Chapter 19

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

 
Dumaan ang mga araw hindi na ako kinulit ni Dale, mukhang sumuko na. That's good, wala siyang mapapala sa akin. Naging payapa ang buhay ko sa mga dumaan na araw at ayos na sa akin iyun ngunit hindi ko din masasabi na masaya ako. I don't know why, I just can't feel it.

Naging tambay kami sa base dahil wala din akong ganang tumakas para magaliw. Nagkasahod na din ako. Minsan may naging palaro kaya hindi na din ako nabuburyo. May mga pinapagaw din na assignment ang Captain at ang CO lang ang nagbabantay sa amin.

Kagaya ngayon, nasa kalsada kami. Nakabantay sa mga dumadaan na sasakyan. Bali-balita kasi na may mga armadong kalalakihan ang nakapasok dito sa lugar. Ang pwesto namin ay malapit sa palasyo. Akala ko magisa lang akong babae na makakasama ngunit si Harriet din pala.

"Kath?" Nilingon ko siya at lumapit ito sa akin. "Nabalitaan ko, bumalik na pala ang mga U.S soldier sa lugar nila," napapintig ang tenga ako. Bumalik? Kumurap ako bago nagsalita, "Ganoon ba," tanging nasabi ko. May parte sa akin na parang nalulungkot hindi ko alam kung bakit.

"Oo, kasama si Dale." Agad akong nag-iwas ng tingin at nagkunwaring nagbantay sa daan kung may dadating na sasakyan.

Hindi na din siya nagsalita pa. I sighed. Siguro naman hindi na siya babalik. Mas mabuti iyun. I sighed again. Goodness, bakit parang ang bigat sa pakiramdam? Nababaliw na ba ako? Ipiniling ko ang ulo.

May paparating naman na trak kaya agad kaming humarang sa daan. Sumenyas ako na huminto. Maigi kong tinignan ang driver at nababakasan ko sa mukha niya ang kaba. My forehead creased. "Manong pwede ba namin matignan ang trak niyo?" tanong ko pa rito. Hindi agad ito nagsalita ngunit tumango din kalaunan.

Nagtungo kami sa likod ng trak at pinabuksan namin iyun sa kanya. Nakamasid pa din ako kay manong dahil may kakaiba sa kinikilos niya.

Nakita namin sa loob ng trak ang nakakakaban na mga isda, "Osige manong, pasensiya na," saad ng kasama kong lalaki.

Tinitigan ko ang mga isda, tuyong tuyo ang mga 'yun. Hindi na din fresh, sinong bibili kapag ganito ang isda? Lumapit ako sa isang kaban at hinawakan ang mga isda. Malambot na din sila. Agad akong kinutuban. Mabilis kong hinalungkay ang ilalim at nanlaki ang mga mata dahil mga baril ito.

"Shit, mga baril ito!" nagulat ang mga kasamahan ko at agad silang naalerto. Nagtangka pang tatakbo si manong ngunit agad siyang nahawakan ng isa ko pang kasamahan, "Napagutusan lang ako mga sir, ma'am!" kabado nitong sabi at halos maiyak na. Nagtitigan kaming lahat.

Hinalungkay namin ang iba pa at tama nga ako lahat ng nasa ilalim ng mga isda ay mga baril, "Magaling ka talaga Kath," puri ng mga kasama ko. I hissed. "Mga tanga kasi kayo," pabiro ko pa.

Bumaba na kami ng trak at aristado namin si manong. Ang lakas ng loob niyang gawin ito. Nag-iisa lang naman siya. Binalikan ko si Harriet ngunit napatigil na lang dahil sa nakikita. Crap! Hawak ng mga armadong lalaki sa leeg si Harriet. Lima sila.

"Ibaba niyo ang mga baril niyo kung ayaw niyong mamatay ang kasama niyo!" utos nito sa amin. Kinabahan naman ako sa lagay ng kaibigan ko ngayon ngunit nananatiling seryoso ang ekspresyon niya. Dahan-dahan kong binaba ang baril sa kalsada. Ganoon din ang ginawa ng iba.

Suminyas ang isa sa kanila na lumapit si manong sa kanila at agad naman itong sumunod, "Sakay sa trak," utos ng isa sa kanila kay manong. Dali-daling sumakay si manong sa trak habang kami nanuod lang at walang nagawa.

Lumapit sa amin ang isang kasamahan nila at kinapkapan kami kung may natitira pa bang baril. Nahagip ko sa mga mata ang paghulog ng punyal sa ilalim ng manggas ni Harriet, nasalo niya ito sa kamay niya. Pasimple siyang tumango at sabay kaming kumilos ni Harriet. "Dapa!" sigaw ko sa mga kasamahan ko sabay tadyak sa binti ng kalaban na nasa gilid ko. Marahas kong hinablot ang baril niya at naagaw ko agad ito. Buong pwersa ko itong pinatayo at hinarang sa aking harapan.

Ginawa kong harang ang katawan niya at wala na akong sinayang na oras. Pinagbabaril ko ang mga kasamahan niya. Si Harriet naman nakatakas na mula sa kamay ng isang armado dahil sinaksak niya ito sa hita. Agad ko silang napatumba dahil hindi nila inaasahan ang galaw namin ni Harriet.

Tinulak ko ang wala ng buhay na katawan na hawak ko. Agad kong nilingon si manong. Shit, nakatakas siya. "Nawala si manong!" pagbigay alam ko sa kanila. Agad naman silang nagsikilos.

Dinaluhan ko si Harriet, "Ayos ka lang ba?" nag-alalang tanong ko sa kanya. Tumango siya. "Ayos lang ako, ako pa ba." Nagawa pa niyang kumindat sa akin. Napangisi ako at napailing-iling. Matindi din pala ang babaeng ito.

Nakabalik ang mga kasamahan namin at hindi na nila nahanap pa si manong. Naku, kung sinuswerte ka nga naman. Nakatakas pa.

Agad kaming nagreport sa Base at ang sabi ay may darating daw na backup. Umabot ng isang oras ang paghihintay namin bago dumating ang sinabi nila at kasama nila si Captain. Agad kaming sumaludo. Agad silang nagsikilos, may mga ambulansiya ding dumating upang kunin ang mga bangkay. Kailangan pa nilang suriin ang mga ito.

"Good job! Bumalik na kayo sa base at may papalit sa pwesto niyo." Sumaludo sa amin si Captain at malaking bagay iyun sa amin.

Nakabalik kami ng base at laman na naman ng balita ang nangyaring sagupaan. Mas naging alisto ang lahat. Mukhang nagpaplano na naman ang mga rebelde. Bilib din ako sa kanila dahil hindi sila sumusuko. Mga hangal.

Dumaan ang mga araw naging tahimik na ulit ang lahat ngunit hindi pa din pwedeng makampante dahil mukhang nagpapalamig lang sila.

Nandito ako ngayon sa bench nagmuni-muni. Napabuntong-hininga ako. Parang may kulang sa puso ko at hindi ko matukoy kung ano iyun. Siguro nahihibang lang talaga ako.

"Kath!" Agad akong napalingon sa likod at nakita ko si Harriet na tumatakbo papalapit sa akin. Kumunot ang noo ko. Ano naman ang problema ng isang 'to? Hinintay ko itong makalapit at nabigla ako nang agad niya akong hinila. Halos mawalan pa ako ng balanse.

"Bilis! Ang kupad mo! My God! Bumalik siya!" nagtitili ito habang hila ako. "Ano ba meron Harriet? Dahan-dahan naman!" reklamo ko. Humarap siya sa akin na may galak sa mukha.

"Kath! Si Dale bumalik!" tila binuhusan ako ng mainit na tubig at agad bumilis ang tibok ng puso ko. I gulped. "B-bumalik?" nautal pa ako. Agad siyang tumango-tango at muli akong hinila.

Wala akong naging reklamo dahil sinisigaw ng puso ko na makita siya muli. Shit, nahihibang na ako. Bakit parang sabik akong makita siya? Sinaktan niya ako! Bakit naramdaman ko pa ito?

Patungo kami sa office ng captain at hindi na ako makakapag hintay. Nasasabik ako na makita siya ulit. Nang malapit na kami sa office napatigil na lang kaming dalawa sa nasaksihan. Magkasabay na pumasok si Dale at Jillan sa office. Nakalingkis ito sa braso niya, "Ay, may linta," hindi ko pinansin ang sinabi ni Harriet dahil naninikip ang dibdib ko.

Gusto kong baklasin si Jillan. Bakit nandito ang babaeng 'yun? May relasyon na ba sila? Agad agad?

Tumalikod na ako at nauna na kay Harriet. Nasasaktan ako sa nakita ko. Bakit? Diba dapat maging masaya na ako? Hindi na niya ako kukulitin pa dahil may Jillan na siya pero bakit nalulungkot ako at nasasaktan? Traydor na puso. Ito na nga ba sinasabi ko, hindi maganda kung ang puso na ang dumidikta.

Dumaa ang araw hindi man lang niya ako binisita sa kwarto namin ni Harriet. Hindi ko din siya nakikita. Noon palagi ko namang nakikita ang lalaking iyun. Naiinis na din ako sa sarili dahil parang umaasa pa akong balikan niya ako kahit wala naman kaming naging relasyon.

"Ano ka ba Kath? Tutunganga ka lang ba? Gumawa ka ng paraan para mapasayo siya, trust me. Gusto ka pa din niya," ito namang kaibigan ko, kinukulit ako. Ano ako sa tingin niya? Desperadang babae?

"Tigil tigilan mo ako Harriet, hindi ako desperada," I hissed. I decided to go out to console myself.

Naglalakad ako ngayon sa pathway, masyadong tahimik ang paligid. Ang laki kasi ng Base na ito. Nagtungo ako sa bar, sariling bar ito ng base. Tanging kami lang ang gumagamit nito at minsan ginagamit namin kung may pagdiriwang.

I was about to open the door but I was surprised when there was someone who opened it. I screwed up as I saw the guy who is standing in front of me. Tila nanghihina ang mga tuhod ko. Mas lalo siyang gumwapo. Ang mga mata niya na nakatitig sa akin ay wala man lang naging emosiyon, "Y-you're back," pakiramdam ko umurong ang dila ko. Goodness, I'm nervous.

"Yes, Jillan wanted me to be back," my heart tightened. His voice, saying those words was like he stabbed me to my chest. It hurts. Kaya pala bumalik siya dahil gusto iyun ng anak ng presidente.

"O-okay, I gotta go," agad akong umalis sa harapan niya dahil pakiramdam ko maiiyak na ako. May relasyon na nga sila.

Pilit kong pakalmahin ang sarili. I should not feel this. Pumunta ako sa gym at doon nilabas ko lahat nang naramdaman ko. Hindi na maganda ito. Naging malambot na ako. Masyado na akong babae. Naging iyakin pa at nakakainis iyun!

@Missloorh
 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro