Segunda

Segunda

5,630 500 5

De Avila Series #2Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? Book Cover by Bb. MariyaDate Started: September 21, 2024Date Completed: On Going…

Penultima

Penultima

87,155 2,016 10

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay?***Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan?Cover Design by Louise De Ramos…

To My Three Little Angels, Love Dad

To My Three Little Angels, Love Dad

31,261 1,463 3

Hershey's Philippines #ShareTheLove on Valentine's Day"All I want to say is that I love you, my three angels. You all mean the world to me." Love, DadBook cover by Binibining Mariya…

Duyog

Duyog

467,865 18,365 16

Ang Huling Serye.Following his tragic death, a young man from the past traveled to the future and met a girl who could see the way to the afterlife. Book cover: Binibining MariyaDate Started: Oct 03, 2022Date Finished: -----…

Socorro

Socorro

1,287,013 73,094 27

De Avila Series #1"Wattys 2022 Grand Prize Winner"Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorro from pursuing her dreams and passion for writing. Despite living in the 19th century, she believes women can also do great things like men. Being the next daughter to be sent off to an arranged marriage like her older sisters, she's now determined to create her destiny and break every single custom of what a woman was taught to do. She earns money by writing love letters as a ghostwriter. Everything seems to work according to her plan until she meets a young nobleman who can catch her lies and make her feel the love she thought only exists in books. Book cover design by @mariya_alfonsoLanguage: FilipinoDate Started: October 31, 2021Date Finished: June 18, 2022…

Hiraya (Published by Anvil Publishing Inc.)

Hiraya (Published by Anvil Publishing Inc.)

1,769,684 80,059 22

Ang Ikalawang Serye.Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabasa ng mga nobela. Isang gabi, sa huling sandali ng kaniyang buhay ay napagkalooban siya ng kahilingan - ang hiling na magdadala sa kaniya sa iba't ibang mundo ng mga paborito niyang kuwento sa tulong ng isang misteryosong lalaki na siyang sugo ng Buwan. Sa kanilang paglalakbay sa iba't ibang nobela ay naranasan ni Aurora ang mga bagay na hindi niya pa nagagawa at natutuklasan. At sa bawat araw na dumaraan ay hindi niya mapigilan ang hangarin na tuklasin kung sino ang misteryosong lalaki na walang pagkakakilanlan. Handa ba nilang harapin ang bawat kabanata na puno ng hiwaga? At ano ang kanilang gagawin sa oras na matuklasan nila ang lihim ng Buwan? HIRAYA is now available online at Anvil Publishing Store.…

Lo Siento, Te Amo

Lo Siento, Te Amo

3,426,539 171,144 37

"I'm sorry, I love you."Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affair. Following an accident that changed their life, will she be able to see Alfredo in a new light? Or do the memories from the past hold her back against her future with Mateo? To what extent someone can give up when it comes to love? "Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category"Book Cover by Bb. MariyaLanguage: FilipinoStarted: December 31, 2020Completed: August 9, 2021…

Salamisim (Published by Anvil Publishing Inc.)

Salamisim (Published by Anvil Publishing Inc.)

10,263,418 544,078 39

Ang Unang Serye."Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko."Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saaan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista?Date Started: February 29, 2020Date Finished: May 26, 2020Published by Flutter Fic/ Anvil PublishingAll Rights Reserved 2020…

Bride of Alfonso (To be Published by LIB)

Bride of Alfonso (To be Published by LIB)

4,865,008 191,622 31

"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category"Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika.***Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso?Cover Design by Precious Pages Corp./LIB BooksBook Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)…

Leo and Aries

Leo and Aries

4,015,966 149,957 46

Four high school students living in a world of complicated first love, dream and friendship. (year 1996)Note: Original Sound Tracks are available at the end of every chapter.Book cover by: @BinibiningMariyaDate started: June 12, 2019Date finished: April 17, 2020…

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)

126,386,735 2,685,704 56

Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwensiya at makapangyarihang gobernadorcillo. Itinadhana silang mag-ibigan na pinagtibay ng kasunduan. Nakatakda silang ikasal sa ika-dalawampung kaarawan ni Carmelita. Ngunit sa mismong araw ng kanilang engrandeng kasal ay binaril si Juanito. At hindi na nalaman pa kung sino ang may sala nito. Inakala ng lahat na doon na nagtapos ang kanilang masaklap na kuwento. Na gaya ng kanilang mga kaluluwa ay sumasalangit na rin ang naudlot na pag-iibigan nilang dalawa. Ang hindi nila alam, may ibang plano ang tadhana. The laws of nature will bend. After more than 104 years, Carmela, the fourth generation of the Montecarlos clan will be born on a leap year - sa parehong araw ng kapanganakan ni Carmelita. A short trip to San Alfonso for her 20th birthday will give her rebellious life a whimsical twist. Through a diary, she'll go back in time. And the Carmela of 2016 will meet Juanito of 1892.Next story to read after ILYS1892:1. Our Asymptotic Love Story2. Bride of AlfonsoBook Cover by: ABS-CBN PublishingStarted: June 01, 2016Completed: April 27, 2017…

Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)

Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)

32,409,257 823,784 48

Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing bumubuhos ang ulan at sa tuwing nakikita niya ang estrangherong naghahatid ng magkahalong saya at lungkot sa kanyang puso: si Nathan. Magagawa kaya nilang maitama ang pagkakamali ng nakaraan upang maiwasan ang trahedyang dulot ng bawal na pag-ibig na nagsimula pa noong una at nagpapatuloy kahit ilang siglo na ang nakalipas? O hanggang sa panahon bang ito ay hindi pa rin nila mababago ang nakasulat sa kanilang kapalaran?A story that will look back from its past and present. Will the lines connect them for the second time around? or Will history repeats itself? [Next: "Bride of Alfonso"]Date Written: May 06, 2017Date Finished: November 12, 2017…

Sirene (Published by ABS-CBN Books)

Sirene (Published by ABS-CBN Books)

5,789,282 185,249 22

May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene.Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II).Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017Date Finished: July 10, 2018…

Thy Love (Published by ABS-CBN Books)

Thy Love (Published by ABS-CBN Books)

8,233,439 302,401 36

Thy Series #1Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala.Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: FilipinoBook Cover by: ABS-CBN BooksDate Started: January 05, 2018Date Finished: June 05, 2019Completed.…

A Kidnapper's Mistake (Watty's 2020 Winner)

A Kidnapper's Mistake (Watty's 2020 Winner)

3,989,811 135,457 27

Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakamali kung tatakpan ito ng panibago pang pagkakamali? Namulat si Nightmare sa mundo ng digmaan at paghihiganti para sa katarunangan ng kaniyang mga magulang na walang-awang pinatay noong siya ay bata pa. Kasama niyang lumaki si Leon na siyang apo ng kanilang Commander at itinuturing niyang kapatid. Ngunit paano kung dahil sa isang misyon ay magbago ang takbo ng plano at maging ang kanilang mga kapalaran? Si Audrey ay isang reporter na puno ng prinsipyo sa buhay. Isang dalaga na may angking sikretong tinatago sa kaniyang pagkatao na hindi niya maaaring sabihin kahit kanino. Nang dahil sa isang pagkakamali ni Nightmare ay nagbago ang takbo ng buhay ni Audrey. Paano pa maitutuwid ang pagkakamali ng isang kidnapper na nahulog na sa bitag ng pag-ibig?Book Cover by: @WattpadBetaTeamDate Written: November 26, 2014Date Finished: December 07, 2018…