Chapter 5

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[ AEMY'S POV ]

"O sige na, magpahinga ka jan." Ani Sugar. Hinatid niya ako sa bahay. "Matulog ka, huwag puro Kookie iniisip ha!" dagdag pa niya. Inabot ko yung unan sa gilid ko at ibinato sakanya. Siyempre dahil nanghihina ako, di umabot ung unan sa kanya.

"Lumayas ka na nga jan! Mang-aasar pa ih!" tumalikod ako sa kanya at niyakap ang malamig na unan ko.

"Bye bye! Sana mapanaginipan mo ang yummylicious abs ni Kookie!" pangsusutil pa niya, humarap ako sakanya pero agad na niyang isinara ang pinto at umalis. Tss. Baka lalo pa akong magkalagnat kung sakaling mapanaginipan ko yun.

"Ang init!" sinilip ko yung aircon na nakalagay lang sa COOL kaya napilitan akong ilagay ito sa TURBO COOL. Grabe, ang bigat ng pakiramdam ko, Nanlalagkit ako sa pawis kaya naligo ako. Para akong natanggalan ng tonetoneladang libag! Paglabas ko ng banyo ginapang ako ng lamig at biglang sumakit ng lao ulo ko. Langya, sobrang lamig ng aircon kaya ibinalik ko ulit sa COOL.

"Tsk! Sh*t--" kumikirot talaga ulo ko, parang bibiyakin.

*Bzzzt* may message ako. Binalot ko ng twalya ang basa kong buhok at dahan dahang umupo sa kama dahil talagang nag-uumpisang umikot ang paningin ko.

Fr: Sugar

I forgot, naiwan ko sa kusina yung mga gamot. Hehe.

Hay naku naman, hihiga nalang ako dito kesa bumaba.

To: Sugar

Nevermind, ayokong bumaba. Mamamatay na ako sa sakit ng ulo ko.

Walang ano-anoy nagreply agad siya.

Fr: Sugar

OMG! Gusto mo papuntahin ko jan si Kookie? Nakasakay na kasi ako ng bus eh.

Tignan mo tong babaeng to, concern ba to o talagang sadista?

To: Sugar

Subukan mo lang, babalatan kita ng buhay! Swear!

------------------

Fr: Sugar

Yiiieee.. aminin na kasi, nilagnat ka sa sobrang overdose mo kay Kookie. Hahaha!

-----------

To: Sugar

Ewan ko sayo!

Sabay kong pinatay ang phone at isinubsub ang ulo ko sa unan. Grabe, parang pinupukpok ng maso ulo ko.

*Bzzt* *Bzzt* *Bzzt* Patuloy sa pag-vribrate ang phone ko. Sinilip ko kung sino. Nag-flood lang naman si Sugar Kaya isinubsob ko nalang ulot ulo ko sa unan. At sa inaraw araw na ginawa ng panginoon, patuloy parin sa pag-vibrate ang phone ko kaya inangat ko ang ulo ko para replayan si Sugar.

"Uggh--" Pagkapindot ko ng message ay biglang kumirot ang ulo ko kaya nahilo ako at medyo nanlabo mga mata ko. At nang makapagpahinga na ako replayan ko na to ng gusto niyangsabihin ko at nang matigil na.

Oo na jan!  sa sobrang pagmamahal ko sakanya na-overdose ako at heto ako ngayon nilalagnat, nahihilo at pakiramdam ko mabibiyak sa sakit ang ulo ko! Happy!? Ugh!

Sending failed. Uugghhh! Kelangan ko pang umupo para i-send.

Sending.... Nakita kong may signal na kaya ibinaba ko na ang kamay ko.

Message sent. Humilita na ako agad. Bago pa man namatay ilaw ng phone ko ay binasa ko ulit yung reply ko..

To: Kookie

Oo na jan!  sa sobrang pagmamahal ko sakanya na-overdose ako at heto ako ngayon nilalagnat, nahihilo at pakiramdam ko mabibiyak sa sakit ang ulo ko! Happy!? Ugh!

Ipinikit ko mga mata ko pero nakahawak parin sa phone. "Kookie?" napamulat ako ng bongga at tinignan ang message.

"Aaahhhh!!!!!!!!" Humaygoodness gracious holy macaroni!  Shocks! Bakit sakanya ako nagsend? Aaaahhh! Tinignan ko ang flood message ni Sugar.. walangya! Sa dami ng flood message niya bakit si Kookie ang nareplayan ko!

Juice colored! grabe ang pintig ng puso ko, parang kakawala sa rib cage! Aish! Nakakainis naman iihhh!! Bakit ngayon pa ako na wrong sent? Hhmm.. Wala namang nakalagay na pangalan sa message ko.. sh*t lang talaga. Anong sasabihin ko kay Kookie?

To: Kookie

Sorry.. Wrong--

nung akmang pipindutin ko na yung letter "S" biglang may tumawag kaya ang napindot ko eh yung "ANSWER CALL"..

"Hello.." si Kookie.

"AAHHHH!!! NOOOO!! WAAAAA! ARGGHH!!!" sa loob loob ko ay nagwawala na ako. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng malamig. Anong sasabihin ko? Ano! Waaaaa! Help me!

"Aemy? Hello? Okay ka lang ba jan?" Boses palang niya ay kinakabahan na ako, di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sa sobrang taranta ko ay binitawan ko ang phone at isiniksik sarili ko sa kumot habang nakatingin sa phone.

Nag-call end na ito. Sa sobrang sakit ng ulo ko at hilo ay di na ako nag abalang tingnan pa yung phone kahit vibrate ito ng vibrate.


--------------------------[ Author's Note ]----------------------------

Thank you for reading Book Two of Gay turned Campus Hunk: Fall In Love With Me.
Don't forget to VOTE, leave a COMMENT and SHARE it with your friends!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro