Chapter 21

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

I'm the stalker of my Vampire Crush (ITSOMVC)

-IvyreteJC


Athena P.0.V

"Wilfred... W-wilfred anong ginagawa natin dito?" nahihilong pang sabi ni Athena.

Dahil pag gising niya ay nasa loob sila ng isang kuweba. 

"A-athena... may K-kailangan kang malaman."

"Ano yun?"

"Mga bampira ang nagdala satin dito. Sinalakay nila yung campus, Naalala mo ba dumating ako dun?"

Pagkukunware pa ni Wilfred.

"Wala akong maalala. Si M-maverick..Maverick." agad na hinanap ni Athena  si Maverick.

"Yun nga ang kailangan mong malaman. Isa siyang bampira... ATHENA!"

Sabi  naman ni Wilfred na agad sinampal siya ni Athena.

"Hinding hindi magiging  bampira si Maverick... Dahil tao siya at alam ko yun."

"Pero nakita ko ang pagbabagong anyo niya bilang bampira. Ilang estudyante ang pinatay niya! Athena, wag kang magbulag-bulagan o maging bingi, makinig ka sakin at maniwala."

"Galit ako sa mga bampira. Alam mo yan Wilfred? Kaya kung totoo nga na bampira si M-maverick, Kinamumuhian ko siya at Hinding hindi ko siya m-mapapatawad."

Naluluha pang sabi ni Athena habang nanginginig ang labi niya sa Galit at pagkamuhi dahil muli niyang na-alala ang nangyare sa kapatid niyang si Yana at sa kanyang Mama.



Maverick P.0.V

Ilang minuto pa ang lumipas.

Maya-maya lang ay dumating na si Maverick kasama ang ilang mga Light na sinugod ang kampon ng mga Dark.

Di niya pinasama ang mga estudyanteng nais tumulong dahil masasaktan lang ang mga ito at ayaw niyang madamay ang mga inosente sa away nilang mga Bampira.

"Athena!" sigaw ni Maverick.

Habang si Wilfred naman ay pinapakalma niya si Athena.

"Sandali lang Pinuno. Bakit walang mga Dark ang humaharang satin?"  Nagtatakang sabi ni Miena.

"Masama ang kutob ko dito, Pinuno." sabat ni Helcurt.

"Kailangan maligtas natin si Athena."

Yun nalang ang sinabi ni Maverick at mabilis niyang pinasok ang kuweba. 

"A-athena..." usal agad ni Maverick ng makitang yakap-yakap siya ni Wilfred.

Nagulat pa si Athena ng makita ang anyo ni Maverick.

Nakahubad ito ng damit.

Mahahabang mga matatalim na mga pangil.

Namumula ang mga mata.

"Athena, umalis na tayo dito."

Sabi pa niya dito na may pag-aalala saka nagbagong anyo si Maverick ng mapansin na takot na takot si Athena sa kanya.

Lumapit pa si Athena sakanya.

"M-maverick? Bampira ka." 

"Athena, magpapaliwanag ako."

Hindi parin makapaniwala si Athena at unti-unti nitong maalala ang lahat na nangyare sa Pamilya niya ng dahil sa Bampira.

"Athena, titigan mo ako sa mata."

Utos  ni Maverick sakanya na hindi alam ang gagawin.

Pero  ubod na lakas naman siyang sinampal ni Athena.

"Para ano!? Para  mahipnotize ulit, ikaw! Kayung mga bampira ang pumatay sa Mama at kay Yana, mga hayop kayu!? dapat di na kayu nabubuhay sa mundo! Mga tulad niyo ay hayop kayu!" 

Sunod-sunod ang pagtulo ng luha niya dahil sa Galit.

"Makinig ka sakin Athena." Kalma na sabi ni Maverick.

"Athena halika na baka igaya ka pa niyan sa mga namatay dun sa school niyo." sabi ni Wilfred. 

"Wilfred." sabi ni Maverick sa malamig na boses.

Pero hindi niya  masugod ito Dahil—

"Pinuno...Pinuno!"

Sigaw ng mga Light sa labas dahil nagsilabasan na ang mga Dark sa bawat sulok na nagmula sa Dilim.

"Athena halika na!" sabi ni Maverick habang hawak pa nito ang kamay niya.

"Hindi ako sasama sayo at pinagsisisishan kung naging tayo at Minahal kita!" 

Pagmamatigas pa ni Athena, at Parang tinusok ng isang matalim na patalim ang puso ni Maverick dahil sa sinabi sakanya ni Athena.

"A-athena..." Usal pa niya sa pangalan ni Athena.

"Pinuno tulong!" sigaw pa ng kasamahan niya.

Kaya naman wala ng nagawa si Maverick kundi ang bitawan ang kamay ni Athena at biglang umalis para tulungan ang mga kasamahan na ina-atake na ng Kalaban.

 













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro