Chapter 27

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

 
Kinabukasan mugto ang mga mata ko na gumising. Yes, I cried. Litong-lito na ako kung ano ang gagawin ko. Marami akong tanong na hindi naman masasagot. Natatakot ako. Hindi ko alam ang gagawin.

Busy ang lahat ng staff ng beach dahil sa gaganapin na engagement party. Ang presidente na mismo ang nagabot sa akin ng imbitasyon at wala na akong magagawa kundi ang pumunta. Labag man sa kalooban ko ayaw ko naman madismaya ang presidente.

"Anak, pupunta ka ba talaga? Pwede ka naman humindi," bakas sa mukha ni papa ang pag-alala, marahil may ideya siya sa mga nangyayari sa akin.

"Bakit anak? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni mama at kinapa ang noo ko. I shook my head. Tinuloy ko na lang ang pagkain ko.

"Nga pala anak, may binili akong dress na susuutin natin mamayang gabi, excited na ako." Malawak ang ngiti ni mama habang kumakain. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Papa habang si bunso naman nakatutok na naman ito sa cellphone niya.

Ang ginawa namin ni mama buong maghapon ay ang magpaganda. Hindi ako mahilig sa mga ganito ngunit si mama ay oo. Dumating ang gabi na pinakahihintay ng lahat. Nandito na din kami ng pamilya ko sa mismong event. Suot ko ngayon ang red dress na sleeveless. Lantad ang cleavage ko pati na ang aking likod. May slit din sa kanang hinta ko.

Maganda ang paligid. Marami akong nakikitang bulaklak sa paligid. Nasa gilid ng dalampasigan ginanap ang mismong event. Tanging mga tela at flowers lang ang nagbigay harang. Elegante itong tignan at mukha na itong may ikakasal. Medyo marami-rami ding tao ang dumalo habang may mga sundalo naman sa paligid.

Nagtungo ako sa mga pagkain at kumuha doon. May nagtangkang lumapit at makipagusap sa akin ngunit hindi ko sila binigyan ng pansin, tanging sa pagkain lang ang atensyon ko.

Nadisturbo lamang ako nang may nagpatunog ng baso gamit ang kutsara. Tumingin ako sa gitna at doon nakatayo si president, "What a wonderful night! Good evening." Ngumiti siya sa lahat. "Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Alam niyo naman ang pinunta niyo," pabiro pa niya at natawa naman ang lahat, "So now! Please come and join us! Our lovebirds! My beautiful daugther Carmila Jillan with her handsome soon to be husband, Dale Mattson!" natigilan ako kasabay ng palakpakan ng lahat. Napatingin kami sa entrance at doon nakita ko sila. Nakangiti ng malapad si Jillan habang si Dale ay seryoso lang. Nakasuot siya ng white tuxedo at black naman sa pambaba. Mas lalong lumitaw ang kapogian niya.

Parang piniga ang puso ko nang hinalikan siya ni Jillan sa mga labi. Agad akong nag-iwas ng tingin. Crap, ano bang ginagawa ko dito? Parang ako na mismo ang nananakit sa sarili ko.

Kinuha ko ang isang bote ng wine at umalis sa mismong event. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang nakalayo na ako but tears streaming down my face. What a painful night. This is too much to bear.

Binuksan ko ang bote at nilagok ang wine. I sniffed and wiped out my tears. Pabagsak akong umupo sa buhangin. Gusto kong sumigaw at magwala. Saan ba ako nagkamali? Ano ba ang nagawa kong mali para humantong ako sa ganito? Mali ba talaga ang umibig?

Uminom ako muli at deretso ko itong tinungga hanggang sa nangalahati ako. Naramdaman ko na ang paginit ng buong sistema ko at nahihilo na din. I let out sa heavy sigh. Pabagsak akong humiga sa buhangin.

Pakiramdam ko napakaignorante ko pagdating sa pag-ibig and I hate it! Hindi ko naman alam na required ang magjowa ng madami para hindi ako humantong sa ganito. Pero ano magagawa ko kung ang puso at utak ko mismo ay takot na sumugal.

Napatigil ako sa naisip. Sa akin ba talaga ang may mali? Ako ba talaga?

"Haist!" Napasabunot ako sa buhok dahil sa naiisip. Ayaw ko na! Ayaw ko ng magisip pa. Nakakasawa.

Huminga na lang ako nang malalim at pinikit ang mga mata. Nakatulog ako at nagising din kaya bumalik na ako sa cottage, doon tinuloy ko ang naudlot na tulog.

Kinabukasan, masakit ang ulo ko nang gumising. Nagpainit agad ako sa coffee shop at pagkatapos naligo sa dagat.

Nagdesisyon akong maunang umuwi sa amin dahil hindi ko na kayang magpatagal pa ng ilang araw. Matamlay ako sa buong byahe hanggang sa nakauwi.

Dumaan ang dalawang araw saka lang ako nakaramdam ng kaunting kaginhawaan dahil ginugol ko ang oras ko sa gala na ako lang mag-isa. Pinalawak ko din ang harden sa bahay namin.

Nandito ako ngayon sa sala nakahiga sa sofa habang si Danis naman nasa ibabaw ng tyan ko. Kumakain ako ng potato chips at nagscroll scroll lang sa FB. Napatigil ang daliri ko sa nahagip sa newsfeed.

"Their wedding will be on sunday at Santo Domingo Church in Metro Manila," basa ko sa ulat. Nailagay ko ang cellphone sa dibdib at napatingin sa kisame. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako ngunit bakit? Sa sunday na ang kasal nila at dapat matanggap ko na ang kabiguan ko.

Wala sa sarili akong napasubo ng chip dahil nablangko na ang utak ko. Kumurap-kurap ako at nananatiling nakahiga.

Bukas ay sabado at ang kasunod nito ay linggo. Paulit-ulit iyun sa utak ko.

Wala sa sarili akong tumayo at hindi man lang napansin si Danis na gulat itong napatalon sa sahig. Naglakad ako papuntang kusina at doon naupo. Sumubo muli alo ng chip. Binuksan ko ang rice cooker ang nagpaigtad na lang sa init nito. Agad kong isinubo ang daliri at natulala ulit.

"Anak?" Dahan-dahan akong lumingon sa pintuan ng kusina at doon nakita ko si papa. Agad tumulo ang mga luha ko at napatakbo upang yumakap sa kanya.

Humagulhol ako sa kanyang bisig. Naramdaman ko naman ang paghimas niya sa likod ko. "Pa, anong gagawin ko? Natatakot ako," umiiyak kong sabi. Nilukob ang buong sistema ko ng takot, "Hushh tahan na anak, hindi ka makakapag-isip ng maayos kung iiyak ka lang," tahan ni papa ngunit mas lalo akong napahikbi. Kung ganoon lang kadali.

Kung ako lang masusunod ayaw ko talagang umiyak ngunit traydor ang puso ko. Masyado itong makasarili.

Kumalas ako sa bisig ni papa at iniwan siya. Nagtungo ako sa kwarto ko at doon binuhos ang lahat ng luha.

Halos buong araw akong nagmukmok lang sa kwarto, kung lalabas man ay tulala at pakiramdam ko para akong nakalutang sa hangin.

Kinabukasan hindi na talaga ako lumabas ng kwarto. Wala akong gana sa lahat. Para akong nawalan ng lakas. Sobrang tamlay na ng katawan ko.

Narinig ko naman ang katok sa pinto ngunit hindi ko man lang ito nilingon. Nakaupo ako sa kama at nakatunganga lang ako sa labas ng bintana habang yakap ang mga tuhod.

"Anak? Hindi ka pa kumakain, nag-alala na ang mama mo," dinig kong sabi ni papa mula sa likod. Hindi ako kumibo. Walang ganang magsalita.

Naramdaman ko ang pagtabi ni papa ng upo. "Anak, walang mangyayari kung magpatuloy kang ganyan," sabi niya, "Lumaban ka anak," kusang tumulo ang mga luha ko. Huli na, huli na para lumaban. Isa lang ang napagtanto ko, isa akong duwag. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nasasaktan ako ng ganito. Hindi ako lumaban, hindi ako sumugal at hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon.

"Anak, alam kong matatag ka. Noong bata ka pa, nakikita ko na sa iyo ang katapangan. Hindi ka basta basta sumusuko. Anak, lumaban ka gaya ng dating kilala ko." Tuluyan akong napahikbi. "Pa, huli na. H-huli na ako para lumaban," nagsusumamo kong sabi. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Hush, hindi pa huli anak. Makakahabol ka pa, hindi ko man alam kung anong relasyon na meron kayo, dapat maipaglaban niyo iyun. Mahal mo siya anak at ganoon din ang nakikita ko sa mahal mo." Hinaplos-haplos niya ang buhok ko ng masuyo.

"Pa, natatakot ako. Natatakot akong mabigo," sumbong ko. Lumayo si papa sa akin at hinawakan ang mukha ko. Tinitigan niya ako sa mga mata, "Anak, hindi mo malalaman ang resulta kung hindi mo susubukan." Napakurap-kurap ako. "Sa pagibig lahat ay sugal. Kailangan mong sumugal para malaman mo kung siya na ba talaga o hindi..." Pinunasan niya ang mga luha ko at ngumiti.

"Normal lang ang masaktan kaya wag kang matakot. Normal lang din sa atin ang magmahal kaya hindi masama ang sumugal."

"Anak, kilala kita. Hindi ka basta basta nagmamahal at ayaw kong makita ka na sa huli sisihin mo sarili mo. . . .lumaban ka anak. Isa kang sundalo, ang mga sundalo hindi basta basta sumusuko. Magkamatayan man," pabiro niyang sabi sa huli. Tumutulo man ang luha ay nagawa kong ngumiti. Pakiramdam ko gumaan ang bigat sa dibdib ko.

"Salamat Papa." Napayakap ako sa kanya ng mahigpit.

"Oh ano pang hinihintay mo anak! Mag-impake ka na!" Napalingon kami ni papa sa pintuan at doon nakita ko si mama na nakapameywang. Napatawa na lang kami.

Ito na, buo na ang loob ko. Susugal ako. Lalaban ako. Para saan pa ang pagsusundalo ko na kung sa ganitong sitwasyon susuko ako.

Now, it's my turn because--once a soldier, always be a soldier.

I smirked.

Wait for me Mr. Mattson, walang sinuman ang maka-angkin sa apelyido mo kundi ako. Ako lang.

@Missloorh
 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro