Chapter 31

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Maverick P.O.V

"Wilfred!!!" ilang Dark na ang napatay ni Maverick nag dumating siya sa Lungga ng mga nito. "Ilabas mo si Daddy!!"

Muling sigaw niya sa kawalan ng biglaang sumulpot si Wilfred sa harap niya.

"Nasabi naba ni Inay ang hinihiling ko? Huwag mong sabihin pumunta kalang dito para patayin Ang mga alagad ko? Hahhahahhahaha!" Tumatawang sabi nito sakanya.

"Kahit kailan hinding hindi mapupunta sayo ang Virtude!"

"Kung ganun... "

May ngisi sa mga labi na usal ni Wilfred at biglang sumenyas ng palad sa ire at sirado nito, (✋🏼✊🏼).

Kaya naman biglang sumulpot si Merna na bihag si King Alaric habang ang dagger which is punyal na matalim ay nakatutok sa leeg nito habang nakangiti ng nakakaloko.

"Daddy!" Tawag pa ni Maverick.

"Ano Maverick ibibigay mo na o pupugutan namin ng ulo ang iyong ama?" Ngisi pang tanong ni nito.

"A-anak wag mo ibibigay ang trono at ang Virtude!" Usal naman ni King Alaric na hindi alintana ang patalim na nakatutok sakanyang leeg.

"Daddy..."

"Sabi sayo Maverick kahit naman patayin ko siya o hindi sakin parin yan mapupunta." sabi ni Wilfred at tumawa na parang hibang.

"Wag na wag mong idadamay ang Daddy ko! Sakin ka galit diba.. ako nalang!?" sabi nito.

"Your wish is my Command!" sabi ni Wilfred na biglang nawala at binanatan ng suntok si Maverick.

Sa sobrang bilis nito kumilos hindi na nakaiwas pa si Maverick.

"Tapos kana ba mag enjoy sa kakasuntok sakin?" sabi pa ni Maverick.

"Mas maeenjoy ako kung di lang kita sa pisikal masasaktan!"sabi nito at biglang hawak na nito Ang kanyang amang si King Alaric.

"Hu-huwag...W-wag .. Wilfred! Huwag mo idamay ang D-d-daddy ko..." Biglang paghina Ng boses ni Maverick at pagmamakaawa.

Pero walang awa si Wilfred.

Dahil mismo sa harap niya ay ginilitan ni Wilfred ng leeg si King Alaric.

Kaya naman naglaho na ng tuluyan si King Alaric gaya ng ibang bampira kapag namatay at biglang nagiging abo at naglaho lang sa ire Ang katawan nito.

"Daddy..." Hindi makapaniwalang sabi ni Maverick. Dahilan kaya naman hindi siya makakilos at halos wala sa sariling umuusal at tinatawag ang kanyang ama habang natulala siya habang patuloy na dumadaloy ang kanyang mga luha sakanyang mukha.

Kaya naman iyon na Ang pagkakataon ni Wilfred, sobrang bilis na lumapit siya kay Maverick at akmang sasaksakin pero gaya ng ginawa ni Miena ay humarang din si Queen Lucinda at siya ang tuluyang nasaksak ng punyal.

Samantalang di makapaniwala si Wilfred na nagawa niyang saksakin ang kanyang ina.

"N-Nay..." Dahil sa sobrang panlulumo napaluhod pa siya.

"Mommy!!!" sunod sunod ang luha na pumatak sa mata ni Maverick dahil sa kamatayan ng kanyang mga magulang sa kamay ni Wilfred.

Saglit lang ang pamamaalam nila dahil naglalaho agad ang mga bampirang namamatay.

"N-n-nay... P-patawarin niyo ko...h-hindi di... diko sinasadya nay!" Inagaw ni Wilfred si Queen Lucinda mula sa pagkakayakap nito kay Maverick.

"A-anak... *hawak sa pisngi ni Wilfred* a-a-alam kong d-di mo ito g-gusto.."

"Nay.."

"G-gusto ko lang mag-ka-kasundo na kayo ni Maverick. M-mangako kayo sa-sakin mga a-anak k-ko..."

Nagkatinginan pa si Maverick at Wilfred.

"M-mommy lumaban ka pakiusap dadalhin ka namin sa mangagamot." sabi ni Maverick.

"A-a-anak sana bilang n-nakakatanda intindihin mo a-ang nakakabata s-s-sayo. " bilin ng ina nito
bago tuluyang na itong naglaho sa ire ang katawan.

"Nay!!"

"Mommy... *tinulak ni Maverick si Wilfred* nung una si Aleah tapos si Miena, Si Daddy, tapos ngayon yung nanay natin! Para saan?! para sa trono!?Para sa virtude na ito *hinubad ni Maverick ito at tinapon sa pagmumukha ni Wilfred* Ano, Ano na ganyan kana ba talaga ka manhid at tarantado!?"

Pasigaw pangsabi ni Maverick na palapit ng palapit dito habang paatras ng paatras naman si Wilfred.

"Hindi ko sinasadya ung nangyare kay nanay. Kita mo naman na humarang siya." mahinang sagot ni Wilfred kay Maverick.

"Sige! Edi patayin mo na ako, *inilahad pa ni Maverick ang mga kamay* ito ang gusto mo diba!? Gawin mona!" Galit na sigaw pa ni Maverick.



"Maverick wag!!!"


Biglaang sumulpot si Athena at sigaw.
Kaya napalingon si Wilfred at Maverick sa gawi nito.

"Athena." Kalmang usal pa ni Maverick sa pangalan ng kanyang mahal.

Ngumiti naman si Athena at tumakbo papunta sakanya—


Pero humarang si Merna at biglang kinagat si Athena sa isang iglap.

"ATHENAAAAAAA!!!!" sigaw pareho nina Maverick at Wilfred.

Saglit lang kinagat ni Merna ito at biglang lumaho. Kaya naman ang katawan ni Athena ay naiwan  nanlalamig at nangingisay.  Agad naman sinalo ni Maverick at lumapit din si Inna dito.

Habang  si Wilfred ay sinundan si Merna.

"A-athena.. anong g-gagawin natin sa kanya!?" sabi pa ni Inna na natutuliro dahil hindi alam kung ano ang gagawin.

Agad namang kinapa ni Maverick ang pulso ni Athena.

"Hindi pa kumakalat ang l-lason sa katawan niya. " natatakot na sabi ni Maverick.

"Kagatin mo siya. Sa kinagatan ni Merna!" utos ni Inna.

"Pero natatakot ako, baka hindi niya kayanin."

"Maverick kakayanin niya." pagpapalakas ni Inna ng loob sakanya.

Kaya naman kinagat niya ito at agad nilang dinala sa mang-gagamot.







Wilfred P.O.V

"Merna!!!" agad niyang sinakal ito "Bakit mo yun ginawa?!"

"P-P-pinuno, Arrghh!! D-di a-a-ako ma-k-kahihga." di makasalitang sabi nito dahil sa pagkawala ng paghinga Kaya namn bumitaw ng pagkakasakal sakanya si Wilfred.

"Kase! alam kong nahuhulog na ang loob mo sa mortal na yun!!"

"Alam mo naman pala! Bakit mopa ginawa yun."

"P-pinuno nagseselos ako." Sagot ni Merna at napaluha.

Kaya sinampal siya ni Wilfred naging dahilan para dumugo ang kanyang pisngi dahil sa daplis ng kuko nito sa pagkasampal sakanyang pagmumukha.

"Walang tayo kaya wala kang karapatang magselos at gawin yun!"

"Ang sabi mo gagawin mo kong reyna." Sunod sunod na tumutulo ang luha ni Merna habang nakahawak sakanyang pisngi ang kabilang kamay nito.

"Nasabi ko lang yun dahil hindi ko pa siya nakikilala. Paano kung mamatay si Athena!?" Galit na tanong ni Wilfred dito.

"Edi maganda." Sagot agad ni Merna.

Kaya naman sa isang iglap at sobrang galit ay sinaksak siya ni Wilfred sakanyang puso.

"P-pinu-no...M-mina-h-al l-lang n-naman k-kita." Huling salita no Merna bago naglaho.

Hindi na alintana ni Wilfred ang sinabi ni Merna dahil walang mas tutumbas sa sakit ng pagkamatay ng kanilang ina sakanyang mga kamay.



დ .•*””*• End of Chapter 31 •*””*•.დ




A/N: Hello Guys... Welcomeback to me after a long and busy Senior High School days of Mine... Now lang nakapag update dahil na din sa dami ng mga events also mga activities. Thank you sa mga naghintay at walang sawang sumusupporta. ❤🥰

I will try every week na makapag update.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro