CHAUVINIST 3: Run To You
Wala nang mapagpipilian si Dianne kundi ang sundin ang tama. Naghihintay lamang siya ng tamang tiyempo na takasan si Jericho at iyon sa araw mismo ng kanilang kasal. Suot ang wedding gown ay tumakbo siya palabas ng kaniyang silid at tinungo ang silid na nasa kabilang dulo. Sunod-sunod niyang kinatok iyon hanggang sa pagbuksan siya. Nakatakas man sa kamay ni Jericho ay pumasok naman siya sa buhay ni Leo. Ang kasunduang mayroon sila ang siyang magdadala sa kaniya sa panibagong yugto ng kaniyang buhay.…