Prologue

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sa mundo di mawawala na may mga tao talagang mamumuno sa isang lugar o bansa para lang mapanatiling mapayapa ang lahat__ngunit di din natin maiwasan na may mga taong kokontra lalong lalo na't hindi nila nagustuhan ang mga patakaran. Kaya minsan nagkakaroon ng labanan dahil sa kanilang pinaglalaban.

"Demolish all the farms! Those Plebeian people, how dare them to have a courage to consume my patience. They're just nothing but dirt of this region! They are more stupid to dispute me!" King Theodore yelled out because of anger. Nakaupo ito sa eleganteng trono na may nanlisik na mga mata.

In Alvenian nation, there are three regions which are Zedon, Gatham and Hephit. Zedon led by the King Theodore is a largest region than the two. Only three region because this nation is the smallest nation around the world. The three kings who control each region are what we called Dominantist guild. These three kings agree on a decision to demolish all the farms in three regions. Hindi nila nagustuhan ang pamamaraan ng mga Plebeian kung paano ang mga ito magsaka.

Plebleian people are the lowest people who live in every region. They're doing their own way just to live kaya nagsasaka ang mga ito ng walang kahit anong tulong sa mga nakatataas. Madumi ang mga pamamaraan nila dahil nagsusunog sila ng mga bundok at lupain para lang pag taniman ng iba't ibang uri ng pananim. Nagputol din ito ng mga puno para lang gawing bahay at hindi sila nag-abala pang magtanim para pampalit sa mga naputol.

"But my king, even they're just a farmers they also have contribution of our daily lives" General aegis.

"Are you against the king's command General?!" Prime minister yelled with glaring eyes. Nasa harapan ito ng hari habang nakaupo sa kanang bahagi at may tatlo ding Ministro na kasunod nito. Ang iba pang tatlong Ministro naman ay nakaupo sa kaliwang bahagi sa tapat nila samantalang nasa gitna ang Heneral. Agad namang lumuhod ang Heneral sa harapan ng Hari at yumuko.

"I'm sorry my king, I'm not against to your command" General said with humility voice.

"We can take care of that thing General. We can have our daily lives with power not as their grime way. Hindi yung kung ano-ano nalang ang mga paraan nila sa pagsasaka! Our goal is to ameliorate this region hindi pabagsakin! We still in process but why they can't cooperate?" King said with full of authority. Tumahimik naman ang silid. Napahilot ng sentido ang hari dahil sumakit ang ulo niya sa mga nangyayari.

"My king, what if they won't let us to demolish their farms?" General asked. The King stopped massaging his temple.

"Then give them a deal. Bigyan natin sila ng sariling lupain para pag taniman. Magtanim sila sa maaliwalas at malinis na paraan. Bawat pamilya ng Plebeian ay bigyan ng tig-iisang klaseng binhi at ang kalahating aanihin nila ay mapupunta sa atin" King said.

"Saan naman tayo kukuha ng mga lupain mahal na Hari?" Tanong ng isang Ministro. Napaisip naman ang Hari at maya maya'y muling nagsalita.

"Kapag nakaalis na sila sa mga bukid, pansamantalang maninirahan sila sa mga lungsod at pag naayos na ang mga bukid. Ibabalik natin sila at paghati-hatian nila ang mga lupain ngunit kaylangan nilang susunod sa ating mga patakaran" Seryosong sabi ng Hari. Napatango-tango naman ang mga Ministro.

"What if they won't accept the deal?" Prime minister asked.

"If that the case, we will be force to demolish their farms with no exchange" King said seriously. Hindi nakapagsalita ang Punong ministro at nagtinginan naman ang ibang Ministro. Pagkatapos ng usaping iyun pinalabas ng Hari ang lahat niyang taga pagsunod.

Agad tinipon ng Heneral ang mga Sentinel para pumunta sa mga bukid. May tig-iisa silang mga kabayo at agad naman silang humayo. Dumaan sila sa Hudson city at lumipas ang dalawang araw bago sila nakarating sa unang bukid. Sumalubong naman sa kanila ang halos itim na paligid dahil sa sunog na lupang may mapapayat na mais. May palayan na walang ka tubig-tubig at makikita mong may mga bitak ang lupang tinaniman. May gulayan din ngunit napakatuyo itong tingnan. Mapaisip ka nalang na kulang talaga sa kaalaman ang mga taong nakatira rito.

General roamed his eyes at halos di siya makapaniwala na ganito kalala ang epekto ng maling pamamaraan ng mga Plebeian sa lugar. Kunti nalang ang nakita niyang mga nakatayong puno sa paligid. Wala itong kabuhay buhay kung tingnan. Marami siyang nakitang mga bahay na gawa sa mga kahoy, may luma at may bago pang tayo. Huminto silang lahat sa gitna ng mga bahay at maraming napatingin sa kanila. Madungis ang mga tao at ang iba may dala pang mga itak na parang kagagaling lang ito sa trabaho. Marami din silang nakitang mga bata.

Bumaba ang Heneral sa kabayo kaya bumaba din ang mga Sentinel.

"Magandang hapon sa inyong lahat! Naparito kami para sa kagustuhan ng Hari!" Malakas sabi ng Heneral at nilibot nito ang paningin. Nangunot naman ang mga noo ng mga Plebleian at may nagsilabasan narin sa mga bahay.

"Gusto ng Hari na itigil ninyo ang maling pamamaraan sa pagsasaka!" Dugtong ng Heneral dahilan ng pagkagulo ng mga Plebleian.

"Anong itigil? Amin ang lupain na ito! At kami ang magdedesisyon kung anong gagawin namin!"

"Kalokohan! Ito na ang kinagisnan naming pamamaraan kaya hindi niyo kami basta-basta mapapatigil!"

"Nabagot na ba ang Haring iyan para pakialaman kami?!"

"Hindi kami papayag!"

"Ito na ang hanap-buhay namin kaya hindi niyo kami mapapatigil!"

"Kumalma muna kayo! May magandang alok ang Hari para sa inyo!" Awat ng Heneral sa mga ito. Tumigil naman ang mga ito sa pagsasalita ngunit nanlisik parin ang mga mata.

"Ang sabi niya, bibigyan niya kayo ng sariling lupain para sa panghanap-buhay ninyo at bawat pamilya sa inyo ay makakatanggap ng tig-iisang klase ng binhi. Ang kalahating aanihin niyo ay mapunta sa mga nakatataas. Ang gusto niya lang na lisanin ninyo ang lugar na ito para maayos. Pumunta kayo sa palasyo para makuha ang alok ng Hari" Paliwanag ng Heneral ngunit mas lalo lamang nagkagulo ang mga Plebeian.

"Kalokohan! Hindi kami naniniwala sa inyo at sa Haring iyan! Ang sabihin niyo na gusto niyong kunin ang lupain namin!"

"Hindi parin kami papayag! Dito kami lumaki at dito din kami mamamatay!"

"Wala kaming tiwala sa inyo! Pareho-pareho lang kayong mga mayayaman! Mga sakim sa kapangyarihan!"

"At saan naman siya kukuha ng lupain para sa amin kung papaalisin niya kami sa lugar na ito?!"

"Hindi niya kami mabibilog kaya umalis na kayo!"

"Wala siyang alam sa hanap-buhay namin kaya wag niya kaming pangunahan!"

"Lumayas na kayo at wag ng babalik pa! Hindi niyo kami mga aso para mapasunod sa mga gusto ninyo!"

Nagtinginan ang mga Sentinel at sabay ang mga itong tumingin sa Heneral. Kulang na nga sa kaalaman ang mga ito, hindi pa naniniwala sa mga nakatataas sa kanila. Mataas ang mga pride kumbaga.

"Let's go, wala tayong mapapala dito" Malamig sabi ng Heneral at sumakay na ito sa kabayo. Sumunod naman ang mga Sentinel. Pinatakbo nila ang mga kabayo papunta sa kasunod na lungsod na kung tatawagin ay Rovan city at nag-iwan naman sila ng alikabok kaya napaismid nalang ang mga Plebeian.

Pagdating nila sa lungsod, nagpalipas muna sila ng gabi. When the sun rise, they immediately leave the city. Dumaan ang tatlong araw bago sila nakarating sa pangalawang bukid at agad pinahayag ng Heneral ang kagustuhan ng Hari ngunit ganun parin ang nangyari. May iilan ngang sumang-ayon ngunit mas madami ang hindi kaya bumalik sila sa kanilang dereksyon ng walang dalang magandang balita.

Umabot ng anim na araw saka sila nakabalik sa kaharian at agad namang tinahak ng Heneral ang pasilyo papunta sa silid kung saan ang trono ng Hari.

"Where are you going General?" Napahinto siya nang may nagsalita. He turned around and he saw the Prime minister. Agad siyang yumuko at lumapit naman ito sa kanya.

"Good morning Prime minister. I just need to see the king to disclose what happened of what he had commanded" Magalang sabi ng Heneral. Prime minister nodded but you can see the curiosity on his eyes.

"The king still sleeping, so you can't see him in his throne" Pahayag ng Punong ministro kaya nagtaas ng tingin ang Heneral.

"You can tell me what happened General and I will tell the king what is it" Dugtong nito na may seryosong mukha. Tiningnan ng Heneral ang mga mata nito bago nagsalita.

"They opposed the king's command" General said seriously. Napataas naman ang kilay ng Punong ministro.

"Impressive! They still have the guts to contradict the king's command even they're just a Plebeian" Naging komento nito at napahimas pa ito sa baba na parang nahulog sa malalim na pag-iisip.

"General did you still remember the exact command of the king?" Prime minister asked. Napaisip naman ang Heneral.

"He wanted us to demolish the farms, Prime minister" General answered.

"Exactly! Demolish the farms with no exchange. Force them to leave the place General" Prime minister said while grinning. General clenched his fists. First of all, the decision of the King is against to his will but he can't do anything because he just one of king's disciple.

"What if they will fight? What are we going to do Prime minister?" General asked.

"Then fight back General! Don't tell me humina ka na ngayon?" Prime minister mocked him.

"You're wrong Prime minister, please excuse me" Walang reaksyon sabi ng Heneral at yumuko ito pagkatapos umalis. Prime minister gritted his teeth dahil sa kawalang respeto ng Heneral. Kahit nagpaalam ito hindi parin iyun katanggap-tanggap sa kalooban niya.

Sa dalawang oras ng pagpapahinga ng Heneral muli niyang tinipon ang mga Sentinel at pinahanda niya ito ng mga gas. Sa isang oras ng paghahanda nila, muli silang humayo sakay ng kanilang mga kabayo. Umabot ng dalawang araw at gabi na silang nakarating sa unang bukid. Wala na silang sinayang na oras ay agad din silang gumalaw. Binuhusan nila ng mga gas ang bawat bahay habang tulog ang mga Plebeian. Tinapunan nila ito ng apoy at agad naman itong kumalap.

Pinagmasdan lang ng Heneral ang mga bahay na unti-unting nagsusunog at maya maya'y nakarinig sila ng mga sigaw.

"Ahhh sunog!"

"Tulong! May apoy!"

"May sunog!"

"Ang ating mga Anak!"

"Bilis! Lumabas na kayo!"

Sigawan ng mga Plebeian at ang iba napatalon pa sa bintana. Nagtulong tulungan ang mga ito para iligtas ang mga nakulong sa bahay. May iba namang napatingin sa mga Sentinel. Galit na galit ang mga ito at agad nagsikuha ng mga matutulis na kahoy sa gilid. May iba din ay nagawa pang kumuha ng mga itak.

"Mga wala kayong awa! Magbabayad kayo!"

"Mga kasama! Sila ang mga nag sunog sa mga bahay natin!"

"Mga walang awa! Mamamatay kayo!"

Galit na galit sigaw ng mga lalaking Plebeian at may iilan ding babaeng kumuha ng mga kahoy. Nag-iyakan naman ang mga bata.

"Alerto kayo! Labanan niyo sila kung ayaw niyong mamatay!" Utos ng Heneral sa mga Sentinel kaya agad din ang mga itong nagsihanda.

Sumugod ang mga Plebeian ngunit walang kalaban laban iyun sa mga espada ng mga Sentinel. Mas lalong nagkagulo ang lahat. May iilan ng Plebeian ang bumagsak sa lupa habang palakas ng palakas ang apoy. Sumali nadin sa pakikipaglaban ang mga babae ngunit mahina parin ang mga ito. Tumagal ng tatlong oras ang labanan at unti-unti namang namamatay ang apoy.

Nagpunas ng dugo sa labi ang Heneral habang humihingal. Puno ng dugo ang espada niya at pati na ang mga espada ng mga Sentinel. May iilang namatay na Sentinel at ang iba naitapon ito sa mga nagwawalang apoy kanina. Napilitan ang mga itong pumatay dahil maaaring sila ang mapatay kung hindi sila lumaban. Nakahandusay ang lahat ng Plebeian sa lupa at nag-iyakan ng husto ang mga bata dahil sa mga magulang nilang wala ng buhay.

Umalis ang Heneral kasama ang mga Sentinel at nagtungo sa kasunod na lungsod. Pagdating nila'y nagpahinga sila ng isang araw at naghanda muli ng mga gas. Gabi silang umalis sa lungsod at gabi din silang nakarating sa kasunod na bukid. Ganun parin ang ginawa nila at ganun parin ang nangyari. Nilisan nila ang bukid na puno ng iyakan ng mga bata ngunit may iilan paring matatanda na buhay dahil hindi naman ang mga ito lumaban kanina.

Nakabalik sila ng palasyo pagkatapos ng sampung araw at agad ibinalita ng Heneral sa Hari ang mga nangyari.

"What?! Nagpatay kayo ng mga Plebeian?!" Dumadagundong ang boses ng Hari sa buong silid kaya napayuko nalang ang Heneral.

"Forgive us my king, kami ang mamamatay kung hindi kami lumaban" Pakumbabang sabi ng Heneral.

"Stupid! Wala akong inutos na patayin niyo sila Heneral!" King snorted.

"Ngunit sabi ng Punong ministro na kapag lumaban sila ay lumaban din kami" Pagdahilan ng Heneral. Nanlisik naman ang mga mata ng Punong ministro.

"Wag mong pagbintangan ang Punong ministro ng ganyan Heneral!" Bulyaw ng isang Ministro.

"Hindi ko pinagbintangan ang Punong ministro dahil totoo ang sinabi ko" Depensa ng Heneral.

"Stupido! Ang inutos ko ay lumaban kayo pero hindi ang pumatay! Alam kong kaya niyo silang labanan ng hindi kaylangan silang patayin!" Hasik ng Punong ministro at napatayo ito sa galit. Mas lalo namang nagkagulo ang silid.

"Kung ganun walang kasalanan ang Punong ministro"

"Napakawalang galang mo Heneral! Ikaw lang naman pala ang may kasalanan ng lahat"

"Wag mong ilipat sa Punong ministro ang mali mo Heneral!"

"Tahimik! Tumahimik kayo!" Sigaw ng Hari kaya tumahimik naman ang mga ito at umupo muli ang Punong ministro.

"Heneral, wag kanang magdadahilan pa. Maliwanag pa sa araw na ikaw ang may sala ng lahat" Awtoridad sabi ng Hari.

"My king, I'm sorry. Please forgive  me" Kabadong sabi ng Heneral at agad itong dumapa sa sahig.

"Hindi mo maibabalik ang buhay nila Heneral kahit ilang beses ka pang hihingi ng tawad!" Galit na galit sabi ng Hari.

"My king may batas tayo na kapag nakapatay ang isang tao ay papatayin din ito para sa kabayaran" Sabat naman ng isa pang Ministro. Agad nagtaas ng tingin ang Heneral dahil sa gulat ngunit muli din itong nagbaba ng ulo.

"My king, if killing me is to ease your anger I won't hesitate to accept my death. Please kill me my king!" Pagmamakaawang sabi ng Heneral at makikita mo sa mga mata nito na disidido ito sa sinabi. 

"Kung ganun maghanap kayo ng iba na pumalit sa posisyon niya bilang Heneral at bitayin niyo ang lalaking iyan!" Walang pag alinlangan utos ng Hari sa mga Ministro at agad itong tumayo. Lumabas ito ng silid na puno ng galit ang puso. 

Lumipas ang ilang taon. Unti-unting umunlad ang tatlong region lalong lalo na ang Zedon. Ang ginawa ng dalawang Hari sa kanya-kanya nitong region para mapatigil ang mga maling pamamaraan ng mga Plebleian ay dinaan nila sa pananakot kaya napapayag ang mga ito sa utos.

Gayun pa man kahit magandang tingnan ang mga bukid ng Zedon ay di parin nawawala ang masalimuot na alaalang nakalipas. Gaya nga ng sinabi ng Hari, may mga Plebeian ng sumunod sa mga patakaran niya pagdating sa pagsasaka. Malinis at maaliwalas nga ang mga itong naghanap-buhay. Sa tagal ng pamumuno ni Haring Theodore nagkaroon ito ng sakit ngunit hindi iyun ang ikinamatay niya kundi ang isang krimen at kasama din nitong namatay ang Prime minister.

Ayun sa balita pinatay daw ang dalawa ng isang binatilyo ngunit nakasuot ito ng itim na maskara at itim na kasuutan. Nagulat nalang din ang lahat dahil sumunod din ang dalawang natirang Hari. Mabuting may mga Anak itong lalaki. Agad kinoronahan ang mga lalaking anak ng mga namatay na hari bilang kasunod na mga Hari ng tatlong region at sa araw na iyun ay ikinasal din sila. May bago na ding Punong ministro ang palasyo ng Zedon. Sa kanilang pamamalakad maraming mga krimen ang nangyari. Maraming namatay na Nobliener at ang iilan ay mga Sentinel din. Ang mga Nobliener, ito ang mga taong mayayaman na nakatira sa mga lungsod.

Nagbigay takot sa lahat ang mga nangyaring patayan. Naging isang malaking banta din iyun sa mga bagong namumuno sa bawat region. Dumating ang isang gabi, nagising nalang ang mga Hari sa kanya-kanya nitong palasyo dahil sa isang kaguluhan. May tig-iisang bangkay na nakabitay sa bawat tarangkahan at may karatula sa mga katawan nito na may nakasulat gamit ang dugo. 

If you're wealthy, we will dig for your grave.      
     
                                    Insurgenist guild

Dahil sa sulat na iyun nagbuo ang mga Dominantist ng isa pang guild. Ang guild na kayang proprotekta sa kanila. Bawat myembro dito ay sanayin sa pakikipaglaban at tinatawag itong,
.
.
.

The Redeemer

@Missloorh

Ang haba ng prologue natin haha.

I hope mag-enjoy kayo nito! Ti amo tanto muahh

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro