Chapter 19

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Wilfred P.O.V

Sa kampon ng mga Dark

Nagwawala si Wilfred.

"Pinuno tama na yan." awat pa ni  Merna.

"Wag kang makikialam!" 

"Pinuno maaari kang magsabi ng problema sakin . "

At biglang sinakal siya ni Wilfred.

"Ang sabi ko wag kang makikialam diba?!"

"P-pinuno... T-ta... tama na.... p-pinuno..."

Maya maya ay binaba na siya ni Wilfred sa pagsasakal niya dito sa ere.

"Kailangan ng mawala nang Maverick na yun."

"Anong ginawa niya sayu Pinuno?"

"Inagaw na niya sakin ang lahat kaya panahon na para isagawa ko na ang aking plano." nanginginig sa galit si Wilfred.

"Pinuno."

"Di ko man siya masaktan sa pisikal. Kayang kaya ko naman saktan ang puso niya na magdudulot ng malaking gulo sa lahi ng mga bampira. Uubusin ko ang dating lahing pinagmulan ko. Alang-alang sa umampon sakin na pinatay nila!"

"Kung Ganun Pinuno, Aasikasuhin ko na ang mga hukbo natin."

"Gawin mo."






Maverick P.0.V

Kinabukasan sa school

"Athena." tawag pa ni Maverick.

"Oh? my Lovebidabs? Bakit parang—"

Hinawakan ng mahigpit ni Maverick si Athena sa kamay.

"Aray ko! ano ba?"

"Layuan mo si Wilfred."

"Maverick ano ba? Nagseselos ka na naman ba!"

"Iniisip ko lang ang kapakanan mo."

"Bakit kilala mo ba si Wilfred Ha!?"

"Athena. Makinig ka sakin pakiusap."

"Oo na my Loves ikaw talaga. Ilang beses ko bang sasabihin na loyal ako sayu. ikaw lang ang mahal ko."

"Nasaktan kaba?" Tanong ni Maverick na may pag-alala saka binitawan na niya ang kamay nito.

"Tse! Ang higpit kaya ng hawak mo sinong Hindi masasaktan niyan." reklamo naman  ni Athena.

"Alam mo naman na gusto ko akin ka lang."

"Sayung sayu lang ako, Maverick."

Hindi nilulubayan ni Maverick si Athena,
kailangan niya itong maprotektahan kay Wilfred. Lalo na ngayon na alam na niya ang binabalak ng kapatid sa babaeng Minamahal niya.

"My loves akala ko ba gusto mo private relationship tayo bakit sunod ka ng sunod. Napapansin na nila oh." bulong pa ni Athena.

"Ayoko ng private.. Gusto na kitang ipakilala na akin ka at ako'y sayu. Para wala ng ibang lalapit sayu, Thena." sabi pa ni Maverick.

Kaya naman napangiti agad si Athena at di alam kung maiihi ba siya o hindi sa kilig.

Agad pang tumayo sa upuan si Maverick.

"Uyy! anong gagawin mo?"

"Listen everyone! I want you all to know,"

Nagsilapitan naman ang mga Estudyante sakanya at nakapalibot na ito ngayon sa kinaroroonan niya.

"Na girlfriend ko na si Athena..and we are officially a couple at this campus even at the outside. From now on no one's can touch my Property cause that is already trespassing."

Nagtilian naman ang iba at ang iba naman ay nagtawanan pero lamang ang kasayahan saka ulit nagsalita si Maverick.

"And you all know what will be the next gonna happened to you when you trespass at someone's Property." Sabay kindat pa niya kay Athena.

Habang di naman makapaniwala ang dalaga  sa ginawa ni Maverick ngayon.

All this time pinangarap niya lang lamang ang binata pero ngayon siya na mismo ang tinitingala nito.







Athena P.0.V

Totoo ba ito?? Parang pinag sisigawan na niya na ako lang ang mahal niya. 

"Yes, Athena kahit sa buong mundo ipag-sisisgawan kung mahal kita." sabi pa ni Maverick.

Hindi naman makapaniwala si Athena na parang narinig siya ni Maverick. Pero sinawalang bahala niya nalang yun dahil nagtilian ang mga estudyante na nakapaligid sakanila at nagsimula ng nagsisigawa sakanila na—

"KIIISSSSSS!"

"Hahalik na Yan!"

"Kiss naman diyan!"

"Pagbibigyan ba natin ang request nila?" sabi pa ni Maverick.

"Nasa sayo kung gusto mo." sabi agad ni Athena na namumula na sa kilig.

"Wag!" sabat ni Inna.

"Inna."

"I mean guys.  My cctv oh! See... At bawal yang kiss kiss na yan sa campus." pagpigil ni Inna sakanila na muntik ng mapunta sa Guidance office ang dalawa.

"Tama siya. Athena."

Kaya naman kinuha nalang ni Maverick ang kamay ni Athena at hinalikan.

"Sinisinta kita Athena..."

"Ako rin sayu, Maverick ko."

At nagyakapan sila at dun naman nagsimulang mag ingay ang kanilang paligid, Dahil nasaksihan ng mga ito ang pagpapalit ng dalawa nang kanilang matatamis na salita sa bawat isa.


"So sweeet!"

"Sanaol! Sa inyo!"

"Ayieeee! Staystrong sa Relasyon niyo!"









Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro