Chapter 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Leslyn P.O.V

Kadiliman ang pumalit sa matinding histeryang iyon sakin.

Matagal din akong nagitla.

Bakit, Taehyung?

Almost four years tayong magkasama, nagmahalan.

Nagplano tayo. Bakit ka nagpakamatay?

Bakit mo ako iniwan? Ano ang aking pagkukulang?

Why?

Bakit ganun na lang kadali na ewan akong mag-isa? Ang sakit Taehyung.

Sigaw ng isip  ko, Hindi na magiging bride at wife ng minamahal ko.

Hindi ako makapagsalita.

Ang pait ng aking hikbi  na nunuot sa kailaliman ng aking dibdib.

Ngunit dinig na dinig ko ang pag-uusap nina Yaya Mimay at Javemar kung ano ba ang talagang nangyari.

“Ayaw pong magpahatid sa boarding house si Taehyung, Yaya Mimay. Pinaubaya naman daw ni Councillor ang condo unit niya’t iniwan ang susi. Pero marami siyang nainom na beer at whiskey. Halu-halo. Naghanap siya ng papel at ballpen pagkatapos ay gusto na raw niyang magpahinga at pinauwi na kaming ilan na naiwan. Marami na po ang nakaalis. Pagdating ko po sa lobby ng condo ay...”

Pagsalaysay na nginig ang tinig ni Javemar tsaka tinuloy niya ang kanyang pagsasalita.

Bumagsak ang kanyang katawan sa kotseng nakaparada sa harap ng lobby ng condo. Nagkagulo na po.”

Taehyung, mahal ko. This can't  be happening. Hindi, Hindi mo magagawa ang... M-mag-suicide, There’s no reason. Wala akong alam na dahilan p-para gawin mo yun.

Ibig mong sabihin ay talagang nag-suicide ang kaibigan mo? Hindi n’ya magagawa iyon, Javemar.
May takot sa Diyos si Taehyung at wala akong alam na dahilan iho para gawin niya yun...”

“Penmanship niya po ito, Yaya Mimay. Di po ba?”

Napatango na lang si Yaya kay Javemar. Kabisado na rin nito ang sulat-kamay ng aking sinisinta dahil alaga niya ako.

At alam ko  na penmanship iyon ni Taehyung kaya  bumigay at nahimatay ako ng Wala sa oras.

Ang aking alaga.” Hagulgol ni Yaya  lalo na nang makita ang paghikbi at ng mahimasmasan na ako.

Ang aking kaawa-awang alaga. Buhay niya si Taehyung. Maganda ang kanilang mga plano sa buhay...”

Naramdaman ko ang haplos ng palad ni Yaya Mimay at ang pisil ni Javemar sa aking kamay.

Ang dalawang taong saksi sa aming pag-iibigan ni Taehyung.

“K-kung... alam ko lang po na meron siyang tangkang tumalon sa building, sana ay hindi na ako umalis. Kaya pala parang meron akong naramdamang kakaiba at gusto kong duon matulog at samahan S-siya...”

Unti-unting na ring nabasag ang tinig ni Javemar

“K-kung alam ko lang, Y-yaya Mimay... kung alam ko lang.”

Dumilat na ako, ang mga luha sa aking mga mata ay wala pa ring hinto sa pag-uunahan ng pagtulo.

Yumakap ako kay Yaya Mimay.

“H-hndi totoo ito, Yaya Mimay... A-alam kong panaginip lamang ito...
W-sabihin niyong panaginip lamang ito...I-isang masamang panaginip.”

At dun na talagang tuluyan bumuhos ang mga luha ko dahil sa bigat na aking naramdaman at mapagtanto na Hindi ito isang panaginip.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro