

"Ok papunta na ako diyan, Hindi dapat pabayaan yan sa mga assistance ng negosyo. Ako na maghaharap sa kanila."

[Opo. Sir sasabihan ko po sila na magset ng appointment para sa nalulugi nating branches para ma aware din po sila.]

Yan Ang sabi ng caller ni papa na ikina gulat ko.

Nalulugi na pala ang negosyo na tindahan namin.

"Okey sige magset kana diyan paalis na ako bye."

Nakita ko naman na pinatay na ni Papa ang call saka niya hinilot ang kanyang noo.

"Oh! Joy nandiyan kana pala halika na sa kusina at nang makapag almusal kana."

Sabi ni ate Joy na bigla nalang sumulpot sa likuran ko tumango naman ako at pumunta Nakita ko pa si Papa na natigilan ng Makita ako saka bumaling Kay ate pearly.

"Pearly aalis muna ako ikaw na bahala dito."

Sabi ni Papa kay ate pearly saka bumaling sakin at matipid na ngumiti.

"Joy, wag kang mag-alala magiging okey lang ang negosyo alam Kuna nasa labas ka nakikinig, sige aalis na ako wag kang makulit."

Tumango naman ako at hinalikan akuni Papa sa ulo at umalis na.

Grabe! Alam pala ni papa na nakikinig ako haysssst...sana ganyan parati si Papa sakin kasu lang nagiging busy naman siya sa negosyo namin katulad ni mama.

Kaya Wala silang time para sa akin.

Nag-uumpisa na akung kumain sa hinanda ni manang na almusal. Sinabi ko rin sakanya na magpapatulong ako sakanya maglinis ng kwarto.

Tumango naman siya at sinabihan ako na wag akung mag isip ng negatibong bagay para Hindi ko daw saktan ang sarili ko.

Kung sabagay, kakayanin ko nalang na Hindi ako magpapadala sa emosyon ko.

Lalo na ngayon may problema ang pamilya namin na hinaharap sa negosyo.

Alam ko naman na kaya ni Papa kaya ayoko na rin magpadagdag ng problema sa kanila.

Tinulungan na ako ni ate pearly na malinis ang kwarto, saka naman siya nagulat sa nakita niyang dugo sa sahig.

Grabe yung natanggap kung sermun sa kanya at sana baguhin ko na raw ang sarili ko at wag kuna raw uulitin paulit yung pag gilit ng pulso ko at dapat raw kontrolin ko ang sarili ko.

"I'll try."

Yan lang ang nasabi ko at nagpasalamat.

Natapos ang araw natu na kinausap ako ni Ate pearly at nalinis ang kwarto ko.

Di nga ako nagkamali  pumunta nga dito si Joshua at nagkwentuhan kami nang masasayang alaala namin noon.

Natapos ang araw natu na magaan ang pakiramdam ko.

Nagsisimula na akung kontrolin ang sarili ko at wag mangmoblema muna kailangan ko munang ayusin ang sarili ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro