Chapter 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kathnis P.O.V

Tahimik akong nakatayo sa gilid ng pintuan ng clinic at marahang sinisipa ang sahig habang ang dalawang kamay nasa bulsa. Kinagat-kagat ko ang mga labi dahil sa inip. Ang tagal. Nangangati na ang mga kamay ko.

May narinig naman akong nag-uusap sa kanang bahagi at napatingin ako roon ngunit agad ding napalingon sa kaliwa dahil sa narinig kong mahinang yapak. Agad nanliit ang mga mata ko nang nakita ko si Hailey na akmang papasok. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at binigyan ako ng napipilitang ngiti. Aba, tatakasan pa yata ako.

"Oh andiyan kana pala? Gusto mo pumasok? C'mon, let's get in" Peke akong ngumiti sa kanya at pasimple ko siyang tinulak ng medyo malakas sa loob.
"Ah hahahahaha inaantay mo pa talaga ako. Sana sa cafeteria ka nalang nag-antay" Napipilitan siyang tumawa at umarteng natural.

"Kaso nangangati na kamay ko eh. Nangangati ng kurutin iyang singit mo!" Ngiti-ngiti kong sabi at agad nagtaas ng boses sa huli sabay abot sa singit niya. Gigil na gigil ko itong kinurot at napahiyaw naman siya.

"Arayy! Ouch! Kath ang sakit!" Hiyaw niya at malakas niyang tinanggal ang kamay ko doon. Akmang pipingutin ko na naman siya ngunit agad siyang lumayo.

"Hayst! Ang sakit ah" Reklamo niya habang hinihimas ang singit. I hissed.
"Kulang pa 'yun. Pinahiya mo ako sa harap ng mga tao! Lintek ka" I scolded. Ngumuso naman siya at agad lumingkis sa braso ko. "Sorry na. Dapat kasi sa dare, napaka challenge. Hindi iyung easy, diba?" Pabebe niyang tanong sa akin. Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Tss, lumayo ka nga sa akin. Naalibadbaran ako sayo" I irritatingly said and I barely pushed her away.

"Ang bitter mo Kath. Tayo na nga, libre na kita" Yaya niya sa akin at hinila ako palabas.
Nakarating kami sa cafeteria at agad kaming nakapag simula ng tanghalian. I am now heading to the office of lieutenant general. My presence must be there after three minutes. I'm a little bit upset because I was not even given enough of time to finish my food. Sabi ng secretary na kumausap sa akin kanina, may sasabihin daw si lieutenant general.

Pagdating ko sa office niya agad kumulo ang dugo ko dahil bumungad sa akin ang sundalong kinaiinisan ko. Ang lalaking naka angkin ng first kiss ko. Pagkakita niya sa akin agad siyang ngumisi na mas kinakulo ng dugo ko. Hayop, walanghiya, ang kapal.

Narinig ko naman ang pagtikhim ni lieutenant kaya agad kong kinalma ang sarili at pumunta sa harapan ng desk niya. Nandito din pala ang CO namin. Shit, nandito din ang Captain.

"Sir" Usal ko sabay saludo. He just nodded and he prompted me to sit.
Sinikap kong baliwalain muna ang galit ko sa isang kano dito sa kwartong ito at umupo sa katapat niya. Walang ekspresyon ko siyang tinapunan ng tingin at muling itinuon ang atensyon kay lieutinant. Tanging si lieutinant general lang ang nakakaharap naming mga sundalo dahil mailap ang General which is the superior general, who got the highest rank and he attained the four stars. While si lieutinant general, three stars. Next is Major general who have two stars, Brigadier general, who got one star. And then Colonel, Lieutenant colonel, Major, Captain, First lieutenant, Second lieutenant, lieutenant junior, Sergeant major, First Sergeant, CO/commissioned officer, and the lowest are Soldiers.

"Sir bakit niyo po ako pinatawag?" Magalang kong tanong. Seryoso niya akong tiningnan sa mga mata.
"I've heard, you made a scene earlier" He seriously said that made me gulped.
"I'm sorry. I made a mistake but it wasn't my intention sir, believe me. It was just a dare--"
"What a bullshit reason!" Bahagya akong napaigtad nang sumigaw siya sa galit. Napayuko ako. Grabeng karma 'to. Hindi pa ba sapat iyung kahihiyan ko kanina? Nagbayad naman ako, kulang pa rin? Ang sama.

"You insulted the one of our special soldier because of just a dare?! You such a norrow-minded! Ano nalang ang iisipin ng mga tao sa U.S.? Ng presidente? Kung utusan ba kitang barilin mo lahat ng tao dito sa pilipinas dahil sa kagustuhan ko, magagawa mo ba iyun? Patayin mo sila dahil gusto ko LANG?" He scolded and emphasized the LANG. I clenched my fists.

"It's okay sir, she just apologized her mistake and she already learned her lesson. I think it's enough" Sabat naman ng katapat ko. Mas lalo kong naiyukom ang mga kamao. Mas pinalala lang niya ang nararamdaman ko ngayon. I'm deeply humiliated. I want to die right now. This is sucks. Binalik ko ang atensyon kay lieutenant.

"I am really sorry sir, I will accept punishment whatever it is. I deserve it for being disgrace to the Philippines Military" Magpakumbaba kong sabi. Marahas napabuntong-hininga si lieutenant General.

"Mr. Mattson let me moralize my soldier. And Captain, especially you Comissioned Officer. You should not let this happen again." Mahinahong niya. Tumango naman si Mr. Mattson kuno.

"Hindi ko hahayaang mangyari ulit ito Lieutenant General," matikas na sabi ng CO. Napakagat ako ng labi lalo na nang nilingon ako ng Captain.

"Ms. Llacer, as your punishment. You'll stay for seventeen hours in the middle of the field. No food. Now, go" Kalmado ngunit may awtoridad na tingin. Agad akong tumayo at sumaludo saka umalis.

Paglabas ko narinig ko pa ang pag tawag ni Mr. Mattson at hindi ko lang siya pinansin. Agad akong dumeretso sa field. Pagdating ko sa gitna tumayo ako at bahagyang nakabikaka ang mga paa habang ang mga kamay nasa likod. Sa apat na taon, ngayon lang ako maparusahan ng walang kasama. Seventeen hours is pretty long. No sleep and no food. Panigurado, maubusan ako nito ng lakas. Pero mabuti na rin ito, paghahanda sa anumang gyera. Baka kasi darating ang panahon na maranasan ko ang walang tulog at walang kain pero hindi ko talaga gusto ang sitwasyon na 'to. Sino bang naghangad na maparusahan? Paghahanda? Di naman siguro darating ang panahon na 'yun.

"Nanuod lang naman ako ng basketball" I murmured. Di ko akalain ang panunuod ko ng laro ikakasama pala sa akin. Kung alam ko lang, di na sana ako lumabas ng kwarto. Pahamak talaga ang impaktang kaibigan ko na 'yun.

May nakikita naman akong napapadaan at lahat sila napatingin sa akin. Sina walang bahala ko nalang ang nagtatanong nilang mukha. Who cares? Kung nainggit sila, edi tumayo din sila at magpabilad.

Nag-sunbathing ako 'no. I hissed.
Pagdating ng hapon naramdaman ko na ang pananakit ng mga paa. Nauuhaw na rin ako. Pinilit ko nalang ipunin ang laway sa bibig at nilunok iyun. Mahirap na baka matuyuan ako sa lalamunan.

"Kath!" Agad akong napatingin sa unahan at nakita ko doon ang kaibigan ko. Nakita ko sa mukha niya ang matinding awa ngunit hindi siya lumapit. Pinipigilan niya ang sariling lumapit dahil maaaring madamay siya.

"I'm sorry" Emosyonal niyang sigaw. I took a deep breath.

"It's okay. Umalis kana, baka may makakita pa sayo" Taboy ko. Kahit siya rin ang dahilan kung bakit ako umabot sa ganitong sitwasyon, ayaw ko pa rin na pati siya maparusahan, "Paano ka?"

"I'm okay, don't worry" I said calmly. Her face turned into gloomy. I could feel her hesitation but she still chose to walk away. That's alright, I understand her. Medyo mahirap din kasi ang parusa na 'to kahit hindi mabigat. Besides, she's a medic and her presence must always be there in clinic.
The night comes until midnight. Same position, same place. I am now totally exhausted. My lid is freaking heavy. Sa tuwing muntikan akong matumba saka lumalaki ang mga mata ko, na parang nagising sa antok. Damn, I want to sleep. I want to feel my bed. I'm thirsty. I'm hungry.
Pumintig ang mga tenga ko nang may narinig akong sumipul-sipol. Nangunot ang aking noo at inaninag ang bulto ng taong naglalakad papunta sa aking pwesto. Who the fuck is that? Don't tell me na namamatay na ako. He's like a grim reaper. Iyung napapanuod ko sa mga pelikula. Iyung nakamamatay na grim reaper dahil sa kapogian, hindi sa kapangitan. Mamamatay ka sa kilig hindi sa takot.

Kinusot ko ang mga mata para makita siya ng malinawan. Napakurap ako. Bawat hakbang niya nagslow-motion ang paligid. His hair is messy. He's wearing a black coat, iyung hanggang binti ang haba. I can't see his face. Madilim kahit natatamaan siya ng sinag ng buwan. Medyo umaambon ang paligid niya. Napalunok ako. Totoo 'to? May grim reaper na paparating. Sa tindig niya, I'm sure he's a freaking grim reaper. Is he going to get me? Kukunin niya ako pero dahil maganda ako magdadalawang isip siyang ihatid ako sa styx. And then, maiinlove rin ako sa kanya--what? Wait a minute. Inilihis ko ang tingin. Crap! What I am thinking? What the hell is wrong with me? I am a GM-hater. A hater and I hate being in love!

I hissed and looked at the grim reaper again. I prefer he will send me to styx than being involved of romantic dramas. Pero hindi pwede, gusto ko pa palang makasama ang pamilya ko__hindi, dahil patay na ako gusto kong pagmasdan lang sila. Kaylangan kong makahanap ng paraan para makatakas sa grim reaper na ito. Sandali, kung magtangka akong tumakas baka ikakamatay ko pa sa pangalawang pagkakataon. Maaaring may tinatago siyang espada sa likod. Napatitig naman ako sa kanya hanggang sa dumako ang tingin ko sa kanyang kamay.

Agad nangunot ang noo ko dahil imbes espada ang hawak niya, isa itong bottle ng tubig. Agad akong napatitig sa mukha niya. Ilang hakbang nalang malalapitan na niya ako. Oh man! He's not a grim reaper. He's a jerk soldier.

"Hayst, di pa pala ako patay" Malumbay na usal ko. Epekto na siguro ito ng gutom, pagod, at uhaw. I'm being paranoid, "Good evening" Agad uminit ang dugo ko sa sinabi niya.

"Good evening? Is there's good in this evening?" Pabalang kong tanong sa kanya. Wala bang common sense ang lalaking 'to?
"Yes, there is. You're in front of me and you just made me realize how beautiful this night" He said with feelings and he even swayed his hand to the air. I leered. Kadiri, may nalalaman pa siyang ganyan?

"You know what? You're so ludicrous but you just made me sick instead. You better stay your ass off, jerk" Asar kong sabi. Ngumiti siya.

"You're cute when you get angry. You're like a baby lion" Napatanga nalang ako doon. What? A baby lion? Damn this jerk. He's really a pain in my ass.

"Can you please leave me alone? Stop acting that we're close because we are not" I bluntly said.

"Ouch! You're blunt" Inarte niya at humawak pa sa dibdib. Naku, naku, naku pag itong pasensiya ko naubos pipingutin ko talaga itlog niya.

"Anyway, here. Take this, I know you're thirsty" Inabot naman niya sa akin ang hawak niyang mineral water. Naramdaman ko na parang may humaplos sa aking puso pero pinili kong isa walang bahala iyun.
"I won't accept that so leave" Seryoso kong sabi.

"You're getting weak and your body must accept even just a water. No sleep is a freaking fatal" Seryoso niyang sabi at kinuha niya ang kamay ko para ipahawak ang mineral ngunit nagmamatigas ako at itinulak siya. Muntik ng mahulog sa lupa ang mineral water ngunit agad niya itong nasalo.

"Tss, you're stubborn. You leave me no choice" He murmured. Binuksan niya ang mineral at uminom. Napataas ang kilay ko. Kita mo 'to, siya lang rin pala ang iinum.
Napasinghap ako nang agad niya akong kinabig at mabilis niyang sinakop ang nakanganga kong bibig. Nanlaki ang mga mata ko. Pansamantala akong nawalan ng wisyo. Para akong mabingi sa lakas ng tibok ng aking dibdib. Naramdaman ko nalang ang mainit na tubig sa loob aking bibig at dahil sa gulat wala sa oras ko iyung nalunok. Napakurap-kurap ako at agad ko siyang tinulak nang nakabawi.

"Fuck you!" Hasik ko sa kanya at agad pinunasan ang mga labi. Marahas ko siyang tiningnan. Ngumisi lang siya na kinaasar ko ng husto. Kumukulo ang dugo ko sa galit, "Don't be so mad, I was just helping you. I can't afford to see you fainted" He said while smiling.

Naiyukom ko ang kamao. "But you kiss me!" Sumeryoso siya bigla.

"You forced me, you leave me no choice!" Pasinghal niyang sabi. I pursed my lips and I prompted him to leave. I can't talk to him anymore. I'm getting insane. I gave him a death glare when he didn't obey and he instead crossed his arms to his broad chest.
"Fuck off before I lose my sanity!" Pagbabanta ko.

Napatanga nalang ako nang bigla siyang umupo sa lupa at walang pag-alinlangang humiga. Ginawa niyang unan ang mga braso. Napatingala ako sa langit dahil para ng sasabog ang dibdib ko sa asar. Muli ko siyang tiningnan.

"What are you doing?" Nagtitimpi kong sabi. Huminga siya ng marahas at saglit akong tinapunan ng tingin.

"I will sleep here to be your companion 'til morning" Mahinahon niyang sabi at itinuon ang atensyon sa kalangitan. Di makapaniwala ko siyang tiningnan. Saglit akong natawa ng matabang at napasuklay sa buhok. Damn this jerk. Maaga akong tatanda nito.

"Bahala ka" Pagsuko ko at tumayo nalang ng tuwid. Wala akong mapapala kung papatulan ko siya. Naging tahimik ang paligid na siyang nagpahinahon sa akin. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata.

"The moon is beautiful, isn't?" Basag niya sa katahimikan. Nagdilat ako at napatingin sa buwan. Yeah, it's beautiful. I sighed. I wonder, ilan na kayang astronaut nakapunta diyan. Ang swerte naman nila. They don't only travel the worldwide but also the universe. Risky but satisfying.

"To my next life I want to be astronaut so that I can travel around the universe" Wala sa sarili kong usal. Agad kong naitikom ang bibig nang napagtanto ko ang sinabi. Bakit ko 'yun nasabi sa harap niya? Para na rin akong nag open up sa personal life ko. Naku naman, ang tanga ko talaga.
"Is that so" Tugon niya.

Muling tumahimik ang paligid. Napatingin ako sa kanya na ngayon nakapikit na pala. Napatitig ako sa kanyang mukha. Napakaamo ng mukha niya kapag nakapikit. Mapayapa ang paghinga niya na parang natutulog sa maayos na higaan. May asawa na kaya 'to? Girlfriend? Nanghahalik kasi. But who knows, maybe he's a certified womanizer. It's not impossible, he has a perfect appearance. I'm sure maraming naghahabol sa kanya.

Lumipas ang isang oras naramdaman ko na ang matinding pananakit ng mga binti, pagod at gutom. Mamamatay na yata ako. Nanlalamig na rin ako. Sumasakit na aking tiyan. Pumikit-pikit ako. I am now dizzy. God, I can't take this anymore. Tuluyan akong bumagsak sa lupa dahil sa sakit ng mga binti. Inabot ko ang mineral water katabi ni Mr. Mattson at hayok na uminom. Pagkatapos pagod akong humiga. Bahala na si Batman. Ayaw kong mamatay ng walang dangal. Mas gustuhin ko pang mamatay sa giyera dahil sa pagliligtas. Pipikit lang ako saglit. Huminga ako ng malalim. Inunat ko ang binti.

"Owh! Ang sarap" Ungol ko. Sa wakas nakahinga na rin ang mga binti ko. Nakangiti akong pumikit. Medyo lumuwag-luwag na rin ang pakiramdam ko.
PARANG may sariling buhay ang mga braso at yumakap sa unan. Napasubsob ako roon. Ang bango. Nangunot ang aking noo nang may yumakap rin sa akin? Teka, kaylan nagkaroon ng mga kamay ang unan? Pinisil-pisil ko ito at mas lalo akong nagtaka sa tigas nito. I felt totally conscious when it moves again. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata at nakasalubong ko naman ang mukha ni Mr. Mattson na may matamis na ngiti. I gulped as my heart beats wildly. Namumungay ang mga mata niyang nakatitig sa mukha ko. God, he can hypnotize people with his stare and I'm might be one of them.

"Good morning baby" Paos niyang sabi. Napakurap-kurap ako. Wait, what? Nanlaki ang mga mata ko at napabalikwas sa pagkakayakap sa kanya. Mabilis pa sa segundo akong napatayo. Wala sa oras akong napatingin sa wristwatch. Napalunok ako dahil alas-kwatro na ng umaga. Nakaramdam ako ng kaba. I'm being reckless again.

"God, I'm dead. I can't take another punishment" Nababahala kong wika. Nakagat ko ang mga kuko dahil sa kaba. What I'm going to do?

"Hey what's the fuss? There's no another punishment, trust me" He certainly said and smiled. I felt suddenly relief. I wondered why. I just nodded. I hope so.
Maya-maya'y nagpa-alam siya sa akin at ako naman bumalik na sa building. Pagdating ko sa kwarto agad akong humiga sa kama. Tumunganga lang ako sa kisame habang inaalala ang mga nangyari kanina. Sinamahan niya talaga ako gaya ng sinabi niya. Tanga talaga ang isang 'yun. Namalayan ko nalang na napangiti na pala ako. Naku, masamang pangitain 'to.
Pagdating ng alas sais ng umaga agad akong naligo. Agad naman akong nakabalik ng building at nadatnan ko ang isang babae sa kwarto. She's busy arranging her baggage. I bet, she's my roomie.

"Hi" Pag-agaw ko ng atensyon niya. Agad siyang napatingin sa akin. She immediately smiled. She's cute and adorable. She has a wavy hair. Singkit ang mga mata at katamtamang makapal ang kilay. She has a small nose but pointed. Kissable pinkish lips.

"Hello, ikaw ba ang makakasama ko dito?" Tanong niya. Nakangiti akong tumango. "What's your name?" Tanong ko at lumapit sa kama saka umupo.

"Harriet. Harriet Santillan, twenty three years old. Ikaw?" Tanong din niya at inabot ang kamay. Tinanggap ko naman iyun.
"Kathnis Llacer, twenty four" Nakangiti kong pakilala. Bumitaw kami sa isa't isa at pinagpatuloy naman niya ang ginagawa. Magaan ang loob ko sa kanya at nakakasigurado akong magkakasundo kami. I stood up. Kinuha ko ang unipormeng pants at sinuot.

"So ilang years ka na sa serbisyo?" Tanong ko at kinuha ang bota para isuot. "Three years,"

"Ah ako naman Four years" Saad ko at hinigpitan ang mga liston ng bota. Pagkatapos namin sa mga ginawa inimbita ko siyang mag-agahan sa cafeteria. Sumama naman siya pero bago 'yun dinaanan namin si Hailey. Nakapagkilala agad sila sa isa't isa hanggang sa nakarating kami sa cafeteria. Sa totoo lang, hindi mabuti ang pakiramdam ko pinilit ko lang itong wag pansinin. Kinulit pa ako ni Hailey kung mabuti lang ba ang pakiramdam ko, sinabi ko naman sa kanya na wala akong nararamdaman.

Kumuha kami ng makakain at agad naman kaming nakahanap ng pwesto. Sinimulan namin ang pagkain at nakalimang subo ako nang may tumabi sa akin. Marahas ko itong nilingon.

"Hi baby" Nakangiting mukha ni Mr. Mattson ang sumalubong sa akin. I pursed my lips tight. Di ko nalang siya pinansin at akmang susubo muli ngunit sa ibang bibig napunta ang pagkaing nasa kutsara ko. Nagtitimpi ko itong nilingon muli.

"Will you stop bothering me? I made myself clear that I don't like you around" Irita kong sabi at sumandok ng pagkain ng walang pandidiri. Wala akong pake kung may ibang bibig ang napasukan ng kutsarang ito, ang importante may magagamit ako. Besides, I'm not a princess. I'm a soldier.

"But I like you around" Natigil ang kutsara ko sa ere nang akmang susubo ulit. Narinig ko naman ang hagikgikan ng dalawa kong kasama.

"Then our feelings are not mutual so fuck off" Taboy ko sa kanya at sinubo ang pagkain na nasa kutsara. "What about last night?" Napataas ang kilay ko doon.
"You let me stayed" Dugtong niya na kinalingon ko kay Hailey.

Nakita ko naman ang mapanuksong ngiti ng kaibigan ko. Nilingon ko siya muli at pinanlisikan siya ng mga mata. He just smirked.

"Last night was exempted" Kunwaring naiinip kong sabi para ipamukha sa kanya na hindi ko siya gustong nasa tabi.

"Uh okay but I'm gonna stay here, you like it or not until you'll declare that this time is exemption" Kampante niyang sabi na kinairap ko. Ang kulit talaga ng sundalong 'to. Nababangasan na ako sobra.

"Urgh! You're driving me insane" Asar kong bulalas sabay tayo. Makalayas na nga lang.

@Missloorh

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro