Chapter 9

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Vil P.0.V

Nag-iinat inat si Vil habang sinusunod Ang ama sa paglalakad.

Kasalukuyan nilang dinadaanan Ang malawak na lobby ng Cuyos Advertising kung saan siya magtatrabaho.

Napabuntong hininga na lang siya nang muling masulyapan ang malapad na likod ng Ama.

Nang umuwi siya kaninang umaga ay inakala niyang Hindi na ito dadatnan pa sa bahay nila.

Kaya ganoon na lang Ang gulat niya nang abutan itong nakatayo sa labas mismo ng gate katabi ng pinakamamahal nitong Dobberman at mukhang hinihintay siya.

Nasabon siya ng husto ng kanyang mga magulang  dahil Hindi man lang niya naalalang tumawag ng nagdaang gabi para sabihing Hindi siya makakauwi.

Hindi sa gustong niyang mag-alala Ang mga magulang, Ang kaso, talagang nawala na sa isip niya Ang tumawag sa mga magulang na ipaalam na Hindi siya makakauwi.

Namula Ang mga pisngi ni Vil nang lumitaw sa kanyang isip Ang mukha ng lalaking magdamag niyang tinitigan.

Kinailangan pa niyang magsinungaling sa mga magulang Kung saan siya nagpalipas ng Gabi at Sino ang kasama niya.

Sigurado kasing malilintikan siyang lalo kapag nalaman ng mga magulang niya ito na sa Unit ng Isang Lalaki siya nagpalipas ng magdamag.

"Don't think for a second that I've forgotten all about this morning, young lady."

Napaangat ang tingin ni Vil nang huminto ang kanyang ama at hinarap siya.

"Hindi ka pa absuwelto. I'm still mad, You know?"

Nakangiting sumalubong  ng tingin ito sa Ama. Alam niya ang tonong iyon.

Gustong magpalambing ng kanyang ama.

"Pa, sinabi ko naman na Wala Kang dapat na ipag-alala di ba? Ree— Rechel is an old acquaintance. Masyado lang kaming nag-enjoy sa pagkukuwentuhan at pagkakamustahan kagabi kaya Hindi na ako nakatawag at nakapagpaalam sa inyo."

"Nakalimutan mong may mga magulang Kang naghihintay at nag-aalala sa'yo?"

"Pa, naman."

Umismid lang ito, tsaka siya inaakay papunta sa elevator.

"You can't blame us. Iyon ang unang pagkakataong Hindi ka man lang tumawag na Hindi ka makakauwi."

"Sorry." She gave her father  a bear Hug.

"Wag ka nang magalit papa. Pa! Promise, hindi na yon mauulit muli."

Her father sighed.

"Dapat lang. Ayoko nang mapagalitan ulit ng Mama mo."

Tuluyan ng napangiti si Vil. Alam niyang malaki ang tiwala sa kanya ng mga magulang niya—lalo na ang kanyang Ama.

But parents would always be parents, wika nga.

"So, Pa. What's this huge deal you were bragging about?"  tanong niya sa Ama habang nasa loob ng elevator.

Nangislap Ang mata nito.

"It's for Polaris. They want us to do the CM for their Newest line of watches."

Nanlaki ang mga mata ni Vil sa Ama tila di makapaniwala sa sinabi nito.

"You mean. The Polaris?"

"The One and Only." Ngiting-ngiti ang Ama nito nang makalabas sa elevator.

Polaris  was one huge catch. Kabilang ang natuturang kumpanya sa Top 100 sa buong mundo.

Kilala ito Hindi lang sa mga top class Hotels and Restaurants kundi maging sa mga usong Clothing Line at Jewelry and accessories ng mga ito.

Napakunot ang noo ni Vil nang may maalala.

"Pa, ang ibig mong sabihin, they want Cuyos Ads to their CM for them and not Villeza?"

Tukoy niya sa kalaban nilang kumpanya.

Hindi sa minamaliit niya ang kanilang kumpanya. Cuyos Advertising has proven it's worth a lot of times. 

Hindi man masasabing kasinlaki o kasinsikat sila ng Villeza Golden Ads ay hindi rin naman sila magpapahuli. They were, by far, in the top ten in the Country.

"Don't underestimate C. Ads, my dear."

Tatawa-tawang naupo ang kayang Ama sa Executive chair.

"Mismong ang bagong executive director ng Polaris ang tumawag  sa akin para sabihing gusto nilang tayo ang gumawa ng Commercial para sa bagong line nila. Sino ba ako para tumanggi?"

"Are you sure pa? It's from Polaris?"

Nagdududang tanong ni Vil. 

"Baka naman echoes lang iyan, Pa ha?"

"Nonsense." He waved his hand dismissively.

"I've already verified with Polari's main. This one's genuine catch."

Napatango Nala siya. Kung ganoon ay talagang kailangan nga talaga nito ng karagdagang tao.

Mabuti na rin pala na tumulong na siya ngayon pa lang sa kumpanya.

"So, kailan daw natin sisimulan Ang pag da-draft ng concept?"

"Well, that's for you too decide, Honey."

Nginitian naman siya ng Ama bago inabot sa kanya ang isang clear folder.

"You are now the head of this company's creative department. You will be in-charge of planning and drafting  Polaris CM."

"What?!" Gulat na napatayo si Vil.

"You're putting me in the front lines right off the bat?"

Pinagsalikop ng kanyang ama Ang mga kamay, saka sumandal sa executive chair.

"I've seen you work on paintings, Vil. And I must say, you have a lot of creativity. Lahat ng mga ginawa mo ay may buhay at nararamdaman Yun ng lahat."

Itinuro naman ng Ama nito ang isang painting na nakasabit sa ding ding.

"Nung una ko pa lang marinig ang tungkol sa Polaris, ikaw na agad ang pumasok sa isip ko."

"Kung gano'n, Hindi totoong nagkasakit si Kuya Gab?"

"No. Gabriel is really sick. Masyado na rin namang babad sa trabaho ang kinakapatid mong iyon kaya hindi na ako nagdalawang isip nang tuluyan na siyang manghingi ng leave."

Nagkibit balit ito, saka tinitigan sa mata si Vil ng ama.

"Besides, kahit hindi nagkasakit si Gabriel, I still would've asked for you."

"But—"

"I trust you, anak."

Gustuhin man ni Vil na makipagtalo pa ay hindi na niya magawa.

How could she? Her father trusted her. He had so much faith in her that she just couldn't turn him down

"Frankly speaking, I don't think I could pull this one off, Pa."

Dinampot niya ang clear folder, saka iyon binuklat-buklat.

"But, I'm still going to give it a shot. Basta, walang takwilan kapag pumalpak ako, Papa ha?"

Humalakhak lamang ang Ama nito.

"Nasa bansa ang executive director ng Polaris ngayon. Magkikita kami mamaya para sa Orientation at ilang proposals na gusto niya para sa CM."

Pinindot nito ang intercom. Mayamaya lang ay naroon na sa silid ang sekretarya nitong si Tita Nancy.

"Nancy, dalhin mo si Vil sa creative department. Ibilin mo siya kina Queen at Dave. I-remind mo na rin sila tungkol sa Orientation mamaya."

"Yes, Sir." Nakangiting binalingan siya nito.

"Welcome to C. Ads, Vilma."

"Thank you, Tita." Nakangiting binalingan ni Vil ang Ama.

"Kailangan ko rin bang sumama sa meeting mamaya?"

"Of course. You will be the working directly with them, Dear."


"Okay." Sumaludo pa siya sa kanyang Ama bago sila lumabas ng Opisina nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro