Chapter 28

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Vil P.O.V

"Siguraduhin niyong nakaseal ng maayos ang mga Paintings bago niyo ilabas ha... Remember, air tight dapat, make sure niyo rin na tama ang address nila para sa authentication certificate."

"Okay na okay na po, Miss Vil. Hinihintay na lang po ito nina Aile sa ibaba para mai-deliver na."

Sagot naman sakanya ng isa sa mga assistant nito sa Gallery na si Eden.

Tumango lang siya dito saka pinagpagan ang damit na nadikitan ng silicon na galing sa kamay niya habang pinapanood ang mga Gallery assistant sa pag-aayos ng mga nabiling paintings niya na isa-isang inilalabas mula sa storehouse ng Gallery.

The Exhibit they Heald was very Successful.

Nabili ang lahat ng gawa niya na isinama nila ni Christine sa Exhibit.

The people embraced her for the young artist that she is, and as expected, she met a couple of potential investors from they C. Ads company.

She should be happy and celebrating at her success.

Pero heto siya, manhid sa sakit na nararamdaman. Mariing kinagat niya ang ibabang labi nang muling maramdaman ang pagsaksak ng kirot na iyon sa kanyang dibdib dahil sa nalaman nito kanina-

"Miss Vilma, Hindi pa po ba kayu sasabay samin?"

Napakurap-kurap siya ng marinig ang boses ni Eden.

Bitbit pa nito ang Huling painting na inilabas nila. Mabilis naman na umiling siya, saka tumalikod dito.

"Hindi na. Mauna na kayo."

Humarap siya dito at ngumiti.

"Ahmm...Okay po. Sige po, Ma'am Vil, Bye po."

Pagkatapos magpaalam ni Eden tumalikod Uli siya sa Gawi nito.

She let out a deep sigh when she heard the door close shut behind her.

Being alone like this in the comfort of silence, saka lang niya napansin kung gaano kabigat at sakit ang nararamdaman niya.

How heart broken I was...

Napahikbi si Vil. Kanina, nang ipakilala sa kanya ni Camille, Si Reed bilang Fiance nito, Akala niya ay tatalikod na lang siya at tatakbo palayo sa mga ito na luhaan.

Kaya nga nagulat pa siya ng marinig ang sarili na nagsasalita.

She even offered him a handshake, as if it was really the first time they met.

Even Reed too at the other hand, didn't say anything. He just kept staring at her the whole time.

Kung paanong napanatili niya ang composure at pamamanhid ng kanyang puso ay Hindi niya rin alam.

Basta ang alam lang niya ng mga sandaling iyon, nasaktan siya at patuloy na nasasaktan sa kaalamang ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso, noon at ngayon, ay pag-aari ng iba.

"Bawal umiyak dito, mamalasin ang Negosyo."

Mabilis na pinahid ni Vil ang mga luhang naglandas sa mga pisngi niya ng marinig ang boses ni Christine.

Narinig niya ang malakas na buntong-hininga nito bago naramdaman ang marahang at magaan na kamay nito na tumatapik sakanyang balikat.

"So, is this the part where I comfort you or just simply kill the source of your misery? Cause, you know, that's what Best friend do."

Sa kabila ng pamimigat ng dibdib ay napangiti si Vil. Nilingon niya ang kaibigan.

"You can't do that even though you still can't kill him. Madudumihan ang bagong manicure mong kuko."

Nagkibit balikat lang ito.

"You're right. Maybe I'll just shoot him or something... Saka ko siya ibibitin na parang display sa art Gallery ko."

Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan ni Christine bago sumeryoso na humarap sakanya saka nagsalita.

"You know, you don't have to pretend when you're around me. I'll know what's your feeling right now, Vilma."

Malungkot naman na ngumiti si Vil at alam niya na seryoso ang kaibigan niya kapag binabanggit na nito ang tunay niya na pangalan.

"I know."

"You can Cry."

"No way, Ayoko nga. Lalaitin mo ako eh."

"True."

She chuckled.

"Ganito ba talaga ang ma-inlove? Kasi alam mo, Tine. Ang sakit eh..."

"Oo. Parte yan ng paglaki, eh...Wala kang kawala pag alam muna sa sarili at puso mona umiibig kana sa isang tao."

Tumingala si Vil para kahit papaano ay mapigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala sakanyang mga mata.

"You know, Tine. I hate this."

"I know."

"Can I... Be alone for a while?"

Nilingon niya ang kaibigan at nagpatuloy sa pagsalita.

"Don't worry, Tine. Hindi ako maglalaslas at magpapakamatay."

Imbes na matawa ang kaibigan niya Hindi nito pinatulan ang kanyang patawang na sinabi. Nanatili lang itong seryuso na nakatingin sakanya.

Alam niyang nag-aalala ito sakanya. She was, after all, her Best friend.

"I just need some time for myself, Tine. Ayukong humarap sa mga tao sa party na mukha akong nalugi na instik sa negosyo."

Saglit na tinitigan lang siya nito bago unti-unting tumango at marahan na ngumiti.

"Okay. But don't take too long, okay? Kung hindi, magpapadala ako ng Battalion ng NBI dito. And you know me too well that you know I'm not Joking, Vilma."

Napangiti naman si Vil.

Mukhang may mga gusto pa itong Sabihin pero sa huli ay bumuntong-hininga nalang bago tinungo ang pinto. Bago ito lumabas ay nilingon pa siya nito.

She assured Christine with a smile bago ito tuluyang lumabas.










This Chapter is Dedicated to: my Papa & Mama

A/N: Hello mga KabhebheLuvs thank you for the reads and Vote malapit na talaga tayo sa Ending... Short message lng muna para sa inyo... Don't forget to Vote!

Vote!

Vote!

Vote!

3 Chapters Left...

May God bless you all mga KabhebheLuvs stay safe love ko kayu thank you sa lahat, I'll appreciate all your support by reading this Story and hoping for the Votes...mwa!

-IvyreteJC/ IBEH

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro