11:11pm
Rico: Ang gulo mo.
11:12pm
Jhing: ?
11:13pm
Rico: Hindi kasi kita magets minsan hahahahaha ang gulo
Jhing: Bakit?
Rico: Ewan. Basta. Ang gulo talaga eh :))
Jhing: Ah. Ok.
11:14pm
Jhing: Anong balita kay Ligaya?
Rico: Malay ko :))
Jhing: Di na bumalik sa shop niyo?
Jhing: Ano nga ba ung shop niyo?
Rico: Bumalik daw pero di muna ako pumupuntang shop eh
Rico: Maliit na cafe tas art studio
11:15pm
Jhing: Tinataguan mo si Ligaya?
Rico: Medyo?
Jhing: Bakit? Ayaw mo landiin?
Jhing: Malandi ka di ba?
Rico: Grabe ka naman!
11:16pm
Rico: Ansakit mo magsalita huhu ('∩`。)
Rico: Di ko trip yung hinahabol ako. Mas gusto ko yung biglaan kasi hindi naman ako naghahanap. Gusto ko yung nagkiclick lang.
11:17pm
Jhing: Nagkiclick? Ano yan, mouse?
Rico: Korni na :(
Jhing: Haha :p
Rico: RIP joke ni Jhing :((((((
Jhing: Bwisit!
11:18pm
Rico: Hahahahaha
Jhing: Balik mo na kay Ligaya yung topic!
Rico: Magjoke ka muna :">
Jhing: ._.
Rico: Dali na isang joke lang :">
11:19pm
Jhing: Gusto kita.
Seen 11:19pm
11:20pm
Rico: :o
11:22pm
Jhing: Gusto kita patayin pramis napapaksyet na ako sayo!
Rico: O___O!?!?!?!
Rico: Oh di ayun nga, si Ligaya. Sa ginagawa niya parang nanliligaw na siya sa akin eh
Jhing: Good, babalik mo rin pala e.
Jhing: Ayaw mo nun? Pampalaki sa malaki mong ego?
11:27pm
Rico: Ayos yun. Nakakapogi! Pero kaming mga lalaki, gusto namin ung nag eeffort na babae pero ayaw naman namin yung kayo lang nag eeffort na parang liligawan niyo na kami.
Rico: Ayos yung landi pero yung magiging girlfriend?
Rico: Hindi ko nilalahat pero ako kasi, gusto ko ako pa rin yung dominant.
Jhing: Dominant? Really?
Rico: Oo nga :(
11:30pm
Rico: Kasi pag kaming magtotropa nagsasama sama, nag uusap kami tungkol sa mga nangyari sa amin. Ang gara naman kung ang usapan namin ganito
Boy 1: O pre, kamusta kayo ng girlfriend mo?
Boy 2: Ah ayun, nilibre niya ako ng sine tapos may candle light dinner pa tapos omg nagbigay siya ng flowers sa akin! Ang sweet ng gf ko di ba?
Boy 1: Wala ka pala sa gf ko, binilhan ako ng house and lot kilergz :">
Jhing: (-‸ლ)
11:31pm
Rico: Di ba? Parang nag usap lang kami tungkol sa "pre, may tagos ba ako?" "Ay oo pre, gusto mo ng napkin? May extra ako" "Ah sige tara samahan mo ako sa CR"
Jhing: HAHAHAHAHAHAHA
Rico: Di ba?!
Rico: Nakakawala ng pogi points!
Rico: Matataas ang ego namin. At para tumaas pa yun, gusto namin ipagmalaki kami ng babae sa mga kaibigan nila na sweet kami. Nag eeffort kami.
11:32pm
Jhing: So gusto mo pinagmamalaki ka? Hindi ba pwedeng kami rin, ipagmalaki niyo? You're degrading women.
Rico: Hindi! Hinding hinding hindi.
Rico: Ayos yung effort kasi hashtag kiligtothebones yun pero iba pa rin syempre yung kaming mga lalaki gagawa ng paraan para maparamdam sa babae na prinsesa namin sila.
Jhing: Ang hopeless romantic mo.
Rico: Parehas tayo :">
Jhing: Watever.
11:33pm
Rico: Uhm Jhing.
Jhing: What?
Rico: Gusto mo ba maging prinsesa?
11:36pm
Jhing: Ayoko. Kasi ang prinsesa, hindi nabubuhay nang walang prinsipe. Mas gusto ko maging amazona na lang.
Rico: PANIRA KA TALAGA :(
Jhing: Haha :p
Rico: Moment ko yun eh! Bakit sinisira mo moment ko? :(
Jhing: Para di lumaki ego mo. :p
11:38pm
Rico: Pasalamat ka talaga. . .
Jhing: Thank you :)
Rico: Welcome :D
11:44pm
Rico: Pero may nangyari ba sayo ngayong araw? Nalimutan ko itanong kagabi eh hahahaha
Jhing: Leche.
11:48pm
Rico: :o
Rico: Wag biglaan :">
Rico: Di ako prepared :">
Rico: Leche rin :">
11:49pm
Jhing: ._.
Rico: Hahahaha :D
Rico: Jhing!!!
Jhing: What?!
Rico: Wag mo na uulitin yun :(
11:50pm
Jhing: Huh?
Rico: Yung joke mo :D
11:51pm
Jhing: What?
Rico: Basta wag na uulitin yung joke ah
Rico: Nakakasakit.
11:52pm
Rico: Sa sobrang kakornihan
Rico: Hahahaha :D
Seen 12:54am
--
Ang writer ng 23:11 ay si pilosopotasya. Ako. Ako po si Rayne. Babae. @ulaaaann sa twitter. @screenshots.ni.rayne sa ig. Pilosopotasya sa fb page.
Ayun! Wala na akong utang na day. Back to normal ulit. . . Goodnight :D
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro