Chapter 20

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

 
Padabog kong sinarado ang pinto ng kwarto. Nagulat naman si Harriet, "Anong nangyari?" agad niyang tanong.

Salubong ang kilay ko at pawisan, "Tumakas tayo, magsaya tayo sa bar sa labas," I said. Tinignan ko siya. Nakakunot ang kaniyang noo. Halatang nalilito, "Osige," sumangayon naman siya.

Kinagabihan tumakas nga kaming dalawa at dumiretso kami sa bar na napuntahan ko noon. Tanging green shirt lang ang mga damit namin at unipormeng pants. Pagpasok pa lang namin sinalubong na kami ng malakas na tutog. Napatingin ang lahat sa amin. Halata kasing mga sundalo kami. Agad kaming naghanap ng table ni Harriet. Gusto kong maglasing. Naiirita na ako sa mga nangyayari sa buhay ko.

Habang naginuman kami ni Harriet, walang nagtaka ang lumapit sa amin. Subukan lang nila.

Nakailang bote na ako ng beer habang si Harriet panay pigil sa akin, "My God Kath, wag kang masyadong magpakalasing at baka hindi na tayo makakabalik niyan. Yari tayo,"

"Hayaan mo ako Harriet. Gusto ko lang makalimot kahit pansamantala lang." Sinuntok-suntok ko ang dibdib ko. Ramdam ko ang pamamanhid ng aking mukha. Mainit na din ang katawan ko at nahihilo.

"Ang bilis. . . .bakit may relasyon agad sila? At bakit siya sumuko agad?" Mangiyak-ngiyak kong usal. Nakakainis ang lalaking 'yun! Akala ko ba matigas ang bungo niya.

"So dahil pala ito kay Dale." Napailing-iling siya at tumango tango naman ako. "Sabi ko naman sayo na gumawa ka ng paraan... dahil mahal mo na siya ipaglaban mo, ano ka ba? Kung hindi mo makuha sa mabuting paraan, idaan mo sa dahas. Naku, alam ko mahal ka din niya kaya wag kang papatalo kay Jillan dahil siya naman yata itong unang nang-agaw. Aba! Matirang matibay," dagdag pa niya. Napatigil ako at hindi ko napigilan ang sarili na suminok. Tama, tama! Lalaban ako!

Agad akong tumayo. "Bumalik na tayo." Ngumisi ako at tinuro ang daan sabay lakad. Pilit kong patigasin ang mga hakbang ko. Shit, malakas na tama ko.

Sumakay kami ng Taxi ni Harriet. Ramdam ko na ang matinding hilo. Pagbaba namin sa taxi, pakiramdam ko tumataas ang laman ng tiyan ko, "Ayos ka lang?" rinig kong tanong ni Harriet. Nagusot ang aking mukha at hindi ko napigilan ang sarili na masuka. Shit, ang pangit sa pakiramdam.

Ramdam ko ang paghagod ni Harriet sa likod ko. Naupo ako sa kalsada pagkatapos. I wiped my lips. "My God, paano tayo makapasok niyan," bulalas niya.

"Pakalmahin mo muna ako." Pinikit ko ang mga mata. Dumaan ang ilang minuto saka ako nagdesisyon na tumayo. Nahihilo pa din ako pero kaya ko pang umakyat sa pader.

"Tara," nagtungo kami sa mismong pader na aakyatan namin. Hirap na hirap akong umakyat dahil tila gumagalaw ang paligid. Crap! Nakakainis!

"Pumatong ka sa likod ko Kath, umayos ayos ka, malilintikan talaga tayo nito." Tumango ako sa sinabi niya. Pumwesto siya sa harap ng pader at yumuko. Inapak ko ang isang paa sa likod niya. "Aray naman Kath! Dahan dahan lang, plano mo pa yata akong balian ng buto," narinig kong reklamo niya. Hindi ko lang ito pinansin, "Tatalon na ako," sabi ko. Huminga ako nang malalim upang ihanda ang sarili, "One, two, three!" Tumalon ako at sinabayan naman niya ako sa pagtayo ng tuwid upang itulak ako.

Sa wakas nakakapit na ako. Nahihirapan man iangat ang katawan ngunit hindi ako sumuko hanggang sa nagawa kong makaakyat sa itaas. Nilingon ko si Harriet sa baba at ibinaba ang kamay. "Abutin mo ako," sabi ko. Umirap siya. "Gaga, kung mahulog ka? Naku tumalon ka na, kaya ko na 'to," tumanggi naman siya. I just nodded. Tinignan ko ang tatalunan ko. Mababa lang pala.

Agad akong tumalon at napadaing na lang nang sumalampak ako sa lupa. Shit, yung ilong ko. Iyung boobs ko ang sakit. Nabalian pa yata ako ng binti dahil sumakit din ito. Mababa lang naman 'yun pero bakit ganito?

Sinubukan kong bumangon at napadaing ulit dahil sa sakit, "My gosh, anong ginagawa mo diyan? Gaga ka talaga, nagdive ka pa yata." Inalalayan naman ako ni Harriet na tumayo.

"Ayos ka lang?" I winced and nodded. Nagsimula kaming maglakad habang nakaalalay naman siya sa akin.

Nakarating kami ng building at huminto naman ako. "Ihatid mo ako sa kwarto niya Harriet," sabi ko. She didn't oppose.

Huminto kami sa harap ng pintuan. Tumikhim ako at umayos ng tayo. Humiwalay ako kay Harriet. "Wag kang aalis." She just nodded.

Nagsimula akong kumatok, nakailang katok pa ako bago may nagbukas dito. Napatuwid ako ng tayo. Si Dale ang kaharap ko ngayon.

"Hi! Good night! Este good evening," Tumaas pa ang boses ko, "You are drunk," he said. I giggled, "No, I'm tipsy lang." Bahagya ko pang pinalo ang dibdib niya. Shit, ang tigas.

"You should go back to your room." Agad akong umiling-iling. "Why? You don't like na makita ako? Ouch!" Napahawak ako sa dibdib. "That's sad," dugtong ko pa. Nakakalungkot naman, ayaw niya akong masee.

Narinig ko naman ang hagikhik ni Harriet sa gilid. I crossed my finger to my lips to shut her. She zipped her mouth, as if zipper talaga.

Tumingin muli ako kay Dale. Humakbang ako ng kaunti at nawalan pa ako ng balanse ngunit agad niya ako nasalo. Napahagikhik ako. Ang sweet naman. Hindi ko napigilan kurutin ang braso niya dahil ang tigas nito. I bit my lip and look at his face, "You are so pogi talaga, pwede bang hiwalayan mo si Jillan? Akin ka na lang," sabi ko.

His forehead creased. "Gaga, hindi 'yan makaintindi," sabat naman ni Harriet at napalingon doon si Dale. Inalalayan niya akong makatayo ng maayos.

"Harriet, she must go to bed." Napanguso ako. Ayaw niya talaga akong makita.

Hinila naman ako ni Harriet at hindi na lang ako pumalag pa, "Tch, pakipot din ang kano na 'yun ah," bulalas niya. Napahikbi ako. Hindi na niya ako gusto!

"Gaga! Wag kang umiyak nakakabawas ng kaastigan 'yan!" bulyaw ni Harriet. Napanguso na lang ako.

Kinaumagahan, masakit ang ulo ko nang gumising. Sobrang lasing ko yata kagabi. Hindi ko na matandaan ang nangyari. Napagdesisyunan ko na lang ang maligo. Nangangati na din katawan ko at ang dungis ko pa. Ano bang nangyari kagabi?

Nagkasalubong naman kami ni Harriet nang papunta ako sa paliguan ng mga babae. Agad siyang tumawa na kinakunot ng noo ko. "Good morning Kath! Grabe ang tindi mo kagabi," sabi niya. Nagtaka naman ako, "Bakit anong ginawa ko?" Nameywang siya.

"Nagdive ka lang naman sa lupa kagabi at ang lakas mo pang puntahan si Dale. My gosh! Ang epic mo." Tumawa ulit siya at napanganga naman ako. I blinked my eyes. No! Seryoso? "A-anong ginawa ko?" wala sa sariling bulalas ko.

"Lumandi ka lang naman, ang kaso ayaw yata ni Dale," may pagkadismaya niyang sabi. My eyes widened. Ako? Lumandi! No! Hindi totoo 'yun!

Tila binagsakan ako ng buwan nang nang may mga eksenang bumalik sa utak ko, "My God! Nakakahiya!" Napasabunot ako ng buhok at nagmamadaling pumasok sa paliguan. Rinig ko naman ang tawa ni Harriet.

Pagkatapos kong naligo, nagkulong lang ako sa kwarto namin. Wala akong lakas ng loob na lumabas at baka makita ko pa siya.

"Kath!" Agad akong napatingin sa pinto nang bumukas iyun at niluwa doon ang dalawa kong kaibigan. Humahangos pa silang dalawa.

"My God! Kumilos ka diyan, nandito si Jillan. Wag mong hayaan na makalapit siya kay Dale, kami na ang bahala sa kanya. Bilis!" Napakurap ako. Nandito na naman ang babaeng 'yun! Halos tumalon na ako nang bumaba ng kama. Nagmadadali akong lumabas ng kwarto, "Nasa canteen si Dale!" pahabol nila at agad kong nagtungo doon. Bahala na!

Pagpasok ko sa canteen agad ko siyang hinanap at nakita ko siya sa pinakadulo. I clenched my fists. Medyo kinakabahan ako. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. I took a deep breath. Kaya ko 'to.

Nagsimula akong humakbang papalapit sa kanya at ayaw naman magpapigil ang puso ko sa pagtibok nang malakas.

Just think positive. Kaya ko 'to!

I did fake cough as I went to his table. He look at me. Pakiramdam ko umurong ang dila ko. No! Hindi pwede! Kailangan kong maging matapang.

Walang pasabi akong umupo sa tapat niya. Nag-alinlangan akong itaas ang kamay. "H-hi!" I force myself to enliven my voice. Fuck! I could feel my knees are shaking for pete's sake!

He just stared at me. I bit my lip. Paano ako magsimula? Pasimple akong tumingin sa bintana at bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil naroon si Jillan sa labas. Hinaharangan siya nila Harriet. Agad akong napatingin kay Dale. Tumikhim ulit ako. "H-how are you?" I suddenly asked. Hindi ako mapakali hangga't nasa labas si Jillan.

"What do you want Ms. Llacer?" agad kumirot ang puso ko nang tinawag niya ako sa apelyido. Kumurap ako at pilit wag ipahalata ang nararamdaman ko ngayon.

"Are you mad at me?" I asked. Mariin niyang akong tinitigan, "No," he answered. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"So we can be f-friends?" tila sinaksak ng kutsilyo ang puso ko nang banggitin ko ang salitang kaibigan.

"No problem." Pinilit kong ngumiti. Now we are friends. A friend! Fuck it!

"T-that's good! How about let's have a date outside? You know, hanging out. Dating with friend is pretty normal, right?" kinakabahan ako sa mga pinagsasabi ko my God!

Ngumiti ako sa kanya at hinantay ang kaniyang sagot. Uminom siya ng tubig. "I'm sorry, I can't. As the date of the wedding neared, I am more occupied," tila isang bombang sumabog iyun sa pandinig ko. Saglit akong nabingi at hindi makagalaw. I can't even blink my eyes. Wedding? Kaninong kasal?

"W-wedding?" hirap kong bigkas. Tumango siya. "Yes, Jillan and I are getting married. She was too eager." He even chuckled. Tila nawalan ako ng lakas. FUCK! Magpapakasal na sila? Agad?! Ang sakit!

"I have to go," nagmamadali akong naglakad paalis. Crap, pakiramdam ko natalo ako sa malaking labanan. Huli na ako. Huling huli na ako.

No! Ang saklap, bakit ko ba ito nararanasan? Hindi ko na siya mababawi pa. Crap, gusto kong magwala. That bitch! Talagang minadali niya ang lahat. Tang*na!

@Missloorh
 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro