Chapter 1

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Destine's. P.O.V

I'm sitting right now to my swivel chair while holding my pen and my book. These things are magical. I bit my lip to think carefully. Marami kami dito sa loob ng gusali kung saan may kanya-kanyang desk. Madami pang gusali para sa mga kagaya ko. We are writers. Our duties is to write the destiny of each person on the other dimension. Our dimension called Wrilumbos, where the immortal writers live. Sa kabilang dimensyon naman na kung tatawagin ay mortal dimension, ang bawat taong nabubuhay doon ay ang aming mga obligasyon. Since they are fetus, their destinies are depends on us.

From our childhood, we're trained to write and deployed our knowledges. Our parents are the ones who helped us because it's their obligations. Si Lord Benedict ay siyang namumuno sa aming lahat. Kahit ni isa sa amin wala pang nakakakita sa kanya. Boses lang ang pinanghahawakan ng mga matataas sa amin kapag humarap sila sa mahiwagang libro kaya naging sunod-sunuran lang din kami. The magical book were placed to the palace's holy room. Hindi pa ako nakapunta doon dahil masyadong strict ang mga council.

Our golden rule is, don't fall to your subject.

I started writing since when I was twelve years old. My first subject was the last subject of my Mother. My mother died at the age of 290. She was being workaholic. Aside from monitoring her subject in every morning to 10pm, she did finish first her obligations of being wife at home before she slept. The reason of her death was karoshi death, overwork death. She got heart attack due to stress and starvation. She was also lacked of sleep. Kahit mga imortal kami, nagkakasakit parin kami at namamatay pero aabot kami ng 600 yrs old above kapag iingatan lang namin ang mga sarili. Magmukha lang kaming matanda kapag nasa 300 plus na kami. From now on, my Father is the only family that I have and he's now 399 years old. Siya si Rodolfo Danehills.

Nauna pang namatay si Inay kaysa sa subject niya kaya tinapos ko ang nasimulan niya hanggang sa namatay ang subject na 'yun.

Pagkatapos nun, agad nasundan ng isa. She was a girl, I wrote her destiny until she died. Lahat kaming writers pwedeng makipag collaborate for assurance at para din ang mga taong extra sa buhay ng subject namin maisulat din ang mga kapalaran nila. We can make our subjects to be the antagonist and make it protagonist at the end. Our subjects either protagonist and antagonist. Lahat naman ng tao may mapaglalagyan sa huli. Isa na doon na kapag naging kontrabida ka sa love life ng isang tao magiging bida ka din sa huli dahil makakahanap ka rin ng taong nababagay sa'yo. Well, the life of person has no thrill if there's no complications and paradoxes. But our plans may be going complicated when there's unfamiliar subject will interfere to the life of our subjects, lalo na't hindi namin kilala kung sino ang may hawak na writer sa subject na iyun. Sa dami ba naming writers, syempre hindi namin kilala lahat ng co-writers namin. Kung gaano kadami ang bilang ng taong nasa kabilang dimensiyon, mas lumamang pa kami. Syempre ang iba sa amin hindi nagsusulat kundi nagtatrabaho ng ibang trabaho, gaya ng pagiging guard, kasambahay, pagiging negosyante at iba pa.

By the way, I'm Destine Danehills. 100 years old. I have a blond hair and it has a green highlights, it's inborn. I aslo have a porcelain skin. My eyes are emerald. I won't deny that I am deadly gorgeous but no boyfriend since birth. I don't know why, maybe the boys has no nerve to interrupt my life. Well, I have a long life and I don't want to be rushed. Kung meron sanang nagsusulat sa destiny ko, hahanapin ko talaga kaso kami ang gumagawa ng destiny namin. We're free to choose and it's really hard. Choosing is the hardest thing to do.

Pwede namang maisulat ang kapalaran ko sa kauri ko but sad to say walang mag-aksaya ng panahon dahil lahat kami busy sa buhay ng may buhay. Mga pakialamera at chismosa kumbaga. Kidding aside. Trabaho talaga namin ang pagiging pakialamera. That's it. Let's go back on earth.

Napahawak ako sa sentido. Saan na ako hahanap ng subject? Luminga-linga ako at nakita ko naman si Daphnie na nakatutok lang sa magic mirror niya. Meron din akong ganun. Magic mirror is really necessary for us to monitor our subjects on the other dimension. Ang panulat at libro naman na kung susulat kami ay direkta iyun sa kapalaran ng subject namin kaya bawal kaming magkamali.

Si Daphnie Maureen ay ang makulit kong kaibigan pero may katarayan pag dating sa mga lalaki. She is 101 years old pero mas matured pa ang pag-iisip ko sa kanya. Masasabi kong may problema siya sa utak, masyadong nagandahan sa sarili at wala daw na lalaking nababagay sa beauty niya kaya tinaboy niya ang mga binatang nagtangkang ligawan siya. May narcissistic ​personality ​disorder yata ang babaeng 'yan.

Tumayo ako para puntahan siya sa desk niya. Pagdating ko sa kanyang likuran agad naman niya akong napansin. Tinaasan niya ako ng kilay kaya tinaasan ko rin siya ng kilay at agad naman itong ngumisi. Napairap nalang ako sa hangin. Wala palang binatbat.

"Amm hehe anong kailangan mo beshy?" May pag-alinlangan niyang tanong. I did fake cough and I leaned at the edge of her desk.

"May nabalitaan ka bang co-writers natin dito sa building na bagong mag-asawa ang subject nila?" I silently asked. Napahawak naman siya sa baba na parang may inaalala at maya maya'y lumiwanag nalang ang mukha niya.

"Oo, meron. Si Mrs. Selvia and Mr. Harry Quevas. And obviously they are partner. Then mag-asawa din ang mga subject nila. Ang cool!" Nasiyahang pahayag niya. Napatangu-tango nalang ako. 

"Sige hanapin ko lang sila" Paalam ko sa kanya at agad naman siyang tumangu-tango. Tinalikuran ko siya ang pumunta sa office ni Head. She is Delilla Rutherden, 459 years old and she is our Head writer to this building. Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok at bumungad sa akin ang tahimik na silid. Nilibot ko ang paningin at nakita ko naman si Head sa desk niya na busy sa mga papel.

Tumikhim muna ako para kunin ang atensyon niya at nagtagumpay naman ako.

"What can I do for you Ms. Destine?" She seriously asked. Lumapit ako sa desk niya at inalok naman niya akong umupo kaya umupo na lang din ako.

"Gusto ko lang malaman kung saan ang pwesto nina Mr. at Mrs. Quevas" I calmly said. She just nodded at hinalungkat ang mga papel sa harapan. May tiningnan naman siyang attendance at muling tumingin sa akin.

"Nasa first floor sila. Ika number 20 at 21" Tipid niyang sabi. Ngumiti ako at tumayo. Bahagya akong yumuko saka tumalikod.

Paglabas ko sa office niya agad akong bumaba patungong first floor. Nasa ika-apat na palapag kasi ang pwesto ko.

When I reached my destination, I immediately roamed my eyes. I started to walk while secretly counted each desk of my co-writers that I passed through. Huminto ako nang narating ko ang ika-dalawampung lamesa at nakita ko naman ang magandang babae na nakatutok lang sa magic mirror niya. Tiningnan ko naman ang kasunod nitong lamesa at nakita ko ang gwapong lalaki na nakatuon lang ang atensyon sa magandang babae. Napangiti nalang ako. Ang sweet naman.

Lumapit ako sa babae at tumikhim. Napabaling naman ang atensyon niya sa akin.

"Ahmm hi po" Bati ko dito at ngumiti naman siya ng matamis.

"Ano ang kaylangan mo Miss?" She asked in her characteristically modest way. I mentally shook my head. Nakakaantok naman ng boses niya. Ang hinhin.

"Nabalitaan kong bagong kasal ang mga subject niyo ng inyong asawa" Unang sabi ko at tumango naman siya.

"Pwede bang makipag collaborate? Gusto ko na kasing magkaroon ng subject muli. Pwede ba ang maging anak ng mga subject ninyo ang magiging subject ko?" I requested. I'm freaking desperate to have subject. I can get salary if I have one. Napalingon naman siya sa asawa niya at nakita niyang tumango lang ito. Muli niya akong binalingan saka ngumiti.

"Sige. Malapit din namang manganak ang subject kong babae na si Emmy. Naikasal kasi siya sa partner niya na buntis na kaya hindi kana mag-antay ng matagal. Ahmmm, isang lalaking sanggol pala ang nasa sinapupunan ng subject ko" Mahinahon niyang sabi. Nagliwanag naman ang mukha ko. Ang swerte ko talaga. Hindi na pala ako mag-antay ng matagal.

"Sige ho, thank you so much. Balitaan niyo nalang ako kung naipanganak na ang magiging subject ko. Paki pangalanan na ring Lucas, Mrs. Quevas" Nakangiting sabi ko. Ngumiti siya at tumango. She is free to manipulate the mind of her subject. By that way, she can insert the name that I suggested. Binalingan ko naman si Mr. Quevas at tinanguan ko ito kaya ngumiti naman siya. Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at nakangiting bumalik sa pangatlong palapag.

Pagbalik ko sa aking desk agad naman akong binalingan ng tingin ni Daphnie. Nakangiti siyang lumapit sa akin. She crossed her arms to her chest.

"So what happened?" She curiously asked.

"Soon makikita ko rin ang Lucas ko para isulat ang destiny niya" Nakakasigurado kong sabi. Nagningning naman ang mga mata niya.

"So buntis na pala at lalaki pa talaga?" She excitedly asked and she almost squeal. My forehead puckered to her reaction.

"And why? Is that really matters to you Daph?" I sarcastically asked and I almost leer at her.

"Eiiii syempre excited kong malaman kung paano gagawa ng destiny at magmonitor ang beshy ko ng lalaki hihihi" She giggled. Napailing-iling nalang ako.

"You're nuts. Umalis ka na nga. Tsupe! Baka napano na ang subject mo ngayon lagot ka talaga" Taboy ko sa kanya. Napanguso naman siya.

"Wala pa naman akong subject eh. Hinintay ko pa din. Tagal kasing manganak ng subject ng ka-collaborate ko" Sumbong niya sa akin.

"Gaga, ikaw kayang iire ng hindi pa naman manganganak. Masisiyahan ka kaya?" Pamimilosopo ko. Mas lalo naman siyang napanguso. Nagpapadyak siyang nag lakad pabalik sa desk niya.

Napailing-iling nalang ako at kinuha ko ang mga gamit para makaalis. Uuwi muna ako ngayon, total wala pa naman akong subject. Nagsimula akong naglakad at agad namang umepal si Daphnie.

"Beshy saan ka pupunta. Uuwi kana?" Tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot at nagpatuloy sa paglalakad.

"Wait! Antay! Sasabay na rin ako" Sigaw niya at wala sa oras akong naglibot ng tingin. Gaya ng inasahan ko, nakatingin na ang lahat kay Daphnie. Crap! This girl is really stupid.

Nanliit ang mga mata ko. Agad kong nilapitan ang walang-hiya kong kaibigan at binatukan. Napadaing naman siya.

"Bakit ka sumigaw? Gaga ka ba? Tingnan mo, nadisturbo tuloy sila sa boses mong parang palaka" Sita ko sa kanya at agad naman niyang naitikom ang bibig. Dahan-dahan naman siyang tumingin sa paligid. Napalunok siya at nag-alinlangang ngumiti. Napailing-iling nalang ako nang nagpeace sign siya.

"Tayo na nga" I said and I grabbed her wrist.

"Aray naman beshy! Grabe ka ah, baka hihiwalay 'tong braso ko dahil sa hila mo. Be gentle naman" Protesta niya pero hindi ko siya pinakinggan at dinala ko siya sa tapat ng office ni Head.

Papasok na sana kami nang hindi na siya nagpahila pa kaya nilingon ko siya. Nangunot ang noo ko dahil namutla ito.

"Oh bakit ka namutla dyan? Tinakasan ka ba ng dugo? Hinabol mo sana para hindi ka magmukhang multo dyan" Pinal ko at namaywang.

"Beshy h-hindi mo na ba ako m-mahal? H-hindi ko naman 'yun s-sinadya kanina ah" Utal niyang sabi na mas nakapagpangunot ng noo ko.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Takang tanong ko.

"Diba nadisturbo ko ang co-writers natin kanina tapos ito tayo ngayon nasa office ni Head para isumbong mo ako. Beshy wag naman oh, ayaw kong maging suspended for one year" Pagmakaawa niyang sabi at pinagdikit ang mga palad. Nanliit ang mga mata ko at agad ko siyang binatukan.

"Aray! Kanina ka pa ah! Nakarami kana" Reklamo niya at napahimas sa kanyang batok.

"Seriously? Di lang pala dugo mo ang nawala sa'yo pati na pala common sense mo. Naku, malala kana. Hala sige, go. Run for your sanity. Chase your blood and your common sense, you moron__siguraduhin mong mahabol mo ah para di kami magkakaproblema" I said problematically and I swished my hand to prompt her to go.

"Beshy naman. I'm serious" Nakangusong sabi niya. I leered at her.

"Malala kana talaga. Halika na nga. Di kita isusumbong. Mag papaalam lang tayong mag off na, okay? And please stop being levity" Sabi ko. Para naman siyang nabunutan ng tinik at nahihiyang ngumiti.

"Hehehehehe ganu'n ba. Di mo naman agad sinabi eh" Nag-alinlangan niyang sabi at napakamot pa sa batok.

"Nanisi pa. Ikaw naman itong nag-overthink. Lika na nga" Sabi ko at hinila siya papasok. Pagpasok namin nadatnan naman naming nag-ayos na ng gamit si Head. Parang aalis yata. Napalingon naman siya sa amin kaya umayos kaming dalawa.

"Oh anong kaylangan niyo?" Tanong niya habang iniisa-isang dinampot ang mga papel.

"Mag off na po sana kaming dalawa. Wala pa naman kaming subject na kaylangan i-monitor" Magalang kong sabi. Napatingin naman siya sa kung saan na parang may inalala ngunit agad ding tumingin sa amin.

"Osige, para naman makapagpahinga kayo. Maaari na kayong lumabas at makaalis narin ako. May meeting pa kaming mga Head" Nagmamadaling sabi niya at tumango naman kami habang nakangiti. Lumabas na kami ni Daphnie at nagtungo sa elevator, a vintage elevator. Well, we are gradually imitated the modern era from the other dimension.

NAKALABAS kami ng building at nagpaalam na kami sa isa't isa. Sumakay ako ng kalesa dahil hindi ko dala ang bisikleta ko. Tanging bisikleta, kalesa at train lang ang meron kaming sasakyan dito. Ang iba mas pinili nalang ang maglakad.

Huminto naman ang sinakyan ko sa tapat ng bahay. Bumaba ako at agad nagbayad. Pagpasok ko sa bahay agad akong dumeretso sa kusina. Kaylangan ko magluto para may makain ako. Wala kasi si Papa dito, nasa trabaho niya dahil may subject naman siya. Agad naman akong nakapagluto kaya kumain na ako. Afterwards, I went to my room. I placed my things to my desk and I lie down on the top of my bed. I sighed because of tiredness. Wala talagang katapusan 'tong ginagawa namin. Gusto kong huminto nalang pero hindi pwede. Ayaw kong mag-antay lang ng grasya, gusto kong ako ang hahanap nun. Kami nalang ni Papa ang naiwan kaya kaylangan naming magtulungan.

Pumikit ako at maya-maya'y hinila ako ng antok. Just for this time, matutulog ako ng mahaba. Laki na kasi ng eyebags ko.

@Missloorh

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro