January 19, 2019, 7:38 PM
❛ HIYAW ❜
Nagising ako sa lakas ng paghiyaw
Nang isang tao na nasa kabilang kuwarto
Puno ito ng sakit at pangangayaw
Hindi na matiis ang kirot sa kanyang braso
Tumakbo ako papalabas
Ngunit pa-unti-unti ay bumabagal
Ang bawat paghakbang
Ramdam ko ang pamumuo ng luha
Sa aking mga mata
Nasabi sa aking sarili na
Heto na naman at kailangan tingnan
Ang kalagayan ng iyong pinakamamahal
Nang buksan ko ang pinto
Ay naabutan kong nahulog
Sa kanyang kama at gulo-gulo
Ang kanyang itim na buhok
Nakita ko kung paanong lumuha
Ang babaeng dating atleta
Na ngayon ay hinaharap
Ang madilim na yugto ng kanyang buhay
Lumuhod ako sa kanyang harapan
Muli siyang humiyaw at umiyak
Kung kaya ko lang na kunin
Ang nararamdaman niyang sakit
Matagal ko nang ginawa!
Hindi ko kayang makita
Siyang nanghihina at umiiyak
Dahil lang sa isang drayber!
Isang walang ingat at lasing
Na drayber na siyang naging
Dahilan kung bakit..
Huminga ako ng malalim
At binuhat siya pabalik sa kama
Patuloy pa rin siya sa pag-iyak
Patuloy pa rin sa paglaban
Hinang-hina at namumutla
Kalahti ng kanyang katawan
Ay patay na
Walang nakakaalam kung hanggang kailan
Siya mabubuhay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro