Chapter Seventeen// L & A

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Angelo's POV

"Dude! Grocery date?" Pang-aasar ni Dustin nung umalis na si Louise.

Tinulak ko naman siya ng mahina at napangiti.

"Dudeeee! You like her don't you?" Luke na may nakakaasar na ngiti sa labi.

"Guys, shut up." Natatawa kong sabi.

"Mag ingat ka Angelo! Mabuking pa tayo nito. Huwag mo munang halikan!" Dustin.

"I won't. Tara na nga!" Sabi ko at naunang naglakad patungo sa dorm.

Pagdating namin sa dorm nasa lounge na si Louise na may sinusulat sa list na ibinigay ko sa kanya kanina.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko in my girly voice.

Tumingin naman siya sakin then kela Luke at Dustin tapos nag sulat ulit.

"May kulang, dinagdagan ko lang." Sagot niya.

"Ok" Mahina kong sabi at akmang aalis na.

"Bilisan mong mag-bihis." Pahabol niya.

"Sure." Sagot ko at nagmamadaling pumunta sa kwarto para magbihis.

Habang nagbibihis ako pumasok na sila Luke at Dustin.

"Aba, pwede na sanang matawag na date kaso naka cross dress ka hahahaha!" Tawa-tawang sabi ni Dustin.

"Huwag kang touchy masyado ha!" Pag re-remind ni Luke.

Na chuckle nalang ako. "I really won't, that girl, she may be my type but hands off ako nun." Honest kong sabi.

Tumango-tango nalang sila Luke at Dustin. 


Louise's POV

After three minutes nasa lounge na si Angela.

"Tara na?" Pag-aya niya.

"Tara."

Sa Grocery...

"Oh! May less!"  Sabi ko ng makita ang squash. "Ito nalang yung bibilhin natin, Angie." Sabi ko kay Angela.

Hinawakan niya naman ito at sinuri ng mabuti.

"Huwag yan, panget ng quality." Sabi nito at nag hanap ng ibang squash.

"Luh, sayang yun!" Sabi ko nung nakalapit na ako sa kanya.

"Ang liit kaya nun, parang di ka naka less no'n." Pagdadahilan niya at umalis.

Napa buntong hinga nalang ako at sumunod sa kanya. Lumagpas na ang limang minuto naghahanap parin ng squash si Angela kaya ay tinapik ko muna siya.

"What?" Angela while still looking for the 'perfect' squash.

"Dito ka nalang muna, tapos maghahanap nalang ako sa ibang ingredients para mas madali ok?" Dahan-dahan kong sabi. Suntukin ko talaga to pag hindi nakinig!

Tumango lamang siya kaya'y umalis na ako para bumili. Mabilis kong nakita ang mga ingredients na nasa listahan. Nasa chocolate area na ako at nakita ko si Angela dun na may bitbit na basket.

"Finally! "Perfect" naba yung squash?" Sabi ko sabay air quote sa word na 'perfect'

"Huwag mo akong asarin." Sabi niya tapos kumuha na ng chocolate at ipinakita sakin. "Ito na yung chocolate." 

"Anong klaseng chocolate yan?" Tanong ko.

Nagtabi naman kaming dalawa at binasa ang nakalagay pero di namin maintindihan dahil japanese.

"Huwag na nga yan." Sabi ko kaya'y binalik ni Angela.

"Ah! Heto, dark chocolate." Angela sabay bigay sakin ng malaking dark chocolate. "Affordable pa yung price, sulit." Dagdag niya.

Tinignan ko naman yung price at napa thumbs up dahil mura nga para sa laki nitong chocolate.

"Tara na sa cashier, para naman may oras pa tayo sa pagluto." Sabi ko.

Aalis na sana kami ng may humarang kay Angela.

"Babe? Ikaw bayan?" Girl harang.

WHAT THE FU-- 

Gulat akong tumingin kay Angela na mismong gulat din.

"Ohmyghad." Sambit ko.


Angelo's POV

Sht sht. Ba't ngayon?! Pano niya ako nakilala?! 

"Babe? Ikaw ba talaga yan?" Massy, one of my ex's.

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya at kay Louise na para bang hindi alam ang gagawin.

"Ah, sorry. Never akong nagdate ng girl." Sabi ko sa pinaka babae kong boses tapos ngumiti.

Faq, this is awkward. Nag pout naman si Massy at napa buntonghinga.

"Ka hawig mo kasi yung Ex ko na biglang nawala." Sabi niya.

"Ah eh, sorry miss, pero mauna na kami. Bye." Sabi ko at tinulak si Louise palayo dun.

"What the hell was that?" Louise in a creeped out tone.

"Hindi lang ikaw ang nagulat no!" Naiinis kong sabi.

"Grabe! That gave me goosebumps." Sabi niya.

"Shut up!" 

Sa School...

Naglalakad na kami ngayon patungo sa dorm at si Louise naman mag mukhang baliw sa kakatawa tapos biglang titigil tapos tatawa naman ulit. I've had enough kaya'y tumigil ako sa paglalakad at sinamaan siya nang tingin nung lumingon siya sakin.

"What?" Natatawa niyang sabi.

"Stop it. Ang annoying mo." Sabi ko at naglakad muli.

"Nakakatawa lang kasi eh! Ang barako mo kasi! HAHAHAHA!" 

"Manahimik ka! Don't even dare share the incident sa dorm mates natin!" 

"E sa gusto kong e share!" Pang-aasar niya.

Nag action naman akong sumipa sa kanya kaya nagmamadali siyang tumakbo palayo sakin.

"BABE! AHAHAHA" Sigaw niya habang tumatakbo.

"LOUISE!!!" Sigaw ko rin at humabol sa kanya.

Pagdating namin sa dorm, agad naming na langhap ang amoy ng hapunan.

"Kain muna tayo bago magluto." Pagsusuggest ko kay Louise.

"Sure.." Louise at ibinaba ang mga groceries namin sa kusina. "...babe." 

Agad ko naman siyang sinapak ng mahina kaya ay tawa siya ng tawa. Pagdating namin sa dinner table abot langit parin ang ngiti niya kaya inirapan ko nalang siya.

"Anyare oy! Magmukha kang high jan!" Chloe to Louise.

Tumawa naman si Louise tapos umupo.

"May nangyari ba? Tuwang-tuwa si Louise tapos si Angela naman nakasimangot." Jenny, ka dorm mate namin.

"Wala." Sabay naming sabi ni Louise.

"Hala, may nangyari nga." Sabay sabi ni Melissa at Melanny, ang kambal sa dorm.

"Wala nga." Inis kong sabi.

"Promise guys! Wala talaga." Louise in her playful tone-- o baka sarcastic nga yun.

Since magkaharap lang kami ni Louise sa hapagkainan, sinipa ko siya para tumigil, nag peace sign lang siya at kumain na. 


Louise's POV

Pagkatapos naming kumain ng dinner dumeretso na kami ni Angela sa kusina at nagluto. Naging seryoso kami sa paggawa ng squash donuts dahil medj mahirap siya lalo na sa dough. Meaning, hindi muna ako nang-aasar kay Angie.

"May cookie cutter kaya dito?" Tanong ko habang chini-check ang mga tools sa kusina.

"Huwag na yan! Kahit na mag mukhang ewan tong donuts natin, ang importante ay ang sarap nito." Angela.

Nung natapos na kami sa dough niluto na namin ito at ang mga magaling naming dorm mates namin, puro kain sa mga bagong luto.

"Hep! Tama na nga yan! Mamaya na oy!" Suway ko.

"Mag me-melt pa kami ng chocolate para pang dip!" Angela.

"NICEEEE" Dorm mates.

Nang matapos na kami sa lahat-lahat sabay kaming kumain sa lounge at nag usap-usap.

"Wow! Amazing~" Erica habang kumakain sa donuts.

"Louise! Tama ka nga, hindi lasang squash." Christie.

Si Chloe naman nag thumbs up. 

"Ang sarap nito." Justine at nakipag appir kay Luke.

Masaya ang lahat, but I'm na mas masaya kami ni Angela dahil kami ang nagluto.

"Nice." Sabi ko sakanya.

"Cool." Sabi niya at nakipag fist bump.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro