4. Mr. Atat

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng



UMAGA kinabukasan ay nagulat si Meril nang may dumating na isang flower bouquet sa opisina ng Star Travel and Tours. Isang dosena ng red roses ang laman mula sa isang flower shop.

"Intsik siguro ang admirer mo, Ma'am Meril," kantiyaw ni Tina. "Sobrang aga magpadala ng flowers."

"At take note, one dozen long-stemmed red roses pa," kinikilig na kalwa ni Hansy na hindi inaalis ang tingin sa mga bulaklak. "'Kakainggit naman."

Hindi pinansin ni Meril ang dalawa. Kinuha niya agad ang card na kasama ng mga bulaklak at binasa.

Day One. Hi, Babe. I love you. Your boyfriend, J. Tadtad ng heart emojis ang card. Sa kabila na nasa ospital pa ang ama ni Jaron-nagawa pa rin nitong magpadala sa kanya ng mga bulaklak. Tumawag siya kanina pagkagising niya para kumustahin ang lagay ng ama nito, na salamat na lang at mas maayos na raw kaysa kahapon. Natatandaan niya na nakakatanggap din siya noon ng mga bulaklak mula kina Santi at Drew kapag birthday niya, anniversary nila at Valentine's Day.

Pero hindi ganito na unang araw pa lang ng relasyon nila ni Jaron ay may natanggap na siyang bulaklak. Hindi siya after sa bulaklak o sa kahit anong matatanggap mula sa nobyo. Pero masarap pa rin sa pakiramdam na nag-effort nito na pasayahin siya. At kahit may misgivings pa rin siya sa bago nilang relasyon, napangiti siya at kinilig.

Nag-ring ang cell phone ni Meril. Si Jaron ang tumatawag. Pumasok siya sa likuran sa pantry area para sagutin ang tawag. Hindi niya bibigyan ng satisfaction sina Tina at Hansy para pakinggan ang pag-uusap nila ng nobyo.

"Hi, babe. Did you get the flowers?"

"Oo, thank you. Fresh and red. 'Love them."

"Buti pa ang flowers love mo. Ako ba?"

"Hindi ka pa convinced?"

"Well... hindi masyado. Baka kung may regular solo moments na tayo for kissing... cuddling... and everything that we had before-ma-convince na ako."

"Jaron!"

"I know. I'll wait 'til you're ready. It's just that I'm getting impatient now that you're my girlfriend. I want to go to the next level with you already."

Napalunok si Meril. Kaya lang ba siya pinasagot ni Jaron ay para mag-level up na ang relasyon nila? After lang ba ito sa physical intimacy?

"Babe?"

"Ahm... next level?" At least ngayon ay pinag-uusapan na nila. Hindi tulad noon na nag-umpisa sila kaagad sa gitna. At hindi niya makakalimutan na nagpatangay siya sa silakbo ng pagnanasa tulad nito. No wonder na nagsasabi ito ngayon na gusto nang mag-level up sa kanilang relasyon. Naranasan na nito. Natikman na.

"Right. Di ba lahat naman ng nasa isang relasyon ginugusto na umabante sa susunod?"

"Level up as in MOMOL na naman?" lakas-loob na tanong niya.

Dinig ni Meril ang tawa nito sa kabilang linya. "There you are again with that term. Well, hindi ko tatanggihan 'yan. Sabi ko nga, I'm also looking forward to that, actually. But babe, I'm looking forward to a more permanent aspect of our relationship."

"P-permanent?" ulit ni Meril na biglang kinabahan. Ano ba ang sinasabi ng lalaking ito?

"You heard me."

"Permanent... like?"

"Like having children."

Muntik nang mabitiwan ni Meril ang gadget na hawak.

"Babe?" tawag nito nang mainip.

"Seryoso ka?"

"Oo naman. Pero sabi ko nga, I'll wait 'til you're ready."

Apat na araw pang nanatili sa ospital si Rosano Yulo. Palalakasin muna raw ang katawan nito bago isailalim sa panibagong operasyon, na kapag naging matagumpay ay sa panibagong chemotherapy treatment naman. Sa loob ng mga araw na iyon, pirming may dumarating na card na may kasamang chocolates para kay Meril. Kung minsan fruits. Sumunod ay pastries mula sa sikat na pastry shop. Pero kahapon ay isang miniature Barbie Doll at ang partner na manyika na miniature Ken.

Gumawa na si Meril ng album para pag-ipitan ng mga cards, chocolate wrappers at ribbons ng mga ipinadadala sa kanya ni Jaron. Kumuha rin siya ng tatlong petals na nalagas mula sa dozen red roses na unang ibinigay nito at inipit sa album. Hindi siya taong sentimental dati. Pero ngayon, ayaw niyang mapalampas ang pagkakataon na ipunin ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa memories nila ni Jaron.

Ngayon, sa ikalimang araw nila bilang magnobyo ay red teddy bear na ang natanggap niya. May kipit na tatlong white roses ang teddy bear at hindi na delivery man ang may dala. Si Jaron na mismo.

Mahigpit na yakap ang isinalubong sa kanya ni Jaron. Sa palagay ni Meril, kung wala roon sina Tina at Hansy, sigurado na may kasama pang kiss sa lips.

"Stop ogling, girls," napapangiti na sabi niya kahit nakatalikod sa dalawa. Nasisiguro niya na nanlalaki ang mga mata ng mga ito habang nakatingin sa kanila ni Jaron.

Naramdaman agad ni Meril ang init nang dumantay sa braso niya ang palad ni Jaron. She was suddenly assailed with heat, goosebumps and the tingling sensations it brought to her nape down her spine. Kahit yata kailan ay hindi na mawawala ang epekto ni Jaron sa kanya.

"Grabe, para tumitingin lang," reklamo ni Tina.

"I don't mind them seeing us like this," nakangising sahod ni Jaron na bumitiw na sa pagkakayakap. "In fact, mas mabuti nang nandito sila para ma-witness nila ang next level na sinasabi ko sa 'yo."

Siya naman ang nanlaki ang mga mata. Gusto ba siyang halikan nito habang may audience sila?

Pero sa pagkagulat ni Meril, imbes na halikan siya ay biglang iniluhod ni Jaron ang isang tuhod at ipinakita sa kanya ang isang ring case.

Nanginig si Meril. Para siyang magha-hyperventilate kahit hindi pa nangyayari sa kanya ang ganoon. Sa bacground, dinig niya ang ahhs at ohhs nina Tina at Hansy.

Isang square-cut diamond ang bato ng singsing. Para siyang nanliit pagkakita sa malaking bato niyon. Pinag-aksayahan siya ni Jaron ng isang napakamahal na engagement ring kahit pareho silang hindi nakatitiyak na magtatagal ang kung ano man na nararamdaman niya para dito. "S-sigurado ka ba dito?"

"I'm one hundred percent sure of myself, Meril. I want to marry you... So, will you?"

Handa na ang pagtanggi sa bibig ni Meril. Pero nang makita niya ang sincerity sa mga mata ni Jaron ay iba ang lumabas sa bibig niya. "Y-yes..."


SA HONG KONG ang kasal nina Jaron at Meril, isa sa mga kondisyon na ibinigay ni Meril dito. Doon na rin ang honeymoon. Isinaalang-alang niya ang kalagayan ng ama ni Jaron. Kaya sa malapit na lang muna sila imbes na sa Europe gawin ang honeymoon.
Nakapagtataka na lahat ng demands niya ay sinunod ng nobyo nang walang tanong o pagsalungat. Isa lang ang hiniling nito-na ganapin ang kasal kung saang hotel din sila magha-honeymoon.

Isang pristine white serpentina lace wedding dress na may long train ang wedding gown ni Meril. Lalong lumutang sa tabas ng damit ang maliit niyang waistline. Normally, hindi ganoon ka-show off na gown ang pipiliin niya. Pero nang makita niyang nagtagal ang titig doon ni Jaron matapos ipakita sa kanila ng designer ang samples, nagdesisyon siya na isuot ang damit-pangkasal na makapagpapasaya rito.

Hindi niya makakalimutan ang katuwaan at paghanga na nakita niya sa mga mata ni Jaron nang magsimula na siyang lumakad palapit sa kinatatayuan nito. Tahimik siyang nag-wish na sana kahit tumagal ang kanilang pagsasama at magsitanda na sila, makikita pa rin niya ang tingin na iyon ni Jaron.

Napakaguwapo nito sa three-piece dark suit na suot. Sa kabila ng mga problemang dumaan at kasalukuyang kinakaharap ni Jaron, makikita sa mga mata nito ang labis na kaligayahan.

Sa The Ritz-Carlton Hotel sila ikinasal at doon na rin ang honeymoon.

Si James lang sa mga kamag-anak ni Jaron ang nakasama. Ayaw nitong payagan si Elle na bumiyahe sa eroplano dahil anim na buwan nang buntis at malaki na ang tiyan. Lalaki ang sanggol na ipinagbubuntis ng kaibigan niya. Ang ama naman ni Jaron ay kasalukuyang nagpapalakas ng katawan at hindi pa maaring bumiyahe sa eroplano. Witness din sa kasal nila ang pinsan ni Elle at tumayong best man na si Kraven. Na nagulat na lang sila dahil biglaan ding naikasal sa kaibigan nilang si Xyza. Dumalo rin sa kasal si Lemuel.
Sa part niya ay si Tina lang ang naroon. Wala siyang ibang isasama. Patay na si Pops Tirso, ang lolo na nagpalaki sa kanya. Wala na siyang contact sa kanyang ina mula noong anim na taon siya. Hindi ito nagpakita kahit na nang mamatay ang lolo niya. At tungkol naman sa kanyang ama, wala siyang alam tungkol dito. Kung buhay pa ito o patay na o kung nasaan-hindi niya alam.

Noong nabubuhay pa si Pops Tirso, naikuwento nito na nabuntis lang ang kanyang ina noong nag-aaral pa lang. At gaya ng karamihang kaso ng teenage pregnancy, pinasan ng mga magulang ang responsibilidad ng anak sa sanggol. Kaya lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang lolo. Mabuti na lang at medyo nakakaangat sa buhay ang biyudong lolo niya.
Dahil bata pa, pagkaraan ng apat na taon ay muling nagmahal ang mommy niya. Nagpakasal ito sa isang puti na taga-New Zealand. Isinama nito ang mommy niya sa bansang iyon at naiwan siya sa pangangalaga ni Pops Tirso.

Noong una ay may regular communication pa sila ng mommy niya. Pero wala pang dalawang taon pagkaraan ay tumigil na ito na makipag-ugnayan sa kanila ng kanyang lolo. Hindi na niya ito matawagan, hindi na mahanap kahit sa mga kaibigan ng mommy niya at sa iba't ibang social networking sites. Kinalimutan na sila ng mommy niya.
Nakakalungkot isipin na kahit isang kamag-anak ay wala siyang kasama sa araw ng kanyang kasal. Inisip na lang niya na nakatunghay sa kanya ngayon ang lolo niya mula sa langit. At masaya ito na makita siya na ikakasal.

Nang tanungin niya si Jaron kung bakit nag-aapura ito na maikasal sila, sinabi lang nito na sayang ang oras kung patatagalin pa. Tutal naman daw ay sa pag-aasawa din sila mapupunta. At gusto raw nito na maikasal muna bago ang nakatakda na muling operasyon sa ama nito.

Pansamantala, habang nagsisimula pa lang ang construction ng bahay na ipinagagawa ni Jaron para sa kanila, ay sa condo unit muna nito sila titira. Isang lumang bahay sa Paco ang dating nakatirik sa five-hundred-square-meter na lote. Ipinagbili raw sa biyenan niya ang lupa at bahay ng isang kaibigan ilang taon na ang nakakaraan. Nang mabili ay ibinigay naman ng biyenan niya kay Jaron. Ipinagiba ni Jaron ang lumang bahay at ngayon nga ay ongoing na ang construction.

Excited si Meril at kinakabahan din sa mga pagbabago sa kanyang buhay. Kahit masaya siya bilang single, mula nang tumungtong siya sa marrying age hanggang ngayon na twenty-six years old na siya, sa sulok ng puso niya, nangangarap din siya na magkaroon ng sariling pamilya.

Marahil, idinisenyo talaga ng Diyos na magkaroon ng ganoong desire at pangarap ang isang babae. Kahit pa nga marami sa mga kabaro niya ang in denial. Lalo na iyong mga nalaglag na sa kalendaryo ang edad at nakakapit na lang sa numero ng bingo.

Marami siyang naririnig na kesyo wala sa plano nila ang pag-aasawa. Pero ang totoo, hindi lang nakakapag-asawa dahil hindi nagkaka-boyfriend. Walang nanliligaw na medyo pasok sa panlasa. At kung meron man, baka may bisyo, o tamad o nagtataglay ng hitsura at pag-uugali na hindi kayang mahalin ng isang babae.

Nang yayain si Meril ni Jaron na magpakasal, nakita niya ang oportunidad na matagal na niyang hinihintay. Tahimik na hinihintay. Dahil sarili lang niya ang nakakaalam. Wala siyang pinagsabihan. Kahit sa bestfriend niyang si Elle.

Aaminin niya, may nararamdaman siyang takot. Napakabilis ng mga pangyayari. Hindi pa nagtatagal ang courtship period nila ay nagyaya na si Jaron na magpakasal. Day fifty-two pa lang ng kanilang pagiging magnobyo. Hindi man lang nakaabot sa dalawang buwan. Si Jaron ang matiyaga na magpadala sa kanya ng card araw-araw. Mapupuno na ang album niya ng mga naipong cards mula rito.
Pero isinantabi niya ang takot at pag-aalala.

She allowed love to conquer her fears.

At iyon ang nagwagi. Ang mahalaga, mahal na niya si Jaron. Sa maiksing panahon ay minahal na niya ito.
Sa palagay ni Meril, tama lang sa kanya ang short engagement. Para walang pagkakataon na pagsawaan niya ang pagiging mag-boyfriend nila. Kung ano man ang mangyayari kapag kasal na at nagsasama na sila ni Jaron, ipinababahala na lang niya sa Diyos. Ang mahalaga, nagmamahalan na sila.

Hindi niya alam kung anong milagro ang ginawa ni Jaron para maiayos at maisagawa ang kanilang wedding preparations. Ito talaga ang atat na madaliin ang kanilang kasal.

Hindi na makahintay sa honeymoon. Iyon ang madalas na biro dito ng mag-asawang James at Elle, at ganoon din ng iba pang mga tao na nakapaligid sa kanila.

Maagap naman si Jaron sa pag-amin. Pero may maliit na pagdududa si Meril na may iba pa itong rason kung bakit.

"You may now kiss the bride," masayang anunsiyo ng officiating minister ng kanilang kasal.

Magkakalahong excitement, takot at tuwa ang nakita ni Meril sa mga mata ni Jaron bago dumantay sa bibig niya ang mga labi nito. Nauunawaan niya ang dahilan ng excitement at tuwa. Pero nag-iwan ng tanong sa isip ang takot na nakita niya rito.

Nevertheless, the kiss was sweet, tender but passionate. Nangangako iyon ng mas mataas na level ng ligaya. At nagtagal pa ang halik bago pinakawalan ni Jaron ang bibig niya. Kantiyaw ang inabot nito mula sa mga dumalo sa kanilang kasal.

"Mamaya na 'yan, bro. May reception pa."

"Awat na, Jaron. Puwede ka naman na mag-unlimited kiss later on."

"Magtira ka naman para sa honeymoon, oy!"

Nginisihan lang ni Jaron ang mga ito. "Inggit lang kayo."

Sa reception, hindi na niya inihagis ang ceremonial bride's bouquet. Iniabot na lang niya iyon sa tatawa-tawang si Tina. Pero ang ceremonial garter ng groom ay ipinaagaw ni Jaron. Si Lemuel ang umagaw.
Panay ang kantiyaw sa mga ito ng kanilang mga kasama.

"You're my wife now..."

Ibinalik niya ang tingin kay Jaron. Parang hinaplos ang puso niya sa pagmamahal na nasa mga mga mata nito. Nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis. "Yeah, husband."

"Love me, wife."

Pinigilan lang niya ang mga daliri na kurutin ito nang maging mapanukso ang facial expression. "Now? Here?" pilyang ganti niya.

Inilapit nito ang sarili at bumulong. "Iwan na natin ang mga 'yan."

Nginisihan lang niya ang asawa. "Atat much, hubby?"



........................

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro