Warning:
IMPERFECT ADULT CHARACTERS AHEAD.
do not read if uncomfortable with bad decisions. ('22)
11:11pm
Rico: Alam ko namang nakakagago ako pero nakakagago rin pala makitang masaya ka sa ibang lalaki
11:12pm
Rico: Nakakatuwa namang ito pa nadatnan ko pa sa pagbukas ng account
11:13pm
Rico: Status mo siya, status ka niya.
Rico: Sweet :D
11:14pm
Rico: Sana sinabi mo saken agad na oks na kayo ni Hans para hinayaan ko na lang tropa ko na idelete tong account. Tsk tsk nagmakaawa pa ako para sa account na to hahaha!
Rico: Rico Dirham. . .
Rico: Haha!
Seen 11:17pm
Rico: Uy online :)
Rico: Ayaw mo na sa akin di ba?
Rico: Gago kasi ako e di ba :D
11:18pm
Rico: bakit nagpapakiramdaman pa kayo ni Hans eh close naman kayo. Magsama na kayo tutal may picture nga kayong dalawa, oh. DP pa niya.
11:21pm
Jhing: What are you talking about?
Rico: Jhing!
Rico: Nagreply ka! :DDD
Rico: Akala ko di mo na naman ako papansinin eh :D
Seen 11:22pm
11:25pm
Jhing: Ano bang problema?
Rico: Wala naman hahahhahahahahahahahahah!
Jhing: Wala pero ganyan pinagsasasabi mo?
Seen 11:27pm
11:29pm
Rico: Ikaw
Seen 11:30pm
Rico: Ikaw problema ko
Jhing: What?
Rico: Kasi naiinis na ako
Jhing: Inaano na naman ba kita?
11:31pm
Jhing: Ang lakas mo mang ganyan pero tandaan mong pinaghintay mo ako sa greenbelt. Hindi mo ako sinipot. You didn't even explain yourself para sa kagaguhang ginawa mo.
Rico: Sinabi ko bang sayo ako naiinis?
11:32pm
Jhing: Ako dapat ang nabubwisit sayo!
Jhing: Eh di kanino dapat?
11:35pm
Rico: Hahahahahahahahahaahhahhahahahahaha
Rico: Galit ka na naman
Rico: Hahahahahahahahaha
Rico: Idadaan mo na naman ako sa galit
Seen 11:36pm
Rico: Tanong lang
Seen 11:37pm
Rico: Tutal nababasa mo naman to dahil panay ka seen, tanong ko lang kung bakit ginusto mo makipagkita sa greenbelt? Nakukusensya ka ba? Kasi napansin ko na kay Hans, nakipagkita ka tas sa akin hindi?
Rico: Okay lang na magkita kayo kasi marami kayong "shippers" di ba?
11:38pm
Rico: Sino ba naman ako di ba?
Rico: Makulit lang ako na ginagago ka araw araw
Rico: Stalker lang ako
Rico: Wala lang ako
Rico: Duwag pa ako
Rico: Mali mali mga desisyon
11:39pm
Rico: Kaya galit na galit ka sa akin kasi napipilitan ka lang talaga makipagkita
Seen 11:40pm
Rico: Nung nagkita ba kayo galit ka rin sa Hans na yan?
Rico: Bakit sa akin ka lang naiinis at nagagalit?
Rico: Ang daya mo
11:40pm
Jhing is typing. . .
Rico: Ang daya mo talaga Jhing
Seen 11:41pm
11:44pm
Jhing: Wow.
Jhing: Dahil lang dyan?
Jhing: You're so immature, Jesus Crux.
Jhing: Hindi lahat ng bagay umiikot sayo.
Seen 11:47pm
11:48pm
Rico: Hindi mo kasi ako maintindihan
Jhing: Cause you're fucking confusing! And I don't know what's your damn point!
Seen 11:49pm
Rico: Hindi ka na mawala sa isip ko!
Seen 11:50pm
Rico: yun ang punto ko!
11:53pm
Rico: Naiinis na ako! Hinahanap hanap kita kahit dapat wala na at dapat tigil na!
Rico: Ginawa ko lahat para malaman ulit password nitong pesteng account na dapat hindi na kasi dapat magkagalit tayo. Dapat mainis ka sa akin dapat magalit ka sa akin.
11:54pm
Rico: Nasuntok pa ako ng mga tropa ko dahil kailangan ko raw tigilan tong kahibangan na to!
11:55pm
Rico: Sino ba naman kasing adik ang araw araw mag oonline para sa isang babaeng sa online lang niya nakilala?
Rico: Sino bang adik ang araw araw mangungulit sa babaeng masungit at panay seen lang ang alam?
11:56pm
Rico: Sino adik ang mag eeffort sa babaeng binabalewala lang siya o yung apektado sa galit ng babaeng yun na lagi namang galit sa kanya?
11:57pm
Rico: Sinong adik ang hihingi ng tulong na palitan pass ng fb account na isa lang naman ang kaibigan para hindi na lumala pa?
12:00am
Rico: Sinong adik ang makikipag away para makuha ulit ang password dahil putek na hindi niya matiis yung kaisa isang kaibigan niya sa account na yun?!
12:02am
Rico: Shit na yan Jhing!
Rico: Adik na adik ako takte
Seen 12:07am
Rico: Tumigil ka na sa pagtakbo sa utak ko
Rico: Nakikiusap ako huwag kang dumiretso sa puso ko.
12:08am
Rico: Maraming masasaktan. Masasaktan si Bee. Masasaktan baby niya dito.
Rico: Masasaktan yung mga walang muwang sa mundo
12:10am
Jhing is typing. . .
Rico: Nagkabalikan na kami Jhing.
Seen 12:11am
Rico: Sorry. . .
--
Ang writer ng 23:11 ay si pilosopotasya. Ako. Ako po si Rayne. Babae. @ulaaaann sa twitter. @screenshots.ni.rayne sa ig. Pilosopotasya sa fb page.
11:11 - 11/11 update. :)
Punta po kayo sa page: fb.com/plsptsya (or click external link) and answer my question, para naman may regalo kayo sa akin! Hahahah :D
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro