Chapter 23

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Athena P.0.V

Nang makarating sila sa patutunguhan, Manghang-mangha si Athena sa malagintong Mansion na pinagdalhan sakanya ni Wilfred.

"Kaninong mansyon ito?"

"Samin..."

"Ang yaman niyo naman."

"Mmm, At ang lahat ng bagay na makikita mo. Maaari naring maging sayu." seryosong saad ni Wilfred.

"Ah... Nagkakamali ka yata Wilfred. Uuwi nalang ako sa bahay."  Pagtutol pani Athena.

"Tumatanggi kaba sa alok ako?"

"Oo, dahil Hindi pwedeng maging akin ang mga bagay na sayu kase wala naman namamagitan satin, Wilfred. Ang meron lang is friendship." Paliwanag pa ni Athena ng prangka.

"Bakit mo ba tinatanggihan? dahil ba mahal mo parin yung bampirang Maverick nayun! Ako na yung nandito, Ako yung tumulong sayu!" sumbat bigla ni Wilfred sakanya.

"May sinabi ba akong tulungan mo ako? Diba ikaw ang may gusto nito. Gusto mokong sumama sayu, ngayon isusumbat mo yan sakin!" naiinis na ani ni Athena na nakipagsagutan kay Wilfred.

"Kung hindi ka makuha sa paglalambing pwes makukuha kita sa pamamagitan dahas, Athena."

At unti-unting namula ang mata ni Wilfred habang palapit ng palapit siya, Paatras naman ng paatras ang ginawa ni Athena.

"A-a-ano... ano ibig sabihin nito Wilfred?!" Gulat na gulat pa si Athena ng maglabasan ang mga matatalim na pangil nito.

"Oo Athena. Tama ang ini-isip mo gaya ni Maverick. Isa rin akong bampira." Pag-amin ni Wilfred.

Kaya naman sa sobrang sama ng loob at pangamba ni Athena ay nahimatay siya, Bago pa siya masalo ng lupa ay hinawak na siya ni Wilfred sa mga braso nito.







Wilfred P.0.V

"Masyado mo siyang tinakot Pinuno." sabi pa ni Merna na lumabas sa bigla sa likuran.

"Ang arte kase ng babaeng ito, hindi naman kagandahan kagaya mo Merna." sabi pa ni Wilfred.

"Alam kung ayan ang sasabihin mo... Pinuno anong gusto mong gawin ko sa babaeng yan?" Turo pa ni Merna kay Athena na nasa mga bisig ni Wilfred.

"Wag mo muna sya gagalawin. Gagamitin ko pa syang Pa-in para kay Maverick at para maibigay niya sakin yung Virtude. "

"Kapag nabigay niya sayu yun Pinuno. Maaari bang ako ang tumapos sa babaeng tuh?"

"Ikaw na ang bahala Merna."

Ngumisi naman ng pagkalaki-laki si Merna sa sinagot ng kanyang Pinuno.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro