Chapter 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Reed P.O.V

"This is clearly an abduction," sentimyento ni Reed habang nakaupo siya sa service ng basketball team ng St. Joseph.

"No, it isn't," nakangising sagot ng katabing si Kevin,ang salarin kung bakit siya napasama ngayon doon.

Bigla na lang kasi siyang kinaladkad nito na sumama sa team para sa practice match ng mga ito sa St. Peter University laboratory School.

"You came with us on your own Free will."

"You abducted me."

"Hindi kaya!" tanggi nito.

"Come on,Reed. Ano bang ipinagsisintir mo? Practice game lang naman ito. Hindi konaman sinasabing sumali ka na rin sa team. Isa pa, sayang naman ang galing mo kung ang Court lang sa bakuran ninyo ang nakikinabang."

"I don't want to come with you."

"You're already with us,my friend," ngiting ngiting sabi nito.

"Gusto mo bang tumalon ako palabas ng van na to?" tanong niya.

"Gusto mo bang itulak pa kita?" Lalong lumapad ang pagkangisi nito.

Kung hindi kalang siguro kababata ni kevin at isa sa nga tinuturing na matalik na kaibigan ay baka ito na ang una niyang itinapon palabas nang van.

Tutal ang lalaki ang nasa tabi ng pinto. Talagang doon ito pumuwesto para daw hindi siya makatakas.

"I dont believe this," sumusukong sabi ni Reed, saka nagpabuntong-hininga.
"You'd better now."

Napailing na lang siya habang ikinakalabit ang earphones sa kanyang mga tainga. Talagang nakakainis ang sitwasyon niya ngayon.

Wala siyang magawa kundi ang maglaro para sa team nito. At Ayaw na ayaw pa naman niyang nakikihalubilo sa maraming tao. Sumasakit ang kanyang ulo.

"Okay, Guys, let's just do our best, okay?"bahagyang narinig ni Reed na sabi ng coach ng team bago niya itinodo ang volume ng disc man.

Hindi na niya kailangan pang marinig ng sermon nito dahil hindi naman talaga siya kasali sa team na iyon.

Nang isa-isang magbabaan ang mga kasama nila sa van ay nagpaiwan muna siya sandali.

Ayaw niyang sumabay dahil tiyak na pagkaguguluhan ang mga ito ng mga babaeng estudyante ng SPU-LS.

Nang makita na nakapasok na ang team sa South gate ay saka lang bumaba si Reed.

Ibinaba pa niya nang husto ang visor ng suot na bull cap para hindi makatawag ng atensiyon pero talaga yatang malakas ang pang-amoy ng mga estudyante roon___partikular na ang kababaihan___dahil may ilan pa ring sinusundan siya ng tingin. Sinipulan pa nga sya ng iba.

Grabe. Mahihiya sa mga ito ang mga kaibigan niyang hayok sa babae.

Daig pa ng mga ito ang mga dakilang manyakis sa paraan ng pagkatingin sa kanya. Pakiramdam nga niya wala na siyang saplot.

"Reed." Napalingon siya nang marinig ang boses ni Kevin.

Hindi niya kinibo ang kaibigan Bagaman huminto naman siya sa patungo niyang paglalakad. Hawak nito ang susi ng van na nilalaro-laro pa.

Mukhang may nakalimutang kunin doon.

"Hintayin mo na ako,Bro. May kukunin lang ako sa van," anito,saka siya nilagpasan.

Napansin ni Reed na dumarami na ang nakatingin sa kangyang mga estudyante kaya lalo niyang ibinaba ang visor ng suot na bull cap.

Halos itakip na nga niya iyon sa kanyang mukha. Ibinulsa niya ang isang kamay sa suot na jacket habang ang isa ay nakahawak sa visor ng kanyang sombrero.

Todo ang pagkatungo niya habang nakatayo at hinihintay ang kaibigan. Nang mahinaan niya ang volume ng kanyang disc man ay bigla na lang siya nakarinig ng kung ano.

"Hey!"

Nang lumingon si Reed ay biglang humalik sa kanyang mukha ang isang lumilipad na papel.

Tatanggalin na sana niya iyon kung hindi nga lang siya dinaluhong ng kung sino.

Diretso silang bumagsak sa sahig.

Nasapo ni Reed ang likod ng kanyang ulo dahil naramdaman niyang tumama iyon sa kung anong matigas na bagay.

Hindi na rin niya alam kung saan tumilapon ang suot na bull cap.

Hindi niya maintidihan pero parang hindi niya maramdaman ang sakit ng kanyang ulo dahil sa mas nararamdaman niya ang malambot at mainit na "bagay" na nakadagan sa kanya ngayon.

****


❤A/N: Next Update will be Kung Hindi napo ako Busy Just Stay calm everyone and wait for the next update thank you💖

Pls..follow me Guys for more stories to Come hehehe..Love You all

Don't forget to vote if You Enjoy Reading it.✨

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro