Chapter 2

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[ AEMY'S POV ]

"Psst, malapit na matapos yung klase." siko sakin ni Sugar habang nginu-nguso si Kookie sa harap.

"Alam ko!" pigil kong sabi. Para akong natatae, na kinakabahan at di mapakali. Pwede bang magkaroon ako ng instant trasmission gaya ng kay Goku at maglaho sa kinalalagyan ko? 

Ikamamatay ko ang nakakaloka at nakakatoreteng nangyayari sakin. Mahal ko na si Kookie, tapos umalis siya at pumuntang probinsya. Malalaman kong may fiance siya, super super depressed ako. Then bumalik siya at tinapos ko ng naghihingalo ang fake relationship namin. Iiwasan ko na siya at kukumbinsihing magkaibigan lang kami pero ano? anong katalinuhan ng nagsulat ng buhay ko at naging ka-klase ko siya! Anong ipinaglalaban mo author! este Anong ipinaglalaban ng buhay ko!

"Class dismissed. Be sure to turn in your class cards tomorrow." At narinig ko na nga ang hudyat na aking ikinakatakot sa mga sandaling ito. Hinga ng napakalalim. Sumulyap ako sa harapan para tignan si Kookie pero wala siya..

"Phew~ thank goodness.." wala siya. Ohh ang puso k--

"Aemy~"

"Ay anak ng pag-ibig ko sayo!!" bigla akong napasigaw sa gulat. Gusto kong bingwitin sa dagat ng kawalan ang puso ko dahil sa gulat. Si Kookie.

"Haha, oh- bakit yung pag-ibig mo? sakin ba yan?" naka-ngiti niyang sabi. Jusko ang mga ovaries ko! Oo, sayo nga to. Kunin mo na at di keri ng feels ko!

"Ha-haa?! A-anong palabas ma-maya?" pag-uutal kong sabi.

"Pfft. Anong konek?" pinana ko ng masakit na tingin si Sugar na nagpipigil ng tawa. Chong, Jojun, Balsa! wala ngang koek. Gusto kong patayin sarili ko! "Oops!"

"Haha, oo nga, anong konek, Aemy?" singit naman nitong kahalay halay na demonyo sa tabi ko.

"Isa ka pa! Wala!" nararamdaman ko ang napaka-init na pisngi ko. May nilapag siyang cute size paper bags sa harap namin ni Sugar, tig-isa kami. "Ano yan?"

"Hmm.. pasalubong. Open it." sabay naming kinuha ang box sa loob at binuksan. Sea shell bracelet yung kay Sugar na agad niyang sinuot at sea shell necklace na may pearl sa gitna ang sa akin. Nagpasalamat kaming dalawa sakanya. Pero di ko na isusuot tong necklace. For safe keeping nalang.

"Amin na.." kinuha ni Kookie yung necklace sa box. "you should wear it." aniya. Tinggal niya ito sa lock at marahang nilagay sa leeg ko. Habang inaayos niya yung lock sa likod at nakikiliti ako sa bawat pagdampi ng kamay niya. Enebe! Hinawakan ko naman ang pendant ng necklace..

"Thanks--" bigla akong natigilan dahil paglingon ko sa kanan para pasalamatan siya ay napakalapit ng mukha niya sakin. Nagkatitigan kami at hindi ko alam an gagawin ko.

"Looks really good on you.." binaling niya ang tingin sa pendant at marahan inayos ang buhok ko at nilagay sa likod. "Thanks." kimi ko nalang. Kelangan ko na talaga ng bagong puso, overworked na tong sakin. Baka bumigay na sa sobrang lakas ng pagtibok!

"Uuwi na ba kayo? Sabay na tayo." agad ay pag-aaya niya.

"Sige, tara!" -Sugar.

"Hindi, may gagawin pa kami!" sabay naming sabi. Binigyan ko ng may-gagawin-tayo look si Sugar.

"Ay, oo nga pala may gagawin pa kami. Bukas nalang." pasimple ko siyang siniko at tiningnan ng malakas. Anong bukas?!

"Ahh.. ganun ba? Sige. Mauna na ako." pagpapaalam niya sabay ay halik sa noo ko. Kinilig na ako eh pero sunod naman siyang nag beso sa pisngi ni Sugar. Hoy anong kalandian-- what-- Nakaka-irita! Sinundan lang namin siya ng tingin hanggat mawala siya sa paningin namin.

"Witwew.. anyare du--un?" sinamaan ko ng tingin si Sugar. "Oy, siya ang nag-beso sakin ah!" pagdedepensa niya na parang nabasa ang nasa isip ko.

"Eh bakit ka nagpa-beso! Kainis..!" inis akong tumayo. Ewan ko ba, alam ko namang walang malisya yun eh. Kaso...

"Friends nalang kayo diba? I'm starting to like him" at talaga naman ang babaeng ito! Torture sa buhay ko kahit kailan!  Kung pwede lang gawing laser tong titig ko, naku!

"Subukan mo, at gigilitan kita sa leeg gamit yang bracelet!" pananakot ko.

"Joke lang teh, tara na nga. Baka lumabas pa yang dragon sa ilong mo!" 

----------------------------------------

VOTE. COMMENT. SHARE.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro