Chapter 15

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Destine's P.O.V

"Why you're here anyway?" Pag-iibang usapan ko at naging malikot ang mga mata dahil naiilang ako sa nakadisplay niyang katawan. Pinilit ko rin ang sariling wag magpadala sa naramdaman ko ngayon.

"Put ointment to my bruises" He seriously said and he let go my hand. Napatangu-tango ako.

"Ah ang galing ng timing mo 'no?" Puno ng sarkasmong sabi ko. He just hissed.

"Diba nalagyan ko na 'yan kanina?" Irita kong sabi.

"I took a bath" I leered at him and I went to the bathroom. Kinuha ko ang first aid kit at binalikan siya. Umupo ako sa harapan niya.

"Talikod" Utos ko at sumunod naman siya. I took a deep breath before I started treating his bruises with ointment and it took thirty seconds.

"Alright, all done" I said. Nilingon niya ako at pinilit na makita ang likod niya.

"Don't worry, nilagyan ko lahat" Pag-tataray ko. Para kasing walang tiwala sa akin. Gigisingin niya ako para magpagamot tapos wala din namang tiwala? Gago lang.

"Lumabas ka na nga lang. Nababangasan ako sayo. Patulugin mo na ako, okay?" I hissed and I barely pushed him.

"Okay, okay. I'll go out. I don't want to stay here for long too. There's no sense" Napamaang ako sa sinabi. Wow, just wow. Could he just thank me instead? Not treading my pride. Para lang ding sinabi niya na hindi ako kawalan. Hindi ako maganda para panghinayangan. Kainis!

"Umalis ka na! Dami pang satsat" Asar kong taboy sa kanya. Lumabas siya sa kwarto ko ng wala man lang pasalamat kaya mas kumulo ang dugo ko. Ang Lucifer na 'yun. Ibabalik ko talaga siya sa sinapupunan ng mommy niya.

Pabagsak akong humiga sa kama at huminga ng malalim.

"It's alright Destine. Calm yourself and sleep" Sabi ko sa sarili at pinilit ngumiti ng maluwag saka ipinikit ang mga mata.

NAPANGITI ako sa pagbangon. Ang ganda kasi ng panaginip ko. Pinapahirapan ko raw si Lucas hanggang sa namatay. Pinukpok ko daw siya ng kaldero, kutsara at plato. I feel dissapointed at the same time. Sa dami-daming pwedeng gamitin pang torture ang mga 'yun pa but it's alright. At least I managed to kill him in my dream.

Maaliwalas ang mukha kong pumunta ng banyo at pakanta-kanta pang naligo. Pagkatapos bumaba ako para makapagluto ng agahan. I managed to finish it in twenty minutes. Pumunta naman ako ng itaas para tawagin sila ngunit nakasalubong ko si Tita.

"Good morning Tita, breakfast is ready" Nakangiti kong bungad sa kanya. She smiled back.

"Good morning Destine" She greeted and I nodded.

"Pupuntahan ko lang si Lucas" Paalam ko at nilampasan siya.

"No need, nagpaalam siya sa akin kanina na may Flight daw siya papuntang Las Vegas" Napatigil ako doon. May flight pala siya. Di man lang nagpaalam sa akin. Well, sino ba naman ako sa kanya?

Nilingon ko si Tita na may ngiting pilit.

"Tayo na Tita" Yaya ko at sumang-ayon naman siya. Three days passed, I feel so empty. I don't know why I feel this way. Dinaan ko lang ang lahat sa gawaing bahay. Busy rin si Tita sa restaurant niya.

I heavily sighed while eating popcorn. I'm watching comedy movie but I can't even smile. Napanguso ako. What's happening to me? Pumintig ang tenga ko nang narinig ko ang doorbell ng pinto. Umaliwalas ang mukha ko at dali-daling tumayo. Patakbo akong pumunta sa pinto at mabilis inayos ang sarili. Tumikhim ako bago binuksan ito ngunit bumagsak ang mga balikat ko dahil hindi ito ang taong inaasahan ko.

"What are you doing here?" I irritatingly asked her. Why she's here? Dapat sa ganitong oras nagtatrabaho siya sa Fellan restaurant as a manager.

I raised my eyebrow because of her face. Para siyang nakakita ng multo. Bilog na bilog ang mga mata niya.

"W-why you're here?" Takang tanong niya at kumurap-kurap.

"Because I live here" I answered and crossed my arms to my chest. Her jaw dropped.

"Why?!" She yelled. Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Gaga lang, siya pa ang may lakas manigaw?

"None of your concern" Naalibadbaran kong tugon. Namaang siya ulit.

"Where's my Lucas?" My jaw dropped and I look at her from head to toe. She's wearing red dress. Hapit ang hubog ng katawan niya. I knew it, she's here because she want to flirt him.

"Nah-uh he's not yours girl, he's mine and no one can own him except me. You're nothing to me so fuck off" I possessively said and I gave her a death glare. Napatanga siya at napaatras ng kunti.

"Really?" My eyes widened because of that voice. Mabilis akong napatingin sa unahan at nanlamig nalang dahil sa nakangising mukha ni Lucas. No! No. My god. Nilukob ang buong pagkatao ko ng hiya.

"Lucas!" Nabalik ako sa sarili dahil sa tinis ng boses na iyun. Napakurap-kurap ako dahil nakalingkis na ngayon ang higad sa braso niya.

"Lucas, can we go out?" Malandi nitong yaya kay Lucas. Nag-init ang dugo ko.

"Hmmmm I'm not tired but maybe later" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tugon niya ngunit di niya tinapunan ng tingin ang higad. Nasa sa akin lang ang mga mata niya na parang nag-aabang sa reaksyon ko.

"Really? Oh my god! I knew it! You like me too" Kinilig naman ang higad na parang bulateng niligo ng abo.

Nandilim ang paningin ko at nilapitan silang dalawa. Pinalo ko ang kamay na nakalingkis sa braso ni Lucas at hinila siya papunta sa likod ko. Dinuro-duro ko ang malanding babae na ngayon nagulat sa ginawa ko.

"You're just dreaming girl, he didn't say yes and he don't like you so get out! If you'll come back I'll crush your bones into pieces!" Galit kong banta sa kanya na kinalaki ng mga mata niya at kumaripas ng takbo. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Marahas kong nilingon si Lucas at nakita ko naman ang pagpipigil niyang matawa. Pabagsak kong binitawan ng braso niya. He winced.

"Ikaw! Nang-aasar ka ba?! Pumayag ka pa sa gusto ng malanding 'yun kahit pagod ka" Nangangalaiti kong singal sa kanya. He bit his lip to resist something.

"I was just bluffing, okay?" Aniya at pumasok sa loob. I hissed and I followed him.

"Are you hungry?" Tanong ko sa kanya habang papunta siyang hagdanan.

"I am" Napangiti ako.

"Sige, ipagluluto kita" Saad ko at nagmamadaling pumunta ng kitchen.

Ngiti-ngiti akong nagluto ng makakain at napahinto nalang nang may napagtanto ako. Why I'm happy? God, this is ridiculous.

Pinagpatuloy ko ang pagluto ng kari-kari at chopsuey with pork hanggang sa natapos. Naghain naman ako sa lamesa pagkatapos pumunta ako sa itaas.

"Lucas! Labas na! Kakain na tayo" Tatlong beses akong kumatok saka niya ako pinagbuksan. Basa ang buhok niya at nakasuot lang siya ng puting T-shirt at short gray.

"Let's go" Nakangiti kong yaya at naunang naglakad.

"You seems happy. What makes you happy tintin?" Napatigil ako dahil sa tanong na iyun at sa pangalan na itinawag niya sa akin. My heart skipped. Nilingon ko siya.

"W-what did you call me?" Halos mautal kong tanong. He smiled that made my heart beats widly. My jaw dropped.

"Tintin, is it bad?" He gently asked and he caressed my cheek. I felt electricity ran through my veins. Our eyes met. Para akong nakaharap sa dagat at maituturi ko itong isang paraiso. I could see the admiration to his eyes. I gulped and I blinked several times.

"N-no, it's not" I'm stuttering that's why I stepped backward. Naglakad ako muli na parang nasa ulap. Lutang ako sa nangyayari. Tintin? It's cute. I like it especially from him.

"So why are you happy Tintin?" He asked again.

"Because you're here" Wala sa sarili kong tugon.

"Really?" Nabalik ako sa wisyo at agad nanlaki ang mga mata.

"Hindi! I mean_yes because I'm not alone anymore. Yes, that's it. This mansion is too big for one person" Nagkandaugaga kong palusot at kinagat ang labi. Traydor talaga ang bibig ko kahit kailan. Kainis.

Dali-dali akong bumaba at iniwan siya. Nakakahiya talaga, bwiset!

Tahimik kaming kumain ngunit naiilang ako dahil kapag ngumunguya siya titig na titig ito sa akin na parang nagbabalak na kainin akong buhay. God, that's terrible.

"Why?" Di ko na napigilan ang magtanong.

"Can I eat you?" Napaubo ako dahil sa sinabi niya. Sabi ko na nga bang cannibal ang lalaking 'to. Napahawak ako sa lalamunan dahil bumara doon ang kinain ko. Mamamatay na yata ako nito. God, I can't breath.

"Here, drink this" Inabot niya ang tubig habang hinihimas ang likod ko. Di ko man lang namalayan na nakarating na pala siya sa likuran ko. Nilukob ako ng kaba. Imbes abutin ang tubig mabilis akong tumayo at parang kidlat na lumayo sa kanya. My god, ayaw ko pang makain ng buhay.

Akmang lalapit siya sa akin kaya agad ko siyang dinuro ng tinidor para hindi makalapit habang hawak hawak ang lalamunan. Pilit kong lumanghap ng hangin habang dilat na dilat ang mga mata. Jusko po. Tulong!

"Tintin! You need to drink some water dammit" Tumaas ang boses niya habang may naguguluhang mukha at pilit lumapit sa akin kaya umatras ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis niyang hinawi ang kamay ko at mabilis niya akong kinabig kaya tumama ang katawan ko sa katawan niya na kinalunok ko ng sapilitan. I froze. Agad tumulo ang luha ko dahil sa sakit ng aking lalamunan.

"Ang sakit" Namimilipit kong sabi.

"Here, drink this" Wala ng pag-atubili kong ininum ang tubig habang umiiyak sa sakit. My god, parang nasugatan ang lalamunan ko. Ang sakit.

Kinuha niya ang baso sa kamay ko at niyakap ako ng mahigpit. Napasubsob nalang ako sa dibdib niya. Akala ko mamamatay na ako.

"Damn Tintin, you scared me to death" Narinig kong bulalas niya at hinawakan ang ulo ko. He kissed my head that made me close my eyes. His warmth body gave me a best comfort. I felt like I'm safe. That I'm secured. Paano ko naisip na ang lalaking ito isang cannibal? Shame on me.

"Are you alright?" Mahina niyang tanong. Tumango ako. God, he smell so good. Pasimple ko siyang inamoy-amoy. So addictive.

"Tintin, stop sniffing me. You're making me hard" Napatigil ako sa bulong niya. Agad akong humiwalay sa yakap niya at nahihiyang ngumiti.

"Hehehehe sorry" Naiilang kong paumanhin at umupo muli. Nagsimula akong kumain ng walang tingin-tingin sa kanya. Nakakahiya.

DUMATING ang gabi hindi nakauwi si Tita dahil sa dami ng customer kaya doon nalang daw siya matutulog sa restaurant.

Bago ako tumihaya sa kama naligo muna ako at nagsuot ng itim ng nightdress. Matutulog na sana ako nang may kumatok sa pinto. Napairap ako saka bumaba sa kama. Pinagbuksan ko ito at bumungad naman sa akin ang walang saplot na si Lucas. Kidding. Naka-short pa rin siya.

"Anong kailangan mo?" Napatanga nalang ako nang walang pasabi-sabi siyang pumasok na parang walang narinig.

Lumapit siya sa kama ko at pabagsak dumapa doon na parang nanlalantang gulay. My jaw dropped and I blinked my eyes. What's happening? What he's doing?

"Hey! Hey! Hey! What do you think you're doing?" Tanong ko sa kanya habang dinuro-duro siya.

"I want massage" He muttered and groaned. Napakurap-kurap ako. He want massage? Pumunta ba siya dito para magpamasahe? Gago, anong akala niya sa akin masahista?

"Kung gusto mong magpamasahe pwes! Nagkamali ka ng pinuntahan. Labas!" Taboy ko sa kanya at tinuro ang pinto. Dumaan ang ilang segundo wala pa ring lumabas sa pinto. I pursed my lips. Muli ko siyang tiningnan at ganun pa rin ang posesyon niya.

"Titin I need massage. You're working here so do what I say" Napamaang ako. This asshole is demanding.

Wala akong nagawa kundi umupo sa tabi niya. I took a deep breath before I placed my hands to his back. Napakagat ako ng labi dahil sa kakaibang init ng balat niya. Damn, parang hinihimok ang kalamnan ko. Nagsimula kong pinisil-pisil ang balikat at gilid ng leeg niya. He groaned.

"Uh! That feels good. That's it" He uttered. Inikut-ikot ko naman ang mga kamao sa likod niya at binigyan ko ng kunting pwersa. Lumuhod ako para maging komportable sa pagmasahe.

"Ride me Tintin for you to be more comfortable" Napatigil ako sa sinabi niya. Ako? Sasakay sa likod niya? No way.

"Hindi na, okay na ako nito" I objected. Napasinghap ako nang hinila niya ako papunta sa likod niya kaya napaupo ako sa kanyang pwet. I froze. My heart beats rapidly.

"Continue Tintin" He commanded. I blinked my eyes as I gulped. Nag-alinlangan man napilitan pa rin akong magpatuloy. Malaya kong nahawakan ang buong likod niya. Pinisil-pisil at sinundut-sundot ko ito. Naiilang ako sa posesyon namin ngayon pero di ako nagpadala.

"Akin na mga braso mo" Sabi ko at itinaas naman niya ang mga 'yun. Hinawakan ko ito ng mahigpit at bahagyang hinila na kinaungol niya. Binitawan ko ito.

"Nice" Kumento niya. Inikut-ikot ko ang likod ng aking mga daliri papunta sa beywang niya. Hinagod ko rin ito paitaas ng may pwersa hanggang sa mubigat na ang talukap ko. God, I'm drowsy.

Naging marahan ang galaw ng kamay ko dahil sa antok. Nagpatuloy pa rin ako sa ginawa hanggang sa di ko tuluyan ng pumikit ang mga mata ko at bumagsak nalang ako sa matigas na bagay.

NAGISING ako dahil may kung anong sumutsot sa ilong ko. Hinagod ko ito gamit ang likod ng daliri dahil sa kati. Ano ba naman 'yan! Ang ganda pa naman ng tulog ko. Kainis. Dahan-dahan akong nagmulat at bumungad naman sa akin ang nakangiting mukha ni Lucas. Nangunot ang noo ko.

"Am I dreaming?" Wala sa loob kong tanong.

"You're not" He melodiously said. Iyung boses na kagagaling lang sa tulog. Nanlaki ang mga mata ko. I'm not dreaming? Shit.

Mabilis kong tiningnan ang posisyon namin at nilukob ako ng hiya dahil para akong palakang nakapatong sa ibabaw niya. Sexy na palakang nakadikit sa kanya.

"My God!" Napabalikwas ako sa pagkakadapa kaya napaupo ako sa hinaharap niya.

"Tintin!" Napasigaw siya sabay hawak sa mga braso ko at bahagya pang tumaas ang ulo niya habang nakaawang ang bibig. Nanlaki ang mga mata ko nang may kung anong tumusok sa pagkababae ko. Jesus!

"A-ano i-iyung t-tumusok?" Nauutal kong tanong sa kanya. He pursed his lips tightly. Akmang gagalaw ako ngunit agad niya akong napigilan.

"Don't, don't move" Nahihirapan niyang sabi. Kinabahan ako. What happening to him? Bakit namumula ang mukha pati ang leeg niya?

Lumanghap siya ng hangin na parang kinukontrol ang sarili. Maya-maya'y huminahon ang pahinga niya. Tiningnan niya ako sa mga mata at nakita ko ang pagnanasa sa malamlam niyang asul na mga mata. I gulped. Seemed like his eyes could drown me to the deep ocean.

"C-can I move now?" Mahinang tanong ko sa kanya dahil kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya. Tumango siya at dahan-dahan aking inalalayan na makaalis sa ibabaw niya.

I felt relief because I finally got off from his top. Mukhang ganun din siya. Tinapunan ko siya ng tingin at dahan-dahang bumaba sa kama.

"Aaahhhhh!" Tumalilis ako ng takbo papasok sa loob ng bathroom. I immediately locked the door. Napahawak ako sa dibdib. My heart beats rapidly. Iyung tumusok kanina, 'yun 'yung malaking ahas na nakita ko noon. Goodness, buti hindi ako natuklaw.

Pagkatapos kong nagtoothbrush lumabas na ako. Hindi ko na nakikita si Lucas at malamang kanina pa iyun nakalabas. Bumaba naman ako para magluto ng agahan. Nakita ko naman si Tita kausap ang anak niya. She saw me so I smiled.

"There you are! Get ready Destine, pupunta tayo ngayon ng beach" Nagningning ang lahat dahil sa sinabi ni Tita. Malaki ang ngiti niya at tinapunan ng tingin si Lucas.

"OMG! Totoo?" Excited kong kumpirma at tumangu-tango naman siya.

"Maghahanda pa ba ako ng makakain natin?" Ngiti-ngiti kong tanong at lumapit sa kanila.

"Hindi na kaylangan. May restaurant naman dun" Nakangiti sabi ni Tita. Mas lumapad ang ngiti ko.

"Sige maghahanda na ako" Dali-dali akong umakyat pataas at bumalik ng kwarto. Hinanap ko naman ang pulang two-piece at agad ko rin itong natagpuan. I quickly washed myself and I wore my two-piece. Nagsuot ako ng puting longsleeve hanggang hita ko. I tied my hair into messy. Sinuot ko naman ang tsinelas at lumabas na may dalang sunglass.

Pagdating ko sa baba nadatnan ko ang mag-ina. They looked at me and Tita gave me a wide smile. Si Lucas naman seryoso lang. Kinamay ako ni Tita at dali-dali akong lumapit sa kanila. Sabay kaming lumabas at puting kotse ang sinakyan namin papunta sa beach. Umabot rin ng isang oras bago kami nakarating. I immediately went outside from the car. Bumungad naman sa akin ang may katamtamang init ng araw. I roamed my eyes.

"Wow, ang ganda rito" Manghang sabi ko. Kahit medyo madaming tao hindi pa rin natatakpan kung gaano kaganda ang beach na 'to.

"Let's go. Pumunta muna tayo ng cottage" Yaya ni Tita at agad naman akong tumango. Nauna na kaming dalawa kay Lucas.

"Ilang araw ba tayo dito Tita?" Tanong ko.

"Bukas tayo uuwi" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Bukas? Patay, wala akong extra na damit" Nabahala kong sabi. She chuckled.

"No worries, may dinala ako para sayo" Nakangiti niyang sabi at kinindatan ako. I felt relief.

Agad kaming nakarating sa cottage na sinasabi ni Tita may tatlong kwarto. Tamang-tama para sa aming tatlo. Maya-maya'y dumating naman si Lucas. Nagyaya si Tita na kumain daw muna kami bago maligo kaya andito kami ngayon sa isang restaurant. Maganda ang pwesto ng restaurant na ito dahil nasa tabi ng dagat. Kitang-kita mula sa inuupuan ko ang asul na tanawin.

Dumating naman ang inorder namin at sinimulan namin ang agahan. Enjoy na enjoy ako sa shrimp na kinain ko hanggang sa natapos kami. I went back to the cottage and I prepared myself to go out. I faced to the mirror. My two-piece is really captivating. It really suits me. I went outside with a confident smile. As I expected, maraming lalaking napatingin sa akin.

"Tss" Napagilid ako nang may bumangga sa akin. Marahas ko itong tiningnan. Bwiset na Lucifer na 'to. Kita naman niyang may tao. Kainis.

"Hoy! Lucifer!" Inis kong sigaw sa kanya at hinabol siya. Tanging summer short ang suot niya. Para siyang modelong naglalakad. Lantad ang maskulado niyang likod. There's a lot of women ogling him because of his posture. It pisses me off. I gave them a death glare. Agad naman silang nag-iwas ng tingin. I hissed.

Nakarating siya sa tubig at agad siyang lumusong. Pagdating ko naman lumusong din ako. The warmth of water embraced me. Lumangoy ako at pag-ahon ko sa itaas bumungad sa akin ang mukha ni Lucas. Kinukumpay ko ang mga kamay at mga paa para hindi lulubog. He's looking at me intensely. I gulped.

"What?" I asked.

"You're two-piece is too captivating Tintin. Are you plotting something? Hmmm?" I gasped when he pulled me closer to him. I blinked my eyes.

"N-no, I'm not" Depensa ko at pilit akong lumayo sa kanya ngunit hindi niya pinakawalan ang beywang ko.

"Really?" He huskily asked for assurance.

"Yes_" Nanlaki ang mga mata ko nang agad niya akong siniil ng halik. He kissed me hungrily. Napakurap-kurap ako at unti-unti akong nanghihina sa init ng labi niya. Ginalugad niya ang bibig ko at sinipsip ang aking dila. My heart beats wildly. Uminit ang buong pagkatao ko. I closed my eyes and I responded to his kiss. Naging marubdob ang halik namin at napakapit nalang ako sa batok niya. I moaned when I felt his warm hand massaging and squeezing my breast.

His kiss traveled to my jaw down to my neck. He licked and sucked my skin. Naghatid iyun ng kilabot at kakaibang kiliti sa akin. Para akong tinapon sa apoy dahil sa init ng aking katawan. I moaned to his every move.

DON'T FALL TO YOUR SUBJECT. Napadilat ako nang pumasok iyun sa isip ko. Para akong nakuryente at agad humiwalay sa kanya. No, no. Umiling-iling ako. I'm so stupid. I let myself eaten by a fire again. We shouldn't do this. I looked at his eyes. He was confused and hurt. I shook my head and swam away from him.

I shouldn't let myself eaten by emotion and temptation. I must do my mission immediately. God, I hope I can handle this.

Umalis ako sa tubig at naglakad papunta sa maliit na cocktail bar. Umupo ako sa high stool chair.

"Drink please" I said to the guy who were mixing wine. He nodded.

"Moscato will do for you beautiful lady" Inabot niya sa akin ang isang baso ng wine. I take a sipped. I nodded because of the fruity taste is way too good to resist. I drank it all.

"Uh! Yummy" I commented. Napangiti ang bartender.

"Hi gorgeous, you want another drink? I'll buy it for you" Napalingon ako sa lalaking tumabi. He looks hot. He's good-looking too. I smiled.

"Really? Sure" Sang-ayon ko na kinangiti niya.

"Another Moscato for this beautiful lady beside me dude" He said to bartender and he looked at me again. Napatitig siya sa akin kaya nailang naman ako.

"You're so beautiful. What's your name?" Tanong niya. Napakamot ako sa kilay.

"Ahmm I'm_" Nagulat ako nang may pumagitna sa amin at nilingon ang lalaki na kausap ko.

"She's my Tintin. My GIRLFRIEND" He said emphasizing the word of girlfriend. My jaw dropped.

"Here's your Moscato ma'am" Imbes ako ang tatanggap sa inumin si Lucas ang gumawa nun at agad niya itong ininum. Hindi ako nakapalag.

"Uh I see. Alright, gotta go. It's nice to meet you Tin_"

"No, don't call her that way" Lucas warned him. Nagtaas ito ng dalawang kamay na parang sumuko at umalis.

I screwed up as he shifted his gaze to me.

"And you. Why you left me huh?" He asked in a deep voice. Kinabahan naman ako.

"Ah-eh nauuhaw ako eh" Palusot ko at pasimpleng bumaba sa stool chair pagkatapos tumalilis ako ng takbo.

Hindi niya pwede malaman rason ko for god sake!

@Missloorh

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro