Chapter 14

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[ KOOKIE POV ]

Tahimik lang si Aemy habang nagsasayaw kami. Hanggang kelan ba kami mananatili sa ganitong relasyon? Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo si isip niya. Sana ako, hahaha korni. Kelan ba niya mapapansin ang nararamdaman ko kung kaibigan lang ang tingin niya sakin. Kaya kahit nagaalangan ako at kinakabahan, kailangan kong iparating sakanya..

"Aemy, alam mo bang mahal kita?" nakita ko na may bahid ng pagkagulat ang reaksyon niya. Alam ko namang hindi niya seseryosohin kapag sinabi ko sakanya eh. Inoobserbahan ko ang reaksyon niya, sa mga mata niyang hindi kayang magsinungaling. Kaya muli kong inulit, "Mahal kita". Ngumiti siya, pero hindi lang basta ngiti, ngumingiti siya pero parang may bahid ng hinagpis. Yung ngiting gustong mag-palaam.

Sa mga sumunod na sandali ay hindi ko inaasahan, para bang bumagal ang lahat. Naramdaman ko ang paglibot ng kanyang mga kamay sa aking leeg at ang pagdampi ng kanyang labi saakin.

"I love you even more.." hindi ko maipaliwanag pero parang tumigil ang lahat. Hindi ako makagalaw, hindi ko alam ang gagawin ko. Nakikita ko siyang naglalakad papalayo saakin, hanggan sa mawala na siya sa aking paningin.

Tama ba ang narinig ko? na mahal niya ako? Oo, tama ang narinig ko. Pero bakit hindi ako masaya? Bakit pakiramdam ko pinakawalan ko siya? bakit nasasaktan ako?

Sinabi niyang mahal niya ako, pero bakit ang mga katagang matagal ko nang gustong marinig sakanya ay hindi nagdudulot ng saya? Ano itong nararamdaman kong kaba at sakit? bakit siya umalis?

"Bakit?" napahawak ako sa dibdib ko, naguguluhan ako. Pagkakamali bang sinabi kong mahal ko siya? Ano itong nararamdaman ko, naalala ko an ekspresyon ng kanyang mukha, ramdam kong sincere ang sinabi niya pero parang nasasaktan siya? bakit ganito ang nararamdaman ko?

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatayo sa gitna ng hall bago sumiksik sa utak ko na wala na si Aemy sa harap ko.

"Aemy!" mabilis kong tinunton ang dereksyon kung saan siya nawala. Dumeretso agad ako sa labas, para akong hinihili. Pagkalabas ko palang ay tanaw ko na si Aemy sa gate na parang kinakausap yung taxi driver. Kaya nagmadali akong tumakbo.

"Aemy!!!" tawag ko sakanya. Hindi siya lumingon at nagmamadaling buksan ang passenger door. Natakot ako na mawawala na siya kapag hinayaan ko siyang makaalis ngayon. hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung palalagpasin ko ang pagkakataon na ito. Hindi ko alam kung paano ko nagawa pero nagawa kong itulak pasara ang pinto bago pa man sya makapasok.

"Manong, hindi siya sasakay." agad kong sabi. Panay parin ang hila ni Aemy sa pinto.

"Sigurado ka miss?" tanong naman ni manong kay Aemy na nagpupumilit hilain ang pinto.

"Sasakay ako manong!" aniya. Hindi man lang siya lumingon sakin, pursigido siyang makasakay ng taxi, gusto niyang lumayo saakin? Hindi ako papayag, ngayon pa?

"HINDI KA SASAKAY!" hindi ko napigilan ang sarili ko, nagulat siya at napabitaw sa handle ng pinto. "Manong pasensya na, kailangan ko siyang kausapin," dumukot ako ng limang daan sa pitaka ko at inilagay sa upuan. "eto po pang kape niyo, pasensya na po sa abala, manong." agad naman siyang umalis at gayun din si Aemy na naglalakad nanaman papalayo sakin.

Bakit ka ba lumalayo?

Hinabol ko siya at hinila ang kanyang braso. Nagpupumiglas siya at pilit kumakawala. "Sandali lang Aemy." ayaw niyang tumingin sa direksyon ko. "Tingnan mo ako" hindi parin siya tumitingin kaya nagpunta ako sa harap niya. Dahan dahan ay ihinarap ko ang mukha nya sakin. Parang tinaga ang puso ko nang makita siyang umiiyak, nagkalat na ang mascara niya at namumula na ilong. Gamit ang aking kamay ay pinunasan ko ang mga luha niya.

"Sorry, hindi ko sinasadyang sigawan ka." patuloy parin siya sa pag-iyak. Hindi ko alam ang gagawin ko kung ang punsan lang ito.

"H-hindi nam-an yun eehhhh" aniya sa gitna ng paghikbi niya.

"Bakit ka umiiyak? Tahan na." hinaplos ko ang kanyang likod.

"Eh kasi mahal kita! mahal kita! mahal na mahal na kita!" aniya kasabay ng pagsuntok niya sa dibdib ko. Bigla siyang umupo at napasama rin ako dahil hawak hawak ko ang braaso niya. "Mahal na kita, Aaah! ayoko nito! ayoko nito! hindi dapat kita minahal!" aniya.

Nasasaktan akong nakikita siyang ganito, pero mas nasasaktan ako dahil nasasaktan siya ng dahil sakin. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero hindi ko magawa.

"Huwag mong sabihin yan, mahal din kita Aemy, huwag mong sabihing ayaw mo." Bigla nanaman siyang tumayo at nagpunas ng luha.

"Mali eh! Maling mali Kookie! Nakapag desisyon na akong patayin ang nararamdaman ko sayo, bakit kailangan mmong gawin to?!" aniya. "Masakit Kookie, masakit dito!" dinadagma niya ang kanyang dibdib. "Kaya parang awa mo na, hayaan mo na akong kalimutan ang nararamdaman ko sayo." dagdag pa niya. Para akong tinataga ng buhay sa bawat salitang binibitawan niya.

Niyakap ko siya. Ano bang dapat kong sabihin sakanya, gusto kong sabihin sakanya kung gaano ko siya ka-mahal ngunit hindi ko magawa. Ano ang sasabihin ko sa kanya gayong gusto niyang kalimutan ang nararamdaman niya?

"Bakit kailangan mon awin yan? gayong mahal din kita." malumanay kon sabi. Bigla nalang kumawala sa pagkakayakap ko si Aemy at itinulak ako.

"No! I dont wanna ruin your relationship! Paano nalang si Tany---" aniya. Sumiksik yung heels niya sa semento kaya nawalan siya ng balanse. Hindi ko siya magawang hatakin o saluhin dahil itinulak niya ako. Bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay.

[ SUGAR POV ]

"Ano!? si Aemy?!" lumikas ang dugo sa mukha ko at talagang namutla ako nang ibalita sakin ni Aiyoo na nasa hospital ngayon si Aemy. "Anong nangyari?" agad kong tanong.

"Ewan ko, unconcious daw eh, nasa ER" hindi na kami nag-aksaya ng oras at agad sumugod sa hospital. Nadatnan nalang namin si Kookie sa waiting area at bakas sa mukha nya ang pag-aalala.

"Kamusta na siya?" bungad kong tanong.

"Nasa loob siya ngayon, on going ang test sakanya." tugon naman niya.

"Ano ba ang nangyari?" tanong naman ni Aiyoo. Ibinaon ni Kookie ang mukha niya sa kanyang palad at nagpakawala ng napakahabang buntong hininga.

"Kasalanan ko to eh, hindi ko siya nahatak." aniya. Sakto namang tinawag ang pangalan niya sa paging system. Nagpunta kami kung nasan si Aemy at kinausap ang doctor.

"Doc, ano po?" tanong ni Kookie.

"So far,wala naman akong nakikitang problema, ang main concern lang natin eh brain contusion. Malakas kamo ang pagkakabagsak niya?" tanong ng doctor. lahat kami ay napatingin kay Kookie at naghihintaya ng sagot.

"Yes doc, sumiksik kasi yung heels niya nung umaatras siya, sa tingin ko ulo nya yung unang tumama sa semento." tungon si Kookie.

"Kailangan nating hintayin ang resulta ng CT-Scan at i-evaluate siya pagkagising. Sa ngayon, i-admit natin siya for further exams tests." Sumang-ayon naman ang lahat at inilipat sa private room si Aemy. Lahat kami ay umupo sa tabi ng kama niya.

"Umuwi na kayong dalawa, ako na muna ang magbantay sakanya habang wala pa si Ralph Mond." ani Kookie. Sinisisi talaga niya sarili niya sa nangyari, gayong aksidente naman.

"Oh sige, ikaw na muna bahala, maaga nalang akong babalik bukas." nagpaalam kami ni Aiyoo sakanya, bago ko tuluyang isara ang pinto, nakita kong hinawakan ni Kookie ang kamay ni Aemy at yumuko.

Kinabukasan. Si Ralph Mond na ang inabutan namin na nagbabantay kay Aemy. Madaling araw palang ay umuwi na siya dahil dumating na si Ralph Mond.



[ KOOKIE POV ]


Pasado alas tres na ako nagising at pakiramdam ko wala parin akong tulog. Hindi mawala sa isip ko si Aemy na nasa hospital. Gising na kaya siya?

Tinext ko si Sugar kung kamusta na si Aemy. Agad naman siyang nag-reply.

From: Sugar

Gumusing na siya kanina, bumalik ulit natulog. Sabihin mo kung papunta ka na. Samahan mo akong bumili ng pagkain.

Agad na akong naligo at nagpalit ng damit. Alam ong magiging awkward kapag nagkita kami, pero kailangan ko siyang makita. Alaskwatro ay nagkita kami ni Sugar sa supermarket para bumili ng makakain.

"Kamusta na siya?" agad kong tanong.

"Aemy parin, makulit, ok naman results niya." tungon ni Sugar habang itinutulak yung cart.

"Wala naman siyang sinabi sayo tungkol kagabi?"

"Wala naman..." kimi niya. Bakit parang may hindi siya sinasabi sakin. Natapos naming bumili ng pagkain at agad kamin nagpunta sa hospital. Habang nasa elevator ay napansin kong parang may gustong sabihin ni Sugar.

"Sabihin mo na." bungad ko na ikinagulat niya.

"Ano kasi, diba malakas pagkakabagsak ni Aemy sa semento? Baka hindi ka maniniwala pero--" hindi pa niya natatapos ay sumabat na ako.

"amnesia?" tumango siya. Parang in-expect ko na dahil madalas mangyari sa movies pero nangyayari pala talaga sa totoong buhay.

"Pero kilala pa rin niya ako, si Ralph Mond at si Vincent na bumisita nung umaga, kaya lang si Aiyoo, hindi niya maalala.. kaya ano..."

"pati ako?" nagkaroon ng katahimikan hanggang sa makarating kami sa room floor ni Aemy. "Okay lang ako, ang mahalaga, ayos na siya."

"Hindi pa namin sinasabi sakanya na may amnesia siya, pinakilala ko lang si Aiyoo na schoolmate. Ang alam niya sa ngayon eh.. sila pa ni Vincent. Kaya medyo natagalan siya kanina dito."

Naunang pumasok sa kwarto si Aiyoo at narinig ko agad ang boses ni Aemy.

"Ang tagal ng pagkain ha! nangangayayat na kami sa gutom! Hahahaha!" ani Aemy, napangiti nalang ako dahil masigla ang boses niya. Pumasok ako sa kwarto at binati siya. Nalukot ang mga mata niya na parang kinikilatis kung sino ako.

"Kukuha lang ako-- kami ni Aiyoo ng yelo sa lobby." ani Sugar na hinihila palabas si Aiyoo. Bago niya isara ang pinto kay ngumiti siya sakin.

"Uhhm, anong pangalan mo?" tanong niya sakin. Medyo kumirot ang dibdib ko dahil hindi niya ako makilala pero masaya ako at nakikita ko siyang nakangiti at masaya. Bakas parin ang pamumugto ng kanyang mata.

"Kookie, schoolmate tayo." tugon ko naman. Humila ako ng upuan at pumyesto malapit sakanya. Napansin kong panay ang titig niya sakin. "May dumi ba sa mukha ko?"

"Ah, wala.. you look familiar, did we meet once?" aniya. Napangiti ako. "Whoa!" bigla siyang napahawak sa dibdib niya. Halos mapatayo ako.

"Bakit, anong problema?" nag-aalala kon tanong.

"Hindi ko alam, bigla nalang bumilis tibok ng puso ko." aniya.

"Teka, tawagin ko yung nurse." akmang tatayo na ako ay pinigilan niya ako.

"Wag! Dito ka lang, wag mo akong iwan dito maag-isa." aniya habang hawak ang kamay ko. Napatingin ako sakanya at nagbabadya na ang luha sa mga mata niya. Bumalik ako sa pagkaka-upo.

"Ah! sorry." agad niyang binawi ang kamay niya na para bang nagulat siya sa ginawa niya. "Wala yun" tugon ko sakanya. Ibinuka ko ang aking bibig upang itanong kung talanag hindi niya ako maalala pero agad ko ring itong itinikom.

"Pasensya na kung inabala ka pa ni Sugar bumili ng mga pagkain, may pagka-bossy kasi yun." nginuso niya ang dereksyon ng mga pinamili namin na nakalapag sa sahig.

"Naku wala yun, pupunta rin lang naman ako dito eh."

"Uhhm, bakit ka pupunta dito?" agad niyang tanong. Hindi agad ako nakasagot at inisip kung ano ang dapat kong sabihin. "Para bisitahin ako?" dagdag niya. Tumango ako.

"Wala ka bang naaalala? I mean, kung bakit ka na-hospital?" may pagtataka sa kanyang reaksyon.

"Naaalala? wala-wala naman, ewan ko nga rin?" aniya na parang hindi sigurado. Kumipas ang saglit na katahimikan. "May girlfriend ka na?" isang tanong na nagdulot upang mablangko ang isip ko habang nakatitig sakanya. Sumandal ako sa upuan.

"I dont think na matatawag mo siyang girlfriend" tugon ko na may tipid na ngiti. Kumunot ang mata niya at nag-isip.. inanggulo ang kanyang ulo sa kanan. "Uuuhhmm.. fiance?" patanong niyang sabi na parang nanghuhula.

"I had a fiance." Nanatili siyang nakatingin sakin na para bang naghihintay ng kasunod. Napayuko ako at muling tumingin sakanya, ngayon ay umalis ako sa pagkakasandal sa upuan at nilagay ang mga braso ko sa aking hita.

"I had a fiance, We cancelled our engagement-" nakita kong nag-iba ang reaksyon niya at bakas sa mukha niya ang tanong na bakit? "-kasunduan lang kasi ng pamilya, negosyo. May boyfriend siya and besides it won't work." Sinigurado kong magkatagpo ang aming mata mga. "May mahal na akong iba."


[ AEMY POV ]


"May mahal na akong iba." napakagat ako ng labi at tuluyan nang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Ibinaon ko ang mukha ko sa aking palad at umiyak nalang. Naramdaman ko ang pagkagulat at pagaalala ni Kookie dahil agad siyang tumugon sa tabi ko.

"Bakit? anong problema? bakit ka umiyak bigla?" alalang alala siyang hinahaplos ang likod ko upang patahanin ako. Niyakap ko siya. Ipinalibot ko ang aking braso sa leeg niya. Nag-alangan siyang yapakin ako. Dahan dahan ay naramdaman ko ang mainit niyang yakap at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Tama nga si Sugar, talagang wala na ang engagement nila. Pero kailangan kong magpanggap upang malaman kong totoo ito. Pero ngayon nakumpirma ko na ang matagal ko nang ikinakatakot.

"Aemy?" bulong ni Kookie. Kumalas kami sa pagkakayakap at pinunasan niya ang mga luha ko.

"Sorry."

"Sorry saan?"

"Sorry kung nagpanggap akong may amnesia,gusto ko lang malaman---" inilapat niya ang kanyang hintuturo para pigilan akong magsalita. Nagdikit ang aming mga noo.

"I know, I should've told you. Hindi ko alam na nasasaktan ka na dahil sakin. alam kong dapat sinabi ko na sayu matagal na, pero nagihintay lang ako ng pagkakataon." Nararamdaman ko ang kanyang hininga. Magkalapit kami at parang naririnig ko ang pagtibok ng aming mga puso. Hinalikan niya ang noo ko at muling pinunasan ang malapit nang matuyong luha sa pisngi ko.

"Will you fall in love with me?" parang lumaki ang puso ko at tumibok ng napakalas. Halos matunaw ang sa mga katagang binitawan niya.

"I already am."


*BAAAM* "Wooooooooooh!" biglang pumasok at nag-ingay si Sugar at Aiyoo sa kwarto kaya napabalikwas kami ni Kookie. "Grabe! Sa sobrang kasweetan niyo naging asukal yung yelo at nawala sa hangin!" hyper na hyper si Sugar at labas gilagid ang ngiti niya at panay ang tulak kay Aiyoo.

"Halos mabura tenga ko kakadikit sa pinto--- ka-kasi piningot ni Sugar." aniya na nautal -utal pa.

"Wag na kayong magdahilan. Both of you were evesdropping!" pangbubuking ko. Well, nung pinaplano palang namin eto, alam ko nang gagawin nila yan.

"Will you fall in love with me? Woooshoooo!" pang gagaya ni Aiyoo habang nakatingin kay Sugar. nagfangirling ang dalawa at mas kinikilig pa saakin. Naghahampasan at panay ang ngisi.

"I already am" sumunod naman si Sugar. Nagkatinginan kami ni Kookie at alam kong pareho kaming namumula. Binato ko ng unan yung dalawa na panay ang pang-aasar saamin.

Dinala nila ang pagkain sa kama ko at sabay sabay kaming kumain. Ikinuwenta rin naman ang plano namin amnesia at kung paanong nagpanice kami nung papunta na si Kookie. Nagka-ilangan kaming dalawa ni Kookie dahil sa pangangantyaw ng dalawa at dahil nakaka-ilang lang talaga.


Hindi kami makapag-moment ni Kookie dahil sa dalawang kenkoy na to. Pero salamat sakanila, naging memorable ang araw na ito.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro