Chapter 10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[ AEMY'SPOV ]

"Ayoko nga kasi!" naka-kapit ako dito sa poste para hindi nila ako mahila.

"Ang KJ naman nito, tara na! Di ka naman malalagutan ng hininga kung susubukan mo." ani Aiyoo na panay ang hila saakin.

"Patayin niyo na ako ngayon din kesa sumakay ako jan!" maslalo ko panng hinigpitan ang kapit ko sa poste.

Nasa theme park na kami ngayon at pinipilit nila akong sumakay doon sa Viking, yung barkong nagswi-swing

"Tara na masaya yun." di parin tumitigil sa pagpupumilit si Aiyoo at di man lang awatin nung apat na nanonood, nag-eenjoy pa yata. Sadista ba mga ito?

"Masaya, eh paano kung matanggal yuung barko? di ako magiging masaya kung patay na ako noh." pagproprotesta ko. Bumitaw na sa paghila si Aiyoo kaya bumitaw narin ako sa poste.

"Oh sige Aemy, kami nalang ang sasakay, panoorin mo nalang kami." sabi naman ni Kookie. Hay sa wakas, tinigilan narin ako. "Tara, hawak nalang kayo saakin kung sakali natatakot kayo." alok naman ni Kookie dun sa mga kaibigan ni Aiyoo. Haru mga kinikilig naman sila. Wala na silang inaksayang panahon at pumila. Nagpunta sila sa pinakadulo ng barko at umupo, gitna si Kookie. Nasa dulo si Aiyoo kaya ang katabi ni Kookie eh yung mga kaibigan niya.

*Hoooonk!* nagsimula nang umandar yung barko at nagtilian ang mga tao. Juice colored!, bakit parang ako ang kinakabahan dito. Nag-umpisa na ang unang swing ng barko at grabe ang hiyawan ng mga tao,nagpatuloy ito at sa kada swing ay nagkakantyawan ng hiyaw yung magkabilang side ng barko. Mukha ngang masaya, pero mahal ko ang buhay ko! Mamaya, bigla nalang matanggal yung barko tapos lumipad sa ere. O di naman kaya, matanggal yung safety bar tapos ako naman ang tumilapon. No Thanks!

"Oi oi oi!" Aba't tignan mo yung dalawang katabi ni Kookie, kanina naka-kapit sila sa steel bar ngayon nakayakap na kay Kookie. Hoy, mga manyak! Arrgghh! Tsss, gustong gusto naman nung Kookie na yun, tindi pa ng halakhak. Nakaka-inis! Dahan-dahan nang huminto ang barko at nagsibabaan na sila. Lumapit ako sa exit para salubungin sila.

"Grabe! halos mailuwa ko lungs ko kakasigaw! Hahaha!" hyper na hyper si Aiyoo habang papalapit sakin.

"Asan na sina Kookie?" agad ko namang tanong. Napalingon kami sa exit at nakitang inaalalayan niya yung isang kaibigan ni Aiyoo. Deretso kami sa bench para ipa-upo siya. Naks, tindi maka-fan service nitong Kookie ah.

"Hala, sorry. Nanghihina tuhod ko. Muntik na ako ma-ihi kanina." aniya habang nakapalibot kami sakanya. Bakit kasi sumakay pa siya dun. At dahil nga naiwan ang lakas nila sa barko, kumain muna kami ng street foods sa tabi.

"Ano na isusunod nating rides?" bungad ni Kookie.

"Sasakay pa kayo?" agad kong tanong. Di pa ba sapat yung Viking? Napunta sakin lahat ng atensyon. "What?"

"Aemy, kaya nga tayo nagpunta dito diba?" sagot naman ni Kookie na sinang-ayunan nung iba.

"Well, I know, pero buwis buhay naman kasi yung mga rides dito.." pagdadahilan ko.

"Ano ba gusto mong sakyan? pili ka." aniya. Agad naman akong tumingin ng gusto kong saknyan. Roller coaster, flying disk, space drop, lalabas bituka ko sa mga yan. Wala ba yung safety friendly dito? Napansin yata nilang di ako makapili.

"Tea cups gusto mo Aemy?" alok ni Aiyoo.

"Tea cups?"

"Oo, yung umiikot na baso, doon oh." sabay turo nung mga nagsisi-ikutang baso.

"Uhhm, medyo okay naman, kaso nakakahilo yan diba?" kako. Nagpatuloy lang siya sa pag suggest pero lahat ay tinanggihan ko. Di talaga ako mahilig sa rides. Nararamdaman kong medyo naiinis na yung mga kaibigan ni Aiyoo at hindi ako manhid kaya nagpasya akong hayaan nalang silang sumakay sa kung anong rides na gusto nila.

"Sige, ganito nalang. Enjoy the rides, don't mind me nalang. Lilibot nalang ako sa mga food stalls." suhestiyon ko. Sumang-ayon naman ang lahat.

"Samahan nalang kita Aemy." alok ni Kookie. Kung pwede ko lang sabihing ako nalang samahan niya eh pero kasi ako yung umepal sa date ng mga ito.

"No, Mag-enjoy nalang kayo, samahan mo nalang sila, text or call me kung sakali, I'll be around." pag-tanggi ko.

[ KOOKIE'S POV ]

Iniwan namin si Aemy sa mga food stalls at nagsimulang pakyawin ang mga rides. Nagi-guilty ako dahil out of place siya at di niya ma-enjoy tong park. Gusto ko siyang samahan kaso gusto ko rin namang masakyan mga rides dito na sa totoo lang ay hindi ko masyadong nae-enjoy dahil inaalala ko si Aemy. Kapag nakasakay naman kami eh lagi ko siyang hinahanap sa paligid baka nanonood siya at kung ano na mangyari sakanya. Nagsisisi tuloy ako, sinamahan ko nalang sana siya.

"Kookie, puntahan mo nalang kaya si Aemy." ani Aiyoo na nakapamaywang habang naka-pila kami sa bump cars. "Bakit?" tugon ko naman sakanya.

"Anong bakit ka jan, kasama nga namin yang katawan mo pero yung diwa mo nakadikit kay Aemy." aniya na sinang-ayunan naman nung tatlo nyang kaibigan. Napapansin din pala nila.

"Sorry, nag-aalala lang. Baka kasi kung ano na nangyari kay sakanya." pagpaumanhin ko.

"Sige na, okay na kami dito. Last ride naman na eh." dagdag pa niya. Hinintay ko munang makapasok sila sa bump cars saka ako umalis para hanapin si Aemy. Tinatawagan ko phone niya pero di niya ito sinasagot. Saan ko siya sisimulang hanapin sa dami ng tao?

[ AEMY'S POV ]

"This sucks!" Mag-isa akong naglalakad, hawak ang cotton candy at juice. Walang kasama at nabi-bitter sa mga nakikita kong couples na naglalandian. Nakakaiyak naman, napakamiserable ng sistwasyon ko.

"Ano ba ang pwede kong sakanyan dito na hindi delikado?" kausap ko sarili ko habang dahan dahang tumitingin sa paligid. Pumukaw sa atensyon ko ang malaking ferris wheel na agad kong tinungo. Di ko nalang namalayan ay nakapila na ako.

"Ilan po kayo ma'am?" tanong nung clerk. Alam kong ako tinatanong niya pero napalingon parin ako sa likod ko. "Ako lang kuya." tugon ko naman sakanya at ibinigay ang ticket ko. Bago ako pumasok sa carriage ay muli akong napalingon sa likod ko baka sakaling humabol si Kookie gaya ng sa movies, pero wala kaya pumasok na ako.

Nilapag ko ang cotton candy at juice sa upuan at sinandal ang likod ko. Nararamdaman ko ang pagkirot ng paa ko sa kakalad. 20 minutes naman ito kaya medyo makakapagpahinga ako. Nung nasa tuktok na yung pwesto ko, agaran kong nilabas ang phone ko at na-selfie. Alam niyo naman ang rules sa pinas.

No Picture No Evidence! Hahaha! Tuwang tuwa ako sa mga kuha ko kaya excited kong in-upload sa insagram. Nilapag ko yung phone ko sa upuan at pinagmasdan ang view. Usually, sa mga ganitong pagkakataon, romantic ang scene. Perfect for romantic date and whatsoever. yung kasama mo yung mahal mo at naka holding hands. But now, perfect for bitter moments!

"Ano na kaya ginagawa nila Kookie ngayon?" hay naku, sigurado nage-enjoy sila kakasigaw sa mga rides samantalang ako, loner. Kinuha ko na ulit yung cotton candy at juice sa upuan dahil malapit na akon bumaba. Bumukas yung pinto kaya lumabas ako.

"Oh shit, wait lang po kuya yung phone ko." bumalik ako sa loob at nagmamadaling hinablot yung phone ko.

"Sir, ilan po kayo?" narinig kong sabi nung crew. "Dalawa kami." tugon nung costumer. Nagmamadali akong lumabas ng carrier dahil anjan na yung next na sasakay.  Paglapit ko sa pinto ay humarang ang isang boquet of roses-- este isang tao na may hawak na malaking boquet of roses. Ano to' pa-inggit?

"Excuse me." kimi ko pero di parin siya gumagalaw sa halip ay pumasok ito sa loob kaya napaatras ako. Napatingin ako sa crew at isinara yung pinto. "Excuse me, kuya! di pa ako nakakababa!" sigaw ko pero nagsimula na ulit umandar yung ferris wheel.

"For you-" bigla nagsalita yung bulaklak este-- "Aemy."

"Kookie?" nagsitayuan mga balahibo ko at di ako nakagalaw. Hindi ko alam kung nagpapantasya pa ako o talagang nasa harap ko siya at may hawak na malaking boquet of roses. Overwhelmed ako at naiiyak, halos mahulog ko ang phone ko dahil para bang bigla akong nanghina at namuo ang luha sa mga mata ko.

 "Bakit ka umiiyak?" agad nyang tanong. Nilapag ko ang cotton candy at juice na hawak ko pati ang phone ko saka pinunasan ang luha.

"Ahaha-- uhhm wala ito.. uhh~" hindi ko alam pero hindi ko mapigilang umiyak, hindi ko maipaliwanag pero sa sobrang saya ko, di ko mapigilang umiyak. Ganito ko ba siya kagustong makasama at makita? Ibinaon ko ang mukha ko sa aking mga palad at naramdaman ang mainit na yakap ni Kookie. Wala siyang sinasabi, nakayakap lang siya sakin at hinahaplos ang likod ko habang nakahawak ang isa nyang kamay sa ulo ko. Nilapag siguro nya yung roses. Ipinalibot ko ang aking kamay kay Kookie at mahigpit siyang niyakap. "Please stay like this a little longer."

"Sige lang, nandito lang ako para sayo Aemy." tugon niya. Napaka-tamis pakinggan. Nanatili kami sa ganoong pwesto ng ilang minuto. "Malapit na tayo sa tuktok Aemy." ani Kookie. Agad ko namang pinunasan ang sa malamang ay natuyo kong mga luha at kumawala sa kanya. "Okay ka na ba?"

"Yup, thanks."

"Teka, paano mo nalaman na nandito ako?" taka kong tanong, may tracker ba na nakadikit saakin? Kinapa-kapa ko ang sarili ko, baka sakaling meron nga.

"Ah, tinatawagan kita kaso di mo sinasagot, tapos nakita ko sa notification ko yung post mo sa facebook. 10 mins ago, so estimate ko kung kelan ka baba. Hehehe." pagpapaliwanag niya.

"Wow ha, wala akong masabi, hehehe, eh sina Aiyoo?" dagdag ko ulit.

"Iniwan ko na sila sa bump cars."

Moment of silence. Nakaupo na kami ngayon at magkaharap. Sobrang awkward, wala akong masabi o maisip na topic. Pinagmamasdan ko lang siya na nakatingin sa view. Parang kanina lang magisa ako dito ngayon kasama ko si Kookie. Bigla kaming nagsalubong ng tingin kaya umiwas ako.

"Ah, nga pala, this is for you." Sabay ay abot sakin nung roses na agad ko namang inabot. Di ako magpapaka-plastic pero talagang kinikilig ako at di ko maitago ang ngiti ko. Hahahaha! At kahit na gasgas na ito sa mga movies, sasabihin ko parin.

"Thanks, nag-abala ka pa." kimi kong sabi, Hahaha! pa-virgin ang peg. Though virgin naman talaga ako. Hahahaha! Feeling ko tuloy nililigawan mo ko Kookie.

"Nililigawan naman talaga kita Aemy." ani Travis. Nagulat ako, nasabi ko yung nasa isip ko, pero ano daw?

"Huh?" Pa-iling kong sabi, baka kasi mali lang ako ng dinig.

"Sabi ko nililigawan kita." aniya. Nililigawan sino? ako? ano? "Naka-drugs ka ba? este anong nililigawan?" sabi ko.  Teka, fast break muna! over time! time first! biglang inatake n sumpong ang puso ko at napakabilis ng tibok, parang kinuryente din ang katawan ko dahil kinikilabutan ako sa sinasabi ni Kookie ngayon. Natawa siya sa reaksyon ko pero nakikita ko sakanya na seryoso siya. Paki-usap Kookie, ayoko ng ganitong biro.

"Haha, naka-drugs? Oo, naka-drugs ako at ikaw ang gamot ko." aniya. Tumayo siya para lumapit saakin at yumuko na tama lang para magpantay ang mga mukha namin. Humawak siya sa sandalan ng sofa kaya nakakulong ako sa pagitan ng mga kamay niya. Hindi ko magawang gumalaw dahil natutunaw ako sa nakakatunaw niyang titig. Hinihintay ko nalang siyang magsalita dahil wala akong magawa kundi ang tumitig sa mga mata nya.


"I need my medicine Aemy. I'm addicted to you." nanginig ako at nanghina sa katagang binitawan niya. Ano bang nasa isip mo? Please lang, ayoko pang mamatay at pakiramdam ko ay hinuhukay mo ang libingan ko.

At sa hindi ko malamang kadahilanan at nagpasyang magtrabaho ang bunganga ko at sabay tanong ng. "Why?" ano ba ang sumanib sa katawang lupa ko at yan pa ang naitanong ko! Hindi sumagot agad si Kookie na siya namang lalo kong ikinakaba, mas lalong bumilis pintig ng puso ko na parang kakawala na.

"Tsk." bigla niyang kinagat ang labi niya at habang ginagawa niya yun ay lumipat ang tingin niya sa ilong ko.. hindi. sa labi ko na parang gusto niya itong halikan at bumalik ng tingin sa aking mata. Haru juice colored, ang heart ko! oh my uterus! Ang sexy niyang tignan, naramdaman kong nag-init mukha ko. Naka-aircon tong carrier pero parang pinagpapawisan ako sa sobrang hot ni Kookie! Help me!

"Why you say?" aniya at medyo napangiti siya. "Didn't I say that I will make you fall in love with me, Aemy?"   Huh? may sinabi ba siyang ganun? wala akong maalala pero ang inaalala ko sa sandaling ito ay papalapit ng papalapit ang mukha niya kaya pumikit ako. A kiss on the lips?

Chu~ nope, kiss on the forehead lang. Teka bakit parang disappointed ako.

"Ahem, excuse me. Ma'am/Sir?" napatingin ako sa crew na nasa pinto ng carrier. Shocks! Tumayo mula sa pagkakayuko si Kookie at inayos ko naman ang sarili ko. Nauna akong lumabas ng carrier at napansin kong nakatingin yung mga nakapila saakin. Jusko po, pulang pula siguro ako ngayon.

"Tara, naghihintay na sina Aiyoo sa baba." aniya na matapos guluhin ang buhok ko ay naunang bumaba ng platform. Dahil sa mga pinagsasabi at ginawa ni Kookie na hanggang ngayon ay di ma-digest ang utak ko ay kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ako makapag-isip at hindi ko rin alam ang nararamdaman ko.

Basta ang alam ko, kung hindi ako kakalma, ay aatakihen na ako sa puso!



----------------------------------------

VOTE. COMMENT. SHARE!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro