Chapter Fifty-Three// Prom No More

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Christie's POV

Nasa harapan na kami nang malaking pintuan, bubukas muli ito pag nasa end na nang carpet ang sinusundan naming couple. Actually, kanina pa akong kinakabahan dahil magpe-perform ako ng isang kanta habang magdi-dinner ang lahat.

"You okay?" Biglang tanong ni Dustin sakin. I looked at him in the eye and gave him a smile, a nervous one.

"Just a little nervous," I said tapos napalaro sa fingertips ko gamit ang free hand ko sa kamay kong nakalink sa arms ni Dustin. "Yep, I'll be fine." Pagco-convince ko pa sa sarili.

I heard him let out a chuckle kaya agad ko siyang sinamaan nang tingin.

"Are you making fun of me?" Medyo naiinis kong tanong sa kanya.

"No, ang cute mo lang kasi." Nakangiting sagot naman ni Dustin. He then touched my hand with his free hand and lightly squeezed it. "Don't be nervous, I know you'll do great tonight." He said, reassuring me with his ever smiling face.

Nakatitigan naman kaming dalawa at saktong bumukas ang pinto for the venue of our prom. Lights blinded me for a bit at nung naka-adjust na ako, agad namang inayos ni Dustin ang sarili.

"Let's go, my princess?" He asked. I just laughed at him before answering him with a nod.

As we walked down on the red carpet with enchanting music's on. Ang kaninang mga palakpak nang mga estudyante ay nagsitigil. They just looked at us, stunned. Tila nakakita nang multo.

"Don't mind them." Bulong ko kay Dustin. Baka kasi ma we-weirdohan siya sa pinapakita nang mga students.

"I don't, alam ko naman kung bakit sila magugulat." Sabi niya naman.

"And why is that?" Tanong ko naman, "Because of you?" 

Muli siyang napatawa bago niya akong nilingon, "Aside from the fact na ngayon lang muli kaming nakita nang mga taga-Brooke, I bet they're shocked to see me with you. Because you're so beautiful tonight." 

Hindi ko napagilang mapangiti sa sinabi niya at agad na iniwasan ang kanyang tingin dahil randam na randam ko na ang pamumula ko sa mukha.

"Bolero." Sagot ko nalang, which made him laugh.

We're at the end of the carpet at agad din kaming nakapunta sa designated table namin, since nasa front kaming makakaupo dahil may gagawing speech mamaya si Chloe. Umupo agad kami ni Dustin (obviously, with his help) para mas kumportable kaming makapag-support sa dalawang partners na natira. Matapos akong tinulongan ni Dustin umupo, umupo na rin siya at napa-ngisi nang masama.

"Hoy, ba't ang sama ng ngiti mo ha!" Pabirong suway ko sa kanya. I'm not gonna lie, I'm 100% sure kung ba't ganyan siya maka-asta.

"Excited na ako kung anong kaguluhan ang gagawin nina Angelo at Louise." Sabi niya at napatawa pa.

Napatawa rin ako nang masama at tinignan ang pagbukas nang main door to reveal Angelo and Louise. Kung ang kanina, tahimik lang ang crowd. Ngayon, literal na naka nga-nga halos lahat. Nakita kong napa-irap si Louise tapos tinignan si Angelo na may playful na smirk.


Louise's POV

"What's with that expression?" Pagtataray kong tanong.

"Nothing, can't believe you're my partner for tonight." He replied. 

Naguluhan naman ako nang bigla niyang tinanggal ang naka-link naming braso then he held my hand before he gave it a light kiss. The crowd then gasped loudly from what they've witnessed.

"But I prefer it'll last for a lifetime."  Dagdag niya at muling binalik ang pagka-link ng arms namin.

THIS DUDE AND HIS CONFIDENCE!

"It won't happen kung ipagpatuloy mo pa yang pagka-opportunistic na attitude mo para maka-score sakin." Pagtataray ko muli at siniko siya kaya naman napa-"oww" siya. "Tara na!" Dagdag ko at marahas na hinila siya para mag simula na kaming maglakad.

I kept on mumbling sa kaiinisan ko sa kanya habang naglalakad kami sa carpet pero ang asungot tila natutuwa pa.

"I'm sorry na, love." He said then lightly pinched my cheek.

"Love?!" In disbelief ko pang-sabi. THIS GUY! KONTI NALANG BAKA MASAPAK KO NA TALAGA 'TO!

"Kilig ka naman." Pang-aasar niya kaya muli ko siyang siniko sa kaiinisan ko.

I didn't noticed na nasa end na kami nang carpet at pinapunta na sa table kasama sina Christie at Dustin na grabe ang tawanan.

"Ang saya niyo rin e no?" Asar kong sabi at nagmadaling umupo. Angelo tried to be a gentleman pero agad ko siyang pinigilan. "Oopps! Kaya ko na 'to." Sabi ko sa kanya, yung mga kamay ko nasa chest area niya.

Bigla naman niyang pinatong ang mga kamay niya sa kamay kong nagpigil sa kanya tapos nag smirk.

"You can touch me all you want." Seryosong sabi niya and ends it with a wink.

Sa pagkaka-annoy ko, agad ko siyang tinulak nang marahas pero tinawanan lang niya iyon bago umupo katabi ko.

"Huwag kang tumabi sakin!" Inis kong sabi sa kanya.

"Di pwede, partners tayo tonight. E enjoy mo nalang ako." He said. So I just rolled my eyes on him then shifted my attention towards Chloe and Luke since open na ang door. They were smiling at each other and base lang sa mga body language nila, parang ang saya lang nila together like no one's around them.

I don't know why but seeing Chloe smiling together with Luke makes me happy too. She looks really comfortable around him and that's actually a good indicator that she trusts him.

Nagulat naman ako nang mag-hiyawan ang halos lahat nang mga partner nang mga dorm mates namin.

"BOSSING!" Hiyaw nila.

Nakita ko ring nagulat si Chloe tapos napatawa nang may binulong si Luke sa kanya.


Luke's POV

"Told you I'd make you a queen." Bulong ko kay Chloe na ikinatawa niya, "Tignan mo nga naman mga loyal subjects ko." Dagdag ko pa na mas lalong ikinatuwa niya at napasapak sakin.

"Ewan ko sayo!" Natatawa niyang sabi at kinalma ang sarili. "Tara na nga, baka mabugbog kita nang wala sa oras sa ka-cornyhan mo e!" 

"Yes, my lady." Pangbibiro ko muli kaya sinamaan niya ako nang tingin, pero halatang nagpipigil nang tawa.

While walking, nakangiti lang kaming dalawa since may mga photographers tapos itong mga kaklase ko sa Brooke, nagiging unofficial photographers din. Hindi rin nagpapahuli ang dorm 2 na partners nang mga kaklase ko noon sa Brooke.

"Napaka-supportive naman nila." Sabi ko naman.

"Smile ka nalang diyan, huwag ka nang magkumento." Sagot niya naman sakin then looked at me. "They obviously want the picture of the queen kasama ang servant." Pang-aasar niya.

"Me? Servant? More like, your King. My dearest, Queen." 

Muli siyang napatawa sa sinabi ko. "Stop, napaka-cringey na." Sabi niya in between her laughs.

"Hindi ako papayag na servant lang ako no! Kung di mo yun kinumento, edi tumigil na sana ako." 

She just giggled tapos napatingin sa side bago naging seryoso ang mukha niya. Agad na tumingin si Chloe sa harapan at hindi na muling tumingin sa area sa side ko kaya napatingin din ako kung ano ang dahilan kung bakit lumabas ang President Chloe persona niya.

Nakita ko si Benj na masama ang tingin saming dalawa ni Chloe, kaya agad kong hinila nang marahan si Chloe para mas malapit siya sakin.

"What?" Litong tanong niya nung inintertwine ko ang mga kamay namin kahit naka-link na ang mga braso namin.

"Promise me na hindi mo hahayaang sirain ni Benj ang gabi mo. If hindi mo talaga kayang pigilan ang pagkaka-bad mood mo kung makikita mo siya, then use me as your shield." Seryosong sabi ko.

"Pano mo nalaman? About Benj?" 

Sht. Chloe's sharp, nakalimutan kong hindi pala kami ganun ka close pag nasa totoong anyo ko.

"Trust me, we know things. Lalo na't kay Benj." Palusot ko nalang. I just hope na confident ang pagkasabi ko para hindi siya magduda. 

Chloe then gave me a weak smile, "Thanks." Sabi niya.


Chloe's POV

The night went well. We enjoyed the performances, mga presentation from both schools, I also did my speech, dinner was really good, at ang ganda nang performance ni Christie; sa ganda nang performance niya, napatigil talaga halos lahat ng nasa venue sa pagkain at napa-standing ovation pa. Mukhang naging bonus factor ang talent ni Christie kaya siya naging Prom Queen with Jasper Cortez as the Prom King.

Kakatapos lang nang cotillion, which hindi kami parte kahit may partners kami tonight dahil di rin namin ang steps, and the stage is set para sa slow dance nang Prom Queen and King.

"Is this really n-necessary?" Nahihiyang tanong ni Christie samin.

"Sige na! Go! You are the prom Queen for pete's sake! So, yes it is necessary!" Pagsusupport naman ni Louise sa kanya.

Dumating naman sa tapat niya si Jasper at agad siyang inalok nang sayaw. Pero nagdo-doubt pa rin si Christie at napatingin kay Dustin? wHattT?

"Ok lang! Mabait naman yan si Jasper!" Pag-convince ni Dustin sa kanya.

"Are you sure? Ikaw yung part--" Christie na agad pinutol ni Dustin gamit ang hintuturo niya na nilapat sa labi ni Christie.

"It's fine. Don't worry about me." Nakangiti niyang sabi kay Christie bago tinanggal ang finger niya tapos tinignan si Jasper. "Huwag mong subukan, makakatikim ka sakin." Seryoso niyang sabi kay Jasper na ikinatawa lang nito.

"Grabe! Promise! Sa shoulders niya lang ako hahawak!" Natatawang sabi ni Jasper kay Dustin.

Umalis naman ang dalawa at nag slow dance, of course kineep ni Jasper ang promise niya kaya medyo nakakatawang tignan.

"Anong meron kayo ni Christie ha? Mag nobyo?! Over kayo ha!" Pang-aasar naman ni Louise kay Dustin pero tumawa lang siya tapos namula.

"OHHHHHH!" Sabay-sabay naming kantiyaw kay Dustin.

Matapos sumayaw nina Christie at Jasper ay open na ang dance floor para sa lahat. Agad namang hinila ni Angelo si Louise para sumayaw, si Christie at Dustin naman ay sabay na pumunta sa dance floor, kaya naiwan kaming dalawa ni Luke sa table.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo tapos inayos ang suit niya bago ako hinarap. He extend his arm then asked, "Can I have this dance?" 

I laughed at him but still held his hand, "Yes." I replied.

Pumunta naman kaming dalawa sa dance floor without breaking the eye contact and without letting go of our hands. We danced together with the slow-paced music, medyo nakakahiya nga lang dahil medyo ang lapit na nang katawan namin.

"You're turning red." Pang-aasar niya sakin kaya agad ko siyang iniwasan nang tingin.

"Ang lapit kasi." Awkward kong sabi.

"Gusto mong lumayo ako nang kaonti?" He asked, full of sincerity. 

Gulat naman akong tumingin pabalik sa kanya, "You're being serious?" Tanong ko.

"Yes, if uncomfortable ka, then ba't ko naman ipagpilit ang sarili ko?" 

Napangiti naman ako and then tighten my grip on my hands behind his neck.

"Nevermind." Nakangiti kong sabi.

We just gave each other a smile while dancing, in the middle of the song nilapit naman ni Luke ang bibig niya sa may tenga ko.

"Look at Louise and Angelo." Bulong niya tapos inalis na niya ang pagkalapit sa mukha niya. Napatingin muna ako sa kanya at sinundan kung saan siya nakatingin ang humaygoodness.

Louise and Angelo! 'tong dalawang 'to! Hindi talaga nagpapatalo sa intensity. Ang lapit nila sa isa't-isa! Magkalapit ang kanilang noo at mukhang nagyayakapan na silang dalawa.

Natawa naman kaming dalawa ni Luke nung nakita naming pumunta sa harapan nila sina Christie at Dustin na mayhawak-hawak na phone at kinunan sila nang litrato. Dahil dun, tsaka lang nila na re-realize ang ginagawa nila tapos nahiya sa isa't-isa.

I would say, this is a perfect night, too perfect but someone just had to ruin it all.

"YOU BITCH!" I heard Aprille's voice, nasundan ito nang gasp nang mga tao at agad na nagsi-alisan sa dance floor.

Agad kaming humiwalay ni Luke at hinanap si Aprille. There, I saw her holding an empty wine glass on her hand and Christie soaked with grape wine. 

"THE HELL?! APRILLE!" Sigaw naman ni Louise at tinulak nang marahas si Aprille palayo kay Christie. Halata ring natamaan si Louise sa splash nang wine dahil medyo nabasa rin yung gown niya, but not as soaked as Christie's.

Nagmadali naman akong lumapit sa kanila while Dustin gave Christie a handkerchief para punasan ang sarili at tinanggal niya rin ang suit jacket niya para ipasuot kay Christie.

"You ruined my night! This is supposed to be my night! Pero kinuha ninyo ang lahat na dapat sa akin!" Shouted Aprille.

Sumugod naman si Louise kay Aprille and knowing Louise, she's about to give Aprille a slap on her face.

"NO! LOUISE!" Sigaw ko.

Malapit nang masampal ni Louise si Aprille pero agad naman siyang nahila ni Angelo palayo.

"Let go of me!" Galit na pagpumuligas niya sa bisig ni Angelo, but Angelo's too strong for her kaya naiyak nalang siya sa inis at galit. 

Lumapit muna ako kay Louise at pinakalma siya. Alam kong nangigigil na talaga siya kay Aprille.

"Louise, calm down. Baka mapahamak ka pa dito." I said softly. She just sobbed tapos napatingin muli kay Aprille sa likuran ko na nagwawala rin but pinipigilan naman nang mga alipores niya at ni Benj.

"Walang ginawa si Christie e! Pero binastos niya! Binastos niya ang kaibigan natin, Chloe! I can't just stand here and let her be!" Maiyak-iyak na sabi niya sakin.

"I'll handle this, trust me. For now, kailangan kong umalis muna kayo ni Chris--" Pag eexplain ko na agad namang pinutol ni Louise.

"Alis!? No! That will never happen!"

"Louise, listen to me!" I shouted kaya napatahimik si Louise, "Kailangan kong kumalma muna kayo, kaya ipapalabas ko muna kayo dito. I can handle this, you know that I can. Trust me." I said sternly.

Tumango nalang si Louise kaya tinignan ko si Angelo, "Samahan mo muna siya." Utos ko kay Angelo na agad tumango at inilabas si Louise sa venue, with his arms still wrapping around her.

Nilapitan ko rin si Christie na nagpipigil sa iyak and Dustin na pinapatahan siya.

"C-Chloe..." Sabi niya nang makita ako bago nag break down, "H-Hindi ko naman siya inano, pero b-bakit?" She asked, still crying.

"She's just jealous." Mahinahon kong sagot. "Christie, I want you and Dustin out of the venue for a while. Don't ask, just do it. Okay?" Dagdag ko.

Tumango lang siya bilang sagot kaya agad na siyang inalalayan ni Dustin palabas, nakita ko ring sumunod ang ilang mga ka dorm mates ko na lumabas kasabay nila.

"THIS IS ALL YOUR FAULT!" Biglang sigaw ni Aprille sakin. She looked like a mess, sumabay ang eyeliner niya sa mga luha niya.

Napabuntong-hininga muna ako bago siya nilapitan.

"Ano naman ang ginawa namin?" Seryosong tanong ko. 

"Inagaw niyo ang karapatdapat ay para sa akin!" She cried.

Napairap nalang ako na siyang mas kinaiinisan niya lalo.

"Stop whining like child, Aprille!" Sigaw ko naman sa kanya, "Wala kaming inagaw sayo! And besides ano ba talaga ang inagaw namin? Are you mad over a freaking crown?! Pagbilhan pa kita kahit ilan pa ang gusto mo! Pero sana naman hindi mo binuhusan si Christie over that petty issue! Our batchmates voted for her, so are the faculty and staffs. So wala ka dapat ikagalit dahil hindi rin naman namin yun kasalanan na si Christie ang mananalo!" 

"I hate yoouuu!" Aprille at akmang sumugod sakin pero nahila naman ako paatras ni, "Luke? You're still here?" Gulat kong tanong.

Nagalala naman siyang tumingin sakin tapos pinaharap ako sa kanya, both of his hands on my shoulders.

"Okay ka lang?" Tanong niya at tinu-turn pa ako side to side para e check-up niya. "Thank god!" He said then sighed in relief nang mapansin niyang walang nagbago sakin o sa damit ko.

"YAN! ISA PA YAN! INAGAW NINYO ANG ATTENSYON NANG P3 AT NANG BUONG TAO DITO SA PROM! Y'ALL JUST ATTENTION SEEKERS! MGA AHAS!" Pagsisigaw pa ni Aprille.

For real?! This is out of pure jealousy?! 

"Wala silang inagaw, Aprille. Pumunta kami dito on our own and it's not their fault they're such a stunner. Gusto namin silang tatlo, kaya kung magalit ka man, dapat sa amin ka magalit hindi sa kanila." Luke.

Nag-iba naman ang expresyon ni Benj na nakahawak lang kay Aprille, while napabagsak naman sa sahig si Aprille at umiyak nang umiyak.

"Huwag ka ngang maghimasok sa away nilang dalawa." Galit na sabi ni Benj kay Luke.

Napa-smirk naman si Luke tapos napamulsa.

"Sa lahat-lahat ng tao dito sa loob, sa iyo pa talaga yan nanggaling?" Luke asked, a hint of ridicule in his voice.  

Napakamao naman ang mga kamay ni Benj and then he gritted his teeth.

"Sino kaya sa 'ting dalawa ang unang nanghimasok sa away nilang dalawa?" Pangungutya ni Luke habang dahan-dahang humakba palapit kay Benj. "At least ako, harapan kong pinagsabihan si Aprille, walang halong panloloko." Luke added, then stopped in front of Benj.

Napansin ko ring pinaalis na nang iba pang mga taga-Brooke ang mga taga-Glamour sa loob. Yung mga kakampi ni Benj naman ay nasa likuran na niya, tapos yung ibang mga estudyante nang Brooke naman ay pinalilibutan kaming lahat.

"Sabihin mo nga, sino kaya ang unang nanghimasok?" Luke asked, challenging Benj.

Napa-smirk naman si Benj tapos napatingin sa paligid bago sinimaan nang tingin si Luke.

"Wala ka na dun." Benj at agad na sinuntok si Luke.

Nakipagsuntukan na rin ang mga kampon ni Benj sa mga nakapalibot sa min kanina. 

So this is Luke's group vs Benj's? 

Akmang pigilan ko naman ang away nila nang may humila sakin palayo, turn out to be Jasper.

"Huwag mong subukan! Baka matamaan ka pa!" Jasper.

Naalala ko naman si Aprille, baka nadamay din yon! Pero nakita ko naman siyang hinahatak palayo nang kasamahan ni Benj.

"Teka!" Sigaw ko kay Jasper kaya tumigil kami sa paglalakad palabas. "Mas lalong lalaki ang gulo pag hinayaan lang natin sila!" Sabi ko naman.

"Tinawag na ni Maybeline and Blaire ang mga principal, umalis kasi kanina. Tapos yung mga faculty at staff na naiwan ay nasa labas naman thinking you can handle what's happening here."

"Bakit? Anong nangyari sa labas?" Kinakabahan kong tanong.

Napakamot naman sa ulo si Jasper tapos napa-sigh.

"Nag away ang mga ka-dorm ni Aprille sa mga ka dorm niyo at ni Maybeline. Nagsabunotan sila sa labas. Kaya hindi na napansin nang mga faculty at staff na halos pumasok na ulit kaming mga taga-Brooke sa loob dahil napansin naming lumabas na ang mga naiwang babae sa loob at sinabihan kami na parang magbabangga na naman sina Benj at Luke." Sagot ni Jasper sakin.

"Pano sila Christie at Louise?!" Natataranta kong tanong at nagmadaling naglakad palabas.

"Chloe! Wait!" Paghabol naman ni Jasper sakin, "They're fine! Inilayo sila nina Dustin at Angelo." Dagdag niya nung nasa tabi ko na siya.

Napatigil muli ako at napa-sigh in relief.

"Do your best na mas less ang damage nang away dito." Agad kong utos kay Jasper, "Sasabihin ko na sa mga nakakatanda kung ano ang nangyayari dito sa loob." Dagdag ko.

Nag 'okay' sign naman si Jasper at tumakbo palapit sa nagbugbugan na mga taga-Brooke kaya ay lumabas na rin ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro