Chapter 18

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Athena P.O.V

Papasok na sa trabaho si Athena.

Limang oras lang ang pinapasok niya para kahit papano ay makatulog siya ng maayos.

Pero may gana siya ngayon dahil sa magandang nangyare sa buhay niya.

Di niya alam na naghihintay si Wilfred sa kanya.

Pero...





Maverick P.O.V

"Wilfred anong ginagawa mo dito." sabi ni Maverick ng makita ito sa labas ng pinagtatrabahuan ni Athena.

"Ikaw anong ginagawa mo dito?"

"Wilfred..." Nanggigil na ani ni Maverick  sa galit dahil sa pabalik na tanong nito at nakuha pang tumawa.

"Mukhang nahulaan mo na kung bat ako nandito."

"Diba sinabi ko na sayo. Na wag mong gagalawin si Athena!"

"Wala naman akong ginagawa. Gusto ko lang makipag kaibigan sa mahal mo." sabay na pag alis nito ang mabilis naman agad  siyang sinundan ni Maverick.

Nagulat pa ang ilang mga tao na nadaanan nila dahil mabilis na parang may malakas na hangin ang sumagi sa kanila.

Hinabol ni Maverick si Wilfred. Hanggang tumigil sila sa kagubatan.

Kapwa nakahubad na sila ng damit at namumula ang mata nagsilabasan pa ng mga pangil.

"Anong balak mo kay Athena ha!"

"Balak ko lang naman siyang agawin sayu mahal kong kapatid."

"Sinabi ng hindi kita kapatid!!!" Galit na sabi pa ni Maverick at agad sinugod si Wilfred pero mabilis itong nakaiwas.

"Bakit ba itinatanggi mo ako. Kahit na dalawa lang tayong naririto?"

"Sa tingin mo talaga tatanggapin kita. matapos mong patayin si Aleah." sabi pa ni Maverick na sunod sunod ang suntok kay Wilfred. 

At ng mapuruhan ito ay napaupo siya.

"Ilan beses ko bang sasabihin sayu na diko sinsadya yun. Ang totoo kasalanan mo. Kasalanan niyo kung bakit ako nagkakaganito!" sagot pa ni Wilfred na hinang hina na.

"Traydor ka." susuntukin pa niya sana ito ng humarang si Queen Lucinda.

"M-mommy?" sabi pa ni Maverick.

"Ano ba kayung dalawa. Magkadugo kayu iisa ang pinagmulan niyo. Wag naman kayung magpatayan."

Awat pa nito habang yumakap kay Wilfred—

At bigla syang tinulak nito.

"W-wilfred..." sabi pa ni Queen Lucinda.

"Hayop ka talaga!!" sabi pa ni Maverick na nainis sa pagtulak ni Wilfred sa Mommy niya.

"Anak please hayaan mo na siya." awat ni  Queen Lucinda dito.

"Wilfred anak ko. Pag usapan naman natin to." sabi pa nito at tinawanan lang lamang siya nito.

"HAHAHHA! Whooo... huli na ina.. Ako na ang pinuno ng mga Dark at hinding hindi ko ipagpapalit ang angkan ko para sa walang kwentang pamilya kagaya niyo!" sabi pa ni Wilfred na itinikom ang mga kamao.

"Bawiin mo ang sinabi mo Wilfred." Sabat naman ni Maverick sakanya.

"Pano kung ayoko?"  Pilosopong sagot pa nito.

"Minsan na kong nawalan ng anak. At ayokong mangyare pa yun. Kaya pakiusap magbati na kayung dalawa." pakiusap ni Queen Lucinda.

"Mommy. Yang anak mo sa labas ang pumatay kay Aleah." Ani ni Maverick.

"Hindi ko sinasadya yun,"

Napasigaw na si Wilfred habang galit na galit at napapaluha na.

"Kasalanan mo yun Maverick. Ikaw ang dapat mamamatay nun pero humarang siya."

"Mga anak tama na." 

"Ina. Lagi nalang kayu Maverick. Lagi nalang sya ang bida ni minsan hindi niyo ako pinakinggan ni Ama."

"Hindi yan totoo anak maniwala ka."

"Totoo? Gusto niyo siya ang maging pinuno ng balt habang ako utos-utusan lang. Kaya ngayon na pinuno na ako hindi ko hahayaang mabahiran pa yun ng mga ala-alang dapat binabaon ko na sa limot." 

"Anak kailangan kita."

"Wilfred." Mahinahong sabi pa ni Maverick at akmang lalapitan niya ito— 

"Argggghhhh!" sigaw ni Wilfred at bigla nalang naglaho.

Habang hindi namalayan ni Maverick ang Mommy niya na umiiyak dahil lubhang itong nasaktan sa mga sinabi ng kanyang anak.









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro