Chapter 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

ONE Of these days...

Vil P.O.V

"Naman! Bakit ngayon kapa umulan? Hindi ba pwedeng mamaya na lang? Kapag nakauwi na ako?"

Asar na asar si Vil habang tumatakbo sa gitna ng ulanan. Hindi pa naman iyon gaanong kalakasan pero malaki na ang patak niyon.

Kagagaling lang niya sa opisina ng kanyang papa. Nagpatawag ito ng emergency meeting dahil sa adjustment na gusto ng isa sa malalaking kliyenteng hawak nila sa ngayon.

Her father still had to meet with a few people kaya nagpasya siyang mauna na. Sa malas nga lang, habang naglalakad siya pauwi, bigla na lang nangulimlim ang langit. At heto na nga siya ngayon, nakikipagpatintero sa malalaking patak ng ulan.

"Kung bakit naman kasi..." bulong pa niya habang patuloy sa pagtakbo. Mabuti na lang at wala siyang dalang sketch pad ngayon.

Kung hindi, tiyak na lalangoy o dikaya mababasa ang mga larawang iginuhit niya.

Patuloy si Vil sa pagtakbo ang dalawang kamay ay nakapatong sa ibabaw ng kanyang ulo para huwag iyong masyadong mabasa.

Bahagya rin siyang nakatungo kaya hindi na niya napansin ang lalaki kasalukuyang itinapat ang keyless entry sa sasakyan nito.

Huli na para umiwas siya. Diretso siyang sumalpok dito at pareho silang bumagsak sa tabi ng kalsada.





"Aww..."

Parang biglang huminto sa pagtibok ang puso ni Vil nang marinig ang boses nito.

Hindi rin niya, maipaliwanag ang reaksiyon ng katawan. Parang napakapamilyar na sa kanya ang init ng katawan ng lalaki.

"Aww-Darn it..."

Nang mag-angat siya ng tingin ay saka naman biglang bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan. At parang gusto niyang sampalin ang sarili habang nakatingin sa mukha ng lalaki.

He looked so damn familiar to her. At kahit siguro maduling siya, hinding-hindi niya maipagkakamali ang mukhang iyon sa iba.

Itinukod ng lalaki ang isang kamay sa semento. Siya naman ay bahagya nang nakaangat ang katawan mula rito kaya naman nang iangat din nito ang sarili mula sa semento ay halos magdikit na ang kanilang mukha.

Basang-basa na ito at tuloy-tuloy na rin ang pagdaloy ng tubig-ulan sa mukha nito.

Natigilan din ang lalaki nang mapatingin sa kanya. Nanatili sa Vil sa ibabaw nito habang nakamasid sa mukha nito.

He still looked the same. Nag mature nga lang ang hitsura. Lalo pa itong naging gwapo sa kanyang paningin.

He still had that brownish Hair. At dahil nabasa ng ulan, kitang-kita ang bahagyang kahabaan niyon. Ang katamtamang ilong, ang mamula-mulang balat, ang mapupulang labi... At ang mga matang iyon...

Ganoon lang din ang ginawa nga lalaki. Pinagmasdan lang siya. Nakilala ba siya nito? Naalala ba siya? Namumukhaan?

Napatili si Vil na bigla na lang hatakin nito. Gumulong siya sa gilid ng kalsada.

Narinig niya ang bahagyang pagmumura nito nang dumaan ang isang humaharurot na taxi at tumilapon ang mga naipon nang tubig-baha sa dako nila.

Mabuti na lang at itinago siya nito. Ito tuloy ang nabasa ng tubig-baha.

"Do you really have a habit of jumping at people?" naiiritang tanong nito.

"Jeez,Lady! Wala ka na bang ibang gagawin kundi daluhungun ako?

Oh, my God! Nakikilala nga siya nito

"Kilala mo pa ako?" Manghang tanong ni Pastel.

"Paano kita makakalimutan? Muntik mo na akong balian noon ng ribs, hindi ba?"

Tumayo na si Reed habang siya ay nanatiling nakasalampak lang sa kalsada at nakamasid dito.

Kahit nang magsimula itong maglakad papunta sa katapat na coffee shop ay nakasunod lang ang tingin niya. Parang gusto pa niyang mag-blush nang makitang lahat ng naroon sa coffee shop ay nakatingin sa kanya.

Mukhang kanina pa sila pinapanood ng mga ito. Napapahiyang piniga na lang niya ang laylayan ng kanyang suot na T-shirt.

Ni hindi man lang ako niyayang magkape man lang.
O, itanong man lang sana niya kung ayos lang ako, kung may nabali ba sa akin o kung buhay pa ba ako. And to think na namiss-miss kita nang husto?

Natigil si Vil sa ginagawang pagpipiga sa T-shirt nang lumingon si Reed.

Bakas sa mukha nito ang pagkainip. Naihilamos na lang nito ang mga kamay sa mukha, saka siya nilapitan.

"Ano'ng ginagawa mo?" Tanong nito.

"Ano ba sa palagay mo?" Pabalang na sagot niya.
Hindi na nga siya inasikaso, may gana pa itong pagsupladuhan siya?

"Pinipiga mo 'yan, ayaw mo namang umalis sa ulanan? Nasisiraan ka na ba?"

Biglang napahiya si Vil. Oo nga naman. Mukha nga naman siyang tanga na pinipiga ang basang T-shirt samantalang nakababad pa siya sa ulanan.

Muli siyang napasulyap sa mga tao sa shop. Nakatingin pa rin ang mga ito sa kanya habang may mga kakaibang ngiti sumilay sa mga kanikanilang mga labi.

Akala yata ng mga ito ay magnobyo sila ng nuknukan ng supladong lalaking ito at may Lover's Quarrel.

"Eh, paki mo ba? Trip ko tuh... Walang Pakialamanan."

Tiningnan lang siya ni Reed na para bang gusto nang magtanong ng: "Adik ka ba?"

"Oy, saan mo ako dadalhin? Ano ba? Bitawan mo nga ako!"

Pero hindi nito binitawan ang kamay niya. Hinila siya hanggang sa kotse nito, saka itinulak sa passenger seat.

Binuksan niya ang pinto sa kanyang tabi, saka umakmang lalabas. Pero bago pa man siya makalabas, nahablot na naman ni Reed ang kanyang braso, saka muling isinara ang pinto.

Nang tangkain uli niyang buksan iyon ay hindi na niya mabuksan.

O____O

Automatic Lock System!

"Saan mo ako dadalhin?" Asik ni Vil.

"Sa Motel," sarkastikong sagot ni Reed.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo,"

"Neither am I."

"Ibaba mo ako."

Hindi na ito muli pang kumibo. At ang initial reaction ni Vil ay Magwala. Aba, kahit ba sabihing na-miss niya ang lalaki, hindi pa rin siya dapat basta na lang sumama sa... Sa... Guwapong nilalang na ito.

"Ibaba mo sabi ako!"

"Shut up."

"I won't shut up! I dont want to shut up! Ibaba mo ako you... you...kidnapper, You!"

"Hindi kita kikidnapin."

"Eh, ano'ng tawag mo sa ginagawa mo?"

"I'm saving your life."

"Saving my what?" Hindi makapaniwalang tanong ni Vil.

Sa halip na sagutin siya ni Reed ay may kung anong dinampot ito mula sa backseat, saka iyon inihagis sa mukha niya.

Sisikmatan na sana niya iyo kung hindi lang nanuot sa kanyang pang-amoy ang pamilyar na bangong iyon mula sa kung anong nakatakip sa kanyang mukha.

"Huwag mong singhutin 'yan. Ibinigay ko 'yan sayo para gamitin hindi para amuyin."

Mabilis na hinablot ni Vil palayo sa kanyang mukha ang mabangong bagay na iyon. Nang tignan niya kung ano iyon, it was a black coat.

Kunot noong binalingan niya si Reed.

"Ano'ng gagawin ko rito?"

"Subukan mong nguyain."

Kung hindi lang nag-alala si Vil na baka madisgrasya sila nang wala sa oras, baka mabigti na niya ang lalaki gamit ang lintik na mabangong coat nito.

"Ganyan ka ba talaga?"

"Yan." Isinuot na rin niya ang coat nang makaramdam ng lamig ang kanyang mga kalamnan.

"Suplado. Masungit. Antipatiko." At mabango.

"Oo."

"You know, I think I'm starting to really hate You."

"Thank You."

Hindi na muli pang umimik si Reed kaya ganoon na lang din ang ginawa ni Vil. Ang kaso,hindi pa rin talaga niya mapigilan ang sariling hindi ito lingunin. She couldn't help but be amazed.

Hindi siya makapaniwalang muling nagkrus ang mga landas nila. Parang kailan lang, nakikipagtalo pa siya sa kaibigang si Christine tungkol dito. Not that he was in front of her...

"Saan ka nakatira?"

"Ha?" Bahagyang ipinilig ni Vil ang ulo nang marinig ang boses nito.

"Ang sabi ko, saan ka nakatira?" Ulit nito.

"Bakit?" He turned to her that bored look on his face. Napasimangot na lang siya. "Sa Marikina."

"Malayo rito ang Marikina. Wala ka bang ibang matutuluyan dito?"

Nasa kalagitnaan sila ng Ortigas at sinasagasa ang papataas na baha.

Puwede sana siyang tumuloy sa condo ni Abegail na isa niya pang kaibigan na kasamahan niya sa Trabaho sa kumpanya nila. Ang kaso, baka naroon naman ang boyfriend nito.

Ayaw naman niyang lumabas na istorbo sa paglalambingan ng dalawa.

"Ibaba mo na lang ako sa may LRT station. Kaya ko namang umuwi mag-isa. Salamat."

"Okay."

Ang akala ni Vil ay ibaba nga siya ni Reed. Nagulat pa siya nang lumiko ito at pumasok sa parking lot ng isa sa mga high-rise condominium doon.

Walang kahirap-hirap na ipinark nito ang sasakyan sa isa sa mga space na naroon, saka walang lingon-likod na bumaba.

Nanatili lang siyang nakakunot noong nakamasid dito. She was struck by a sense of déjà vu when he turned around with a knot on his forehead. Lukot na lukot ang mukha nito nang balikan siya.

"What the Hell are You still doing there?"

"Nagpipiko." Naasar na inayos niya ang coat na nakabalot sa kanyang katawan.

"Di ba, ang sabi mo ihahatid mo ako sa LRT station? Bakit dito mo ako dinala?"

Narinig ni Vil na bumuntong hininga si Reed bago binuksan ang passenger seat ng sasakyan.

"Look, nilalamig na ako at alam kong gano'n ka rin. Hindi ka rin sigurado kung may bumibiyahe pang LRT ngayon sa sobrang lakas ng ulan. Nakita mo ba ang kalsada? Ang taas ng tubig. Since wala ka namang ibang uwian, dumito ka na muna sa unit ko."

Iminuwestra nito ang elevator sa di-kalayuan.

"Ito na ang pinakamalapit at pinaka-safe na pwede mong puntahan sa mga oras na ito."

Diskumpiyadong tinignan niya ang lalaki.

"Pinaka-safe?"

Kitang-kita ni Vil nang umangat ang isang kilay ni Reed bago niya hinagod ng tingin.

Sa kabila ng pagkakabasa ng buong katawan ar lamig ng panahon, Biglang nag init ang kaniyang pakiramdam.

Heat cheeks felt like they were burning up.

"I'm trying to help here, lady. Besides, hindi ba dapat ako ang nag-aalala sa kaligtasan ko? Years ago, kamuntik mo na akong balian ng tadyang. Just a few hours ago, you almost did that again."

"Hindi ko nga sinasadya ang mga 'yon."

"Okay, so, pwede na ba tayong pumasok? It's getting really cold now."











"Pero-" Natigil si Vil sa Pagprotesta nang mapabahing siya nang sunod-sunod. Alanganin ang ngiting tiningala niya ang lalaki.

"May kape Ka ba Diyan?"








💖💖💖💖🌸🌸🌸
A/N:Salamat sa lahat nag hihintay sa pag update ng chapter natu...hope you enjoy Reading... Stay calm and wait for my Next Update.... Love you Guys😘....

Hello mga Ka bebeluvs Hahaha... I Just wanted to say thank You For the Support and Don't Forget to follow me For more stories. Just Visit My Profile Bebeluvs Thank You mwa! God Bless You All💖

-IJCWRITES

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro