Chapter 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

VIL  P.0.V

Halos hindi na humihinga si Vil habang nakatayo siya sa likod ng pinto ni Reed.

Kanina, habang tahimik silang sakay ng elevator ay nakabuo na siya ng konklusyon na nag-iisa lang ang binata sa unit nito.

Isinaksak na niya sa kukote na walang anumang malisya iyon. Pero ngayong nasa bahay na siya nito...

"You should take your clothes off."

Biglang lumipad ang tingin niya rito. Wala nang suot pang-itaas ang binata.

Sa halip ay nakasampay sa balikat nito ang isang puting tuwalya habang kinukuskos ang ang basang buhok.

Parang biglang tinambol ang dibdib niya nang mapagmasdan ang kabuuan nito.

He was not the bulky type. He had muscles in all the right places.

What did they call his type again? Lean? Yeah. He was lean, all Right. Lean and.
...SEXY

Napapikit si Vil nang mariin nang magsimulang humkbang si Reed palapit sa kanya.

She could hear footsteps closing in on her pero hindi pa rin siya dumilat. Ayaw niyang magkasala dahil lang sa alindog ng lalaking ito.

"You should really take those off."

Kamuntik nang lumuwa ang kanyang mga mata sa pagkakamulagat nang maramdaman ang hininga ni Reed sa harap mismo ng kanyang mukha.

Ganoon na lang ang shock niya nang makitang nakatayo na ang binata ilang pulgada lang ang layo mula sa kanya.

Nakayuko rin ito kaya ngayon ay magkatapat na ang kanilang mukha. She could see her own reflection in his clear brown eyes.

"A-ahm-"

Nahigit ni Vil ang hininga nang walang sabing itinukod ni Reed ang siko sa gilid ng kanyang ulo; His palm on her head.

Ramdam na ramdam niya ang init na ibinubuga ng katawan nito.

"Or, do you want me to help you?" Bulong nito sa kanyang tainga.

Biglang nanginig ang buong katawan niya nang hipan nito ang isang bahagi ng kayang leeg. Her body reacted on impulse.

Mabilis na yumuko siya, saka umalis mula sa pagkakakulong sa pagitan nito at ng pinto. Wala pang dalawang metro hinakbang niya pero hingal na hingal siya.


Malanding lalaki!

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Sikmat niya.

Dahan-dahang lumingon si Reed, saka nakahalukipkip na sumandal sa pinto.

"Trying to save your life yet again." He let out a bored sigh.

"Saving my life, my ass. Pinaghuhubad mo ako, tapos sasabihin mong you were trying to save my life? Nek-nek mo-"

Napakunot ang kanyang noo nang may ini-nguso nito ang kung ano mula sa kanyang likuran.

Nagtaka man ay nilingon pa rin iyon ni Vil. Wala naman siyang nakitang anuman o sinuman.

Asar na sisitahin na sana niya si Reed nang mahagip ng kanyang mga mata ang kung ano sa ibabaw ng armrest ng sofang naroon.

"Wala akong ibang kasama dito kaya wala tayong mahihiraman ng damit na pwede mong isuot kaya pagtiyagaan mo na muna ang mga yan." Anito nang lagpasan siya.

Ni hindi na siya nilingon pa ni Reed nang magpunta ito sa isang sulok ng unit na sa tingin niya ay kusina.

Nakasimangot na nilapitan niya ang mga damit na nakapatong sa sofa.

"Mayabang talaga. Akala mo naman naakit ako sa alindog mo. Conceited!"

Mahinang sigaw niya sa direksiyong tinahak nito kanina.

She even stuck her tongue out at him before marching towards the other direction.

Hindi naman siya inestima ni Reed nang maayos kaya bahala siyang magpagala-gala sa unit nito.

Kailangan na niyang maligo dahil talagang nanginginig na siya sa lamig.

Hindi naman nahirapan si Vil sa paghahanap ng banyo. Ang kaso, alam niyang hindi siya dapat tumuloy.

Dahil ang kaisa-isang banyo sa maluwag na unit na iyon ay nasa loob ng mismong kwarto ng binata.

Kitang-kita niya ang banyo mula sa pinto ng kwarto nito dahil nakabuyangyang ang pinto niyon. Sa halip na pumasok iginala niya ang tingin sa kabuuan ng silid.

Everything was in Black and White. Mula sa Bedsheets hanggang sa furniture. Itim din ang marmol na sahig.

"Typical guy's room," aniya.

Nagtatalo pa rin ang isip at puso ni Vil kung papasok ba siya para maligo nang makarinig ng mga palapit na yabag.

Wala sa loob napahakbang siya papasok sa kuwarto, saka isinara ang pinto. Sandaling pinakinggan niya ang nasa labas.

Mukha namang hindi doon nagtuloy ang masungit niyang tagapagligtas.

Oo na. Inaamin na niyang iniligtas nga siya ni Reed. Pero hanggang doon lang. Nunca niyang aamining naakit siya- kahit sandali lang- ng malupit na alindog na taglay nito.

Nang masigurong wala nang tao sa labas ay patiyad na pumunta siya sa banyo.

Guwapo.

Iyon ang unang salitang pumasok sa isip ni Vil nang makapasok sa banyo ni Reed. It was very clean and organized.

Mabango rin iyon kaya kahit sinong papasok doon ay natitiyak niyang ganoon din ang magiging assessment sa may-ari.

Hindi na siya nag-abalang pang isara ang smoked glass door ng banyo. Mabilis na hinubad niya ang lahat ng saplot, saka excited na tumapat sa ilalim ng mala-pizza sa laking shower na naroon.

She didn't know wht, but somehow, taking bath at Reed's place felt..... Special.

Nang maramdamang medyo nabawasan na ang panginginig ng kanyang katawan ay pinatay na niya ang dutsa. She saw a fresh white towel neatly folded on the small cabinet beside the door.

Mabilis na tinuyo niya ang sarili. Ganoon na lang kanyang pagngiwi nang maalalang wala nga pala siyang underwear.

Sinulyapan niya ang mga damit na pinahiram ng Briefs o Boxer nito.....

Right?

Maingat na pinagpag ni Vil ang mga damit na ibinigay ni Reed.

She found a loose white shirt na may tatak na "London Bridge" and a Pair of of white cotton pants. Inilapat niya iyon sa kanyang katawan.

Napangiwi siya nang makitang abot hanggang ibabaw ng tuhod niya ang T-shirt nito.

"I feel so... Small," napapailing na sabi niya.

Paanong hindi?

She already stood five feet and a half inches pero heto at para siyang isang sampung taong gulang na batang nagpipilit na isuot ang bestida ng nanay niya.

Wala sana siyang planong isuot iyon nang bigla na namang makarating sa malupit niyang pang-amoy ang kaayang-ayang bangong iyon.

Paano niya tatanggihan ang karismang iyon? Weakneds pa naman niya ang mabango.

Hay....... Napapalatak na lang si Vil nang isuot ang T-shirt.

Makapal ang Tela niyon kahit puti, kaya hindi masyadong aninag ang nonexistent niyang hinaharap. Good.

Solve na sa itaas. Napangisi siya nang mapayuko sa 'lower future' niya.

Paano niya sosolusyunan ang bagay na iyon? Alangan namang hindi siya mag-panty? Kakayanin niyang hindi magsuot ng bra.

Pero panty?

"Grrrrr." Wala siyang choice kundi ang manghiram ng 'pantakip' mula sa mga gamit ni Reed.

"No choice. Pasensiya na pero kailangan," aniya nang buksan ang isa sa mga drawer sa built-in cabinet na naroon.

Found ya. Nakangising itinaas niya ang isang checkered na boxers.

"Sabi na nga ba't na boxer boy ka." Napahagikgik na sabi niya.

Walang inhibisyong isinuot iyon ni Vil, saka isinunod ang malakurtinang cotton pants nito.

No, can't do. Masyadong malaki iyon. Siguradong lilipad siya hanggang subic sa oras na mahipan ng hangin kapag isinuot iyon.

Muli niyang binuksan ang cabinet ni Reed. She found a lot of slacks, and a few faded jeans. Nang mapatingin sa ilalim ng cabinet ay napangiti siya.

She found a few pairs of walking shorts on the lower shelves. Mabilis na kumuha siya ng isa at isinuot iyon ng hindi na tinatanggal ang butones o zipper.

Maluwag pa rin kaya kumuha siya ng isang garrison belt mula sa santambak na belts na nakasabit sa isang sulok ng cabinet.

"Okay, ah." Napatawang pinagmasdan niya ang sarili sa salamin.
"Mukha akong punkista. Trying hard nga lang. Nya-ha-ha!"

Hindi pa nakuntento si Vil. Nag punks sign pa siya sa harap ng salamin.

She even did some of those weird punk pose. Nasa kasarapan sya ng pagpo-pose nang may mapansing isang pigura mula sa hamba ng pinto.

Her jaw dropped when he saw Reed standing against the door frame while staring at her.

She froze in her "punk pose" nang magsimulang bumaba ang mata ni Reed mula sa kanyang mukha na alam niyang mukhang dina-diarrhea pababa sa kanyang leeg.....sa kanyang dibdib....sa kanyang- biglang napa-take two ito sa dibdib niya. ?

Sandaling napatitig ito roon na parang may hinahanap bago nangunot ang noo. He even had the nerve to tilt his head to get a better view of her.....

"Shit!" Mabilis na itinakip ni Vil ang mga kamay sa kanyang dibdib.

"Manyak!" Kitang-kita niya na umangat ang isang sulok ng mga labi nito bago siya tinalikuran.

What the Heck! He Did Smirk at me?!

Anak ka ng nanay mo, Reed! piping himutok niya bago nanggigigil na sinundan ang binata.

Hindi niya ito nakita sa sala kaya sa kusina siya dumiretso.

There, she found him contentedy leaning against the counter while sipping on his mug. Nagpupuyos ang kaloobang tumayo siya mismong harap nito.

Kasehodang mas malaki si Reed sa kanya, hinding-hindi niya ito uurungan. Wala itong karapatang apihin ang nananahimik na boobs niya!

"Hoy, Reed magkalinawan nga tayo." Tinapik niya ang noo nito nang hindi man lang siya sulyapan at umakmang hihigop na uli sa mug.

"Wag mo akong i-snub-in. Bubuhusan talaga kita ng kumukulong tubig."

Nandidilat na hinablot niya ang hawak na mug ng binata, saka ito kinuwelyuhan. Noon lang niya napansing nakabihis na pala ito.

"What?"

"Anong 'what'? You just insulted me back there!"

Nangunot ang noo nito pero nangingislap sa amusement ang mga mata ng binata.

"I don't remember ever saying anything against you. Rather, I never said anything to you-" Itinuro nito ang direksiyon sa silid.
"-back there. I was just watching you..... Do your stuff."

Parang narinig ni Vil na umusok ang magkabilang tainga niya sa sobrang kahihiyan.

Kung pwede lang sana malusaw at maglaho nang mga sandaling iyon gaya ng mga anime na pinapanood niya.

"Besides, wala naman akong ibang nakita," anito, sabay yuko at higop muli sa kape.

Wala sa loob na napasunod ang kanyang tingin sa tinutumbok ng mga mata nito.

Ganoon na lang ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi nang makitang sa dibdib na naman niya nakatingin ang binata.

"And Here I thought there were dot stains on my favorite shirt."

Gusto sanang depensahan ni Vil ang sarili. Gusto niyang ipaglaban ang karapatan ng mga "dots" niya pero wala siyang magawa.

The jerk had a point. But still......






"Ang yabang mo!" asar na sabi niya bago ubod-lakas na tinapakan ang mga paa nito. She saw him wince before she headed straight for the door.

















*******A/N*********

Stay Calm and Read The One that I Love my Heart Guys for more stories pls...Follow my account to motivate me to make more stories or update this next Chapter thank You For supporting this story this is the fisrt story I make Hope You like It Guys Click the Star Button For Vote Thank You😍💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro