Melted At Your Kiss

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng






HUGE success. Iyon ang kabi-kabilang pahayag ng mga broadsheet, TV, at social media sa katatapos na major concert ng Crazy Hotshots sa Araneta Coliseum. Ang concert na hindi na nagawang tapusing panoorin ni Merlinda. Masaya siya para sa banda at para kay Emperor. Pero hindi na mawawala ang lungkot sa kanyang puso sa kinahinatnan ng relasyon nila.
Nag-text na lang siya noon kay Queenie na may kailangan siyang asikasuhin nang biglaan kaya hindi na niya ito mahihintay. Ipinasabay na lang niya si Queenie sa pinsan nito. Naipaalam naman sa kanya ni Orville na ito nga ang naghatid kay Queenie pauwi.
Kung labis ang lungkot at devastation na naramdaman ni Merlinda noong huli silang magkausap ni Emperor, mas higit ang pagkabigong nararamdaman niya ngayon. Dahil ngayon ay talagang may tuldok na ang kanilang relasyon. Ito na uli at si Beth. She was finally out of the picture.
“Lindy! Lindy!”
Ang malakas na tawag ni Yaya Liway ang nagpakislot sa kanya mula sa binabasang news clip sa Internet.
“Dali ka! Ipinapatawag ka ng mommy mo. Dadalhin daw sa ospital ang daddy mo.”
Nanginig si Merlinda. Ilang araw na niyang napapansin na mas naging matamlay ang daddy niya. Ayaw niyang isipin na nag-regress ang kalagayan nito. Patakbong kinuha niya ang susi ng kotse. Ngunit paglabas niya ng garahe ay umaandar na ang sasakyan ng daddy niya. Ang driver nito ang nagmamaneho niyon.
“Sumunod ka na lang sa Makati Med, Lindy!” sigaw ng mommy niya mula sa nakabukas na bintana ng kotse.
Napakagat-labi siya kasabay ng tahimik na panalanging sana ay gumaling pa ang sakit ng kanyang ama. Kahit alang-alang man lang sa muling pagbabalikan nito at ng mommy niya. Alang-alang man lang kay MJ na sanggol pa.
Hindi na naman makaihi ang daddy ni Merlinda. Gaya noon, muli ay dumaan ito sa mga test. Muli, ang mga hindi mapatid-patid na panalangin nila ng mommy niya para sa kagalingan ng kanyang ama.
Lord, hindi pa kami handa na mawala si Daddy. Surely Mom will be devastated. At napakaliit pa ni Monty. Hindi kami magiging handa kahit kailan. Please, have mercy on him, heal him. Please, touch him with Your healing hand.
Nahinto ang pagdarasal ni Merlinda nang maramdaman niya ang isang mainit na palad sa kanyang balikat. Pag-angat niya ng tingin ay nasalubong niya ang puno ng simpatyang mukha ni Emperor.

SA GITNA  ng karamihan ay nakita agad ni Emperor si Merlinda. May road accident sa hindi kalayuan at ang mga biktima ay isinugod sa ER ng Makati Medical Center. Nagsasalimbayan ang mga tao sa loob ng ospital. Ngunit kagaya dati, parang may built-in radar siya pagdating kay Merlinda. Makikita at makikita niya ito gaano pa man karami ang tao basta nasa iisang lugar sila.
Inayos niya ang suot na baseball cap sa ulo maging ang suot na eyeglasses na walang grado. Ang mga iyon ang gamit niyang disguise upang walang makapansin sa kanya sa loob ng ospital. Ang huling gugustuhin niyang mangyari ay ang may makakilala sa kanya at pagkaguluhan siya ng mga tao. Masisira ang purpose niya sa pagparoon.
Sinundan niya si Merlinda nang magtungo ang dalaga sa loob ng private room kung saan naka-admit ang ama nito. Naghintay siya sa labas. Nag-iisip siya ng paraan kung paanong approach ang gagawin dahil ayaw niyang biglain ang dalaga. Ayaw na niyang magpadalos-dalos na gaya ng dati.
Rasyonal na tao si Emperor. Rasyonal siyang mag-isip at maging sa pagtitimbang ng mga bagay-bagay. Pero mula nang maging sila na ni Merlinda, nawawala ang pagiging mahinahon niya tuwing makakadama siya ng selos.
Muling bumukas ang private room na pinasukan ng dalaga pagkaraan ng may labinlimang minuto. Wala sa loob na hinawakan ni Emperor ang kanyang panga bago sundan ang dalaga. Nakita niyang lumiko si Merlinda sa hall at pumasok sa chapel ng ospital. 
Medyo masakit pa ang pagkakasapak sa kanya ni Orville kamakalawa. Pero kung hindi dahil doon, baka miserable pa rin ang kanyang pakiramdam hanggang ngayon.
“Dati, hindi ko pinapansin ang mga kayabangan mo,” sabi ni Emperor kay Orville nang komprontahin niya ito sa labas ng isang bar sa Makati. May kasama itong babae ngunit wala siyang pakialam kung magkaproblema man ang mga ito pagkatapos nilang mag-usap. Hindi siya aalis doon hangga’t hindi nasasabi sa pinsan ang lahat ng gusto niyang sabihin. “Pero sumosobra ka na. Pinaglalaruan mo lang pala si Lindy, and the poor lady doesn’t even know it!”
“Teka, teka lang, Emp. Bakit ba mainit kaagad ang ulo mo? At ano 'yong sinabi mong pinaglalaruan ko si Lindy? What do you mean?”
Naningkit ang mga mata ni Emperor. “Bakit, kapag ba naging girlfriend mo na ang isang babae, nakakalimutan mo nang girlfriend mo siya sa harap ng ibang babae? I saw you. Doon sa concert. Sinundan ko siya at nakita ko kayo. You were trying to comfort her, pero iyak pa rin siya nang iyak. Ano ba ang ginawa mo kay Lindy? Bakit mo siya pinaiyak? Dahil ba nabisto niya na may iba ka pa?” Sinulyapan niya ang kasama nitong babae na sa kanya nakatutok ang nang-aakit na tingin. “Hindi niya deserve na paiyakin lang ng isang gagong katulad mo. Ni hindi mo nga siya dapat ihanay sa mga kagaya niyang kasama mo.”
Sumama ang mukha ni Orville. “Dahan-dahan ka ng pagsasalita! First of all, hindi ko pinaiyak si Lindy. If my memory serves me right, ikaw at hindi ako ang nagpaiyak sa kanya. Secondly, I will not tolerate you saying something harsh against anybody I am with.” Inakbayan pa nito ang kasamang babae.
“Gago ka pala talaga, ano?” Hindi na siya nakapagpigil kaya nasapak niya sa mukha ang pinsan. Ngunit nakaganti agad ito at nasapak muna siya sa panga bago pa sila maawat ng mga guwardiya at ng iba pang naroroon.
“Mas gago ka! You have no idea how priceless Lindy is. Pero hindi mo siya pinahalagahan. Sinaktan mo pa siya. At sino bang kolumnistang pulpol ang nagbalita sa iyo na kami na ni Lindy? Paanong magiging kami kung kahit first base hindi ako pumasa sa kanya? Alam mo ba kung bakit? Dahil sa isang gagong lalaki na mahal pa rin niya hanggang ngayon.”
Hindi nakapagsalita si Emperor. May ideya na siya kung sino ang “gagong lalaki” na sinasabi ni Orville. Manghang-mangha siya sa katotohanang nalaman.
“It was just so weird na kahit sinaktan na siya at pinaiyak ng gagong 'yon, siya pa rin ang mahal ni Lindy. Hindi lang dapat sapak ang ginagawa ko sa iyo dahil sa kagaguhan mo!”
Marami pang sinabi sa kanya si Orville tungkol kay Merlinda, at sa kasalukuyang kalagayan ng ama ng dalaga. Tama nga ang pinsan niya. Hindi dapat isang sapak lang ang ibinigay nito sa kanya pagkatapos niyang malaman ang lahat ng mga ipinagtapat nito.

TININGNAN lang ni Merlinda si Emperor. Manhid ang kanyang pakiramdam nang mga sandaling iyon. Kung susumbatan na naman siya nito at igigiit ang maling akala ay wala siyang panahon. “What?” malamig niyang tanong nang hawakan siya nito sa balikat. Ipiniksi niya agad ang kamay nito roon.
Parang maamong kordero na nagbaba ng tingin si Emperor. Napansin kaagad ni Merlinda ang nangingitim na kaliwang panga nito. Sino kaya ang naglakas ng loob na manapak dito? “I... I’m sorry about your father. If you need me for anything, I’m here for you. Sabihin mo lang. Kahit ano gagawin ko para sa iyo.”
Nagtaka siya. Ano kaya ang pakulo ng lalaking ito? Oo nga at mahal pa rin niya ang binata, pero sa magulong lagay ng kanyang isip ngayon, mas gugustuhin niyang umiwas muna sa komprontasyon.
“Just tell me what you need, Lindy,” sabi ni Emperor nang muli siyang tingnan.
“To be alone.”
Umawang ang mga labi nito sa pagtataka. “What do you mean?”
Tumaas ang isang kilay ni Merlinda. “Gusto kong mapag-isa. Mapag-isa,” ulit pa niyang may diin. “Kuha mo?”
“Ahm... yeah. Sorry to bother you.” Lumayo sa kanya ang binata, ngunit nanatili pa rin sa loob ng chapel. Naupo ito sa pinakadulong upuan.
Parang nakonsiyensiya naman si Merlinda. Baka inutusan ito ni Tito Romeo na damayan sila. Noong unang ma-admit ang daddy niya sa ospital ay halos araw-araw na dumadalaw roon ang ama ni Emperor.  Marahil abala ngayon si Tito Romeo kaya si Emperor na lang ang pinadalaw roon. Kaya nang tumayo na siya ay napilitan siyang lapitan ang binata. “Kung gusto mong dalawin si Daddy sa room niya, go ahead. At pakisabi rin kay Tito Romeo na salamat sa pagpapapunta sa iyo rito. We appreciate it. Lalo na si Dad.” Tumango siya rito at tinalikuran na.
“Lindy, wait!”
Nakagat niya ang ibabang labi. May ideya kaya ang lalaki na ayaw muna niyang makadagdag sa kanyang magulong isip ang presensiya nito? At paano siya makakapag-isip nang tuwid kung lagi itong hahara-hara sa kanyang paningin?
“Nandito ka para dalawin si Dad, hindi ba?”
Hindi makasagot si Emperor. Nakatitig ito sa mga mata ni Merlinda na tila may gustong sabihin.
“Hindi ba?” ulit niya.
“Yeah... er, no. I mean, I really want to talk to you, Lindy,” napapahaplos sa batok na sabi nito.
“Look, this is not really a good time. And I have so much on my plate right now. Kaya kung hindi rin lang naman matter of life and death ang kung anong sasabihin mo sa akin, sa ibang araw na lang natin pag-usapan, okay?” Tinalikuran na niya ito.    
Bago matapos ang araw na iyon ay nakausap ni Merlinda ang urologist at ang oncologist ng kanyang daddy. Sa kabila ng TURP, external beam radiotherapy treatment at ng hormonal treatment na pinagdaanan ng ama ay muli na namang may nakitang excess prostate tissue na nagiging sanhi ng paghihirap sa pag-ihi ng kanyang ama.
Prostate Brachytherapy ang treatment na inirekomenda ng oncologist. Mag-i-implant lang daw ng radioactive seeds sa loob ng prostate gland ng daddy niya at isang araw lang daw itong kinakailangang manatili sa ospital.
Ang ipinagpapasalamat lang niya ay hindi pa kumakalat sa ibang parte ng katawan ng ama ang cancer.
Kalat na ang dilim sa labas nang lumabas ng ospital si Merlinda. Bago siya umalis ay dumating doon si Yaya Liway. Ito ang makakasama ng kanyang mommy sa pagbabantay sa daddy niya. Hindi niya mapilit ang ina na umuwi muna sa bahay kahit sandali para mas makapagpahinga.
Sa pangyayari sa daddy niya ay mauudlot ang kasal nito at ng mommy niya. Nanghihinayang siya na kung kailan nabuo ang kanilang pamilya ay saka naman may kinakaharap na malubhang sakit ang kanyang ama.
“Lindy...”
Napakislot si Merlinda nang paglinga ay nasa tabi na niya si Emperor. Base sa hitsura nito—nangingintab na ang mukha at iyon pa rin ang suot—ay malamang na hindi pa ito umaalis ng ospital. Sumagap at nagbuga siya ng hininga. “You’re still here.”
“Lindy, I really need to talk to you. Alam kong pagod ka na, pero hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nasasabi ang gusto kong sabihin.”
Sumandal siya sa pinto ng kanyang kotse at humalukipkip. “Okay, talk.”
“Masakit palang makita na hindi na interesado sa akin ang isang tao na dati ay nagbigay ng pagpapahalaga sa 'kin.”
Kumunot ang noo ni Merlinda. Bakit nagdadrama yata ang isang ito ngayon? “'Yan lang ang gusto mong sabihin?”
“No, hindi talaga 'yon. Marami pa. Pero alam kong pagod ka na. Please allow me to drive for you.”
“Kaya ko pang mag-drive kahit hanggang Batangas kung ang pagod ko lang ang inaalala mo. So go direct to the point, Emp.”
“Please, Lindy.”
Nakamarka ang determinasyon sa mukha ni Emperor. Kaya napilitan na ring pumayag si Merlinda. “After those stupid things you said to me the last time we talked, I shouldn’t be talking to you anymore and you know it,” sabi niya sabay hagis ng susi kay Emperor bago siya lumigid at sumakay sa passenger seat.
“I’m  sorry... I’m so sorry, Lindy.” Nakatingin sa mga mata niya si Emperor nang sabihin iyon.
Nag-iwas siya ng tingin at itinuon ang pansin sa unahan nila kahit hindi pa nito pinaaandar ang kotse. “Nagso-sorry ka ba dahil wala pa man tayong formal breakup ay lumipat ka na agad sa kampo ni Beth?”
“No, hindi ako nakipagbalikan kay Beth. Iyon ang totoo. May problema lang silang inaayos ng brother niya at ako ang pinakiusapan niyang mamadrino. At hindi kita pipilitin na paniwalaan ako, Lindy. But I want to say I’m sorry for all the bad things, all the hurtful words I’ve said to you. I’m truly sorry, Lindy.”
“Nakaabay ka kay Beth nang makita ko kayo,” hindi pa rin tumitingin dito na sabi niya.
“Dahil nauna ko nang nakita na magkasama kayo ni Orville. Sabihin mo nang childish na gamitin ko si Beth para gantihan ka dahil ang akala ko, ikaw ang lumipat ng kampo—sa kampo ng pinsan ko. The last time I checked, kahit anino niya ayaw mong makita. Then suddenly magkasama kayong dumating sa restaurant. Kaya nag-conclude tuloy ako based on circumstancial evidence. But I’m not going into details anymore. Alam ko na ang totoo. Sinabi sa akin ni Orville. Pagkatapos kong... pagkatapos na magkasapakan kami dahil sinita ko siya kung bakit girlfriend ka na niya, pero nakikipag-date pa siya sa ibang babae.”
Kaya pala may pasa ito sa panga. “Wow... Girlfriend. 'Bilis mag-conclude.”
“Kasi naman, nasaktan talaga ako. Nagselos. Hindi ko nagawang i-handle 'yong katotohanan na may kaagaw ako sa iyo. Gumawa ako ng paraan para mapaibig kita, at pagkatapos, mababale-wala lang pala ang lahat dahil susulutin ka lang sa akin ni Orville.”
Mabilis na napalingon si Merlinda  kay Emperor. “Anong gumawa ng paraan?”
“I love you, Lindy...” bihag ang mga mata niya na pahayag ng binata.
Pumitlag ang puso ni Merlinda. Hindi niya magawang iiwas ang mga mata.
“Dati pa. Noong teen years ko pa lang, may nararamdaman na ako sa iyo. Pero sa nakikita ko sa iyo, malabong magustuhan mo rin ako. Wala kang ibang gusto kundi ang mag-aral, at pagkatapos naging busy ka na sa career mo. You aimed for the top. At mismong ama mo ang nagsasabi na doon lang ang focus mo. So I waited. And I waited for the right opportunity. Kaya binigyan kita ng kondisyon na papayag akong magpakasal sa iyo kung liligawan mo muna ako at paiibigin.”
“D-dati pa?” wala sa sariling tanong ni Merlinda. Parang hinihipnotismo siya ng magagandang mata ni Emperor at hindi niya magawang ikurap man lang ang mga mata. At hindi kayang saklawin ng kanyang puso ang tuwa na dumadagsa ngayon. Kung tutuusin ay hindi na kailangan ang mga paliwanag. Sapat na na nakikita niya sa mga ng binata ang sinseridad at katotohanan ng pagmamahal nito sa kanya.
“Yeah, matagal na. 'Yong kantang ‘Dati Na,’ 'yon ang unang composition ko. Nagawa ko 'yon na ikaw ang inspirasyon ko.”
“Pero nang mag-propose ako sa iyo ng kasal sabi mo—”
“I just did that to make you fall for me,” agaw nito. “Dahil kung basta na lang ako papayag na pakasal sa iyo, hindi ako sigurado kung mapapaibig kita kaagad. Dahil sabi mo nga, we will be married in name only. Na title lang ang kailangan mo.”
Ngumuso si Merlinda. “At hindi mo nahalata 'yon noong tayo pa? O noong huli tayong mag-usap?”
“Actually, gusto kong sapakin ang sarili ko noon na napaiyak kita. Handa nga akong magpaalipin sa iyo habang-buhay mapatawad mo lang ako.”
“Kahit maging sex slave kita?”
Napangiti si Emperor. At marahil, alam nito kung gaano ka-lethal ang ngiti na iyon sa puso ng kahit na sinong babae—kasama na rin siya. “More than willing. Kahit oras-oras pa.”
“Sus, sinasabi mo lang 'yan dahil hindi ka naririnig ni Beth. Sumigaw siya ng ‘I love you’ noong kumakanta ka.”
Napahaplos sa batok ang binata. “Magkaibigan na lang kami ni Beth ngayon. May ibang boyfriend na siya. Kinausap siya ni Queenie para pagselosin ka. I’m afraid pati ako kasabwat din doon. Ako ang kumausap sa lighting director para laging may nakatutok na spotlight sa iyo saan ka man magpunta sa concert venue. Balak kong gawing public ang paghingi ng apology sa iyo. Susunduin sana kita para ibalik sa upuan mo. Ang kaso, nakita ko kayong magkayakap ni Emperor. Nasira tuloy ang plano.”
“He was just consoling me.”
“Yeah, I know that now. Please, Lindy, forgive me. Please come back to me. And please marry me.”
Napangiti na rin si Merlinda. How could she say no to this jealous but wonderful man? “Hindi mo ba muna tatanungin kung mahal pa rin kita?”
Pilyo ang naging ngiti ni Emperor nang sumagot. “Hindi na. Alam ko na. Ibinisto ka na sa akin ni Orville.” At wala nang maihirit pa si Merlinda. Dahil nasapo na ni Emperor ang magkabilang gilid ng kanyang mukha. “I love you, Lindy... Hindi ako mangangako na hindi na ako magseselos sa ibang lalaki kahit kailan. Pero pipilitin kong pakinggan muna ang sasabihin mo bago ako mag-conclude. Matagal kitang inalagaan dito sa puso ko. And I don’t want to hurt you even in ways I can’t see. I love you so much. ”
“Dapat lang.”
Bumaba na ang bibig ni Emperor upang sakupin ang mga labi niya. His mouth slipped over hers with sure possession. Puno ng pananabik. Sinusulit ang maraming mga linggo at buwan na hindi nila natikman ang magic ng halik ng isa’t isa. Sa sansaglit lang ay naramdaman ni Merlinda ang luwalhati na tanging si Emperor lang ang nakapagbigay sa kanya.
Ngayon lang niya naunawaan. Ang binata ang kanyang destiny, at siya naman ang pinili nitong mahalin mula pa noon. Umaasa siyang mananatiling ganoon hanggang wakas.
She reveled at his touch. Savored the joy and passion of the man she loved above any others. And she just melted in his arms. Melted from his sweet kisses.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro