Ghost From The Past
An entry for RomancePH: 'Di Ba Ito Ang Iyong GHOSTo' (A BL Story)Sabi nila, huwag daw tayong matakot sa multo. Wala raw silang kakayahang manakit at nagpaparamdam lang naman sila. Ang mga tao raw ang dapat nating katakutan dahil maaari nila tayong saktan at patayin. Maaari ka nilang ilagay sa panganib, at higit sa lahat, maaari silang magdulot ng troma na dadalhin mo habang buhay kung hindi agad maagapan. Hindi ito gaanong pinansin ni Indigo nang una niyang marinig iyon. Ngunit nagbago ang lahat nang pumasok sa buhay niya ang kanyang unang kaibigan na si Jared. Noong una, kaibigan ang tingin niya kay Jared, pero nagbago ang lahat nang mahulog ito sa kanya. Hindi niya alam na ito pala ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. At naging alaala na lang na gumugulo sa kanyang isipan. Ang lalaking naging multo ng kanyang nakaraan.…