Chapter 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Destine's P.O.V

Nakabalik kami ni Daphnie sa building at agad din kaming bumalik sa kanya-kanyang trabaho. Nakatutok lang ako kay Lucas na ngayon ay prenteng naka-upo sa desk niya habang nakatingin sa gurong nag discuss sa harap. Napailing-iling nalang ako. Sumagi pa rin sa isipan ko ang nangyari kanina.

Nag-antay ako ng ilang oras saka natapos ang araw ng klase niya. And I'm totally annoyed because of what he did. Nakailang halik lang naman siya sa mga babaeng nang-unang halikan siya. 'Yung leader ng cheerleader nga naka make out niya pa, walang-hiya. Buti napigilan ko ang pag-iisip ng mokong 'yun. Lagot talaga siya sa akin mamaya.

You will going to taste my revenge dumbass. Just wait, you'll see.

Nakita kong nag-uusap silang magbarkada habang nasa loob ng kanya-kanyang sasakyan at tanging mga bintana lamang ang nakabukas. I immediately took my magic earpiece and I wore it.

"Bro, there will be a drag race later in Downtown. Do you want to join?" Kegan asked. They're fond of illegal race, drag racing at night. Sa normal na takbo ng sasakyan aabot ng three hours ang biyahe papuntang Downtown at kapag mabilis maaaring two and half hour lang. Madalas ang naging kalaban nila sa drag racing taga South Boston na naging kalaban din nila sa Football game. East Boston vs. South Boston.

"Ofcourse, I'm in" He said without scepticism.

I automatically stood up of what I heard. I removed my magic earpiece and I placed it to my desk. I smirked because I smelled victory. Wait for my revenge my dear Lucas. I will surely mess up your fucking night. Wait for it.

Mabibigat na hakbang ang ginawa ko papunta sa desk ni Daphnie.

"Daph, I need your help" I seriously said. Agad naman siyang napatingin sa akin na may pagtataka.

"What is it beshy? And why you look so serious?" Takang tanong niya. I sighed heavily and I leaned at the edge of her desk.

"The truth is, I have a problem but not as big as your boobs" Pagbibiro ko at inginuso ang dibdib niya. Napatampal naman siya sa noo at tiningnan ang dibdib niya saka tinapunan ako ng di makapaniwalang tingin.

"Seriously? Dinamay mo pa talaga ang boobs ko. What an ass" Di makapaniwala niyang sabi at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Huminga naman siya ng malalim.

"So, anong klaseng problema 'yan?" Tanong niya.

"My subject consumed my patience this morning and I want to teach him a lesson. We can also name it as a revenge" Desidido na ako. Kaylangan siyang turuan ng leksyon. Nangunot naman ang noo niya.

"Really? Anong ginawa niya?" Kuryusidad niyang tanong.

"You don't need to know it. It's confidential but I badly need your help Daph" Malumay kong sabi.

"Aba'y hindi naman patas 'yan beshy. Kaylangan ko ring malaman ang puno't dulo para naman mabigay ko ang hinihingi mo" Biglang pagtataray niya habang nakataas pa ang isang kilay. Napairap nalang ako. Ito na naman siya.

"Okay fine, if you can't help me? Okay, I'll find another who can help me easily then" Walang gana kong sabi ngunit may tonong pagtatampo. Akmang aalis na sana ako nang agad siyang nagsalita.

"Okay, okay. You're win. I won't question you again. So now tell me what can I do for you?" Pagsuko niya at ngumiti pagkatapos. Napangiti nalang ako. Sabi ko na nga ba, di din ako matiis ng babaeng ito.

"Nakatira ang subject mo sa South Boston right?" Nakangiti at sabik kong tanong. Agad naman siyang tumango.

"May kilala ba siyang mahilig sa drag racing?" Tanong ko ulit at hinawakan siya sa balikat. Sana meron. Pure british ang subject niyang babae at malaki ang tsansang may kilala itong mahilig sa drag racing. Napaisip naman siya at maya maya'y tumango din. Nangislap ang mga mata ko. Ito na, kahit minalas ako kanina may swerte pa ring dumating.

"Saan na ang libro mo? Dali!" Excited kong sabi at hinalungkat ang drawer niya. Agad ko naman itong natagpuan.

"Hala siya. Anong kinalaman ng libro ko sa usapan beshy__uyy teka lang, grabe ka rin ah. Parang sayo lang din ang libro ko. Akin na nga 'yan" Angal niya at inagaw sa akin ang libro. Napanguso nalang ako.

"Now tell me, why my book is involve? Hmmm?" Tanong niya at matiim akong tiningnan sa mga mata.

"Oh c'mon, I just want you to invade the mind of your subject. At para magawa niyang makumbinsi ang kakilala niyang pumunta ng Downtown para sa drag race na magaganap mamayang gabi. Dapat matalo nito si Lucas" I said with devilish smile. Agad namang nangunot ang noo niya.

"Paano kapag hindi makumbinsi ng subject ko ang kakilala niya na talunin si Lucas?" Tanong niya habang nakakunot parin ang noo.

"Then, your subject must give a deal. A simple as that" Taas noong sabi ko na parang kay dali lamang ang gusto kong mangyari. Napamaang naman siya.

"What?! Do you want me to put my subject in a complicated situatuon? Is that what you mean?" Di makapaniwala niyang tanong. Ngumiti ako ng matamis at tumango habang nagpapacute. Her eyes widened on disbelief.

"Pretty please" Sabi ko at nag puppy eyes pa.

"Ugh! This is unbelievable" Problemado niyang sabi at wala na siyang naging salita pa. Nagsimula siyang nagsulat sa extra page ng libro at napailing-iling pa ito. Nakikita kong labag sa kalooban niya ang kagustuhan ko. Napakagat ako ng iibang labi. I'm sorry Daphnie, nadamay ka pa.

Kung papasukin namin ang pag-iisip ng mga subject namin kapag may naisip kami na ipagawa sa kanila kaylangan kaming gumamit ng ibang page ng libro, hindi ang page kung saan naisulat namin ang destiny nila. Kagaya ng ginawa ko kanina para mapigilan ang kalandian ni Lucas at sa babaeng ka make out niya.

Marealize ni Lucas na mali ang ginawa niya. Maisip niyang may sakit na HIV ang babae dahil halata namang marami na itong naikama kaya dapat niya itong itulak para hindi siya mahawa. Sayang ang lahi niya pag nagkataon. Iyun lang naman ang naisulat ko. I'm pretty aware that I was being I'm exaggerated back then but I don't care. Mas mabuti kasing ang isipan niya ang pasukin ko para hindi siya magtaka. Kapag kontrolin ko ang katawan niya sa pamamagitan ng pagsulat baka magulat nalang siya dahil kusang gumalaw ang katawan niya.

"Okay done" Napapintig ang tenga ko sa sinabi ni Daphnie.

"Anong sinulat mo?" Sabik kong tanong. Napailing-iling nalang siya at bumuntong hininga.

"Sinulat ko lang naman na tatawagan ni Carina ang kakilala niyang lalaki at sasabihin na may magaganap na drag race mamayang gabi sa Downtown. Sasabihin niyang dapat ito manalo at kung may kapalit, handa niyang itaya ang pagkababae niya" Walang gana niyang sabi. Napakamot ako sa batok.

"Ahmm hindi ba magtaka si Carina na kung saan nanggaling ang idea niya na may magaganap na drag race mamaya?" Nag-alinlangan kong tanong at binaba ang kamay.

"Nope, naniwala siya na may self instinct siya" Agaran niyang tugon. I just nodded and I glanced her book.

"Paano kapag magtaka siya na kung bakit gusto niya itong manalo? At isa pa, handa niya pang itaya ang pagkababae niya. Paano kapag mapagtanto niya ang mga sasabihin niya na hindi naman talaga niya intensyon 'yun?" I problematically asked. She put her palm to her face. Para naman siyang nahulog sa malalim na pag-iisip.

"Oo nga 'no" Bulalas niya kaya wala sa oras akong napakagat ng labi. Naku, patay. Paniguradong magtaka 'yun.

"Ay oo nga pala. Don't worry about that beshy. Gusto niya ang lalaking 'yun at ang mga lalaking gusto niya binibigyan niya ng challenges para malaman niya na kung karapat-dapat niya ba itong magustuhan. Duh ang ganda kaya ng subject ko, kaso malandi at marami ng naikama. Iwan ko ba sa babaeng 'yun. Though, mas gusto ng mga lalaki ang mga babaeng may experience at master in bed, maliban sa mga pinoy" I felt relief of what she said. Thanks god. Well, her subject is famous dahil ito lang naman ang leader ng cheerleader sa South Boston High School. I pouted because of what I felt. Na touch ako sa ginawa niya. Kahit labag sa kalooban niya, pinagbigyan niya parin ako.

"Thank you so much Daph. You're my best friend ever" I emotionally said and I immediately hugged her.

"Tse! Makaka hindi ba ako sa'yo? Alam mo naman kung gaano kita kamahal bilang kaibigan. Ako kaya ang number one supporter mo and I'll do everything just to help you" Sabi niya at naging emotional sa huli. Niyakap naman niya ako pabalik. Ilang segundo din kaming ganun at ako na ang unang kumalas sa yakap niya.

Tiningnan ko siya sa mukha at nakita ko naman na namumula na ang mga mata niya.

"Oh bakit parang naiiyak ka dyan?" Takang tanong ko. Napanguso naman siya.

"Ikaw kasi, ang drama mo kaya nadala ako tuloy" Napakagat ako ng labi dahil sa mukha niya. Para kasi siyang pato na napag-iwanan ng mga kapatid at ina. Tumikhim ako at tiningnan siya ng maiigi.

"Sure ka, okay lang sayo ang hiningi kong tulong? Alam ko, labag sa kalooban mo. Naobserbahan kita kanina" Mahinahon kong sabi.

"Duh! Akting lang 'yun!" Sabi niya sabay irap.

"Parang hindi ka naman sanay sa akin" Dugtong niyang sabi at pinahid ang mumunting butil sa kanyang mga mata. Napangiti nalang ako.

"Syempre, nakataya ang subject mo at alam kong pinahalagahan mo siya" Depensa ko naman.

"Haler! Hindi lang ikaw ang natulungan ko kundi pati na rin siya. Aba, binigyan ko yata siya ng rason para makuha ang gusto niya. Alam mo kasi, hot kasi ang lalaking kakilala niya at sabik siya dun for sure" Nakasigurado niyang sabi at napailing-iling sa huli. I chuckled.

"Okay enough, balik na ako sa desk ko. Don't worry ililibre kita ng dinner mamaya sa pag-uwi natin" I said and I winked at her. Para namang naghugis puso ang mga mata niya.

"Talaga? Ililibre mo ako?" Tuwang kumpirma niya. Tumango ako at napangiti na lamang sa reaksyon niya.

"Sige balik na ako" Paalam ko at tinalikuran siya. Napailing-iling nalang ako habang nakangiti. Ang swerte ko sa babaeng 'yun. Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya niya.

Nakabalik ako sa sariling desk at agad namang lumitaw si Lucas sa magic mirror ko. Bigla naman akong natuyuan ng lalamunan dahil sa mapang-akit na demonyo sa aking harapan. He is inside the bathroom. Lantad ang mala pandesal niyang abs habang tinanggal ang sinturon ng pantalon niya. Nakatingala pa siya sa kisame. Laglag ang panga ko nang hinubad niya ang pantalon dala ang boxer niya. Para akong natakasan ng hininga dahil sa sundalo niyang sumaludo sa akin.

"F-fucking shit" I hardly cussed. Tumalikod siya at lumapit sa shower. Wala sa sarili akong napahilot sa lalamunan dahil pakiramdam ko naubusan na ako ng laway at wala ng malunok pa. My god, mamatay na yata ako nito.

I bit my lower lip when the water began to flow freely to his body. I hate to admit but his figure is really seductive. Agad nalang nanlaki ang mga mata ko nang hinawakan niya ang alaga niya. A-anong gagawin niya? Para akong napaso nang sinimulan niyang itaas, baba ang kamay.

"Oh my God!" Wala sa oras akong napatayo at agad tinalikuran ang magic mirror ko. Napakapkap ako sa desk ng hindi tumingin. Narinig kong may nahulog ng kung anong bagay ngunit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin.

Nang natagpuan ko ang container ng aking tubig agad rin akong uminom. Para akong hayuk sa tubig dahil derederetso ko itong nilagok hanggang sa naubos ito. Kapos hininga akong napaupo sa swivel chair habang nakatalikod parin sa magic mirror ko. Pagod kong nilagay ang walang laman na container sa desk.

"Damn that asshole" Naisatinig ko. Napasabunot ako sa sariling buhok. Ang tanga ko talaga. Kung alam ko lang na may gagawin pala siyang kababalaghan edi sana nakapaghanda ako. Bakit kasi hindi agad natanggal ang mga mata ko sa katawan niya? Why I can't resist the allurement of his posture? May magnet ba ang katawan niya?

"Urgh! Stupid! stupid! stupid! Bakit kasi ako nakatingin urgh!" Paratang ko sa aking sarili habang pinukpok ang ulo. Agad akong napaayos sa pagkakaupo nang may napagtanto ako. I immediately roamed my eyes and I felt relief when everyone is busy with thier doings.

Buti walang nakahalata sa akin, kung meron man ay tiyak mapagkamalan akong baliw. Lintek kasi ang lalaking 'yun, pahamak. God, my eyes is completely not virgin.

Nagbaba ako ng tingin at nakita ko naman ang kawawa kong libro sa sahig. Dinampot ko ito at napagdesisyunang harapin ang magic mirror. Nakahinga ako ng maluwag nang may takip na ng tuwalya ang baba niya. Pinasok ko naman ang libro sa drawer at tinuon muli ang atensyon sa kanya.

Napamaang nalang ako dahil parang naging invisible ang tuwalyang nakatakip sa hinaharap niya. Parang kitang-kita ko ang alaga niya. Agad kong piniling ang ulo. Oh God, naging manyak na yata ako. Daig ko pa ang addict sa sex. Naging immune na yata ang mga mata ko.

"No fucking yuck!" Napakaligkig nalang ako dahil kinilabutan ako sa sarili kong pag-iisip. This is horrendous.

Umayos ako sa pagkakaupo at humingi ng malalim. Focus Destine, focus. Pinilit kong ngumiti at tinapunan ng tingin si Lucas na pababa na ngayon ng hagdanan.

"Damn" Napamura ako dahil sa ayos niya. Nakasuot siya ng puting V-neck na damit at black leather jacket. Sa ibaba naman, black ripped jeans and black shoes. Dagdagan pa ng magulo niyang kulay itim na buhok.

Nakalabas siya ng mansyon at pumunta naman siya sa garahe. Anyway, his house located in Central-Maverick Square/Paris Street in East Boston. His parents own the luxurious mansion that different from the others. Ang pamilya niya ang nag may-ari ng sikat na restaurant sa kanilang lugar. Fellan's Pizza 111 Chelsea st. Most famous restaurant, has won Boston magazine's Best of Boston Award ten times over the last eleven years.

Napakurap ako nang sumakay siya sa black and red sports car niya. Binuhay niya ang makina at pinaandar. Nakarating siya sa gate at agad naman siyang pinagbuksan ng guard. Nagpaharurot nalang siya bigla kaya kinabahan ako sa ginawa niya. Kahit alam kong sanay na siya sa mga ganitong takbo hindi ko parin maiwasan ang kabahan. Baka kasi matigok ito at hindi matuloy ang naisulat ko.

Habang abala siya sa pagmamaneho kinuha ko ang pagkakataon na 'yun para kainin ang snacks na binili ko kanina noong kumain kami ni Daphnie.

Lumipas ang halos tatlong oras saka nakarating si Lucas sa Washington St. ng Downtown at doon mismo magaganap ang race. Isa itong malapad na kalsada na kaunti lang ang nakatayong gusali. Sinadya talaga nila na dito ang lokasyon para hindi agad mapuntahan ng mga police patrol. Nakita ko namang maraming babae na halos maghubad na dahil sa mga suot nila. Marami ding nagkalat na iba't ibang uri ng sasakyan. May nakikita rin akong mga lalaking may tattoo.

Pinahinto ni Lucas ang sasakyan at agad namang dinumog ng mga kababaihan ang agaw atensyon niyang sports car. Lumabas siya sabay suklay ng kanyang buhok. Napaismid nalang ako dahil mas lalong dumami ang mga higad.

Awtomatiko namang may dalawang babae ang nakalingkis sa magkabilang braso niya. Hinalikan siya ng isa at ang isa naman dinikit ang dibdib nito sa dibdib niya. Yucks! Ang lalandi!

Natigil nalang sila nang dumating ang mga barkada niya. Iniwan niya ang dalawang babae at inatupag ang tatlo. Napailing-iling nalang ako. Parang kahapon lang ang bait-bait ng isang 'to pero sa isang iglap lang boomm! Lumuwag ang tornilyo ng ulo ng tipaklong.

Ayaw kong isipin ang maaaring dahilan ng pagbaliktad niya sa sinulat ko. Ayaw kong bigyan iyun ng kahulugan. Ayaw kong pangunahan ang mga nangyari.

Naagaw ang atensyon ko sa red sports car na kararating lang. Pati din ang lahat ng taong nasa paligid ni Lucas napatingin din. Unang lumabas ang napakagandang babae na nakasuot ng red shiny tube at black leather short. Lantad ang malusog niyang dibdib at maputi niyang puson. Halos kita rin ang singit niya dahil sa iksi ng kanyang short. Nakasuot siya ng red sandals na may four inches heels. Grabe, ang hot talaga ng subject ni Daphnie. But sad to say, hindi parin ito nakalamang sa alindog ko.

Napataas ang kilay ko dahil hinagod ito ng tingin ni Lucas ngunit napangiti na lamang ako nang may gwapong lalaki ang sumunod na lumabas sa sports car na kinataas ng kilay niya. Napamaang ang bibig ko. No doubt, this guy is deadly gorgeous. He has a black long hair and thick eyebrows. Perfect pointed nose, thin lips, stubborn jawline, and muscular physique. Halos magkapantay na sila ni Lucas. Dudumugin na sana ito ng mga babae ngunit sadyang possessive itong si Carina kaya walang ibang babae ang nakalapit bukod sa kanya.

Lumipas ang ilang minuto bago nag alas diyes napagdesisyunan nilang simulan ang kinasabikan kong race. Pahalang nakalinya ang lahat ng sports car sa gitna ng kalsada habang may isang babae naman ang nasa harapan na may dalang bandera.

"This is it! This is gonna be fun!" Humaba ang leeg ko para makita kung sino ang sumigaw. Nakita ko namang tutok na tutok si Ralph sa magic mirror niya.

"You're right bro" Sang-ayon naman ni Alfonso na prenteng nakasandal sa swivel chair niya. Nagkatinginan naman kami ni Summer at sabay kaming napailing-iling. Boys are boys but aside from those boys who has a flaccid heart and actions.

Nilibot ko ang paningin saka ko napagtantong iilan na pala kaming natira. Kanina pa madilim ang labas. Napatingin ako kay Daphnie na nakatingin din pala sa akin. Kinindatan niya ako at inginuso ang magic mirror ko. I shook my head again and I turned my attention to my magic mirror. This is it. Goodluck my dear subject, note to sarcasm.

@Missloorh

Advance happy new year!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro