The Unexpected Meteor #Pluma2018

The Unexpected Meteor #Pluma2018

290 132 7

[UNEDITED] Isang malaking tagahanga ni Amalaya, isang author sa Wattpad, si Jenny. Halos lahat na ng kwento sa Wattpad ni Amalaya ay nabasa na ni Jen, maging ang mga libro nito ay halos makompleto na niya.'Di na rin nakapagtatakang sa mga kwento rin ni Amalaya nanggaling ang paboritong karakter ni Jenny, si Mat. Kilig na kilig nga siya sa paraan ng pagpapakilig nito sa kaparehang si Winnie. Minsan nga'y naiinggit siya sa babaeng bida at hinihiling na sana'y siya na lang ang kapareha ng lalaki. Ngunit, 'di gaya ng ibang tagahanga ng mga fictional na karakter, iba si Jenny. Kung ang iba'y hibang na to the point na tawagin nang "asawa ko" ang mga bidang lalaki, mas hibang si Jenny. Maliban sa tawaging "mahal ko" si Mat, mayroon rin siyang sariling portrait nito na siya mismo ang nagpinta base sa pagkadescribe ng author, madalas din ay kinakausap niya ito na parang totoong tao nga. Sa sobrang pagkahibang sa lalaki ay nagawa niyang humiling sa isang shooting star, na 'di niya naman inakalang magkakatotoo.Samahan si Jenny sa pagharap sa lalaking nagmula sa ibang mundo, na bumihag sa kanyang puso noong karakter pa ito. Book Cover by: suhoberrie©2018…