Chapter 23

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

 
Hapon ng nakauwi ako sa aming probinsiya. Wala akong masyadong nakitang gulo sa paligid dahil hindi naman ito masyadong naapektuhan noong may gyera. Nasa harapan pa lang ako ng bahay, napangiti na ako. I'm home!

Agad kong binuksan ang gate. I want to surprise them that's why I didn't make any noise. Simple lang ang bahay namin ngunit malinis itong tignan. May dalawa itong palapag. Hindi kami mayaman, may kaya lang.

I carefully opened the door. As I entered I automatically spread my left arm. "I'm home!" I exclaimed with delight. My forehead creased when silence prevail upon to each corner. They are not here?

Binitawan ko si Danis sa sahig, "Ma! Pa!" tawag ko ngunit walang sumagot. Saan sila? Bakit walang tao? Sobrang tahimik, akalain mong walang nakatira.

Agad akong napalingon sa pinto nang bumukas iyun, "Ate?" Nanlaki ang mga mata. "Bunso!" Agad ko siyang nilapitan na may malapad na ngiti habang ito ay gulat na gulat. Ang pangalan niya ay Ken.

"Nakauli lagi ka?" tanong nito gamit ang salitang bisaya. Tinatanong ako nito kung bakit nakauwi ako.

"Bakit bunso? Ayaw mo na bang makita ang ate mo?" I crossed my arms to my chest. Umarte akong nadismaya. Napakamot siya sa batok. "Hindi naman ate ang kaso wala sina Mama dito." Tumaas ang kilay ko. May pumasok naman na ideya sa isip ko, "Siguro nakipagchismis na naman 'yun kila Ninong," hula ko. He shook his head. Nagtaka naman ako.

"Nasa hospital sila," takang tanong ko at hindi ko din napigilan ang sarili na kabahan ng kaunti, "B-bakit? May nangyari ba habang wala ako?" I asked. I even started to feel anxious.

He stared at me before he spoke, "Noong may gyera dito ate, isa siya sa nag volunteer na pumunta sa mga naapektuhan ng gyera para magbigay ng tulong." Napakagat siya sa labi na tila hirap siyang ikwento ang kasunod. Nakaramdam ako ng matinding kaba, "At habang pauwi sila, hinarang sila ng mga armado at pinasabog ang sinasakyan nila. Si papa lang ang nakaligtas ngunit nakoma siya dahil sa natamo," tila isang bombang sumabog iyun sa pandinig ko. Saglit akong nabingi. Ang papa ko? Nasa hospital? Nakoma? Pakiramdam ko nahihirapan akong makahinga sa nalaman, "Samahan mo ako," I said and we immediately rushed to the hospital.

"Sabi ng doctor, magiging maayos din daw siya," saad ng kapatid ko habang naglalakad kami sa hallway ng hospital.

Huminto kami sa isang pintuan at agad ko naman itong binuksan. Agad kong nakita ang papa ko na nakahiga sa hospital bed. Tuluyang tumulo ang mga luha ko, "Anak!" Gulat napatingin sa akin si mama at agad ako nitong sinalubong.

"Ma? Bakit hindi mo sinabi?" Napahikbi ako. Takot ang namayani sa puso ko. Agad naman niya akong niyakap. "Hush, ayaw ka lang namin mag-alala. Don't worry, sabi ng doctor magigising din naman siya," naiyak na din si mama ngunit pinipilit nitong huwag magpadala. Kumalas ako sa yakap niya at dahan-dahang lumapit kay papa.

I held his hand and I sat to the side of his bed, "Pa?" Dinala ko ang kamay niya sa pisngi ko, "Pa, nandito na ako. Gumising ka na," nanginginig ang boses ko. Ang sakit, ang sakit na makita siyang nakahiga at walang malay. Wala man lang akong nagawa sa panahon na kailangan niya ako. Pakiramdam ko, napakairesponsable kong anak. Hindi ko siya nailigtas.

"Pa? I'm sorry kung wala man lang akong nagawa. I'm sorry kung humantong ka sa ganito. . . .patawad papa kung nahuli ako." Muli akong napahikbi. Niyakap ako ni mama, "Anak huwag mong sisihin sarili mo, wala kang kasalanan." Nilingon ko siya at umiling-iling. "Ma, para saan pa ang pagsusundalo ko kung ang pamilya ko hindi ko man lang maprotektahan?" puno ng hinagpis kong sabi. Sinisisi ko ang sarili ko. I feel so useless.

She shook her head. "No anak, diba alam mo naman kung bakit? Atsaka naintindihan ka namin. Tanggap namin na sa trabaho mo, pangalawa lang kami," napalakas ang hagulhol ko. Fuck! Ang hirap.

Napatingin ulit ako kay papa. Inabot ko ang pisngi niya at marahan itong hinaplos. Pa, nandito na ako. Hihintayin kita.

Umuwi muna kami ni Mama sa bahay at si bunso naman naiwan sa hospital. Tila ayaw pa din magproseso sa utak ko ang nangyari kay papa. Habang abala pala ako sa trabaho ko nandoon siya, nakahilata at walang malay. Ang sakit.

"Ilang araw ka dito anak?" tanong ni mama. Pilit akong ngumiti. "30 days ako dito Ma," agad naman siyang natuwa doon.

"Mabuti iyun, malay mo magising na ang Papa mo." Tumango ako.

Naghanda kami ni mama ng makakain namin para sa hapunan. Sa hospital lang namin ito kakainin. Agad din kaming natapos at bumalik ng hospital.

Pagpasok namin sa kwarto ni papa nadatnan namin ang Ninong ko. Nanlaki ang mga mata ko. "Ninong!" Agad ko siyang nilapitan at nagmano. "Mabuti at umuwi ka Anak," anak ang tawa niya sa akin dahil hindi na din naman daw ako iba sa mga anak niya. Siya si Ninong Alejandro fantadelion. Ang gobernador na namumuno ng NPA.

"Kinalulungkot ko ang nangyari sa papa mo anak." Ngumiti ako. Alam kong hindi iyun abot sa mga nata ko, "Ako din po pero nangyari na, ang mahalaga may pag-asa pa kami na makasama siya," I said. Ngumiti siya at tumango.

"Naku, wala ka talagang pinagkaiba sa papa mo." Bahagya akong napatawa. "Ano pa nga ba? Anak ako ih." Nilingon ko si papa at nilapitan siya. I took a deep breath. Gusto ko ng magising siya. Marami akong ikukwento sa kanya.

Nakipagkwentuhan pa si ninong kay mama bago ito nagpaalam na umuwi. Dito na din kami natulog nila mama sa hospital at kinabukasan umuwi kami ng bunso. Dalawa lang kaming magkapatid at ayos na iyun sa akin.

Habang naghahanda ako ng damit para dalhin kay mama, nagtaka naman ako nang may bumosina sa labas ng bahay. Agad ko itong nilabas at pagkita ko pa lang sa kotse alam ko na kung sino ito.

"Ninong! Ang aga mo yata, nay sadya ka ba?" salubong ko sa kanya. Bumaba siya ng kotse. "May regalo ako sa'yo kaya naparito ako." Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga po?!" Tumango siya. May huminto na big bike sa harapan ko at ang sakay nito ang anak niyang lalaki. Bumaba ito at nginitian ako. "Hi po," sinalubong ko ito ng yakap. Parang kapatid ko na din ito dahil magkaedad lang naman sila ng bunso ko.

"So ninong ano regalo mo?" Nakangiti kong tanong dito. Lumapit siya sa big bike at tinapik ito. Gulat akong napatingin kay Ninong, "Talaga po?!" hindi makapaniwala kong kumpirma. Tumawa siya nang bahagya saka tumango.

"My God! Ang ganda nito ninong," mangha kong sabi, "Bumabawi lang ako, ilang birthday mo na din na hindi kita nabigyan ng regalo dahil nasa trabaho ka." Napangiti ako at niyakap siya. Alam kong ginawa lang niya ito upang pasayahin ako dahil alam niyang nagdalamhati ako ngayon. Kumalas ako sa yakap, "Maraming salamat nito ninong, napakalaking bagay nito," taos-puso kong pasalamat.

"Walang iyan Anak. Nga pala, may pag-usapan tayo at mas mabuting sa loob natin iyun pag-usapan," gaya ng sabi niya inimbita ko sila sa loob.

Naghanda din ako ng juice at tinapay para sa amin. Naupo ako sa tapat ni ninong, "Ano ang pag-usapan natin ninong?" tanong ko at sumimsim ng juice.

"Tungkol ito sa grupo ng mga armadong nagdulot ng gyera dito sa lugar natin," seryoso niyang sabi. Napaayos ako ng upo, "Si Salman ang kanang kamay ko dati sa samahan ng NPA," nagulat ako, "Nalaman kong siya itong namumuno at paanong naagaw niya ang samahan?" takang tanong ko.

He shook his head. "Hindi, hindi niya naagaw kundi bumuo siya ng sarili niyang samahan. Tumiwalag siya sa amin at ngayon pinamunuan niya ang ILCL. . . .ang ILCL, sila itong mga tulisan, mga kriminal sa lipunan, mga drug addict, mga masasamang tao at mas pinili niya ang ganoon na samahan," nasabi ko noon na hindi na din sila iba sa ILCL dahil ang totoo pala sila talaga ang mga iyun.

"Dati pa, gusto ng sakupin ni Salman itong Zamboanga. Dati pa, may masama na siyang hangarin at ngayon sinisiraan niya ang NPA." I clenched my fists. That bastard, kapag nakita ko siya gigilitan ko talaga siya ng leeg.

"Alam na ba ito ng mga opisyal ninong?" tanong ko. Tumango siya. "Oo, sinabi ko sa kanila. Sinasabi ko ito sa'yo dahil gusto kong mag-ingat ka. Kilala ka niya at baka balikan ka, may koneksiyon ka sa akin, maaaring idadamay ka niya." I shook my head. No, I will not let him do that. Mapapatay ko muna siya bago niya ako gawan nang masama.

Walang sinasabi ang mga opisyal sa amin at pati ang media mukhang wala ding alam. Marahil alam na din ito ng mga nakatataas sa amin. Kaming mga sundalo, saka lang masasangkot kung kailangan na kami sa gyera. Ang tanging magagawa lang namin ay sumunod sa mga utos nila.

Pagkatapos ng naging usapan namin ni ninong agad din silang nagpaalam ng anak niya. Kami naman ni Ken ay bumalik ng hospital.

Apat na araw na simula noong nakauwi ako at hanggang ngayon hindi pa din nagigising si Papa. Nandito ako ng sementeryo, dinadalaw si lola at lolo.

"Hi Lola, Lolo. Pasensiya na ngayon lang nakadalaw." I took a deep breath. "Lola, Lolo tulungan niyo po si Papa. Gusto kong magising na siya, namimiss ko na siya," sabi ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Close ko din sila noon, kapag may umaaway sa akin, sila din ang nilalapitan ko kaagad.

"Mawawala lang itong bigat sa dibdib ko kung masilayan ko muli ang mga mata niya," tuluyan akong napahikbi. Mahirap kapag may mabibigat kang dinadala sa puso. Pakiramdam ko hindi ako makahinga. Nakakadurog.

Agad akong nagpunas ng mga luha nang tumunog ang cellphone ko.

Si bunso ang tumawag. I answered the call, "Bakit bunso?" tanong ko sa kabilang linya at ang sinabi nito ang nagpaiyak sa akin ng husto.

Dali-dali akong bumalik sa big bike ko at agad itong pinaharurot.

Nang nakarating ako ng hospital, lakad at takbo ang ginagawa ko. Pagdating ko sa harap ng kwarto ni papa agad ko itong binuksan, "Papa!" deretso ang tingin ko kung saan siya nakahiga.

Nanunubig ang mga mata kong nakatingin sa kanya na ngayon ay nakangiti sa akin habang nakataas ang mga kamay. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Napahikbi ako sa sobrang saya.

Sa wakas, he is back! My father is back! My bestfriend.

@Missloorh
 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro