Chapter 8

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

[ KOOKIE'S POV ]

"Kookie, sama ka sa gig namin." nilingon ko sa classmate na kumakausap sakin sa likuran ko.

"Gig? kelan?"

"Sa Sunday, libre kaba, kulang kasi kami ng isa eh." aniya.

"Sorry, may date ako eh." Pagtanggi ko at di ko sinasadyang mapatingin sa dereksyon nina Aemy na nakatingin din sakin. Napatingin din ang classmate sa kanila at bumalik ng tingin sakin kaya nginitian ko nalang siya.

"Hindi, okay lang. Enjoy nalang kayo ni Aemy." aniya at naghanap ng ibang maiimbitahan. Di nagtagal ay lumapit sakin si Sugar.

"Huy, sino yang ka-date mo? tinanonng ko si Aemy, wala naman daw kayong date?" pabulong niyang tanong.

"Si Aiyoo at--" nakalimutan kong tanungin pangalan nung tatlo niyang kaibigan. "si Aiyoo, manonood kami ng sine." dagdag ko.

"Oh, eh bakit pangalan ni Aemy narinig ko?" pumilantik ang kilay niya at parang imbestigador na naghihintay ng sagot ko.

"Wala akong sinabi, napatingin kasi ako sa inyo kaya akala niya si Aemy yung ka-date ko." pagpapaliwanag ko.

"Juice colored, eh paano ka makaka-score kay Aemy niyan kung pinapakita mong may ka-date ka? Shunga lang?" aniya. May punto naman siya, kaso natalo ako sa pustahan eh. Wala akong magagawa.

Sunday.

"Oi! Kookie!" Nakita ko sina Aiyoo na papa-akyat na ng escalator. "Sorry, late kami. Hirap pumili ng damit eh." aniya.

"Nahirapan ka pa sa pag-pili niyan?" kinilatis ko ang kabuoang suot niya. Naka Kaki shirt siya maong shorts at sneakers, yung tatlo naman naka blouse, pants and sandals.

"May problema ka sa suot namin?" pagtataray niya. Natawa naman ako. "Wala, ang gaganda niyo. Tara na, nagumpisa na yung movie." Bago kami pumasok ay bumili kami ng popcorn at softdrinks. Nag group picture kami sa showing stand bago pumasok sa loob ng cinehan. Umupo kami sa gitna at nasikuha ng popcorn at drinks.

"Kookie, kulang yata nabigay nung tindera. Apat lang itong sofrtdrinks dito."

"Ganun ba? Labas muna ako, kuha ng inumin ko." paalam ko sakanila kaya lumabas ako ng sinehan. Sinabi ko sa tindera na kulan yun naibigay niyang softdrinks pero di niya ako binigyan dahil wala yung resibo at yung mga pinamili kaya bumili nalang ako ng bago.

Naalala ko, huli kong nood ng sine ay kasama si Aemy. Pabalik na ako ng sinehan nang mmapansin ko ang isang babaeng nagtatago sa poste malapit sa entrance at parang may hinahanap. Derederetso lang ako na dumaan sa gilid niya..

[ AEMY'S POV ]

"Ano daw?" tanong ko kay Sugar.

"Si Aiyoo daw ka-date niya. Mag-sisine daw sila sa Sunday." aniya.

"Ahh, ganun ba?" hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi.

"Selos ka na niyan?" biglang singit ni Sugar. "Selos? oi, di ah, bakit ako magseselos.. eh magkaibigan naman sila." sabi ko naman.

Sinabi ko yun pero sa totoo lang, di ako mapalagay. Di ko maiwasang maisip na sana ako nalang ang kasama niyang manood ng sine. Wala namang masama kung may date sila ni Aiyoo, labas na ako dun, pero di ko maiwasang mainggit. Naiingit ako sa mga close at nagiging close ni Kookie. Siguro nga, talagang nagseselos ako.

Sunday.

Hindi ko naman alam kung anong movie ang panonoorin nila pero nagpunta parin ako dito. Nung huli kong ginawa ang mag-stalk eh nasaktan lang ako. At anu naman kayang gagawin ko kung sakaling makita ko sila? Pumwesto ako sa isang poste at sinisilip ang mga entrance ng sinehan baka sakaling makita ko sila. Pero para lang akong tanga dito.

"Aemy?" paglingon ko sa gilid ko ay bumalandra sakin si Kookie na may hawak na softdrinks.

"Anong ginagawa mo dito!/Anong ginagawa mo jan?" sabay naming sabi. Muntik ko nang mailuwa ang puso ko dahil nakita ako ni Kookie.

"Uhhm, manonood ng sine? ikaw, anong ginagawa mo jan? may hinahanap kaba?" tanong naman niya. Kalma lang Aemy. Pakalmahin mo ang puso mo utang na loob.

"Ah, ano kasi.. bibili ako ng drinks! nauuhaw ako eh. Aha- ahaha." palusot ko naman.

"Marami naman perong drinks sa baba?" dagdag pa niyang tanong. Good job Aemy, madami nga namang stalls ng drinks sa baba, gusto kong mag-facepalm pero wala akong time para dun.

"Dito na kasi ako inabutan ng uhaw eh." at na-realize ko, kung dito ako naabutan ng uhaw, bakit wala akong dalang inumin? Arrgghhh! Sunga ka na nga talaga Aemy. San na napunta ang utak mo! Nakita ko sa mukha ni Kookie na hindi pinaniniwalaan pinagsasabi ko. O'cmon. sino ba maniniwala sa mga sinabi ko?

"Ok, sinong kasama mo?"

"Huh? ano- ako lang." naniwala siya? pero parang pakiramdam ko hindi eh. "Eh ikaw? sino kasama mo?" ano ba! sympre si Aiyoo.

"Sina Aiyoo, nasa loob na sila eh." tugon naman niya.

"Sina?" i mean, may kasama pa siyang iba?

"Aiyoo and her friends, natalo kasi ako sa pustahan kaya kelangan ko sila ilibre ng sine." tugon naman niya. Napangiti ako at talaga namang gumaan pakiramdam ko sa narinig ko. So this is not the date I was thinking.

"Hm? ano namang klaseng pustahan yun?" tanong ko naman.

"Staring game. Ang unang liihis ng tingin talo." aniya. Teka, staring game? "At dahil sayo kaya ako natalo." dagdag pa niya.

"Sakin? bakit ako?" taka kong tanong sakanya.

"Eh bigla ka kayang sumigaw ng stop  ng pagkalakas lakas kaya napatingin ako sayo. Talo tuloy. Huhuhu." pagpapaliwanag niya. Ahh, so yun pala yun. Nagmukha nanaman akong tanga.

"Sorry naman."

"Bakit ka nga pala sumigaw?" tanong niyang nagpatigil ng funtion ng utak ko dahil di ko alam ang idadahilan ko. "Hm?"

"Eh- kasi.. hahalikan mo na siya eh." nahihiya kong sabi sabay iwas ng tingin sakanya.

"Technique ko kasi yun para ku-- ayaw mong halikan ko siya?" biglang bago niya ng tanong .

"Oo naman!" naunang gumalaw ang bibig ko kesa sa utak ko. I am so gonna bury myself underground.

"Bakit?" aniya na parang nangingilatis at may pataas taas pa ng kilay. Jusko! holy water please! 


"Eh kasi.." humaygulay nalang talaga Kookie. "kasi nga diba.. di pa alam ng lahat na break na tayo.. i mean tapos na contract natin and besides.."

"besides?"

"may fiance ka Kookie." naisampal ko nanaman sa sarili ko ang masakit na katotohanan. Wala talagang magandang dulot kapag nagstalk ako eh. Nagkaroon ng katahimikan. Ang awkward naman.

[ KOOKIE'S POV ]

"Aemy, tungkol sa amin ni Annalise.. yung engagement kasi-" balak ko na sanang sabihin na canceled na ang engagement namin ni Annalise kaso pinutol niya ako sa pagsasalita.

"A-anyways, it's not good to flirt when you're engaged." aniya sabay talikod sakin.

"I'm not really flirting, kasi yun engagement na-" hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko. Hindi yata siya interesado.

"Sige, alis na ako" aniya habang naglalakad palayo.

"San ka pupunta?"

"Sa CR!" tugon niya sakin habang nakatalikod. Bigla siyang huminto at dali-daling lumiko sa dereksyon ng CR kaya bumalik na ako kina Aiyoo.

[ AEMY'S POV ]

Ilang minuto narin akong naka-upo dito sa cubicle at naka-tunganga. Makatingin lang ako sa lock ng cubicle at iniisip kung para saan yun, bakit kelangang naka-upo at bakit may siwang ang pintuan. Lord, nagmalfuntion nanaman po ang utak ko. Bila akong napaayos ng upo nang may mga paang huminto sa harap ng cibucle ko at kumakatok.

"Miss, matagal ka pa ba?" aniya. Urgh, ayoko pang lumabas dito. Anong gagawin ko.

"Uh- medyo.. di ba available yung ibang cubicle?" tugon ko naman.

"Out of Order eh, saka kanina pa kami naghihintay dito." aniya. Aish, no choice na ako nito. Lumabas ako ng cubicle at nakita kong 5 na silang nakapila. Nakakahiya grabe. Naghugas muna ako ng kamay.

"Grabe, ang gwapo nung kuya noh?"

"Oo nga, pwede ko siyang titigan ng buong araw! Para siyang dinikit na poster dun." anang dalawang babaeng nakasalubong ko paglabas ko ng CR. Pssh, wala nang maggwa-gwapo kay Kookie noh, excuse me. Teka, tawagan ko nalang si Sugar para may kasama ako.

"Asan na.." asar naman eh, di ko makita phone ko sa bag.

"Yo!" si Kookie nakasandal sa pader.

"Anong ginagawa mo diyan?" agaran ko namang tanong.

"Hinihintay ka." tugon naman niya. Hinihintay ako?

"Bakit?"

"Hmm, mas-gusto kitang ka-date eh. Hehehe." Grabe, ayokong ipakitang masaya ako pero nagpupumilit ngumiti ang pisngi ko. Yiie! mas gusto daw niya akong ka-date! Hahaha-haba ng hait ko.

"Adik ka ba? Eh paano sina Aiyoo?" agad ko namang tanong.

"Nag-paalam akong may pupuntahan, tara." Mabilis niyang kinuha ang kamay ko at hinila ako.

"Saan tayo pupunta?" lumingon siya sakin at ngumiti. "Sa puso ko." Napanga-nga ako. "Hehehe.." pinalo ko ang braso niya.

"Umayos ka nga! Tse!" pero sa toto lang, handa na akong bumili ng one way ticket papunta sa puso niya. Dinala niya ako sa arcade. Diba sa movies, ikukuha ng lalake ang babae ng stuffed toy sa crane machine? Pft. Ang cliche naman nun. Asa pa akong mangyayare yun.

15 minutes later.

"Oh eto, teddy bear mo." ibinato niya sakin ang maliit na teddy bear na nakuha niya sa crane machine. At ako, di makapaniwalang nangyari ang cliche na sinasabi ko. "Thanks."

 Isinunod namin ang bump car at motor race. Nagpakabata kaming naglaro ng Tekken sa video game at syempre natalo ako. Pati dance revo pinatulan narin namin at napalibutan kami ng maraming nanonood. What to expect? syempre, maraming babae.

"What's next? videoke tayo?" itinuro ko ang empty booth sa corner. Inakbayan niya ako at sabay turo sa kabilang dereksyon.

"Live stage!?" halos mapasigaw ako.

"Ayaw mo?"

"Ayoko nga, nakakahiya!" mariin kong tanggi.

"Tara na, kasama mo naman ako." aniya na kinakaladkad na ako paputang live stage habang naka-akbay sakin.

"Ayoko!" sa sobrang sipag kong magpumiglas, di ko namalayan nasa stage na kami kaya bigla na akong tumigil dahil maraming taong nakatingin samin.

"Anong gusto mong kantahin?" tanong ulit niya, ngayon ay abala sa pagbuklat ng songbook. Bababa na sana ako ng stage kaso inakbayan niya ulit ako. Grabe, ang init na ng pakiramdam ko.

"Ayoko, di ako kakanta." pabulong kong sagot sakanya.

"Kung di ka kakanta, hahalikan kita, sige!" pagbabanta niya sakin kaya napatulala ulit ako.

"Halikan mo nalang ako, yoko kumunta. Hmphf!" pagsusungit ko, as if naman gagawin niya.

Tsuuuup sa lips. Masyado mabilis ang pangyayari at ang tanging naririnig ko ay ang hiyawan ng mga tao. Pakiramdam ko nangangamatis na ako sa pula.

"Your wish is my command. Sige, upo ka nalang jan, ako nalang kakanta." aniya, itiruo niya yung upuan sa tabi niya na sa di ko malamang dahilan at umupo din ako.

Nagsimulang tumugtog ang videoke at kinuha niya ang mic.

A Thousand Years by Cristina Perri. Jusko jugigo, masusurvive ko po ba ang pagsubok na ito at hindi himatayin? Parang yapak n tumatakbo at nagmamadaling kabayo ang pintig ng puso ko. Naka-focus lang ako kay Kookie na naging blurred ang paligid ko.

I have died everyday waiting for you~

Darling don't be afraid I have loved you~

For a thousand years, I love you for a thousand more~ nakatingin lang siya sakin habang papalapit. Paki-ramdam ko, para sakin talaga ang kantang ito. Nagpatuloy sa paghiyaw ang mga tao na nanonood kaso si Kookie ang ang naririnig ko. Naririnig ng puso ko. Naghahalong saya at lungkot ang nadarama ko ngayon. Masaya ako dahil kahit sa ganitong pagkakataon ay kaharap ko siya at malungkot ako dahil alam kong sa mga mata niya, si Annalise ang kaharap niya at hindi ako. Malapit nang matapos ang kanta.

For a thousand years, I love you for a thousand more~  di ko lang talaga mapigilan ang ngiti ko. Nagpalakpakan ang mga tao at lumapit saakin si Kookie.

"I love you" aniya na nagdulot pa ng malakas na hiyawan.

---------------------------------------------------

VOTE. COMMENT. SHARE!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro